CHAPTER 19
Rassia
"Anong mundo ba ito, Natalia? nasaan ba ako? nakita ko rin na dalawa ang buwan." tanong ko kay Natalia dahil hindi rin mawala sa isip ko kung nasaan ba ako.
Naglalakad kami patungo sa lagusan ng Arcadeya.
Ang siyam na Erenhal at ang Haring Drakkon ay sinamahan ako kung nasaan ang lagusan pabalik sa mundo ng Arcadeya, sa kontinente ng Vermeleyon.
Ang Arcadeya ay isang mundong bumabalot sa mga kontinente ng Vermeleyon, Nervales, Adamiyan, at Palazan, isang daigdig na puno ng hiwaga. Kung saan ako uuwi.
Sa ala-ala ng katawang ito, nalaman kong may apat na mundo,
Ang Gadesea, tahanan ng mga Diyos at Diyosa, kung saan naninirahan ang Great Goddess na minsang nagsumpa sa mga bampira. Naroon din ang mga Eternal Sovereign Spirit na natutulog at Animal Spirit na hinihintay matawag o ma-summon ng mga mage sa Arcadeya, ang mundong aking babalikan.
Ang Holmeia naman ay ang mundo ng mga ordinaryong tao, ang Earth, kung saan ako nagmula. Malabong babalik pa ako roon dahil mas gusto kong manirahan sa Arcadeya.
At ang Infernov… ang mundo ng mga demonyo. Marahil, doon nagmula ang nilalang sa loob ko.
"Rassia, alam kong apat lang ang mundong alam mo at iyon naman talaga ang katotohanan. Ngunit ang mundong ito ay… kami ang lumikha." ngumiti sa akin si Natalia habang hawak ang kanyang itim na pusa.
Nagulat ako sa kanyang mga sinabi, sobra nga talagang silang makapangyarihan sa inaakala ko. Ang ibang mga Erenhal ay naunang naglakad habang kami ni Natalia ay nagpapahuli.
"Huh? paano?" tanong ko.
"Pinag-isa namin ang aming kapangyarihan upang mabuo ito, isang mundong hinati sa anyo ng Arcadeya at Holmeia. Kaya kung ano ang kapaligiran ng dalawang iyon, ganoon din ang makikita mo rito." sambit ni Natalia habang hinahaplos ang kanyang itim na pusa.
"May naninirahan din ba rito, Natalia?"
"Walang ibang naninirahan dito kundi mga Erenhal at mga nilalang ng kalikasan. Pinahintulutan kami ng kanang kamay ng Great Goddess na likhain ito… dahil napatunayan din namin na wala kaming masamang hangarin."
Napakunot ako sa narinig. Hindi nga ata sila masama sa inaakala ko dahil pinahintulutan na ito ng mga matataas na nilalang sa Gadesea.
"Hindi ko maiwasan mamangha kahit nakakatakot ang paligid nang makarating ako rito. Dalawa rin ang buwan, Natalia."
"Kaya dalawa ang buwan dito, sapagkat ang isa ay mula sa Great Goddess. Mula roon, binabantayan niya kami, gaya ng pagbantay niya sa iba pang nilalang."
"Ang ganda ng mundong ito, Natalia. Mapayapa, ngunit ang mga hayop dito ay may kapangyarihang bumilis ng takbo..." natawa pa ako ng bahagya.
"Nakuha nila ang kakayahan na iyan sa sarili din naming kakayahan, Rassia."
Kaya rin pala may mga nagsasalitang kagamitan sa kastilyo dahil sakanila.
Tumingin ako kay Natalia, "Anong tawag niyo sa mundong ito?"
"Vlymir lang din, Rassia."
Hindi nagtagal ay tumigil na kami sa harapan ng napakalaking puno na pinalilibutan ng paru-paro. Napalunok ako, makakauwi na rin ako sa wakas. Paano ko kaya haharapin ang aking ama at paano ako gagawa ng kwento kung saan ako napunta?
"Come here, Little Red." sinenyasan ako ng hari ng lumapit sa kanyang tabi.
"Here," inabot ng hari ang isang gold na bilog na may butas sa gitna, maaari itong isuot sa kamay.
"Isa itong susi ng lagusan upang makapunta ka ulit dito. Ang susing ito ay hindi lamang papunta sa mundong ito, maaari ka nitong dalhin sa iba't ibang mundo o lugar."
"Oh, thanks." tinanggap ko ito at isinuot. Mukhang hindi ko na kailangan ng karwahe para makapunta sa iba't ibang lugar ng Arcadeya.
"But... how about you? anong susi ninyo kung ibibigay niyo ito sa akin?" taka kong tanong.
"We have a lot of keys, brat." singit ni Cassandra.
"But how this key works?" taka kong tanong at itinaas ang susi.
"Just say 'Zeravon Noktaynar' when opening the portal and think of the place you wish to go. The key will follow wherever your mind leads."
"... and 'Noravon Noktaynar' when closing the portal."
Zeravon Noktaynar? Noravon Noktaynar? sana lang ay hindi ko makalimutan ang mga katagang ito.
Maya-maya pa ay tinaas na ng hari ang kaniyang kamay na hawak ang kanyang susi ng lagusan.
"Zeravon Noktaynar kruz lumin."
Napansin kong natigilan ang mga bampirang nasa tabi ko at sabay na napatingin sa hari. Ang ilan ay ngumisi pa, habang ang iba ay bahagyang umiling na parang may alam na hindi ko alam.
Ngunit hindi ko na sila pinansin. Sa halip, itinuon ko ang aking pansin sa unti-unting pagbabagong nagaganap sa puno.
Dahan-dahan, nagliwanag ito na parang may buhay na gumigising sa loob ng kahoy. Kumalat ang liwanag sa mga ugat at sanga nito, hanggang sa ang buong puno ay tila binabalot ng isang misteryosong enerhiya.
Maya-maya, isang napakalaking bilog na liwanag ang unti-unting nabuo sa harapan ko, paikot, kumikislap, at humihigop ng hangin sa paligid na para bang may sariling mundo sa loob nito.
Ito na yata ang lagusan papuntang Vermeleyon.
"It's a bye then, brat. Take care of yourself." narinig kong sambit ni Dimitri.
"I wish I could stay with you longer, Rassia. You're so easy to talk to, it feels so nice. Take care of yourself always, Rassia. I will miss you." nginitian ko si Natalia nang marinig ko ang kanyang sinambit.
Naglakad ako palapit sa lagusan bago muling humarap. Isa-isa kong tiningnan ang mga Erenhal, tila inuukit sa aking alaala ang kanilang mga mukha.
Ngayong maaraw, mas lalong kapansin-pansin ang kanilang kaputian, na para bang hindi kailanman nahawakan ng init ng araw ang kanilang balat. Kumikinang pa ang kanilang mga pulang mata, mas malinaw at mas matalim sa ilalim ng liwanag.
Humarap ako sa kanilang hari at bahagyang yumuko, sapat upang ipakita ang aking paggalang. Kahit hindi ko sila pinagkakatiwalaan ay pinakitaan naman nila ako ng kabutihan.
Taas-noo akong tumingin sakanila.
"Salamat sa pagsagot sa aking mga katanungan tungkol sa aking kakayahan at kapangyarihan. Ngunit napagdesisyunan kong hindi ko na kailangan ng tulong ninyo, hahanap ako ng sarili kong paraan upang matutunang kontrolin ang aking mga kapangyarihan."
Bumuntong hininga ako at humarap sa kanilang hari.
"King Drakkon Vykar de Erenhal, First Emperor of Erenhal Sartorias and the one who united the Seven Kingdoms, I have said before that I cannot fully trust all of you.
And I still stand by those words. Nevertheless, it remains an honor to stand in the presence of the ancient bloodline of Erenhal. " yumuko akong muli.
"... Even if trust is something I cannot easily give, gratitude is something I cannot deny. I am thankful for allowing me to rest within your intimidating castle, for providing me with clothing, and for giving me food when I had none."
Nakita ko ang tinginan nila at muling tumingin sa akin.
"Despite its dark and fearsome aura, your home has still sheltered me when I had nowhere else to go. For that, I acknowledge your hospitality..." nakita kong natawa ang tatlong babae at si Cassandra ay umirap lamang.
Tumingin ako muli sa mga mata ng hari.
"I do not see myself returning to this world again. However, I will remain true to my word, I will not reveal any of your secrets."
"Little Red, do not let anyone learn your secret, especially do not reveal that you ever came here.
Carry it quietly. Bury it deep within your memory, where no one can reach it, no matter how much they search or question you.
And above all, protect yourself. Because the moment your presence here is discovered, it will no longer be just a secret, it will become a threat to your safety. " sambit ng hari.
Tinanguan ko lamang ito at ang iba pang mga Erenhal.
"Wait, brat. I must inform you that the time in this world moves faster. One day here is equivalent to three days in Arcadeya." narinig kong sambit ni Dimitri.
Fuck! ibig sabihin ay dalawa o tatlong araw na akong nawawala?!
"Sa loob ng portal, hindi mo mapapansin ang paglipas ng oras. But in reality, you will spend five days there before you reach Arcadeya..." dagdag ni Natalia.
So magiging almost 2 weeks na akong nawawala imbes na 1 day and 1 night lang?! yari ako sa erpat ko nito!
Bumuntong hininga na lamang ako dahil wala naman akong magagawa.
"I see… thank you. I will take my leave now. And as I have said, I will keep my promise. Farewell."
Tiningnan ko muna silang lahat bago tumalikod, inaalala ko ang kanilang mukha lalo na ang mukha ni Natalia. Still, I made a friend in this strange world...
Tiningnan ko rin si Cassandra ngunit umiwas lamang ito ng tingin.
Tumalikod na ako at dahan-dahang pumasok sa lagusan. Sobrang liwanag nito ngunit hindi ako nasisilawan. May mahika rin ata ito.
"Little Red… I believe fate will guide you back here one day. You will find yourself standing in this very place once more. Until then… farewell."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang huling sinambit ng Haring Drakkon. Alam kong nananatili pa rin ang kanyang paniniwala na ako ang tinutukoy sa propesiya na kanyang nakita, ngunit tila malabong mangyari iyon.
Hindi ko nakikita ang aking sarili na babalik pa roon.
Nang makapasok ako sa lagusan, isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin. Maya-maya pa, muli akong nakarating sa isang gubat, at doon ko napagtanto na ito na nga ang aking mundo.
Totoo ang kanilang sinabi, sa loob ng lagusan, hindi mo mamamalayan ang paglipas ng oras. Para bang ilang segundo lamang ang lumipas mula nang pumasok ako, ngunit narito na agad ako sa aking destinasyon.
Naglalakad ako habang suot ang itim na cloak na ibinigay sa akin ng mga Erenhal. Hapon at maaraw akong umalis sa mundo ng Vlymir, ngunit nang makarating ako rito, gabi na ang sumalubong sa akin.
Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid. Gayunpaman, hindi ito kasing dilim at kasing nakakatakot tulad ng sa mundo ng Vlymir. May kakaibang katahimikan dito, isang uri ng katahimikang hindi nakakapangamba.
Tumingala ako at tiningnan ang buwan. Isa na lamang ito. Ibig sabihin, nasa mundo na nga ako ng Arcadeya.
Bigla akong nakarinig ng kaluskos sa hindi kalayuan. Napalunok ako at agad na napatingin doon, handang mag-ingat sa anumang maaaring lumitaw. Ngunit laking ginhawa ko nang makita na isa lamang pala itong hayop, isa sa mga nilalang na alam kong sa Vermeleyon lamang matatagpuan.
Bumuntong-hininga ako nang malalim.
Mabuti na lamang at sa Vermeleyon ako napunta, at hindi sa ibang mga kontinente. Hindi ko alam kung ligtas ba ako roon, at hindi ko rin alam kung ano ang maaaring naghihintay sa akin sa mga lugar na iyon.
Sa di kalayuan, may naririnig akong alon, banayad ngunit tuloy-tuloy, na tila humahampas sa dalampasigan.
Don't tell me… malapit ako sa dagat?!
Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa naisip. Kung ganito ang paligid, ang ibig bang sabihin nito ay malayo ako sa Emberman? At kung ganoon… nasaan na ako ngayon? Malayo ba ako sa Quentior Palace?!
Sinubukan kong hawakan at inalis sa aking kamay ang susi ng lagusan. Itinaas ko iyon at inisip ang Quentior Palace, ngunit hindi ito bumukas.
Bigla kong naalala na may sasambitin muna bago bumukas ang lagusan.
Teka... ano nga ulit iyon?
Zero something...
Fuck! nakalimutan ko na! ano pang silbi ng susing ito?! wala na itong kwenta dahil nakalimutan ko na ang sasambitin!
Bakit ba kasi dito pa ako dinala ng lagusang binuksan ng Haring Drakkon?! sinadya niya ba na rito ako mapunta?! sana man lang ay sa Emberman niya ako dinala!
Napagdesisyunan ko na lamang lumapit sa dalampasigan. Ang hangin ay lumakas, at ang amoy ng tubig-alat ng dagat ang agad na sumalubong sa akin. Malamig, presko, at may dalang kakaibang katahimikan.
May mga alitaptap din na lumilipad at bawat isa ay kumikinang ng gintong liwanag na tila mga bituin na nahulog mula sa langit. Sa paggalaw ng mga ito, ang dagat ay nagmumukhang buhay.
I realized that I am here at The Sea of Luminara.
The Sea of Luminara is said to be magical. Its waters are believed to heal wounds. Ang mga alitaptap ay nagsisilbing mga tagapagbantay ng dagat ng Luminara, tahimik na nagmamasid sa bawat galaw at patuloy na nagbibigay liwanag sa gitna ng dilim.
Sobrang ganda ng dagat ng luminara. I think this will be my secret place whenever I want to get some fresh air.
Gusto kong maligo! Ngayon lang din ako makakaligo sa dagat. Kahit sa dati kong buhay, puro aral at trabaho lamang ang aking inaatupag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maliligo ako sa dagat!
Napangiti ako, I am so excited!
Tumingin ako sa paligid, tila walang ibang tao rito, lalo na't gabi na at tahimik ang buong dalampasigan.
Inamoy ko muna ang sariwang hangin, hinayaan ang malamig na simoy ng dagat na dumampi sa aking balat. Dahan-dahan kong hinubad ang aking itim na cloak, at pagkatapos ay ang aking itim na kasuotan. Ngayon ay wala na ako ni isang saplot, mabuti na lamang ay walang tao rito.
Dahan-dahan akong lumapit sa dagat at tuluyan ko nang naramdaman ang tubig ng dagat sa kauna-unahang pagkakataon.
Sobrang lamig! ngunit kasabay nito ay ang napakasarap na pakiramdam na tila bumabalot sa buong katawan ko. Para bang hinuhugasan ng dagat ng Luminara hindi lamang ang aking pagod, kundi pati na rin ang bigat ng aking mga iniisip.
Napangiti ako habang nilalaro ang tubig-dagat, hinahayaan ang malamig at banayad na alon na haplusin ang aking mga daliri.
Bigla ko ring naisip ang isang awiting paborito ko mula sa dati kong buhay. Mahinang pumatak ang alaala nito sa aking isipan, at sa gitna ng tahimik na dagat ng Luminara, sinimulan kong awitin ito.
"Hmm... Dear Lord, when I get to Heaven... Please, let me bring my man, When he comes, tell me that you'll let him in. Father, tell me if you can..."
Huminto ako sandali, hinayaan ang hangin na tangayin ang aking tinig, habang ang aking mga mata ay nakatuon sa kumikinang na tubig
"... All that grace, all that body... All that face makes me wanna party, He's my sun, he makes me shine like diamonds…”
Sa bawat pagdaloy ng aking awit, para bang ang buong paligid ay nakikinig, ang mga alitaptap ay mas lalong nagliwanag, at ang tubig ng Luminara ay bahagyang kumikilos na tila sumasabay sa aking tinig.
"Will you still love me, when I'm no longer young and beautiful?..."
"Will you still love me, when I got nothing but my aching soul?..."
Totoo ngang may hiwaga sa dagat ng luminara, pinagaan nito ang aking kalooban. Para bang hindi lamang ang aking katawan ang hinuhugasan nito, kundi pati ang mga sugat sa aking isipan at puso.
Matagal din akong naligo at naglaro sa dagat. Nang napagdesisyunan kong umahon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may marahang humawak sa aking bewang at naramdaman ko ang mainit na hininga sa aking leeg.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, tila biglang nawala ang ingay ng alon sa paligid ko.
Sa likod ko, ramdam ko ang matipunong katawan na dumikit sa akin, sapat para hindi ako makakilos.
Ang init ng kanyang paghinga ay gumagapang sa aking balat, na nagpapakaba sa aking dibdib na lalo pang bumibilis.
Napalunok ako nang maamoy ang kanyang pamilyar na amoy.
"Hmm… what are you doing here, woman?"
Parang humigpit ang hangin sa paligid ko nang
marinig ko ang boses niya.
Ang boses ni Vincenzo.