CHAPTER 13 - Rebellion of the Sword

Pero bakit parang nasasaktan si Hestia kung sya naman pala ang rason sa lahat ng ito?

Tok! Tok! Tok!

Pilit kong inaalis sa isip ko ang panaginip na 'yon, pero masyadong malinaw ang bawat detalye. Sigurado ako hindi lang iyon basta panaginip. Memorya iyon ni Hestia. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit. Dahil ba inisip ko si Adelion kaya ko napanaginipan ang nakaraan nila?

At bakit ako nagising na may luha sa mga mata?

Bakit pakiramdam ko, nasasaktan si Hestia gayong siya naman ang nagpahirap sa kanya?

Anong klaseng ugnayan ang meron sila na hindi ko pa alam?

Inilapag niya ang kahon sa kama at binuksan ito.

Isang set ng hunting gear.

Pero hindi ito basta-bastang kasuotan. Itim na leather corset ito na may mga detalyeng ginto, kapares ng tight-fitting trousers at matitibay na boots na hanggang tuhod. May kasama rin itong mahabang kapa.

Natigilan ako. Ito ang suot ni Hestia sa panaginip ko. Ang kapa, ang metal na detalye... Hindi ako pipwedeng magkamali.

Nawala ako sa pag-iisip ng muling magsalita si Wesley.

Doon ako lalong kinabahan.

Rank 2 si Hestia?

Ibig sabihin, inaasahan ng lahat na magaling ako. Na may kapangyarihan ako.

Tila may nagliwanag na bumbilya sa isipan ko.

My first sword.

He's a perfect asset.

Habang nakatitig sa labas ng bintana. Naalerto ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto---walang tao.

I brushed my hair in annoyance. Hinagilap ko siya sa buong mini castle ko, at sa huli, nakita ko rin ang bwisit. Saan pa ba? Edi sa labas ng kastilyo ko!

Nakahilatay siya sa isang napakataas at makapal na sanga ng matandang puno sa backyard. Naka-krus ang mga braso niya sa dibdib habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko kawari kung tulog ba talaga sya. Nakasuot siya ng itim na shirt na lalong nagpapalitaw sa maputi niyang balat.

I crossed my arms. "Hoy! Bumaba ka diyan!" sigaw ko mula sa ibaba.

Hindi man lang siya gumalaw. At ang kapal ng mukha, inutusan pa ako. "Leave," his voice was deep, husky, and full of irritation.

Unti-unti niyang iminulat ang isang mata niya, at tiningnan ako nang malamig mula sa itaas.

"If you don't come down here right now, I'll—"

Fine! Kung ayaw niya, edi 'wag! I don't have time to deal with his attitude.

Padabog akong naglakad paalis. Hahanap na lang ako ng iba. Baka si Koa, at least sya madaling kausap! Nakatatlong hakbang pa lang ako papalayo nang biglang umihip ang isang napakalakas na hangin.

Napasigaw ako nang maramdaman kong may humila sa bewang ko. Parang may invisible force na pwersa na bumuhat sa akin mula sa lupa! Ang bilis ng pangyayari!!! in just a blink of an eye, I was floating upward!

This man is full of tricks! his powers was sealed but he still manage to use some of its amaount!

Bago ko pa maproseso ang nangyayari, bumagsak ako sa isang matigas na bagay. Napadaing ako. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at halos tumigil ang paghinga ko nang ma-realize kung nasaan ako.

Nasa taas na ako ng puno. At nakadagan ako sa matipunong dibdib ni Curtis.

Sinalo niya ako nang walang kahirap-hirap. He was staring at me, blankly. Nakahiga siya ngayon sa sanga habang ako ay nasa ibabaw niya.

Napasinghap ako nang isandal niya ang likod ko sa matigas na katawan ng puno. He trapped me between his arms, his handsome face just inches away from mine.

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya, making me press my back harder against the rough bark of the tree.

"You're the Third Princess. You're supposedly powerful enough to get whatever you want. bakit mo pa ako kailangan? you can't catch demons without my help?"

he whispered in my ear while tucking some of my hair strands across my face.

Nanigas ako. Shit. Ang talim talaga ng utak ng lalakeng 'to... Hindi uubra sa kanya ang puro ganda at maldita effect lang. Kailangan ko ng rason na kapani-paniwala! Rason na babagay sa malanding ugali ng totoong Hestia!

Saglit na natigilan si Curtis. Kumunot ang noo niya, naghihintay ng susunod kong sasabihin. Pinilit kong pakalmahin ang nagwawalang puso ko.Humugot ng malalim na hininga, at tinaasan ko siya ng kilay.

Tinitigan niya ako nang malalim. For a few agonizing seconds, parang kinikilatis niya kung nagsisinungaling ako o hindi. Ngunit kalaunan, isang mapakla at malamig na tawa ang lumabas sa mga labi niya.

Binitawan niya ang mga braso ko at bahagyang umatras.

what?!

Bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya ako. At nang walang pasabi! tumalon siya pababa!

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.