Chapter 20

I just woke up; I fell asleep as soon as I got home yesterday. Ang daming nangyari kahapon kaya nakakapagod.

"Also, you looked gorgeous earlier,"

I still can't get over what she said yesterday. Does she really mean it? It was the first time she ever said those words. My heart's racing just thinking about it.

I decided to stand up and shower to clear my head. But I winced in pain because of my wound.

"Gosh!" daing ko dahil ang sakit talaga. The wound hurt more when it was stretched. Pero napangiti ako nang makita ko 'yung design ng band-aid na nakalagay sa sugat ko. It's a pufferfish. Ba't ngayon ko lang 'to nakita? I found my self smiling because of this, which is unusual of me.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama, ramdam ko pa rin ang kirot sa tuhod ko habang naglalakad papunta sa banyo. Gusto ko sanang bilisan ang kilos ko, pero hindi ko magawa—parang bawat patak ng tubig na tumatama sa sugat ko ay karayom na tinutusok ang balat ko.

Halos isang oras na ang lumipas bago ako tuluyang natapos. Nagbihis ako ng komportableng damit—maluwag na shorts at t-shirt. Naghilamos ulit bago bumaba para mananghalian. Nang sumilip ako sa orasan sa sala, ala-una na pala ng hapon.

Pagkababa ko ng hagdan, agad kong napansin si Ate na nakaupo sa dining table. Nakataas ang kilay niya, nakakunot ang noo—kitang-kita sa mukha niya ang pagkabahala at inis.

"What happened to your knee? How did you get that wound, Via?" tanong niya agad.

Hindi pa man ako nakakalapit, sumabog na agad ang tanong niya, puno ng halong pag-aalala, pagkairita, at.

.

.

baka konting takot?

Hindi ko rin alam.

Pero kilala ko si Ate.

Ganito siya kapag nasasaktan ako.

Hindi niya gusto ‘yon.

"Nadapa lang ako kagabi, Ate," sagot ko habang umiiwas ng tingin. "I was helping someone. But don't worry, I'm okay," dagdag ko pa, sinusubukan siyang pakalmahin kahit alam kong hindi niya agad basta-basta tatanggapin ‘yon.

"Be more careful, Via. You know I don't like seeing you hurt," mariing sabi niya habang tinititigan ang sugat ko. Hindi ko na sinagot, tumango na lang ako.

"Did you have lunch na, Ate?" tanong ko para mabasag ang katahimikan.

"No, I was waiting for you. Let's eat lunch together," sagot niya. Napangiti ako kahit paano at tumango.

Ipinaghain niya ako ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain, marahang nagsasalin ng kanin, nagsasandok ng ulam, at paminsan-minsan ay nagtitinginan. Hanggang sa siya na rin ang nagbasag ng katahimikan.

“Cynthia asked for your number. You might get a message from an unknown number,” sabi niya sabay subo ng kanin.

Natigilan ako saglit.

Oo nga pala—yung sinabi niya kahapon.

Today was supposed to be the day.

A “friendly date,”.

She told me to plan everything and just let her know.

Pero hindi ko pa naiisip kung saan kami pupunta.

Wala akong plano.

Hindi ako sanay sa ganito.

Kung ako lang, baka hindi na ako tumuloy.

Pero bakit parang gusto ko pa ring gawin?

Bakit parang okay lang na ako ang magplano, kahit ayoko sa ganun?

“Did you hear me, Via?” tanong ni Ate, pinutol ang paglalakbay ng isip ko.

"Y-yes," mabilis kong sagot, kahit alam kong halatang lumipad ako.

"Okay," sagot niyang matipid. Binalik niya ang atensyon sa pagkain. Ako naman, tinapos ko na rin agad ang pagkain ko kahit parang wala akong gana.

Pagkatapos kumain, umakyat ako pabalik sa kwarto at humiga.

Ang bigat ng katawan ko—gusto ko sanang hintayin si Ms.

Sanchez na tumawag, pero wala pa ring message o tawag.

Tiningnan ko ang oras.

Alas-dos trenta na.

Wala pa rin.

Napapikit ako, planong matulog ng saglit, pero hindi pa man ako tuluyang nakakatulog, biglang nag-vibrate ang phone ko.

Tumunog ito nang mahina. Tinignan ko agad ang screen at alam kong siya ‘yon. Si Cynthia.

"(Hello?)" sagot ko, pinipilit alisin ang antok sa boses ko.

"(What's the plan for later, Gomez?)" tanong niya. Boses niyang paos pa, halatang bagong gising. Pero may diin pa rin.

"(Sorry, but who are you?)" sagot ko pabalik, pabiro. Gusto ko lang siyang inisin kahit kaunti. Minsan kasi, cute siyang nape-pikon.

"(Drop the games)," sagot niya agad, seryoso ang tono. Natawa ako nang bahagya pero pinigilan ko. Ayoko namang masyadong asarin.

"(I don't talk to strangers,)" dagdag ko pa. Ramdam kong naiirita na siya. At hindi nga ako nagkamali—walang sagot. Pagtingin ko sa screen, naputol na ang tawag. Pinatayan niya ako.

Napailing ako. Tama nga ako—hindi ito mabiro.

Tinawagan ko siya ulit, pero hindi siya sumagot. Isa. Dalawa. Pangatlo na sana, pero bago ko tuluyang ibaba, sinagot din niya.

"(Hey, I'm sorry. Nagbibiro lang.)"

"(Who are you?)" balik niyang tanong sa akin, at napanganga ako saglit. Binalik niya talaga.

“Grabe ka,” bulong ko. Pero dahil ayaw kong paawat, sinagot ko na rin siya ng biro.

"(Baby mo.)"

Tahimik sa kabilang linya.

"(You have the wrong number. My baby is a boy, not a girl.)" she answered, and wow. Talaga lang.

"(Pangit naman ng baby boy mo. Mas cute ang baby girl.)" sabi ko.

"(Nonsense. Tell me where we are going to meet later, and what time.)" sagot nito at nagbago na ang tono ng boses nito.

"(I'll go to your house later at 4, so you can get ready)," I said.

"(Mhm)," she hummed in response and hung up.

Cute.

I was getting ready when I saw the plushie I'd bought for her yesterday—the Ice Bear. I planned to give it to her today.

---

Papunta na ako sa bahay ni Ms. Sanchez. Excited ako, pero siyempre, chill lang dapat. Today, we were supposed to plan our trip to the amusement park. Medyo malayo yung park mula sa bahay ko, pero ayos lang. Any excuse to spend time with her, I’ll take it.

Naka-casual lang ako—white cropped t-shirt, black cargo pants, white sneakers, at black cap. Sakto lang, hindi masyadong effort pero maayos tingnan. Nagdala rin ako ng black jacket, just in case lumamig mamaya.

Pagdating ko sa tapat ng bahay niya, I parked and grabbed my phone to call her.

“Miss, andito na ako sa labas,” sabi ko.

“Okay, wait for me there,” sagot niya agad, tapos binaba ang tawag.

Napangiti ako. Typical niya ‘yon—diretso, walang paligoy-ligoy. I leaned back sa upuan ng kotse habang hinihintay siya. Hindi naman ako kinakabahan… masyado.

Maya-maya, bumukas ang gate. Napatingin ako. At doon ko siya nakita.

Damn.

She stepped out wearing a white fuzzy cropped cardigan na may tie front.

Sakto lang sa katawan niya, enough to show off her figure without being too much.

Tapos yung skirt—black corduroy, short, ruffled sa hem, at may lace-up design sa gilid.

Her legs looked even longer dahil sa white knee-high boots niya na may chunky heels.

She carried a black Prada handbag on one shoulder.

Parang lumabas lang siya sa magazine shoot.

She looked effortlessly stunning.

Napatingin lang ako. Natulala.

"So, you're just going to stare at me? Aren't we going?" she said, one brow raised, hands on her hips.

“Sorry, Miss… I was just mesmerized by your beauty," sagot ko, half-joking, half-serious.

She rolled her eyes. “Small thing,” sagot niya, pero nakita kong bahagya siyang ngumiti.

Mabilis akong bumaba ng kotse at lumibot para buksan ang pinto para sa kanya. She slid in gracefully. Ang ganda talaga niya. Sumunod akong pumasok, and habang nag-aayos siya ng seatbelt, I leaned in closer.

Malapit na malapit ang mukha namin. Parang may sasabihin siya, pero bigla kong binilisan at kinuha ko ang seatbelt para siya na ang ikabit.

“Tinutulungan lang kita,” sabi ko, trying not to laugh.

I started driving, stealing glances at her. Siya naman, nakatingin lang sa bintana, kunwari wala lang.

“Where are we going?” tanong niya, medyo mataray ang tono.

“Secret,” sagot ko, nakangiti. “Surprise dapat.”

She turned to me with a look. Hindi impressed.

“Btw,” sabi ko habang naka-focus sa daan, “gutom ka ba? Gusto mo muna kumain bago tayo dumiretso?”

“No,” tipid niyang sagot.

“Sigurado ka? Baka magutom ka mamaya sa gagawin natin.”

Biglang napalingon siya sa’kin, masama ang tingin. Halatang iba iniisip niya.

“Gosh, hindi ‘yun ang ibig kong sabihin!” sabi ko agad, trying not to laugh. “Iba talaga ‘yang takbo ng utak mo.”

“Whatever, Gomez,” sagot niya, sabay balik ng tingin sa bintana. Nagpipigil ako ng tawa. She really thought I meant that. Nakakatuwa siyang asarin.

"You really look like pufferfish." sabi nito ulit.

"Oo na, at least cute," sagot ko sa kanya, sabay irap. Hindi na siya sumagot pa. Tahimik lang siya habang nakatingin sa labas ng bintana, pero ramdam ko ang ngiti niya kahit hindi ko siya direktang tinitingnan.

"You can sleep. Medyo matagal pa ang biyahe," dagdag ko habang nilingon siya sandali. Hindi na naman siya sumagot. Tahimik lang. Siguro pagod, o baka asar pa rin ng konti sa akin.

Lumipas ang halos isang oras na biyahe. Wala masyadong ingay sa loob ng kotse maliban sa mahinang tugtog mula sa music. Nang makarating na kami, lumingon ako sa kanya—tulog na siya. Nakasandal ang ulo niya sa bintana, magaan ang paghinga.

Kahit tulog, she looked absolutely stunning. Her hair framed her face perfectly, at kahit medyo magulo 'yon, it only made her look more effortlessly beautiful. I couldn't help but just stare. Parang ang sarap niyang pintahan, parang obra.

Maya-maya, parang naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.

"Why didn't you wake me up?" tanong niya, sabay kusot sa mga mata niya gamit ang likod ng kamay. Ang cute.

"I was too busy admiring your beautiful face," sagot ko sabay ngiti. Smooth, Sylvia. Smooth.

Pero tumingin lang siya sa akin nang blanko, walang reaksyon. Ouch.

"Oh, shut up, Gomez. Where are we?" tanong niya, halatang hindi impressed sa pick-up line ko.

Hindi ako sumagot. Lumabas lang ako ng sasakyan para buksan ang pinto niya. Gentle woman style. Nang bumaba siya, bigla itong natigilan.

"An amusement park?" tanong niya, may halong pagtataka at gulat sa boses niya. Tumingin siya sa paligid, pinagmamasdan ang entrance, ang mga makukulay na ilaw, ang tunog ng mga rides at tili ng mga tao.

"Yup," sagot ko.

"This is for children, Gomez," sabi niya, seryoso ang tono.

"No, it's not. It's fun kaya. Let's go!" yaya ko habang hinila siya papasok.

Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng maraming tao. Magulo, maingay, pero masaya ang vibe. Medyo nagsisi ako na hindi ko ito na-rent out nang private. Last-minute plan kasi.

"Do you want to ride that?" tanong ko sabay turo sa roller coaster. Matangkad, mabilis, at mukhang delikado. Ang lakas ng loob ko mang-aya kahit alam kong hindi ko kakayanin. Please say no. Please say no...

"Okay," sagot niya agad. Napalunok ako. Patay.

Lumapit kami sa ticket booth, nagbayad, at pumila. Malapit na kami. Grabe, bakit ba ako nag-suggest nito? Gusto ko lang naman siyang mapasaya, hindi mapahamak ang kaluluwa ko.

"Next!" tawag ng ride attendant. Lumapit na kami.

Habang umaakyat sa ride, pinapanood ko 'yung coaster na pumapailanlang sa ere. Ang taas! Parang gusto ko nang umatras. Pero wala nang atrasan.

Umupo kami sa front row. Siyempre, front row pa talaga! Mas relaxed pa siya kaysa sa akin. Ako, nagpapa-cool lang pero halos mabaliw na sa kaba.

Napansin kong parang naiilang siya sa suot niya, kaya kinuha ko 'yung jacket ko at ipinatong sa hita niya. Tumingin siya sa akin, may halong pagtataka at pasasalamat sa mga mata.

"You look pale, and we haven't even started yet," sabi niya, parang pinagtitripan ako.

"I'm not scared," sagot ko, kahit halata namang kabado ako.

"I didn't say you were," sagot niya. Napaka-deadpan. Hindi ko na nasagot—biglang umandar ang ride.

Wala man lang countdown o warning! Napapikit ako agad. Hindi ko makita kung ano na ang nangyayari. Ramdam ko na lang ang pagsisigaw ng mga tao sa paligid. Parang mabubunot ang kaluluwa ko sa bilis.

Pinilit kong panatilihing nakapikit ang mata ko habang nagpe-pray ng tahimik. Ayoko magsigaw, baka mapahiya pa lalo.

"Gomez, it's over. Open your eyes," boses ni Ms. Sanchez ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Napadilat ako—tapos na pala. She was already getting off the ride, calm as ever. Parang wala lang.

"You asked me to ride this, but you couldn't even open your eyes," sabi niya, medyo amused ang tono.

"Because you said you wanted to ride it. It wasn’t scary at all, don’t worry," sagot ko, kahit medyo nahihilo pa rin ako.

"Idiot," sagot niya bago lumakad palayo.

"Wait for me!" sigaw ko habang tinakpan ko ng kamay ang ulo ko. Ugh. Ang sakit. Nakakahilo pala talaga.

Habang naglalakad kami, napansin kong panay ang sulyap niya sa isang booth kung saan may pa-cotton candy na bear-shaped. Sa likod noon ay may larong kailangan mong pabagsakin ang mga lata gamit ang bola para manalo.

"Do you want to try that game?" tanong ko.

"No, it’s for kids," sagot niya agad, pero nakita ko sa mata niya na gusto niya talaga.

"Hm, I want to play it. Ako na lang kung ayaw mo," sagot ko at agad akong tumungo sa booth. Sumunod naman siya, kunwari’y wala lang.

"Akala ko ba ayaw mo?" tanong ko, may halong biro.

"Just play it, Gomez," sagot niya, rolling her eyes.

Nagbayad na ako kay manong at inabutan ako nito ng tatlong bola. Pero imbes na ako ang tumira, iniabot ko 'yun kay Ms. Sanchez.

"Try it," sabi ko, sabay abot ng bola.

"No, I don't want to," matigas pa rin siya.

"Come on, Miss. We're here to have fun," pangungumbinsi ko. Napabuntong-hininga siya, saka marahang kinuha ang bola sa kamay ko at pumwesto.

Nag-ayos siya ng stance niya, medyo nagstretch pa ng balikat. Ang galing, parang seryoso na siya bigla. Focused ang mukha niya habang tinititigan ang mga lata.

Isang mabilis na buga ng hangin, sabay bato.

She was about to throw it when I was shocked with what happened next. Hindi 'yung bote natamaan niya. Kundi mukha ni manong! GOSH!

"Hala, sorry po manong," ako na nanghingi ng pasensya.

"Ma'am, muka po bang bote mukha ko?" tanong ni manong kay Ms. Sanchez.

"No, I didn't mean it. Sorry." walang emosyon na sagot ni Ms. Sanchez, habang ako ay tumalikod dahil gusto kong tumawa ng malakas.

"Let me help you throw it," I said, positioning myself behind her and taking her hands. "This is how you do it, Miss," I said, guiding her throw. She threw the ball, but I was the one guiding her, and all the bottles fell.

"See? Ang galing ko 'no," pagmamayabang ko, releasing her hands. That's when I realized how close we'd been.

"Whatever," she replied. I grabbed the prize.

"Salamat po sa paglaro, kahit muntikan na po akong ma black eye," sabi ni manong habang inaabot sa akin 'yung prize.

"Pasensya na po," sabi ko kay manong matapos ang laro. Napakamot siya ng ulo habang ngumiti, parang sanay na siya. Tumalikod na ako at nilapitan si Ms. Sanchez.

Inabot ko sa kanya ang napanalunan kong prize—isang malaking pink na cotton candy na naka-hugis bear. "Here, enjoy," sabi ko, sabay ngiti.

Tiningnan niya ang cotton candy, tapos ako. Kinuha niya ito nang walang imik, pero kita ko sa mata niya ang tuwang pilit niyang itinatago. She took a bite almost instantly, and then nodded subtly, clearly pleased.

"Cute," sabi niya, halos pabulong. Pero sapat na 'yon para sa akin. Pinanood ko siyang kumain ng cotton candy, para siyang bata—may innocence sa paraan ng pagkagat niya, sa tahimik na pagnguya.

"Sit here, wait for me," sabi ko, sabay turo sa bench malapit sa flower beds. She nodded, still busy with the fluffy treat.

Lumakad ako papunta sa malapit na ice cream vendor. Amoy ko agad ang tamis ng vanilla at chocolate na halu-halo sa hangin. Umorder ako ng vanilla cone para sa kanya, at chocolate para sa akin. Habang naghihintay ako, naramdaman kong may nakatitig sa akin.

Paglingon ko, isang batang babae, siguro mga limang taong gulang, nakatingala sa akin. Mahaba ang buhok, may pulang clip, at may bitbit na maliit na plush toy sa kamay.

"Hi there," bati ko, sabay ngiti at kaway. Medyo nahiya siya pero ngumiti rin. Tinitigan ko siya sandali, wondering… bakit siya mag-isa?

"Hello po," sagot niya, at napangiti ako sa malambot niyang boses.

"Ikaw lang mag-isa rito? Where’s your parents?" tanong ko, medyo nag-aalala.

"Nag-rides po sila doon," sabi niya, sabay turo sa vikings ride na may kahabaan ang pila. Tumango ako. At least hindi siya totally alone.

"Would you like some ice cream?" tanong ko, at agad siyang tumango. Sobrang tuwa niya, parang nanalo sa lotto. Nagdagdag ako ng chocolate cone sa order ko.

Dumating na 'yung mga order ko. Inabot ko sa kanya ang chocolate cone. Kinuha niya 'yon na parang pinakamagandang bagay na hawak niya sa araw na 'yon.

"Thank you po!" masiglang sabi niya. 'Yung ngiti niya, inosente at taos sa puso.

"Welcome. Balik ka na doon, baka hinahanap ka na ng magulang mo," sabi ko, sabay tapik sa ulo niya. Tumango siya at tumakbo pabalik sa direction ng mga rides, hawak ang ice cream na parang trophy.

Lumakad na ako pabalik kay Ms. Sanchez. Nakaupo pa rin siya, naka-cross legs, at malalim ang iniisip habang unti-unting nauubos ang cotton candy.

Pagkaupo ko pa lang, inabot ko agad sa kanya ang ice cream. "That's delicious, eat it," sabi ko.

Kinuha niya ang cone, medyo tinakpan ng palad ang bibig habang kumakagat. Hindi kami nagsalita habang kumakain. Tahimik lang kami. Pero 'yung katahimikang 'yon, hindi awkward—peaceful. Parang sapat na ang presensya ng isa't isa.

It was 5:30 PM, and the golden sunlight bathed the park in a soft glow. The sky was streaked with warm hues—peach, lavender, soft blue. The perfect sunset. Tumingin ako sa Ferris wheel na dahan-dahang umiikot, halos silhouette na ito sa liwanag.

"I want to ride that," sabi ko sabay turo.

"Okay," sagot niya agad, walang pag-aalinlangan. Tumango ako at ngumiti. We finished our ice cream, and as I looked at her, napatawa ako nang bahagya.

"Why are you laughing, Gomez?" tanong niya, halatang curious.

Hindi ako sumagot agad. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, sabay pinunasan gamit ang hinlalaki ko ang gilid ng labi niya.

"You have ice cream on your lips. Parang kang bata kumain," sabi ko, sabay ngiti.

Napalingon siya sa ibang direksyon, tila naiilang. Hindi siya nagsalita, pero alam kong tinatago niya 'yung ngiti.

"Shut up, and let’s go," sagot niya, pero hindi na seryoso ang tono. Tumango ako, at sabay kaming naglakad papunta sa Ferris wheel.

Hindi mahaba ang pila, at sa loob ng ilang minuto, nakasakay na kami. Pumasok kami sa isa sa mga gondola, at dahan-dahan kaming inangat ng makina. Tahimik lang. Mahinahon. Sa baba, kita mo ang liwanag ng mga rides, ang mga taong naglalakad, at ang tunog ng tawanan na umaalingawngaw.

"It's pretty," sabi ko.

"Hmm," sagot niya, halos parang hum. Pero hindi siya tumingin sa akin—nakatitig siya sa horizon, sa papalubog na araw. Ang liwanag nito, tumatama sa mukha niya.

"It's really beautiful," dagdag ko. Pero hindi ako sa sunset nakatingin—nakatingin ako sa kanya.

May kakaiba sa kanya. Sa tahimik niyang presence.

I couldn’t take my eyes off her. The way the warm glow of the sunset kissed her skin, how the light danced in her eyes even when she wasn’t looking at me… she didn’t need to do anything grand to steal the moment. She just existed, and that was enough.

And then it hit me.

There was something about her that pulled me in. Something real. Something dangerous.

Had I been playing games all this time? Was this just a distraction? A rebellion against her taken status?

No.

That was just my excuse.

The truth was, from the moment I laid eyes on her, I fell—hard. But I didn’t want to admit it. I was used to treating feelings like poker chips—easy to give away, easy to take back. I had hurt people before. That was who I was. But not with her. Never with her.

I wasn’t playing with her feelings. I was playing with my own. Trying to convince myself that this wasn’t real, that I was still in control.

But everything changed when I realized I stopped looking at anyone else.

Only her.

Her laugh, her voice, her stubbornness, her silences—they occupied my mind. It didn’t matter if she had a boyfriend. That should’ve stopped me, but it didn’t. Because I didn’t want anyone else. No matter how hard I tried to distract myself, it always led back to her.

That’s when I knew. I wasn’t pretending. I had been lying to myself this whole time.

And now, sitting across from her in a Ferris wheel gondola, watching the sun fall behind the cityscape, I could finally admit it to myself.

Cynthia Lim Sevilla Sanchez, what did you do to me?

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.