CHAPTER 3 PAGKIKITA
Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng nalaman kong buntis ako, at alam na rin ni Mama na buntis ako nung una nagalit siya pero unti-unti rin naman nya akong tinanggap buti hindi siya nagtatanong about sa ama nitong dinadala ko.
Dinaldal nga ako ni Liyah kung kilala ko ba ang lalaking naka one night ko, gwapo ba at may picture ba ako , pero umiling ako. Hindi ko rin kasi gustong sabihin kong anong pangalan ng Lalaking yun at wala rin akong picture sa kanya kahit isa.
At isa pa, ayaw ko siyang makita kaya kong palakihin mag-isa ang anak ko na walang kinikilalang ama ang bata dahil for sure, hindi nya ako pananagutan .
Yung nangyari , ay aksidente lang yun. Isang gabi lang 'yun.
Nagma-mall kami ni Liyah dahil na rin paghandaan namin ang mga gamit na maaaring magagamit ni Baby, like crib , diaper at etc.
"Ito, kasya to ng pamangkin ko" sabi ni Liyah at pinakita nya sa'kin ang damit na ang liit, pfttt. Ang cute ng damit
"Hindi pa natin alam anong gender ni Baby kaya Hindi na muna tayo bibili" napanguso siya sa sinabi ko at ibinalik nya ang damit.
Nasa kalagitnaan kami ng pamimili ng mga iba pang gamit ng biglang nagsisigawan ang mga kababaehan at nagtungo ito sa Entrance, kahit malayo kami sa entrance ay alam namin na doon nanggaling ang mga sigaw.
"Anyari kaya don?" Tanong ni Liyah saakin
"Bakit ako ang tanungin mo? Magkasama kaya tayo dito" sabi ko..
Hindi ko na 'yun pinansin ang mga ingay ng kababaehan dahil naka focus ako sa pamimili.
"Woahhh! Ang pogi "
"Nakita ko na rin siya sa personal, ang pogi pala pag nasa malapitan"
"My dream come true! "
"I can't believed na nakita ko na si Mr. Villamonte, sa Tv ko lang kasi siya nakikita"
Rinig kong mga tili ng kababaehan, nag-ingay na rin ang paligid pero wala akong pakialam sa paligid ko.
Hindi kasi ako sanay na sumiksik sa maraming tao at makipagchismisan at isa pa, hindi ko kilala yang Villamonte na 'yan.
At dahil curious tong Cousin ko ay niyaya nya akong tingnan kong sino ba ang dumating at anong itsura pero tumanggi ako dahil alam kong mahihilo lang ako pag nakipagsiksikan ako ron.
"Goshh Celestine!! Ackkk ang pogi beh! Makakalaglag ng panty" kinikilig na ani ni Liyah saakin nakita nya siguro ang Lalaki na pinagtilian ng kababaehan kaya ganon nlang ang reaksyon nya, napairap ako sa sinabi nya
"Wala bang garter yang panty mo kaya malaglag yang panty mo?" Seryoso kong sabi dahilan sinamaan nya ako ng tingin pero tumawa Siya ng napakalakas..
"Gaga! Baka gusto mong tingnan beh " umiling ako pero wala na akong magawa ng sinimulan nya akong hatakin palabas ng 'Baby's wear '
"Look ouh ang gwapo" sabi nya at itinuro nya saakin ang gwapong tinutukoy nya pero hindi ko makita dahil pinagkaguluhan ito ng mga babae, ang nakikita ko lang is ang mga buttler na humaharang upang maprotektahan ang kanilang boss at hindi basta2 malalapitan ng kahit sinong babae.
Patuloy silang naglalakad papunta sa direksyon ko, ayy sguro may bibilhin lang pero ang sosyal naman pag may kasamang mga tauhan dba?
"Nakita mo na?" Tanong niya
Umiling ako "hindi, napapaligiran eh" sabi ko
"Beh! Yung puso ko beh! Parang lalabas na, ackk papalapit sila saatin" feeling naman nito
"Papalapit lang pero hindi ka nyan papansinin" sabi ko at inirapan siya "kilala mo ba 'yang pinagkakaguluhan nila?" Humarap ako sa kanya, Tumango siya sa tanong ko at nagsalita na ikinakagulat ko
"Yes, He is Mr. Villamonte, Mr. Jayden Villamonte ang pinakamayan at pinakasikat na gwapo" sabi nya na ikinalakas ng tambol nitong puso ko.
This can't be! Nang tumingin ako kung saan ng pwestong nagkagulo ay Halos maestatwa ako ng nagtagpo ang aming mga mata ng lalaking pinagkakagulohan nila..
Parang nag slow motion ang lahat Habang nagkatinginan kami sa isa't isa kita ko pa kung paano gumalaw ang kanyang adams apple at ang seryoso nyang mukha ay nandito na sa pwesto namin.
Wrong timing, wrong day!
Napahaplos ako sa Manipis kong tiyan at hinarangan ko ito ng maliit kong bag upang hindi nya makita ang may umbok sa tiyan ko, what if malaman nyang buntis ako? Paano kung kukunin nya ang anak ko at ilalayo nya saakin.
"Okay ka lang? I think dito siya nakati—" Natauhan ako sa tanong ni Liyah saakin
"Uuwi na tayo" sabi ko at hinatak siya, nagreklamo pa siya dahil hindi pa kami nakakabili ng mga gamit ni baby
"Balik nalang tayo sa susunod" sabi ko at nagmamadali sa paglalakad.
"Dahan2 lang baka si Baby— mabilis kong tinakpan ang bibig ni Liyah kaya Hindi nya natuloy ang sasabihin nya.
"Asan kaba? Akala ko ba uuwi ka, hindi naman dyan ang daan palabas e" sabi nya.
"May isa pang daan dito" Sabi ko pero bago pa kami nakalayo ay napahinto ako sa paglalakad ng may mga buttler ang Humarang sa dinadaan ko.
"Excuseme" mahinahon kong sabi at akmang lalamapasan na sana sila ngunit hindi nila ako pinapadaan.
"Padaanin nyo nga ako, ang lawak ng daan ouh tapos paharang harang kayo " sermon ko pero hindi sila nakinig at nakatingin lamang sila sa unahan.
"Beh, huminahon kalang. Nandito si Mr. Villamonte sa likoran natin " bulong na sambit ni Liyah.
Nang lumingon ako sa likuran, sobrang lapit nga ni Jayden saakin. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango.
Pinanlakihan ko ng mata si Liyah ng nakita kong umatras siya pero kinikilig siya habang ngumingiti..
I sight at lalampasan sana si Jayden ng bigla nyang hapitin ang braso ko na naging dahilan upang hindi ko nabalanse ang pagkatayo ko kaya natumba ako..
Pero mga ilang segundo lamang ay hindi ako nakaramdam na bumagsak ang aking katawan at may naramdamanang malambot na bagay ang dumampi sa aking labi, dahan dahan kong iminulat ang aking mata at sa pagmulat ko ay mukha ni Jayden ang nasa harap ko at ang mga braso nya't kamay ay nakaalalay saakin upang hindi ako tuluyang malaglag.
Gosh! Naglapat ang aming mga labi!
Rinig na rinig ko ang bawat pagtibok ng puso ko na halos nagkarera na ito at gustong magwala.
Marahan ko siyang itinulak ng marealize ang mga nangyari, marami akong narinig na bulong-bulongan tungkol saakin dahil ang swerte ko raw na nahawakan ako ni Jayden.
"Sorry" paghingi ko ng paumanhin
"Be careful next time" Cold nyang sabi at sa isang iglap lang ay nakita ko nalang ang sarili kong bumaliktad ang aking tingin at hindi na ako nakatung-tong sa lupa.
At don ko napagtantong binuhat nya ako. Letche!
Hinampas hampas ko ang likod nya dahil hindi ko'to inaasahang mangyayari. Binuhat nya ako ng walang pahintulot.
"Thaliyahhh!" Sigaw ko at dito na rin nabuhayan ng kaluluwa sa Liyah.
Humarang siya sa dinadaanan namin "Hep! Hep!" Huminto sa paglalakad si Jayden " saan mo dadalhin ang cousin ko?"
"Can I borrow your cousin for a while? " Anong akala nya saakin laruan upang hihiramin?
"I'll Promise I will bring her back to you safely"
Umiling iling ako kay Liyah na huwag siyang pumayag pero nginitian nya ako
"Okay enjoy!" Sabi nya
"Ano!? Liyahhh!! " Sigaw ko ng nagsimulang maglakad si Jayden habang buhat nya parin ako.
JAYDEN! YUNG ANAK KO MAPIPISA
"Enjoy Cous! May pag-uusapan tayo pag-uwi mo" pahabol na sigaw ni Liyah at nakita ko pa itong nag flying kiss saakin.
Nang makalabas na kami sa Mall ay dahan dahan nya akong ipinasok sa magarbo nyang kotse nagtangka pa akong lumabas ngunit kinagat nya ang labi ko.
Letche! Baliw kana!
Nakita ko rin ang mga buttler nyang pumasok na sa kanya2ng kotse habang kami ay pinaggitnaan ang kotse nitong baliwng lalaking to.
"Behave or else you can't walk in 5 weeks" seyoso nyang sabi at marahan na sinira ang pintuan ng kotse, napalunok ako ng laway at tumabi siya ng upo saakin..
"Let's go" seryoso nyang sambit sa Driver nya at umandar na ang kotse.
"Saan mo'ko dadalhin?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot at nakatutok lang siya sa Iphone nya.
"Ihinto mo ang sasakyan Manong" sabi ko "mapagalitan ako kay Sir Ma'am"
"Wala akong paki! Ihinto mo. Kindnapped tong ginagawa nyo!" Sigaw ko kaya ramdam kong pinahinto niya ang kotse pero napaigting akong tumaas ang boses ni Jayden.
"Just fvcking continue Driving ! Or else mawawalan ka ng trabaho" seryoso nyang sabi kaya nakita ko kung paano natakot ang driver sa kanya.
Ako rin ay natakot sa ginawa nyang pagsigaw kaya hindi ako muling nagsalita pa at nanahimik nalang.
Tahimik ang buong byahe at kahit isa ay walang gustong bumasag sa katahimikan, Hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking Mansion.
Sinenyasan ni Jayden ang Driver nya na lumabas na at may pag-uusapan pa raw kami sa Loob ng Kotse..
"Are you okay?" Tanong nya ng makalabas ang Driver
"Hindi"
"Why? I am Sorry I didn't mean it to shout"
" Baliw kana "