Two Lives, One Soul
PROLOGUE
Seraphine’s POV:
The ground didn’t feel real.
Hindi siya matigas, pero hindi rin malambot parang may manipis na pagitan sa paa ko at ng lupa, na para bang hindi ako dapat nandito.
Sa bawat hakbang ko, may kakaibang pakiramdam na parang lulubog ako, pero hindi rin.
Parang may humahawak sakin, pinipigilan akong tuluyang maramdaman ang mundong to.
Sa paligid ko, puro puti at berde.
White flowers stretched endlessly across the field, gently swaying with the wind, na para bang may sariling buhay.
Hindi sila basta gumagalaw parang sumasabay sila sa paghinga ng mundo.
Sa ilalim, ang damo ay luntiang-luntian, walang bahid ng dumi o pagkasira, parang hindi pa ito kailanman naapakan ng kahit sino.
Sa taas, ang langit ay unti-unting nagiging kahel.
Papababa na ang araw, at habang lumulubog ito sa horizon, mas lalong nagiging tahimik ang paligid. Yung tipong katahimikan na hindi nakakapanatag kundi parang may hinihintay.
Walang buildings. Walang kalsada. Walang kahit anong senyales ng normal na mundo.
Walang ibang tao.
Akala ko mag-isa ako.
Hanggang sa may nakita akong tao sa gitna ng field hindi ako sigurado kung lalaki ito pero kita naman sa tindig nya.
Nakatayo siya roon, nakatalikod, hindi gumagalaw, parang matagal na niyang alam na darating ako. Hindi siya mukhang naliligaw. Hindi siya mukhang nagtataka.
Parang naghihintay.
Dahan-dahan akong lumapit, kahit hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ng dibdib ko. Bawat hakbang ko palapit sa kanya ay parang may hinahatak na alaala mula sa loob ko isang bagay na pilit kong hinahanap, pero hindi ko maabot.
Hindi naman ako natatakot.
Pero hindi rin ako panatag.
May kung anong pamilyar sa kanya isang pakiramdam na hindi ko mahanap kung saan ko nakuha, pero sigurado akong hindi ito bago.
“Hello?” Mahina kong tawag.
Parang natakot akong lakasan ang boses ko, baka biglang mawala siya.
Huminto siya.
Dahan-dahan siyang humarap.
“Ang tagal mo,” Sabi niya.
Napatigil ako.
Yung boses niya…
parang kilala ko.
Parang narinig ko na dati.
Parang matagal ko nang hinahanap, pero hindi ko alam kung bakit.
Pagharap niya, mas lalo akong natigilan.
Nasa 25 pababa lang siya, maybe a little younger, with tired eyes that looked like they’ve seen too much. Hindi siya mukhang galit. Hindi rin siya mukhang masaya.
Mukha siyang pagod.
Simple lang ang suot niya puting polo, bahagyang gusot, parang hindi na niya inasikaso ang sarili niya nang matagal. Pero hindi iyon ang napansin ko.
Yung paraan ng pagtitig niya sa akin parang may hinahanap, parang may gustong patunayan, parang umaasang may makikita siya pero hindi niya makita.
“Magkakilala ba tayo?” Tanong ko, naguguluhan.
Hindi siya agad sumagot.
Tinitigan niya lang ako, parang hinihintay niya akong magsalita ulit, parang may inaasahan siyang sasabihin ko na hindi ko alam.
“You don’t remember,” Sabi niya, diretso.
Hindi tanong.
Napakunot ang noo ko. “Anong sinasabi mo?”
Lumapit siya ng kaunti. “You changed.”
Napaatras ako nang bahagya. “Excuse me?”
“Hindi lang sa itsura,” Dagdag niya, sabay turo sa dibdib ko. “Pati dito.”
Mas lalong bumigat ang hangin sa paligid namin, parang may unsaid truth na nakabitin sa pagitan naming dalawa.
“Anong ibig mong sabihin?”
Tahimik siya saglit bago siya muling nagsalita.
“You left everything behind.”
Napailing ako. “Hindi kita kilala.”
“Kilala mo ako before it happened,” Sagot niya agad, walang pag-aalinlangan.
Parang may kung anong sumikip sa dibdib ko.
Natahimik ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero may bahagi ng sarili ko ang gustong maniwala. Parang may nakatagong alaala na pilit umaangat sa ibabaw, pero may humihila pababa sa kanya.
“Kung kilala kita, dapat naaalala ko,” Sagot ko, mas mahina na ngayon.
“Pinili mong kalimutan.”
Parang may kung anong bumagsak sa loob ko isang bagay na hindi ko maipaliwanag.
“What?”
“You left me.”
Mas lumalim ang kulay ng langit.
Mula kahel, naging mapula.
Parang may paparating na bagyo kahit wala namang ulap.
“Sino ka ba?” Tanong ko, this time mas mahina, mas totoo.
Ngumiti siya, pero walang saya doon.
“Hindi mo talaga maalala?”
Napailing ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang may mali. Parang may kulang sa sarili ko hindi lang simpleng alaala, kundi isang buong parte ng pagkatao ko na nawala.
Lumapit siya hanggang halos magkalapit na kami.
“Look at me,” Bulong niya.
May kung anong pwersa na hindi ko maipaliwanag ang nagtulak sa’kin na tumingin.
At sa sandaling iyon
parang may kumislap sa isip ko.
Isang alaala.
Isang mukha.
Isang pakiramdam.
Isang sakit.
Pero bago ko pa mahawakan
nawala.
Parang hindi ito kailanman nangyari.
“Hindi” Napaatras ako. “Hindi kita kilala.”
Tumahimik siya.
At sa unang pagkakataon parang may sumuko sa mga mata niya.
“You really forgot,” Bulong niya.
Lumakas ang hangin.
Ang mga bulaklak sa paligid namin ay nagsimulang gumalaw nang mas magulo, parang may mali sa mundong ito, parang hindi na nito kayang itago ang katotohanan.
“You weren’t supposed to,” Dagdag niya. “You were supposed to remember.”
Nag-crack ang langit sa itaas namin, parang salamin na mababasag anumang oras.
“You need to wake up.”
“Sino ka ba?!” Sigaw ko. “Ano bang kasalanan ko?”
“It’s not your fault that the accident happened. It’s just sad that you’ve changed too much.”
Parang tumigil ang mundo.
Accident.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may biglang kumirot sa ulo ko.
Lumapit siya ulit, huling hakbang, hanggang magkaharap kami nang tuluyan.
At sa kung anong dahilan, parang may nakikita akong pamilyar sa kanya hindi sa mukha, kundi sa pakiramdam.
Pero imposible.
“Tell me,” Sabi ko, halos pabulong. “Sino ka?”
Hindi siya sumagot.
Sa halip, dahan-dahan niyang hinawakan ang pulso ko.
Malamig ang kamay niya.
At doon ko napansin ang isang manipis na bracelet silver, may maliit na bato sa gitna.
Parang kilala ko iyon.
Parang matagal ko na itong hawak.
Parang may kwento ito na hindi ko maalala.
“Remember this,” Sabi niya.
Biglang-
“AMOR!”
Isang sigaw ang umalingawngaw.
Hindi ko alam kung saan galing.
“AMOR!”
Nag-collapse ang mundo sa paligid namin.
Ang langit ay nabiyak.
Ang mga bulaklak ay naglaho.
Ang liwanag ay sumabog sa paningin ko.
At sa huling sandali
nakatingin siya sa akin.
Mas malambot na ang mga mata niya.
Mas totoo.
Mas malungkot.
“Try to remember everything before it’s too late.”
Napamulat ako nang biglaan.
Hingal ako, parang hinabol pabalik sa katawan ko.
Mabilis ang tibok ng puso ko, at pakiramdam ko may kung anong naiwan sa panaginip na hindi ko madala pabalik.
Nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko.
Tahimik.
Normal.
Pero hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko.
Panaginip.
Alam ko.
Pero bakit parang hindi lang iyon?
Dahan-dahan akong umupo, at biglang pumasok sa isip ko ang bracelet yung detalye na hindi ko dapat maalala nang ganito kalinaw.
Sure akong nakita ko na yon.
Hindi ko alam kung saan.
Pero sigurado ako.
Agad kong kinalkal ang drawer ko, halos magulo ang lahat ng laman habang hinahanap ko iyon.
Hanggang sa
nanlamig ako.
Nandoon ang bracelet.
NaSA loob ng drawer ko, tahimik, parang matagal na itong nandito, naghihintay na mapansin ko.
Manipis na silver chain na may maliit na bato sa gitna. Eksaktong kapareho ng nakita ko sa panaginip.
Walang pinagkaiba.
Ni isang detalye.
Hindi ako nagsusuot nito.
Hindi ito dapat nasa akin.
Hindi ko maalala kung saan ko ito nakuha.
Dahan-dahan ko itong hinawakan.
Malamig. Totoo. Hindi ilusyon. Hindi panaginip.
Napaupo ako sa gilid ng kama, hindi makagalaw.
Kasi kung panaginip lang iyon, bakit may naiwan sa realidad? At bakit pakiramdam ko may taong totoong nawawala sa buhay ko, kahit hindi ko maalala kung sino siya?
At kung hindi ko siya maalala…
bakit parang ako ang dahilan kung bakit siya nawala?