Chapter 8
Kairi arrived at school earlier than usual, hoping na makasama si Miss Herrera nang silang dalawa lang. Nang magkaayos sila ni Miss Herrera kahapon, muling bumalik ang pananabik niyang makita at makasama ang guro. Ilang araw din niyang iniwasan ito.
Pagkapasok ni Kairi sa classroom nila, wala siyang nadatnan kahit anino man lang ni Miss Herrera. Wala ring ibang students bukod sa kanya. Disappointed, she went to her usual seat at the back. She laid her down, hoping to get a nap.
A few minutes later, she felt a finger poking her arm. She lifted her head to find Miss Herrera leaning on the edge of the desk beside her.
"Good morning, Kairi," she said, smirking. "Mukhang excited ka sa quiz today, ah?"
"Quiz?" Kairi sat up, panicking. "Miss, may quiz tayo?"
"Of course, may quiz. Didn't I mention it last week?" Miss Herrera said, raising her brows.
Dahil walang bakas ng pagbibiro mula kay Miss Herrera, agad na inilabas ni Kairi ang libro niya at sinubukang hanapin kung anong huli nilang topic at kung anong page na sila. Pero kahit isa isahin niya pa ang bawat pahina sa libro, wala talaga siyang idea.
Tiningnan niya si Miss Herrera na kababalik lang sa kanyang desk sa harapan.
Ayos lang sa kanyang malaman ni Miss Herrera na nakalimutan niyang may quiz sila pero ang tungkol sa kawalan niya ng idea sa past lessons?
Hindi na iyon kaya ng pride niya, ayaw niyang ipaalam sa iba na this time, wala siyang alam.
Takot din si Kairi na bumagsak at hindi niya pa ito nararanasan. Kaya wala na siyang ibang choice kung hindi ang lumapit kay Miss Herrera.
"Miss, ano po pa lang topic?" she asked shyly.
"You'd know if you weren't avoiding me," pang-aasar ni Miss Herrera kay Kairi.
Kairi groaned, choosing to ignore the comment. "Miss, please. Just tell me."
Miss Herrera finally gave in, giving Kairi the topics for the quiz. As Kairi returned to her seat, Miss Herrera watched her with a knowing smile.
"You're something else, Miss Ferrer."
Nakatutok si Kairi sa notebook niya, pilit na binabasa ang mga nakasulat sa libro habang ang mga kaklase niya ay isa-isa nang pumapasok sa classroom. Nakikita niya silang nagre-review, seryoso sa mga hawak nilang reviewers. Nag-pa-panic na naman siya dahil alam niyang hindi siya prepared.
"Alright, class," pagsisimula ni Miss Herrera mula sa harapan nang magsimula na ang time ng class nila. "You have ten minutes to review before we start the quiz. Make it count."
Bumalik na si Kairi sa pagbabasa, trying to absorb something—anything—before time ran out. Mabilisang review na lang ang ginagawa niya. Hindi na niya alam kung may naiintindihan pa ba siya pero bahala na.
After ten minutes, nagsimula na sila sa pag-take ng quiz.
Nang makakuha si Kairi ng test paper, agad niyang binasa ang mga tanong na may ilang identification at maraming essay.
Kairi's mind blanked. Some of the items seemed familiar, but her lack of focus in the past week left her clueless even after reading earlier.
Minutes passed at nagsimulang mag-ikot-ikot si Miss Herrera between seats. Huminto si Miss Herrera sa tabi ni Kairi at sumilip sa paper nito. Naramdaman ni Kairi ang presensiya ng guro kaya napalingon siya sa kanya.
"Miss, stop looking," bulong ni Kairi na mabilis namang tinakpan ang papel.
Miss Herrera gave a teasing smirk and addressed the class. "Class, read the items carefully before answering. Some of you seem to be rushing."
Kairi felt another wave of panic. Ako ba ang tinutukoy niya?
Muling binasa ni Kairi ang test paper, mula sa header nito hanggang footer. Pero wala naman siyang napansin na mali, maliban na lang sa mga sagot niya dahil hindi siya sigurado kung tama ba ang mga naaalala niya mula sa binasa kanina.
By the time most of her classmates had passed their papers and left, Kairi was still struggling. Only four students remained, and soon, she was the last one—the only student left in the room. Miss Herrera stood at her desk, arms crossed.
"Kairi, pass your paper now," Miss Herrera called out.
"Miss, please," pagmamakaawa ni Kairi habang binabasa ang mga sagot. "Just a few more minutes."
"No more extensions," Miss Herrera said firmly, though her tone remained light. "Come on."
Gusto pa sanang dagdagan ni Kairi ang mga sagot niya sa essay pero wala na siyang nagawa pa. Kinuha na niya ang bag niya at naglakad sa harap habang patuloy sa pagbabasa ng mga sagot.
Nang ipatong ni Kairi ang test paper sa ibabaw ng test papers ng iba, agad itong kinuha ni Miss Herrera at binasa. Tinakpan ito ni Kairi gamit ang mga kamay.
"Miss, huwag niyong basahin."
"Mababasa ko rin naman," Miss Herrera said habang inilalayo ang test paper ni Kairi mula sa mga kamay niyang nakaharang.
"Mamaya niyo na lang basahin, Miss."
Miss Herrera's brows lifted slightly, then she set the paper down with an amused expression.
"Relax, Kairi. Don't stress too much," Miss Herrera said, trying to calm Kairi down.
"Miss, hindi ako pwedeng bumagsak," Kairi said, not liking the thought of failing.
"It's just one quiz. Makakabawi ka rin. But next time, don't let anything distract you, okay?" Miss Herrera reminded Kairi.
Tumango lang si Kairi sa sinabi ng guro. Hindi na niya itinanggi pa na distracted siya last week dahil nga sa pag-iwas niya sa guro. Pinangunahan siya ng emotions and now, she's suffering from it. And she's never letting it happen again.
During lunch break, sumabay na ulit si Kairi sa mga kaibigan na ikinatuwa naman nila dahil alam nilang okay na ulit ang kaibigan kahit wala itong sinasabi sa kanila sa kung anong nangyari sa kanya noong nakaraang linggo.
"So, Kai, bakit ang tagal mo kanina sa quiz?" tanong ni Zoe nang may nang-aasar na ngiti. "Ikaw, ha? Talagang gumagawa ng paraan para makasama siya nang kayong dalawa lang."
Maya joined in, laughing. "Oo nga! Last week lang, iniiwasan mo siya ah. Bumabawi ka ba sa mga nasayang na oras?"
"Tumigil nga kayo," Kairi snapped, rolling her eyes. Masyado na ba talaga siyang obvious sa actions niya?
"Bakit nga kasi?" pagpupumilit ni Maya. "Share mo naman."
"Bakit ano? Bakit iniwasan o bakit natagalan sa quiz?" tanong ni Zoe, patuloy pa rin sa pang-aasar.
"Hmm...both na lang!" excited na sabi ni Maya at nakipag-high-five pa kay Zoe.
"Hindi ako nakapag-review para sa quiz, okay?" Kairi gave in para tumigil na ang dalawa at para mawala sa topic ang pag-iwas niya sa guro nila.
"That's a first," Zoe said, worried. "Bakit hindi ka naka-review? Kai, that's not you."
"Ano pa? Kasi nga may iniiwasan," pagsingit ni Maya. "At dahil iniiwasan, hindi na nakinig."
"Kumain na nga lang kayo," ang tanging nasabi na lang ni Kairi.
Hindi pa siya makapag-decide if aamin ba siya sa mga kaibigan niya na may gusto siya sa guro nila o i-de-deny mga accusation and assumption nila. For now, she's choosing to stay silent.
Hinayaan na rin naman siya ng mga kaibigan niya dahil alam na nila ang sagot sa marami nilang tanong. Gusto lang talaga nilang marinig ito mula kay Kairi na madalang lang magsabi ng tungkol sa nararamdaman at mga bumabagabag sa isipan.
Pagkatapos ng klase nila Kairi, agad niyang hinanap si Miss Herrera. Pinuntahan niya ang classroom ng last class ng guro, following her schedule posted outside the teachers' office. And there, she saw her teacher, alone. She knocked softly, stepping inside.
"Miss, pwede po ba tayong mag-usap?"
Miss Herrera looked up, surprised. "Kairi? Is everything okay?"
Miss Herrera could see Kairi's hesitation. Is she finally opening up? Sasabihin na ba niya kung bakit siya iniwasan ni Kairi? Kung anong dahilan ng behaviors niya?
"About the quiz," pagsisimula ni Kairi. "Have you finished checking it?"
Miss Herrera blinked, clearly thrown off. "I have. Bakit mo natanong?"
"Bumagsak ba ako, Miss?" tanong ni Kairi, inihahanda na ang sarili sa maririnig.
Miss Herrera sighed, her lips curving into a faint smile. "It's just a quiz, Kairi. Failing isn't the end of the world."
"So, I failed?" Kairi asked again, her voice rising slightly in panic.
Miss Herrera gave Kairi a reassuring smile. "You passed. But barely."
"Anong mali ko, Miss? Yung essay ba? Kulang ba? Or yung identification part? Lahat po ba mali?" Kairi's voice grew more frantic with every question, her panic growing.
"Kairi, calm down," Miss Herrera said gently. "Do you want to see your test paper?"
Napatigil si Kairi, pinag-iisipan kung gusto niya bang makita ang mga mali niya o hindi. Pero parang hindi niya kayang makita ang mababang score niya kahit pa pumasa siya. Alam naman niyang hindi niya nasagutan nang maayos ang quiz nila pero hindi niya pa rin mapigilang ma-disappoint sa sarili.
Her hands clenched into fists at her sides, kinakain na siya ng frustration at disappointment.
Finally, she shook her head. "Huwag na lang, Miss. Hindi niyo na rin po kailangang ibalik sa akin.
Napatingin si Miss Herrera sa mga kamao ni Kairi at napansin ang konting panginginig nito. Nakikita niya kung paano pigilan ni Kairi ang emotions niya, to keep her composure.
"Kairi," pagtawag ni Miss Herrera kay Kairi para makuha ang attention nito. "It's okay. This one quiz won't define your grade or your capability. Alam mo ba? You've been doing great in your assignments, recitations, and projects. Your overall performance is strong."
Kairi didn't respond, her jaw tightening.
"Look," pagsisimula ni Miss Herrera nang mapansing hindi pa rin kumakalma si Kairi. "Sometimes, we learn more from seeing where we went wrong than from getting everything right. Sa tingin ko, mas na-ba-bother ka pa about the fact na hindi mo matanggap yung pagkakamali mo kaysa sa quiz."
Kairi's fists loosened slightly. She blinked, staring down at the floor.
Tama si Miss Herrera. Hindi niya kayang tanggapin na dahil sa kapabayaan niya ay nakakuha siya ng mababang score sa quiz.
Dahil sa pag-iwas niya kay Miss Herrera, hindi na siya nakinig sa klase.
She let her unreasonable feelings get in the way of her studies.
"No one's perfect, Kairi," Miss Herrera added. "And you don't have to be."
Tumango si Kairi na unti unti ng kumakalma. Hindi niya maipaliwanag pero si Miss Herrera lang ang nakakapagpakalma sa kanya. Parang alam na alam ng guro kung paano siya protektahan sa magulo at komplikado niyang isipan.
"Miss Herrera..." Kairi whispered, almost uncertain. "Thank you."
Napangiti si Miss Herrera. "Anytime, Kairi. Now, are you ready to head out?"
Inayos na ni Miss Herrera ang test papers sa desk niya.
Kairi offered to carry Miss Herrera's things as they left the classroom together.
Walking side by side with her teacher now, the silence felt warm, and Kairi couldn't help but feel grateful, though it scared her how deeply she was falling for the person who made her feel this way.