CHAPTER 18 - Dangerous Game of Pretend
Nakasandal pa rin ako sa puno habang pilit na itinatalikop ang napunit na piraso ng tela sa aking sugatang palad. "Aray..." Mahina kong daing nang higpitan ko ang buhol sa aking kamay. Kumakabit pa rin ang hapdi ng hiwa mula sa dagger, pero mas napapaisip ako sa naganap.
Agad akong napatalon at mabilis na humarap.
Nakatayo sa harap ko si Curtis. As usual, his hands were in his cargo pants pockets, at nakatitig siya sa akin gamit ang mga mata niyang ginto na may bahid ng pula.
But there was something different in his gaze now...
his jaw was clenched, and his expression was far darker than usual.
Hindi siya sumagot. Sa halip, dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Bago pa ako makatras, mabilis na lumabas ang kamay niya mula sa bulsa at hinawakan nang mahigpit ang pulso ko dun mismo sa braso ng sugatan kong kamay.
He can detect if I get hurt? The binding gorget is insanely dangerous.
Lihim akong napalunok. "Nagasgasan lang ako habang naglalakad, okay?" Pilit kong ibinalik ang angas sa boses ko at pilit kong inilayo ang mukha ko mula sa napakagwapo niyang mukha.
Mew!
Napatigil kami pareho. Lumipat ang tingin ni Curtis mula sa mga mata ko pababa sa gumagalaw na bukol sa gitna ng jacket niya.
Naestatwa si Curtis sa ginawa ko.
Nangungot ang noo ni Curtis nang makita ang nilalang. "A Nine-tailed fox cub? A White Mage spirit beast?" Tumingin siya sa akin nang may halo-halong pagtataka at panunuya. "You saved a White Mage beast? The Third Princess of the Dark Castle?"
Tinitigan ako ni Curtis nang ilang segundo bago napairap at napapailing na tumawa nang mahina. "You truly have no fear, Nyx Hestia."
My cheeks blushed. He can say my name naman pala. T-Tskk.
BOOOOOOMMMM!
Biglang umalingawngaw sa buong kagubatan ang isang napakalakas at dambuhalang tunog ng trumpeta. Niyugyog ng tunog ang mga puno at naramdaman ko ang pagyanig sa lupa.
Ang hudyat ng pagtatapos ng Demon Hunt.
Nanlamig ang buong katawan ko. Oh shit.
Ibig sabihin, kailangan na naming bumalik sa Grand Hall. Lahat ng royalties, kawal, generals, at ang mismong Dark Lord ay magtitipon-tipon upang siyasatin ang mga nahuli sa kompetisyon.
Hinawakan niya ang dalawang gilid ng hood at inilapit ang mukha niya sa akin. "Hide the beast well. Because if Xenon or your Father detects a White Mage spirit beast on you... you won't just be losing a pet. You'll be executed as a traitor."
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa Grand Hall ng Dark Castle, salubong agad ang matinding tensyon sa hangin.
The hall was massive and intimidating. Nakatayo sa magkabilang gilid ang mga matataas na maharlika, mga kilalang lords, at matataas na kawal ng Dark Castle, lahat sila ay pormal at may seryosong ekspresyon sa mukha.
At sa pinakadulo, sa ibabaw ng mataas na platform, naroon ang Dark Lord. Nakaupo siya sa kaniyang itim na trono na hanggang ngayon ay nakatalikod parin, enveloped in that same suffocating dark aura.
Batay sa mga nabasa ko sa libro at sa napag-alaman ko mula kay Wesley, ngayong natapos na ang Demon's Hunt, gaganapin na ang offering ritual.
Dito ipiniprisinta ng bawat anak ng Dark Lord ang mga beast core na nakuha mula sa mga napatay na halimaw sa Forbidden Forest.
These beast cores directly absorb into and enhance the Dark Lord's power, kaya naman napakahalaga ng ritwal na 'to sa kaniya.
Nakatayo ako nang kalmado sa kalagitnaan ng bulwagan, habang si Curtis naman ay tahimik na nakatayo sa dulo malayo sa mga tao. Hindi ko sya nakikita pero ramdam ko ang presensya nya. I kept my outer expression completely cold and icy.
Pumwesto sa unahan ang herald para simulan ang offering sequence.
Unang humakbang paharap si Akira. Nagbaba ang servant nya ng isang sako na may laman na medium size balls na umiilaw. "I offer 50 beast cores, Father," maingat ngunit may pagmamalaki niyang pahayag. Ilang maharlika ang tumango-tango at namangha.
Pagkatapos ay lumapit na si Xenon. Mayabang ang kaniyang mga hakbang na ako'y dinaanan, at may malaking ngisi sa kaniyang mukha nang ipamalas ang kaniyang resulta. "167 beast cores," panimula niya nang may halakhak. Mas lalong umalingawngaw ang bulungan ng pagkamangha sa Grand Hall.
Agad na bumaling ang tingin ni Xenon sa akin. Inaasahan nya siguro na wala akong maipapakita o kaya'y ganap akong nabigo dahil sa patibong na inihanda niya sa akin. Malakas niyang itinanong sa harap ng lahat ang "What about you, Hestia?"
Sa isang iglap, ang lahat ng mata sa buong hall—ang mga nobles, ang mga kawal, sina Akira at Fiona, pati na rin sina Adelion at Zayair—ay sabay-sabay na bumaling sa akin.
Sa loob-loob ko, napailing na lang ako. Akalain mo nga naman, Xenon... I remained completely unbothered. Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo. I slowly walked in the center where they are offering their gift on the Dark Lord.
Kalmado at malamig kong inihayag ang aking kabuuang bilang, "344 beast cores."
CLANG! CLATTER! SWISH!
Isang bundok ng nagliliwanag, duguang crystal orbs ang biglang bumuhos at tumambad sa harapan ko. The raw energy radiating from them nearly choked the front row of nobles.
A deafening, absolute silence swallowed the Grand Hall. Xenon's smugness shattered like cheap glass. Akira and Fiona went pale.
Exact double of his record.
Lumapit sa akin si Curtis habang pinapahiran ang sariwang dugo sa kanyang pisngi.
Bumalik ako sa reyalidad at tiningnan si Xenon.
Lalong tumahimik ang bulwagan habang dahan-dahang tumayo ang Dark Lord mula sa kanyang trono, nakatalikod parin ito. Hindi nagpapakita ng mukha.
Wow. I feel special. Mga beast cores ko lamang ang binilang.
Ang boses ng Dark Lord.
Napayukod si Xenon, tiim-bagang na napaatras habang nakakuyom ang mga kamao.
Hindi ko tinanggal ang tingin sa Dark Lord. Unti unti na itong humarap sa amin.
Dahan-dahang bumaba ang tingin ng Hari sa akin. Ang mga mata niya... kaparehong-kapareho ng kulay asul na mata ni Hestia. Pero kamukhang kamukha ng Hari si Xenon. We could say that he was Xenon's Older Version.
"She really?"
"That's-That's impossible.."
Maliit akong ngumiti at yumukod nang bahagya. "Thank you, Father."
Nasa loob ako ng mini castle ko. Nakaupo sa gilid ng kama. Habang nakatitig sa lalaking walang malay. Tahimik ang buong silid nang maipasok namin si Koa. Nakahiga siya ngayon sa malambot kong kama, walang malay, at bahagyang nakakunot ang noo habang mabigat ang bawat paghinga.
Nakatayo lang ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Sa totoo lamang, hindi ko na alam ang gagawin... Alam na nya ang sekreto ko. Ang gulo-gulo ng utak ko.
Napatalon ako nang kaunti sa gulat nang marinig ang pamilyar at malamig na boses mula sa gilid. Paglingon ko, nakasandal si Curtis sa may haligi ng pintuan, naka-cross arms habang nakatitig sa amin.
Napaikot ang mata ko sa isip ko.
He knows my secret. Naisip ko habang nakatitig kay Koa.
'You're not her.' Alam niyang hindi ako ang totoong Nyx Hestia Alastair.
I can't let him out of my sight. Kailangan ko muna siyang ilapit sa akin para alamin kung paano siya patahimikin o kontrolin bago pa niya ako maipahamak sa buong Dark Castle!
Pero siyempre, hindi pwedeng iyon ang sabihin ko kay Curtis.
Inayos ko ang tayo ko, itinaas ang baba, at ipinakita sa kanya ang arroganteng ngisi.
Saglit na napatitig sa akin si Curtis. Mas lalong dumaan ang inis sa ginto at pulang mga mata niya.
Isang malutong na singhal lang ang ibinuga niya bago siya umiling at dahan-dahang tumalikod para umalis, iniwan akong mag-isa sa silid. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang paglayo ng mga yabag niya. Salamat naman at naniwala ang bwisit.
Nang makasigurong wala na siya, kinuha ko ang bimpo sa tabi ng mesa at dahan-dahang idinampi ito sa noo ni Koa para linisin ang pawis at dumi sa kanyang mukha.
Subalit bago ko pa man maitaas muli ang bimpo, mabilis pa sa kidlat na gumalaw ang kamay ni Koa.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang idilat ang kanyang mga mata puno ng matinding galit at pagiging alerto, at marahas na ibinaon ang kanyang malaking palad sa aking leeg!
Bumangga ang likod ko sa gilid ng kama. Napahawak ako sa magkabila niyang braso habang sinusubukang alisin ang mahigpit niyang sakal. Ang hirap huminga! Bakas sa mukha niya ang walang awang ekspresyon na para bang kalaban ang nakikita niya sa harap niya.
Kasabay ng malakas na kaluskos, bumukas ang pinto at pumasok si Wesley na may dalang maliit na planggana ng tubig. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang eksena at halos maibagsak ang hawak na planggana.
Hindi ako makapagsalita nang maayos. Ang mga daliri ni Koa sa leeg ko ay hindi lang basta nakahawak... madiin, matigas, at ramdam ko ang bawat pintig ng sarili kong dugo na nagmamadaling umakyat sa ulo ko.
Bago pa ako makabangon, ibinaba ni Koa ang kanyang katawan para ikulong ako sa pagitan ng kanyang dalawang kamay. Nakadagan ang bigat ng katawan niya sa akin, at ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin.
Mariin akong napapikit at humawak sa magkabilang braso niya, pilit iniiwas ang tingin habang mabilis na pumupukpok ang dibdib ko sa kaba. Navy, umayos ka. Kapag umamin ka rito, hindi lang kamatayan ang aabutin mo.
Isang mapakla at walang kaubog-ubog na tawa ang kumawala sa mga labi ni Koa. Hindi man lang siya natinag sa banta ko. Bagkus, mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukha.
Nabilaukan ako sa sarili kong laway. "I'm really your bestfriend! W-What should I do to make you believe me?" halos desperado kong tanong, sinusubukang panatilihing blangko ang mukha ko habang nagwawala ang sistema ko sa loob.
Tinitigan ako ni Koa nang matagal. Ang kanyang golden-brown na mga mata ay dahan-dahang bumaba mula sa mga mata ko patungo sa labi ko, bago huminto sa hunting gear na suot ko.
Dahan-dahan niyang inalis ang isang kamay sa kama at sinimulang alisin ang mga batones ng sarili niyang damit.
Wait... what??
Inihawi niya ang puting polo na suot niya, ibinubunyag ang matipunong dibdib na may ilang sariwang sugat mula sa Forbidden Forest. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Teka, teka... anong ginagawa ng lalakeng 'to?!