CHAPTER 3 - First Sword

Pagkalapit nya sa lalaki astang isusuot nya yung collar ng biglang nagising yung lalaki, nagmulat ang mata at ganon na lang gulat ko ng umiilaaw ng iba't ibang kulay ang kaniyang mga mata!

pero ang nanaig na kulay ay kulay pula.

Napaantras ako. Hinawakan nya ang braso ni Akira namay hawak na collar at sinakmal ang leeg nya. "Ackkk! Helppp! Kuya!" pagpupumiglas ni Akira habang sinusubukan tanggalin ang kamay nung lalaki. Nagulat ako.

Tiningnan ko yung si Xenon at yung isang babae... walang pakialam lang silang nanonood, si Xenon blanko lang na nakatingin, samantalang yung babae mukhang na tutuwa pa dahil nagpipigil syang ngumisi, i clenched my fist.

Wala silang pakialam. Habang sakmal sakmal nya si Akira, tumingin sya sa direksyon namin---lalo na sa direksyon ni Xenon. "You fucking asshole where the fuck are my parents!!" Galit na sigaw nung lalaki at binalibang ang katawan ni Akira sa bakal ng kulungan, I gulped.

He's a beast.

Tiningnan ko si Akira, dumudugo ang noo nya bago nawalan ng malay. Xenon doesn't want us to tame him, he wants us to be killed.

Xenon is a fucking asshole.

Kahit parang sasabog na sya sa galit, hindi nya kami maabot dahil parang may kung anong barrier ang nakaharang sa amin. "As expected to the 1st prince of Lost Empire, He's strong. I'll make him mine..." Sabi nung babae sa gilid ko pinanood ko lang pumasok din ng kulungan.

I don't know why they're interested in getting him... He's... He's a beast! A monster!

Pagkapunta nya sa loob gumawa sya ng whip na gawa sa yelo at inihampas ito sa sahig, gumawa ito ng malaking crack, nahimatay si Akira kanina ng itinapon sya yung lalaking nagwawala, may dalawang taong naka itim ang kumuha sa kanya at inilabas sya sa underground prison.

Tiningnan ko si Fiona, Sinubukan nyang latiguhin yung lalaki pero nasalo nya ito gamit ng kamay.

Tiningnan nya ng malamig si Fiona, malamig na nakamamatay. "Just surrender, Your Highness Asher Curtis Emmanuelle... You're not a prince in our territory," Nangaasar na sabi ni Xenon na nasa tabi ko.

"She's also an enemy. No, all of them are my enemy." Isip isip ko sa utak ko. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki.

Asher Curtis Emmanuelle? That's his name? Habang nanonood biglang may aura na nagpatindig sa balahibo ko, nangilabot ako saglit.

Tiningnan ko ng maigi si Curtis... Nagliyab ng apoy yung whip na hawak hawak nya at mabilis na kumalat yung apoy papunta sa kamay ni Fiona.

Nanlaki ang mga mata nya. Mukhang hindi niya inaasahan. "AHHHHHHHH!" Matinis nyang sigaw ng pumunta ang mga apoy sa kanyang kamay.

Ramdam kong nagbuntong hininga si Xenon at pinitik ang dalawang daliri niya. Saglit na nangunot ang aking noo. May puso naman pala siya. Tinulungan niya si Fiona.

Tumingin ako sa paligid... Kaming tatlo na lang ang natitira.

Ako.

Ang tarantadong kapatid.

At ang lalaking nagngangalang Curtis, naghihingalo na siya pero ang sama parin kung makatingin. Mas hihilingin mo pang mamatay kesa salubungin ang kaniyang mga mata.

Nawala si Fiona sa loob ng rehas, para bang nagteleport... Tiningnan ko yung lalaki, malamig siyang nakatingin kay Xenon.

Napatingin siya sa direksyon ko bago Nagsalubong ang kilay. Medyo nanlamig ako ng tingnan niya ako ng masama. What's with him?

Iniwas ko ang tingin ko. Napalingon ako sa direksyon ni Xenon ng kausapin niya ako.

Hinga malalim Navy... Kaya mo to.

Unti unting nawalan ng malay si Curtis kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Sobrang nakakatakot kasi ng aurang lumalabas sa katawan nya ehhh. Kahit ako na normal na tao, nararamdaman yung kapangyarihan niya.

Napatingin ako kay Xenon ng lumabas siya ng rehas at may binigay sakin. "Since your the only one left, I'll leave him in your care, sister." Nakangisi na sabi sakin ni Xenon habang may inilalagay sa kamay ko ang susi ng collar na isinuot niya kay Curtis. Namuno ang kaba sa sistema ko.

What?

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa tindi ng galit. Xenon is dangerous but that man is more dangerous.

Ibinagsak ko Curtis sa kama, pinagmasdan ko siya. Puno ng sugat ang katawan niya. Parang tinorture ni Xenon. Nagbuntong hininga ako. "Wesley, call a doctor" Mahinahon kong sabi. Pinabalik balik niya ang tingin sakin bago ang tingin kay Curtis na walang malay sa kama ko.

Hindi ko alam kung anong likido ang tinurok ni Xenon kay Curtis. Kanina pa siyang walang malay. At Malay ko ba mamayang lason pala, si Curtis na lang ang pagasa kong umuwi sa mundo namin. May alam siya tungkol sa mundo ng mga tao! Taong kagaya ko! Hindi siya pwedeng mamatay.

(T__T) - me crying inside.

That damn Xenon. He's killing me. "Sige po!" sagot niya habang tumatango. Tumayo na siya at nagbow bago patakbong umalis.

Dinadampian ko ng basang tuwalya ang noo ni Curtis. Nakahiga parin siya sa kama ko hanang ako naman ay nakaupo sa gilid. Bigla siyang inatake ng lagnat. Ang iniisip ko dahil malma ang mga sugat niya pero---

Tingin ko may kinalaman yung tinurok ni Xenon kaya hindi humupa ang lagnat niya.

Habang nagpupunas ng katawan niya, napatingin ako sa kaniyang dibdib. Walang siyang pangitaas dahil halos binalot na ng puting bandage ang katawang niya pero meron naman siyang pantalon!

Nangunot ang noo ko ng makitang dumudugo na naman yung sugat niya. Kapapalit ko palang ng bandage kanina, hindi ko alam kung bakit hindi tumigil sa pagdurugo. Marahan ko itong tinanggal, kailangan kong palitan ng bago.

Habang kinakalikot ang bandage niya nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang aking isang braso. "Y-you.. You!" naghihirapan niyang sabi habang namumula ang mata sa galit. Nagpumiglas ako. Ang sakit ng pagkakapit niya!

Hinablot ko ang kamay ko mula sa kaniya pero hindi siya bumitaw kaya nung tumayo ako nahulog siya sa pababa sa sahig. "I'm your savior" inis kong sabi habang umaatras. Napalunok ako ng sinuntok niya ang sahig gamit ang kaniyang kamao, basag ang tiles pero hindi nasugatan ang kaniyang kamay.

Nakaluhod ang isang tuhod niya habang matalim ang mga mata na nakatingin sakin. "What do you want from me?" Malamig niyang sabi sakin. Ang lamig ng kaniyang mga mata. Walang buhay.

Agad akong napalunok.

Wag kang matakot Navy.

Kaya mo 'to.

This is the first step.

Maliit akong ngumiti bago lumuhod para siya ay pantayan. "Fierce. Just my type." Mahina kong bulong habang hawak hawak ang kaniyang baba. Agad naman niya itong tinanggal bago mas lalo akong tiningnan ng nakamamatay.

Wala siyang tiwala sakin. I can't just say I'm not the third princess of the dark castle. He can use that as my weakness. Even if I don't like Hestia's personality, I must imitate her actions.

Umupo ang sa gilid ng kama. Kahit malakas siya, hindi niya ako magagawang saktan. Bakit? Nahihirapan na siya, ako lang ang kaniyang maaasahan. I secretly smirk. Nilingon ko siya na nakaluhod saking harapan. "My brother said I can do everything I want with you." Panimula ko.

Kahit nahihirapan, unti unti siyang tumayo. "Collecting handsome men has always been my hobby." tiningala ko siya habang sumisipsip ng tsaa sa tasa na kinuha ko sa gilid ng mini table. "But... I've grown bored. All men that I met... They're just pretty faces with no brains or talent,"

His expression soured.

I remain grinning.

Nangangawit na ang ngala ngala ko. Ang tagal nya mag-react.

He's just staring at me like I've grown mad or something.

Fuck this, I want to go home.

Tumawa ako, ng mapang asar syempre.

Muli ko siyang tiningnan. "You're right. You don't have a choice..." Tumayo ako.

Hanggang balikat niya lang ako. Nagcross arms ako bago kinagat ang ibaba ng aking labi, nakatingin sa kaniyang malamig na mata. "Cause from the beginning to end, you're at my disposal." I grinned, challenging his cold stare.

I have learned lately that Hestia is one of the most powerful figures here in the dark castle.

She can kill thousands with one move.

But I'm not her.

Most of all,

But I don't have her memories... I have her skills. Her abilities. I don't know how to use her powers.

Marami siyang kaaway.

Ni hindi pa niya kasundo ang kaniyang mga kapatid.

Hindi ko sila magagawang labanan ng mag-isa at walang proteksyon.

Tiningnan ko ang mata ni Curtis.

Ginto na may halong pula. It's beautiful. Walang buhay kung tingnan pero napakaganda.

Asher Curtis Emmanuelle... You will be my first sword.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.