CHAPTER 1
The Beginning
You know the feeling when you just wanna disappear? And never come back… gusto ko magpakalayo-layo. Which is weird, because all I ever wanted is to be seen.
I feel like an art piece no one ever tried to interpret in a deeper sense, tinitingnan lang, hinuhusgahan, pero walang nagtatangkang umintindi. Ang gusto ko lang naman ay makagraduate at umalis sa lahat ng ‘to.
Gusto ko rin maging genuinely happy sa mga na-survive ko, not just pretending I’m okay.
And maybe someday… magkaroon ng din ako ng healed nervous system, ‘yung hindi ko na kailangang mag-adjust palagi, hindi ko na kailangang maging people pleaser just to be accepted.
Just… peace. Kahit minsan lang.
I kept myself quieter, thinking if I stayed small enough, I’d finally be left alone. But even in silence, they still found ways to notice me… just never in a kind way.
I'm the typa student na laging na sa gilid, laging wala sa gulo… pero somehow, I still became the center of it.
“Congratulations for being Ranked 1 in the HUMSS Department, Ms. Rische!”
I was busy watching the birds outside the window when Sir Santos entered the room with a smile on his face, scanning the class.
Wala na sa’kin ang pagiging ranked 1. In my mind, it was never an achievement… just an obligation I had to meet.
“Rische,” tawag niya na may ngiting halatang alam kung nasaan ako. Of course, he didn’t have to look too hard, I was always the loner at the back of the room.
"Maganda na, matalino pa!" Humalakhak si Sir Santos habang pumalakpak, wala na ring nagawa ang mga kaklase ko at napilitan na ring pumalakpak at nginingitian ako ng peke.
"Thank you, Sir Santos." I said quietly at umupo na.
“Wala man lang reaction, as if naman may pake tayo.”
"Feeling superior talaga."
“Syempre siya na naman, favorite ng teachers eh.”
Hindi na ako nag expect sakanila dahil 'yung mga reactions nila hindi naman genuine.
Nang matapos ang discussion, I walked through the hallway with my earphones on, bitbit ang dalawang libro sa kamay.
May mga napapatingin sa’kin, mostly boys, but hindi ko na iyon pinagtutuunan ng pansin. Alam ko na kung ano ang iniisip nila: nerd, weird, yung tipong laging may sariling mundo.
Nakita ko si Cami with her little minions na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa sabay irap. Nakakainis oo, pero hindi ko na sila pinapansin. Wala naman sila sa kalingkingan ng ganda ko.
"Hey, Rische," Dewayne approached me with a smile on his face. He’s one of the school’s varsity basketball players.
Kitang-kita ko agad yung lalim ng dimples niya. I can't deny that he's handsome but that’s all it is. Wala akong balak makipag close sa kanya, lalo na’t alam kong may gusto sa kanya si Cami. Ayoko ng gulo.
"Yes? May kailangan ka?" Tinanggal ko ang earphones ko sa tenga at tiningnan siya.
"I just want to say..," Napahawak siya sa batok niya at hindi makatingin sa'kin. "Congrats, Rische" Nilahad niya yung kamay niya na may dalang two box of chocolates. Kitang kita ko rin ang pamumula ng tenga niya.
Natigilan ako saglit. "Ah… thanks."
Hindi ko agad kinuha yung chocolates. "Pero you don’t have to do all of this." saad ko ng mahinahon, habang tinitingnan siya. "Congrats is enough."
"No, it’s nothing. I just.. wanted to." Sandali siyang huminga nang malalim, tapos ngumiti ulit.
"You did really well."
Napangiti ako ng kunti. He’s kinda cute, huh. Kung hindi lang siya gusto ni Cami, baka naging crush ko na rin ‘to.
Speaking of the devil, nakita ko si Cami na dinura yung bubblegum na nginunguya niya kanina at gigil na nakatingin sa'kin. Narinig ko rin ang mga bulungan sa paligid.
"Do you have social media?" nilabas niya yung cellphone niya.
"Wala e, sorry, Dewayne, but I have to go." medyo napapatingin na rin ako sa paligid. Uwing-uwi na ako, kasi baka abangan nanaman ako ni Cami. Delikado rin, lalo na’t padilim na.
Umalis na 'ko at dali daling naglakad.
"Wait—Rische!" mas malakas na sigaw niya,
"Are you free this weekend?!" sigaw niya ulit, mas malinaw ngayon dahil nilakasan niya, rinig na rinig ng lahat.
Hindi ko na siya sinagot.
Dali-dali akong naglakad palayo, mas mabilis na ngayon, yakap yung mga libro ko nang mahigpit. Hindi na ako lumingon kahit isang beses.
Baliw ba ‘yon si Dewayne… sinigaw niya talaga?
Hindi na naman ako tatantanan ni Cami nito.
"Uy, Rische,"
Nang makauwi ako, nakita ako ni tita at lumapit habang nakatingin sa chocolates na dala ko.
"May pera ka siguro, no?" Hindi ako agad nakasagot
"Wala akong pera, ta," mahina kong sabi.
Sumingit si tito, mas matalim ang boses. "Wala? aba, Rische, huwag mo kaming gawing tanga. Mukhang mamahalin ang tsokolate na yan, tapos sasabihin mo wala kang pera?"
"Binigay lang po 'yon sa school." nangilid ‘yung luha ko pero hindi ko hinayaan na tumulo 'yon.
"Oh s'ya magligpit ka rito at kami'y matutulog na." Nakita ko ang ang mga kalat sa kusina, may mga labahan na nakatambak at mala bundok na hugasin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin.
"To, pagod ho ako, pwede bang mamaya—"
"Rische, huwag ka nang umarte-arte diyan. Pasalamat ka nga pinapakain ka rito, tapos ganyan ka pa?”
"Pasalamat ka may tinutuluyan ka," dagdag ni Tito, malamig ang tono. "Kung hindi, saan ka pupulutin?"
Humigpit yung dibdib ko.
"Wala ka na ngang maitulong," sabi ni Tita, mas mabigat na ngayon ang boses. "Tapos ganyan pa ugali mo. Akala mo naman ang laki ng ambag mo dito."
I was an abandoned child. Hindi ko nakilala ang nanay at tatay ko. I grew up with my tita at tito, pero habang tumatagal, mas nararamdaman kong hindi ako pamilya sa bahay na ‘to. Every day felt like I had to earn my place. Sa mata nila, hindi ako pamilya kundi pabigat.
I am a scholar and a working student. Pero lahat ng kinikita ko, binibigay ko sa kanila para makatulong sa bahay, para kahit papaano mabawasan yung hirap at gastusin.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit, kahit ginagawa ko na lahat ng kaya ko, may nasasabi pa rin sila.
Parang hindi pa rin sapat, parang lagi pa ring kulang.
Kahit anong bigay ko, parang hindi nila nakikita yung effort, yung pagod, yung pinipili kong isantabi yung sarili ko para lang makatulong.
So that’s why I want to disappear.
The urge to run away keeps coming back like a quiet thought I can’t turn off. Sometimes it feels easier to just not be seen, not be known, not be expected to carry anything at all.
I love reading books. Parang kahit papaano, kapag nasa pagitan ako ng mga pahina, I can breathe there. I can be somewhere else entirely, somewhere I don’t have to explain myself, where I’m not heavy, where I’m not too much.
Escapism through books becomes my quiet place. A temporary home I can always return to when the real world feels too loud, too sharp, too exhausting to exist in.
When I felt the heavy wind from the rooftop, that was when I finally realized...
I was falling.
The rooftop began to fade from my sight. Their voices, their shouts that were so clear just moments ago, started to blur and disappear, swallowed by the rushing air.
Weird.
In a situation like this, I should be scared. I should be screaming, panicking, begging for it to stop. But instead, there was this strange silence inside me.
Finally.
A thought slipped into my mind.
I can finally disappear… right? Like I always wanted to.
I smiled.
Finally.
Hanggang sa naramdaman ko na ang pagbagsak ko. At unti unti na ring dumilim ang lahat.
"…Rassia."
"…My lady?"
"…Lady Rassia, please wake up…"
My lady…?