CHAPTER 5 A WIFE

? I AM NOW A WIFE OF MILLIONAIRE. ?

" Mag kwento kana kasi, kumusta ang pagsasama nyo?" Ilang beses na 'tong nangungulit si Liyah saakin, naiirita na rin ako sa boses nyang panay tanong kung ano ba ang nangyari, anong ginawa namin ng Jayden na 'yun.

"Mag kukuwento ka o magkukuwento" umiling ako sa sinabi nya at bahagya akong napatawa.

"Ah, ayaw mo? Susumbong kita kay Tita" sabi nya na ikinalaki ng mata ko, kinuha nya ang phone nya sa bag at pinakita saakin ang number ni Mama.

"Isa" pagbabanta nya

"Dalawa" dugtong nya at inilapit ang kanyang daliri sa phone upang mapindot ito.

"Oo na, ito na" sabi ko

"Yeheyyy!!" Parang bata nyang sigaw at niyakap yakap nya ako.

Nakikinig lang siya saakin habang ikinukwento ko ang mga nangyari kanina, as in lahat-lahat.

Pati rin ang nangyari saakin kakagawan ng Mommy ni Jayden.

"So, ano pinermahan mo ang Marriage contract?" Tanong nya saakin.

Umiling ako "hindi, Hindi ko gagawin yun" dahil sa sinabi ko bigla siyang sumimangot

"Bakit? Cousss, halos lahat ng babae ay hinahangad siya.

Crush siya sa ibang mga kababaehan pati rin ako nag ka crush sa kanya, kung ako siguro ang nasa posisyon mo malamang sa malamang pinirmahan ko na 'yun.

Bukod sa gwapo siya beh ackkk! Ang sikat rin nya!

Pinaka sikat siya na Actor alam mo 'yun? "

Umiling iling nalang ako sa sinabi nya "alam mo namang may reason ako dba? Kaya Hindi ko 'yun pinirmahan at tyaka hindi ko siya tatanggalan ng karapatan sa baby dahil siya ang ama ng dinadala ko "

"Sabagay"

Hindi rin kasi kami bati ng Mommy nya kaya hindi ko magawang pirmahan yon. At bukod sa lahat mas gusto ko pa siyang kilalanin ng husto.

Pinagsabihan ko rin si Liyah na huwag mo nang sabihin kay Mama ang mga nangyari dahil alam kong mag-alala lang siya para saakin.

Niligpit na muna namin ang mga gamit namin at inilagay sa bag, malapit na kasing mag Alas-syete ng gabi kaya dapat na kaming pumunta sa pinagtatrabahoan namin..

Marami sigurong mga clients ngayon, nagpara muna kami ng taxi at pumasok na kami agad.

Alas syete mag-simula hanggang ala una ng madaling araw matapos

Hindi madali ang pagiging Call-center lalo na't wala kang tulog ng maaga, maaawa ka talaga sa sarili mo pag humarap ka sa salamin dahil mayroon kanang malaking eyebag at lalo na pag nag ka-client ka ng ang lakas maka-english, manonosebleed ka talaga.

Pagkapasok palang namin dito ay laat ng mga ka co'work ko ay nakatingin saakin na para bang nakakita ng multo dahil sa gulat na makita ako..

Anyari sa kanila?

Nakatingin lamang sila sa phone nila habang palipat lipat ng tingin saakin, at dahil chismosa tong cousin ko. Inagaw nya bigla ang phone ng babae at tiningnan yun..

"Ackkkkkk Cous!!" Sigaw nya na para bang walang bukas..

"Bakit?"

"Viral kana cous!"

"Famous kana " sabi ni Liyah saakin kaya Kinuha ko ang phone ko sa bag at inopen 'yun pero nagulat nalang ako ng andami ko ng natanggap na mga spam messages.

Pinamulahan ako ng makita ang mukha ko sa Cp, sa nangyaring eksena kanina habang nasa Mall.

At kitang kita rin don kung paano ako buhatin mi Jayden. Gags!!

Gulo lang talaga ang dala ng lalaking yun sa buhay ko.

Hating gabi pa lamang ay nakaramdam na ako ng antok at pagkahilo pero tiniis ko lang dahil may isa pang oras bago uwian.

As always, sabay kami ni Liyah.

Sumapit ang ala una na ay napagpasyahan na naming umuwi ni Liyah dahil sobrang antok na talaga, at uwian na rin. Naaalala ko Wala pala akong tulog kanina dahil sa nangyari.

Nag-abang muna kami ng taxi pero mga ilang minuto naming paghihintay ay walang taxi ang huminto, basta ganitong oras ay medjo wala talagang taxi ang padaan daan sa daan .

Napagpasyahan namin ni Liyah ang maglakad lakad muna at don nalang sa unahan mag papara ng taxi, kahit naka jacket ako ng makapal ay ramdam ko talaga ang lamig ng hangin..

habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay may magarbong kotse ang huminto sa harapan namin kaya napa hinto kami sa aming paglalakad.

Tinitigan lang naman ang salamin ng kotse habang unti-unti itong bumaba ang salamin .

"Get in ladies" malamig na sabi nya kaya hindi napigilan ni Liyah ang kurotin ako sa tagiliran at kinikilig siya

"Maglalakad nalang ho kami" hinapit ko si Liyah dahil papasok na sana siya pero pinigilan ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Pinanlisikan pa nya ako ng mata "nakakahiya Liyah, ano kaba" sabi ko at narinig kong bumukas ang pintoan ng kotse.

Nabigla nalang ako ng binuhat nya ako at ipinasok sa kotse nya na Walang pasalita-salita. Sumunod rin si liyah saakin at pumasok na..

Napairap ako ng mata dahil pangalawang beses na nya akong ginaganito. Imbes na inaantok na ako, nawala ang antok ko.

"Ang lalim na ng gabi, nagmamaneho ka pa?" basag ko sa katahimikan..

"I should the one who ask you that, bakit nasa labas pa kayo?"

"Nagta-trabaho po at pauwi na rin nga kaso dumating ka at nag bigay init ng ulo ko" sabi ko narinig ko pang mahinang humalakhak si Liyah sa likod, nasa harap kasi ako eh. Dito nya ako nilagay.

"Ano bang trabaho nyo?" Tanong nya

"Call center, sge layuan mo na ako dahil alam mo na ang trabaho ko, 'yun naman ang tingin nyo saaming mahihirap eh na parang Basura, dahil ba hindi nyo kami ka level?"

Sabi ko na ikinahinto bigla ng sasakyan nya "papalabasin mo kami dahil yun ang trabaho namin. Kaya mo inihinto ang sasakyan?" Sinamaan nya ako ng tingin dahil sa tanong ko

"You're wrong, I stop the car because I have something to tell you"

Hindi ako sumagot kaya narinig ko ang pag buntong hininga nya "from now on, I mean bukas hindi na kayo magta-trabaho" napalaki ang mga mata namin ni Liyah at hindi makapaniwala sa sinabi nya..

"Ano!?" —liyah

"Baliw kana ba?" — Ako

"'yun nga lang ang trabaho namin para matulungan ang pamilya namin Tapos Hindi muna kami papatrabuhin! Ang sama mong lalaki alam mo 'yun? Pati trabaho namin pinagkait mo pa"

Namalayan ko nalang ang sarili ko na umiiyak

"Hindi porket mayaman kayo, Basta-basta nyo nalang kami gaganunin. "

"I'm not done talking andami mo nang dada agad" sabi nya.

"Hindi na kayo magta-trabaho bukas dahil kukunin ko si Thaliyah bilang assistant ko 50k monthly at ikaw naman magiging asawa ko" sabi nya.

Naging emosyonal pa ako pero yun lang naman pala.

Wait..... Whaat?

Baliw na talaga siya!

Hindi makapaniwala si Liyah sa narinig namin at halos ako ay hindi rin makapaniwala sa inasta ng baliwng lalaking to..

"Ayoko lang kasing lumaki ang anak natin na walang kompletong Pamilya dahil layo tayo sa isa't isa at hindi nagkakasundo " sabi nya at ngumuso.

Dahil sa sinabi nya ay naaalala ko si papa, na sumama raw sa ibang babae dahil yun ang kagustuhan ng Mama nya.

Kaya nagtanin ako ng sama ng loob kay papa

Hindi siya tunay na Lalaki dahil sumama siya sa iba habang buntis si Mama, pero 'yun ang hindi alam ni Papa na buntis si Mama nung siya ay umalis.

Mali rin kasi si Papa eh, dahil kung mahal mo ang isang tao ay handa kang ipaglaban at harapin ang lahat ng pagsubok na dumating sa 'yong buhay ngunit Anong ginawa ni papa?

Hindi nya ipinaglaban si Mama!

"Talaga sir Jayden?" Masigla nyang tanong kay Jayden.

"Couss, kinikilig ako.. kilala nya ako" mahinang bulong saakin ni Liyah.

Malamang sa malamang makilala ka talaga nyan dahil may sulat ng pangalan mo sa Gilid ng uniporme.

"Are you agree Ms. Thaliyah?" Jayden asked at walang pagdadalawang isip na Tumango si Thaliyah

"But before that, convince your friend na pirmahan tong Marriage Contract"

"Hep! Cousss sige na"

Hndi ako sumagot at umiling - iling

"Please cous, para narin makapag pahinga na us at makauwi na". Nagpumilit si Liyah saakin at wala akong magawa kundi ang permahan yun..

At ngayon, I'm already the MILLIONAIRE'S WIFE

Ikinasal ako sa lalaking baliwng to.

Kasal sa papel.

Sobrang saya ni Liyah pagkatapos kong pirmahan 'yun at nakita ko pa ang pag ngisi ni Jayden..

Pero sana,

Sana tama tong naging desisyon ko.

Ang maging asawa ng milyonaryo at pinakasikat na lalaki.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.