CHAPTER 24 THE TRUTH

? THE TRUTH ?

★★ THIRD PERSON POV;

Nagdadalawang isip si Anne kung sasabihin ba nya kay Jayden ang kanyang mga iniisip patungkol kay Mattew.

Labis nya itong pinaghihinalaan dahil sa mga galaw nito at expression nito sa Mukha sa tuwing nakatalikod si Jayden sa kanya.

Naisip nya rin na baka ay may kinalaman si Mattew sa pagkawala ni Celestine.

Ngunit nagdadalawang isip siya na sabihin ito Kay Kayden dahil wala siyang sapat na ebidensya at baka yun pa ang maging dahilan mawalan siya ng trabaho at maging dahilan ng pag-away away ng magkakapatid, pero kapag 'yun ang ikabubuti na dapat nyang gawin ay wala na siyang pakialam na mawalan siya ng trabaho basta masabi lang nya ang masamang kutob nya kay Mattew.

" Okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Rachel, isa rin sa kasambahay.

Napansin nya kasing halos hindi mapakali si Anne, at halos kada minuto ay maging tulala naman ito.

"Ah oo " sagot nya.

"Sigurado ka? " Paninigurado ni Rachel.

Tumango lamang si Anne, mga ilang minuto lamang ay nagpapaalam na muna si Anne kay Jayden na umalis na at may bibilhin sa palengke.

Awang -awa siya sa Amo nya dahil halos wala itong pahinga at hindi kumakain sa tamang oras dahil kay Celestine na Hindi parin mahahanap kung sino mang Dèmony? ang kumuha nito.

Napailing-iling na lang si Anne sa sinapit ngayon ni Jayden dahil sa pinapabayaan nya ang kanyang sarili, kung Nag-alala si Jayden sa kanyang Asawa mas doble ang pag-alala ni Anne kay Jayden.

Dahil sa magiging bunga kapag sinabi nya kay Jayden ang napapansin nya kay Matt.

Naisip ni Anne na pagbalik nalang nya sa Mansion ay sasabihin nya kay Jayden ang mga hinala nya.

"Ate Anne" pagtawag pa sa kanya ni Rachel ngunit hindi siya nito narinig dahil nakasakay na at malayo na rin ang sinakyan nito.

Naiwan nya kasi ang Perang dapat pambayad ng pinamili kaya walang choice si Rachel kundi sundan si Anne.

Pagkarating ni Anne sa palingke ay namili na agad siya ng dapat nyang bilhin.

Nang matapos siya sa kanyang pinamili ay bigla nyang naaalala na hindi siya naka dala ng pera.

" Aling susan, pwede bang maiwan ko na muna sa'yo itong pinamili ko? Babalik lang ako sa Mansion ng Amo ko dahil naiwan ko ang pera" pagpapaalam ni Anne.

"Oh sge, maasahan mo ako "

"salamat ho, babalik rin ako agad. "

Habang nag-aabang si Anne ng sasakyan ay pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kanya o nakatingin.

Kinakabahan siya at hindi na naman mapakali, dahil hindi siya nagkakamali ng hinala na may nakaabang o nakatingin sa kanya.

Palinga-linga siya sa paligid at hinintay ang mga dadaan na sasakyan ngunit walang huminto o dumaan, pinauna nya kasi ang Naghatid sa kanya sa Palingke na driver nina Jayden dahil gusto nyang mamasahe nalang pauwi.

Naglakad lakad siya pauwi hanggang sa may napansin siyang nakasunod sa kanya kaya mas dumoble ang kanyang takot.

Binilisan nya ang kanyang paglalakad dahil alam nyang may hindi magandang mangyayari sa kanya kapag nag bagal siya ngunit sa hindi inaasahan may nakaharang sa kanyang dalawang tao na naka maskara.

Mabilis ang pangyayari bigla na lang siya nitong pinaslang ng tatlong beses at hindi rin siya nakasigaw dahil sa taong tumakip ng kanyang bibig bago pa ito sinaksak.

Napatakip ng bibig si Rachel ng masaksihan nya ang buong pangyayari, nanginginig siya at nagtago sa gilid upang hindi siya makita ng mga taong pumaslang kay Anne.

Gustuhin nyang humingi ng tulong ngunit hindi nya magawa dahil natatakot siya at hindi siya makagalaw.

Nakita na lang nya ang tatlong lalaking tumatakbo paalis pagkatapos nilang paslangin si Anne at masisigurado nilang hindi na ito humihinga.

Hinahanap nya kasi si Anne dahil Sinabi sa kanya ni Aling Susan na uuwi na muna ito dahil sa hindi nadala ang pera ngunit sa paghahanap ni Rachel Kay Anne ay ito ang makikita nya.

Nanginginig siyang kinuha ang Phone nya sa bulsa at dinial ang number ni Jayden, ngunit hindi ito sinagot.

Nakita nyang pumunta sa sulok ang Tatlong lalaki kaya wala siyang pagdadalawang isip.

Nakatalikod ang isang lalaki na hindi nya nakita sa pagpaslang kay Anne ngunit pamilyar ito sa kanya kahit ito'y nakatalikod.

Hindi siya gumawa ng ingay sa bawat hakbang nya para malaman kong sino ang taong nag-utos upang gawin yun kay Anne.

"Pakialamera siya kaya dapat lang nyang mamatay. " Rinig nyang sabi sa Lalaking Pamilyar.

"Ano bang pinakialaman nya boss?"

"Marami na siyang alam, nanghihinala na. "

Pagkatapos bigyan ng pera ang tatlong lalaki ay umalis na ito sa harap ng pamilyar na lalaki, tinitigan nya ito ng mabuti ay hindi makapaniwala ng makita nya ang mukha nito.

Dali-dali siyang umalis sa kanyang pinagtataguan ng nag ring ang phone nya mabuti nalang ay hindi naka full volume.

"Rachel napatawag ka?"

"Sir Jayden, patay na po si Anne ". Umiiyak na ani nito.

────

" Sir Jayden, nakita ko na lang si Anne na pinaslang ng tatlong nakamaskarang tao " umiiyak si Rachel habang nag explained sa nakita nya.

" But why? "

"May nagawa ba siyang kasalanan o may nakaaaway siya? "

Sunod-sunod na tanong ni Maurine ( Celes Mother ) at Jayden sa kanya.

" Sa tingin ko ay wala naman po dahil mabait naman si Anne " sagot ni Rachel.

"Bakit ba 'to nangyayari sa atin!?" Galit na Tanong ni Maurine sa kawalan at napayakap sa Asawa nito.

Hanggang ngayon ay wala pa rin silang mahahanap na bakas upang makita nila si Celes at tapos ngayon, pinatay si Anne.

"Andito po ba si Sir Matt?" Biglang Tanong ni Rachel kaya napatigil at napatingin sila nito.

"Why? He's not here. " Sagot ni Jayden kaya nakaramdam ng maluwag si Rachel pag sabihin nya ang nakita nya.

Na ang kapatid nya ang nag-utos na patayin si Anne.

Maraming mga bumabagabag sa utak ni Rachel ngayon, maraming tanong kung bakit pinatay ito at ano ang narinig nyang marami raw konong alam at mga hinala.

"Maniniwala man kayo o hindi sir Jayden pero nakita ko kung sino ang nag-utos na — "

Hindi nya natapos ang nais nyang sabihin ng biglang tumunog ang phone ni Jayden, tiningnan nya ito ang phone kong sinong mag message ngunit bigla nalang nyang hinagis ang kanyang cellphone.

"What's wrong?" Pagtatakong tanong ng Papa ni Celes.

Tiningnan nya ang phone ni Jayden at nanghina't nanginginig ito ng makita ang litrato ni Celestine na nakahubad. Walàng niisang saplot habang nakapikit ito at may pasa sa labi nito.

"Anak " humagolhol ng iyak si Maurine sa nakita, tiningnan rin ito ng kanyang Asawa at ganon rin ang reaksyon nito.

Galit na galit at hindi inaasahan ang nangyari sa anak nila. Halo- halong emosyon ang bumalot sa kanila ngayon.

Galit, sakit, awa at gustong magwala.

"Damn! fvcking shi!t ! " Walang tigil ang pagmura ni Jayden sa nakita nya.

Sinuntok suntok nya ang Pader at umiyak. Umiyak sa galit.

"Ang asawa ko! "

" Papatayin ko kung sino mang gumawa sa kanya nyan!" Nakakatakot ang kanyang boses

"Sir Jayden, alam ko po sino ang may gawa " natigilan ang lahat sa sinabi nito.

" Ano? "

"Al-am ko po kung sino pero huwag po kayong magalit saakin. " Sambit ni Rachel habang nanginginig pa rin at walang tigil sa pag-iyak.

"Yung kapatid mo po. Si sir Matt " nalaglag ang panga ng lahat at hindi makapaniwala.

"Si Mattew?" Tumango si Rachel.

"Arghh! Hindi magagawa ng kapatid ko 'yan! "

"Mabuti siyang tao, hindi nya yan magagawa sa Asawa ko!"

"Pero yun po ang totoo! " Tinatagan ni Rachel ang loob nya, hindi rin kasi siya matatahimik kapag hindi nya nasabi ang nasaksihan at narinig nya.

"Wala akong ebedinsya pero malakas ang kutob kong si Mattew ang kagagawan nyan. ". Seryosong sambit ni Rachel.

" Hindi yan magandang buro Rachel ". Pagsabat ni Maurine.

"Hindi po ako nagbibiro, at si Sir Mattew rin po ang may kagagawan kung bakit namatay si Anne. Siya ang nag-utos para ipapatay si Anne "

"What do you mean?"

"Narinig ko"

"Nang pinaslang si Anne ay sinundan ko ang tatlong lalaking nakamaskara, may kausap sila at inabutan nya ito ng pera.

Narinig ko, narinig ko ang sinabi ng lalaki, nung una hindi ko siya namukhaan dahil nakatalikod siya pero nang humarap siya dahil papaalis na siya ay nagulat ako ng Makita ko ng buo ang kanyang mukha nya. Si sir mattew. "

"Mahirap paniwalaan pero yun ay totoo, narinig ko siya. Ang sabi nya ay marami na rawng nalalaman si Anne kaya dapat raw sa kanya ang Mamatay. "

"Sir Jayden, huwag nyo po akong paalisin sa Mansion dahil sa sinabi ko. Ako nalang po ang bumubuhay sa Pamilya ko", pagmamakaawa ni Rachel.

Natigilan sila at hindi makapaniwala sa Narinig.

Mahirap paniwalaan dahil sa dinami rami ng pwedeng gagawa nun bakit ang sariling Kapatid pa nya!

" Natatakot po ako dahil baka ako ang isusunod. " mas lalong lumakas ang paghikbi ni Rachel, maging si Maurine rin.

At halos ng kasambahay ay hindi makapaniwala sa narinig at sa Nalaman..

" Kakapalan ko na po ang mukha ko, nais ko lang sabihn ang gusto kong sabihin. Hindi po ba kayo nagtataka sa kinikilos nya? Dahil ako rin po ay nagtataka. Kung wala siyang alam sa nangyari kay Celestine bakit nya pinapatay si Anne? Dahil ba nalaman ni Anne ang pinaggawa nya? "

"Isa pa po, sa araw na kinidnap raw si Ma'am Celestine ay hindi po ba kayo nanghihinala? Hindi po ba may Security Guard sa unahan bago makapasok rito sa Mansion? Pero bakit may nakapasok? At sa araw na 'yun ay tanging si Sir Matt lang ang andito at si Ma'am Celestine. "

"Hindi magandang biro yan Rachel!" This time nagalit si Jayden.

"Hindi nga ho ako nag bibiro sir Jayden! At isa pa naaalala ko bigla, nung pinakilala mo po si Ma'am Celestine sa pobliko ay pinanood po kayo ni sir Matt. At nabigla po kami nung hinagis nya ang bote kaya nasugatan si Anne"

"Totoo po 'yun, galit na galit si Sir Matt nung nakita nya kayo ni Ma'am Celestine sa Tv. " Pagsang-ayon naman ng Yaya ni Baby Michael.

"At alam nyo po ba, nakakatakot po ang awra nya ng kinuha nya ang Bata saakin"

Sa sinabi ng Yaya ay kinabahan ang mag-asawa para sa batang walang kamuwang-muwang kaya napagdesisyonan nilang sila muna ang mag-alalaga at dalhin ito sa Bahay nila at total Apo nila ito.

"Sir Jayden, may Cctv naman po tayo dba?"

Natigilan ang lahat.

"Sira na 'yun, Hindi na gumana dahil wala pa akong time para dyan "

"Nagkakamali ka sir, dahil pinaayos yun ni Ma'am Celestine nung nakaraan"

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi!".

Dali-daling umakyat si Jayden sa Taas at pumunta sa Cctv room para tingnan kong sino ang gumawa nito kay Celestine.

At nakakuyom nalang siya sa kanyang kamao ng makita nya kung sino ang may kagagawan.

Kitang kita nya sa kanyang dalawang mata kung paano nya hinila ang buhok ni Celestine at paano nya ito sinuntok sa tiyan.

"Hayop ka Mattew! Papatayin kita! " Galit na galit si Jayden sa kanyang nalaman. Hindi nya naisip na Kaya itong gawin sa kanya ng pinagkakatiwalaan nyang kapatid.

Akala nya nagbago na ito pero hindi pa pala. Galit pa pala ito sa kanya.

Dali-dali siyang bumaba sa Hagdan para sulungin at puntahan ang Kapatid nyang nasa Boarding house. Umuusok ang kanyang galit at halos papatay na ito sa itsura nito

Nang makababa siya ng Hagdan ay nakita nya ang Kapatid nyang si Mattew na kakapasok lang sa pinto at nakangiti itong bumati sa kanya, ngunit agad siyang sinugod ni Jayden at pinaunalan ng suntok.

"Papàtayin kitang Gàgo ka! Hayop ka! Pinaikot mo lang pala ako! " Galit na sigaw ni Jayden.

Pinahiran ni Matt ang kanyang labi ng maramdaman nyang dumugo ito, hindi siya nanlaban sa kapatid nya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Nakita namin! Ikaw! Ikaw ang kumidnap sa Asawa ko!"

Nang makababa ang mag-asawang sina Maurine ay sinugod rin nila ito, pinaghahampas nya si Mattew. Nakatanggap rin siya ng suntok galing sa Ama ni Celestine.

"Saan mo tinago ang Anak ko!"

Akmang susuntukin na sana siya ulit ni Jayden ng bigla nyang hinugot ang baril nya dahilan namayani ang ingay sa buong mansion, sigawan at takot.

Napaatras si Jayden maging ang Parent's ni Celestine dahil tinutukan sila nito ng Baril.

"One move, you all die" walang niisang nagtangkang gumalaw.

"Mabuti naman alam mo na, HHHAAA " tumawa ito ng malademonyong tawa. "Ang akala ko'y buong buhay kang uto-uto ".

"Gustuhin man kitang patayin ngayon ngunit hindi na muna dahil gusto kong makita ng Asawa mo kung paano kita papatayin sa Harapan nya" Akmang lalapit siya kay Jayden para magawa na niya ang plano nya ngunit nakarinig siya ng putok ng baril.

Putukan ng baril.

"Boss, may mga police!"

"Arghh! Hindi pa tayo tapos Mahal kong kapatid ". Sambit ni Mattew at dali-daling tumakas.

─────────────

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.