CHAPTER 10

Rassia

When the banquet ended, my father decided it was time for us to head home. But we still couldn’t leave because we couldn’t find Russel.

"Father, I should go look for Russel." tinapik ko ng mahina ang braso ng aking ama, at tumango lang ito.

Nasaan naman kaya pumunta 'yon? Siguro nakikipag-usap lang ito sa mga ka-edad niya.

“Ahm, excuse me… have you seen my brother, Russel Quentin?” I walked up to a group of lords chatting inside the hall.

I didn’t really have a choice, since even our knights couldn’t find him.

"Oh! My Lady Rassia! I’m afraid I haven’t seen him," one of the lords said with a polite smile, looking me over from head to toe.

The others nodded in agreement.

"I see, thanks." tumalikod na ako ngunit napahinto ako nang marinig ang sunod niyang sinambit.

"But… I might know a place where he could be…"

I immediately turned back to him. He was smiling faintly as he swirled the wine in his glass, as though he was hinting at something without directly saying it.

"Where, my lord?" I asked, only to notice the exchange of glances between them, as if they shared an understanding I was not part of.

"In the gardens, my lady… I’ve heard may mga naglalaro roon..." he said meaningfully.

I felt a bit suspicious, but honestly, I had nothing to lose by checking.

"Thank you, my lord," I replied, then gracefully bowed.

There was no need to act arrogantly. I still needed to improve my reputation.

Nang makarating ako sa garden, medyo madilim ang paligid. Ang mga matataas na damo ay tila pader na halos hindi mo na makita ang kabilang dulo, parang kahit gumawa ka pa ng kasalanan sa gilid ay walang makakakita sa’yo.

Naglakad pa ako nang dahan-dahan, pero mas lalo lang lumalalim ang dilim habang puro damo lang ang sumasalubong sa paningin ko. Seriously? That fuckass man. Why would a goddamn child go here? Niloloko niya ata ako.

Maya-maya pa, may narinig akong mga ingay na tila nanggagaling kung saan, sumasabay sa hangin at kumakapit sa tainga ko.

"A-ah!"

"F-fuck… b-bilisan mo pa!"

Natigilan ako.

Tangina. Ungol ba ‘yon?

Lumingon-lingon ako, pero wala akong makita dahil sa sobrang taas ng mga damo. Para bang sinadya talagang itago ang mga nangyayari roon. Tangina! May mga gumagawa ng milagro rito!

Napaatras ako at mabilis na lumayo.

Hindi ko na kaya. My poor virgin ears!

"F-faster!"

"O-oh!"

Tangina. Pati ba naman dito?!

Ito ba ang sinasabi ng lalaking ‘yon na may 'naglalaro' raw dito?!

"I should go back," bulong ko sa sarili ko. "Wala akong mapapala rito."

Halata naman na wala si Russel dito. At kung meron man, mukhang mga matatanda lang ang naglalaro rito.

Tumigil ako sa paglalakad nang may nakita akong lalaki.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makilala ko siya. Halatang natigilan din siya nang makita ako.

Why would he be here?

Pinasadahan ko siya ng tingin. Maayos pa ang kasuotan niya kanina. Ngayon, gusot-gusot na. Pati buhok niya magulo rin, parang dinaanan ng bagyo.

It was Vincenzo.

Oh.

"Your Highness…" ngisi kong sabi. "Sa daan ng taon, naging babaero ka na pala?"

"I was just—"

Hindi ko siya pinatapos. Lumapit ako sa kanya hanggang sa halos isang galaw na lang ay magkadikit na kami. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya kahit hindi ko siya masyadong makita sa dilim.

Well, ginagawa ko lang ito para asarin siya. Kakarating niya lang sa Capital, tapos ito agad ang ginagawa niya?

"Hm… ang bango mo," bulong ko habang nakangisi. "Amoy pambabae."

Napaawang ang kanyang mga labi, at maya-maya lang bigla itong ngumisi.

"After years… you became bold, huh?"

Napatigil ako.

Tangina.

Bakit parang kahit boses niya lang, may epekto agad sa sistema ko?!

"Lady Rassia…" mas mababa ang boses niya ngayon. Napansin ko rin na namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Why are you here?"

"W-well!" mabilis kong sagot at lumayo sakanya. "I'm l-looking for my brother!”

"Hmm…" malamig niyang tugon. "You’re looking for a child… in this place."

"Did you know," dagdag niya habang bahagyang lumalapit, "that this garden is also known as… the pleasure garden?"

"I don’t have time for excuses, my lady."

What the hell! Na parang ako pa ‘yung mas kailangang magpaliwanag?!

"Excuse me? Ikaw kaya ‘yung mukhang galing sa—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Nakakahiya.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Tangina. Bakit ba kasi ako nandito?!

"Be careful in this place, Lady Rassia," malamig nitong sambit.

"Not everyone here is… innocent."

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"…Including you?" taas-noo akong tumingin pabalik.

"Especially me." sagot niya.

Nakakainis! dapat talagang iwasan ko siya. Mas lumala ang ugali niya ngayon! Tumalikod na ako at handang umalis nang magsalita pa ito.

"Don’t worry, I won’t tell this to that boy," Vincenzo said calmly.

Napakurap at lumingon sakanya.

"…What?"

He glanced at me briefly, then toward the direction behind the tall grass. Sinundan ko ang tingin ni Vincenzo. Naroon si Caspian at may kausap na tatlong knights. Hinahanap na nila yata ako.

Lumingon ako kay Vincenzo na may pagtataka sa'king mukha. His expression didn’t change, but there was something annoyingly certain in his eyes.

"That you came here with another man," he added. "I assume you don’t want rumors spreading."

Wait! don’t tell me he thinks I’m cheating on Caspian!

I wouldn’t even be surprised if that’s what he assumed, considering that in the past, I knew he was well aware of how much I liked Caspian.

"Oh my god," I muttered. "You think—"

"You don’t need to explain," he cut in smoothly. "It’s not my concern."

"It is very much my concern when you’re wrong!" singhal ko sakanya.

Ngumiti lang ito at tumalikod. Habang ang mga kamay ay na sa bulsa niya. Nakakabanas ang ugali ng prinsipe na ito!

"Your Highness!" sigaw ko habang sinusundan siya.

"I already fucking broke up with him!" sigaw kong muli.

Nakita kong sandali itong napatigil sa paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag. At least I already cleared the misundestanding.

Hindi na lumingon si Vincenzo at naglakad nang muli hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Still, I couldn’t help but feel a mix of exhaustion and disbelief. Of all things, I was the one suffering from this ridiculous misunderstanding involving Rassia and Caspian! Wala naman talagang namamagitan sa dalawa noon pa!

Come to think of it, hindi pa ata nakarating kay Vincenzo ang balita at lalo na't magkadikit kami ni Caspian buong banquet!

Nang makarating ako sa hall, nakita ko si Hyacinth na kumakaway-kaway sa akin. Kakaway na sana ako nang mapansin kong may mga kasama ito. It was Cayena and two more noble ladies.

“Lady Rassia!” bati ni Hyacinth habang hinihila ako papalapit kina Cayena.

"Lady Hyacinth, I should go—"

"Ladies! This is Lady Rassia! My friend!" wala na akong magawa nang mapunta na ako sa harapan ni Cayena.

"O-oh! You are friends… with her…" sambit ng isa sa kanan ni Cayena, halatang nagulat.

"Good evening, my ladies, Her Highness…" bati ko sa kanila at yumuko.

Dumako ang tingin ko kay Cayena, nakangiti lang siya at tumango. This is a perfect timing. I should befriend her…

Nang makita ko siya ng mas malapitan, mas lalo akong namangha. Talagang maganda siya.

"W-well! We already know her, of course. The daughter of the Duke!" sambit ng isa sa kaliwa ni Cayena.

"It’s nice to meet you, Lady Rassia." Cayena finally spoke. Nilahad niya ang kanyang kamay, at agad ko rin itong tinanggap.

"Me too, Your Highness. Your performance earlier is beyond beautiful."

"Thank you, Lady Rassia. Actually, I was looking for you when I heard you came," sagot ni Cayena.

"Really?"

"Yes, just out of curiosity because of those… rumors," she laughed lightly, then looked at me. "I guess those rumors are not true…"

"They are true, Your Highness," ngiti kong sambit.

Natawa si Hyacinth sa tabi ko, at halata ring natawa ang dalawa. Si Cayena naman ay mahinang ngumiti.

"B-by the way! I am Lady Maria Athena Corvan!" pakilala ng isa.

"And I’m Lady Freya Elandor, my lady…"

"I am honored to meet you, Lady Athena and Lady Freya." ngumiti ako sa kanila.

Athena Corvan. She was mentioned in the Novel. She is the childhood friend of Cayena and Vincenzo. Hindi siya masyadong nababanggit sa novel so wala akong ideya kung anong ugali nito. But then, If I want to get close to Cayena I should also befriend her.

"Lady Rassia! What are you doing at the... garden?" makahulugang tanong ni Athena na may ngisi sa labi.

"N-nagpahangin lang." sagot ko agad at nag-iwas ng tingin.

"Why? Anong meron sa garden na iyon?" inosenteng tanong ni Hyacinth.

Namula ang tatlo at nag iwas din ng tingin. Hindi ko mapigilang matawa nang mahina. So Hyacinth is clueless about that goddamn garden. Hindi na ako magtataka dahil taga ibang imperyo ito.

"L-let's change the topic! Anyway, Her Highness animal spirit is so pretty, right?" singit ni Freya na may hawak na wine.

"Thanks, Lady Freya." ngumiti si Cayena.

"I can summon too! but I am still learning how to control it." singit ni Athena.

"Really? What's your animal spirit then?" tanong ni hyacinth.

"It's a snake, Lady Hyacinth." Athena smiled at Hyacinth.

"Cool! mine is eagle!" Hyacinth replied.

Napalunok ako. Fuck. I hate this topic. Gusto ko nang umalis at umuwi. Gusto ko man makisali sakanila pero hindi naman ako makarelate. Can someone get me out of here?

I feel... out of place wherever I go.

"Lady Rassia... how about you? What's your animal spirit?" Athena looked at me with a smile on her face.

Is she not aware I don't have one? Wala nga akong mana, animal spirit pa kaya?

Nakatingin lahat sa akin at tila hinihintay ang sagot ko.

"I don't have one, Lady Athena." seryoso kong sambit.

"Oh you must not yet awaken it. How about your element?" Si Hyacinth naman ang nagtanong.

I understand that Hyacinth might not know that I have no mana and cannot summon a spirit, but Athena?

I doubt she’s unaware. Everyone in the empire knows, it’s not exactly a secret.

I was even bullied because of it. Still, judging by her expression, perhaps she truly doesn’t know.

Athena seems kind, especially considering she’s a friend of Cayena.

I was about to speak when Cayena suddenly interrupted.

"I’m afraid Lady Rassia is being looked for. You may go now," she said with a gentle smile directed at me.

Magsasalita na sana ako nang mapansin kong biglang nanlaki ang mga mata nilang apat, habang nakatingin sa likod ko.

Huh? Anong meron?

"Your father is already looking for you," isang malamig na boses ang narinig ko mula sa likod.

"Brother," nakangiting bati ni Cayena habang nakatingin sa likod ko.

Napalingon ako sa likod ko at muntik pa akong mauntog sa mga dibdib nito. I slowly looked up who it was. It was Vincenzo.

Tangina! siya nanaman! at bakit siya ang nagtawag sa akin?

"Vinny!" bati ni Athena kay Vincenzo.

Bahagya kong itinaas ang kanan kong kilay nang marinig ang tawag niya kay Vincenzo. So they are pretty close, huh? Well, they are childhood friends after all.

Hindi ko pinansin si Vincenzo at muling humarap sa apat.

"I should take my leave now, my ladies… Her Highness," I said, bowing gracefully.

"I’ll send you a letter, Lady Rassia!" Hyacinth called after me.

I walked past Vincenzo as if he were a complete stranger. Just like how he used to treat me when we were younger. Behind me, I could already hear them crowding around him.

"Father!" sigaw ko nang makita kong nakatayo ang aking ama sa tabi ng aming karwahe. Nandoon na rin si Russel sa loob, mukhang tulog na.

Mabuti naman at nahanap na rin si Russel.

Pababa na sana ako sa mahabang hagdan nang bigla akong nahilo. Kumirot ang ulo ko at tila umikot ang paligid, ngunit agad akong napabalik sa ulirat nang maramdaman kong matatapilok ako at tuluyang mahuhulog. Naparami ata ako ng nainom.

"H-help!" sigaw ko, halos mawalan ng boses.

I closed my eyes, hinihintay ang pagbagsak at ang sakit na kasunod nito.

But suddenly,

May kamay na humawak sa bewang ko, mahigpit ngunit maingat, hinila ako palapit sa katawan niya upang hindi ako malaglag. Isang pamilyar na amoy ang agad kong nalanghap.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Vincenzo's ruby eyes met mine.

Mas lalo itong naging malinaw sa malapitan, masyadong maganda, masyadong mapanganib. Hindi ko namalayang bumaba ang tingin ko mula sa matangos niyang ilong… pababa sa kanyang mga labi.

"Be careful, woman," seryoso niyang sambit, ngunit may bahagyang ngiti sa sulok ng kanyang labi.

Agad ko siyang itinulak palayo.

At doon ko lang napansin.

Maraming nakakita, even father!

Napadako ang tingin ko kina Hyacinth, halatang nasaksihan nila ang lahat. Seryoso ang mukha nina Cayena at Athena, habang sina Freya at Hyacinth ay napatakip sa kanilang mga bibig.

Great. Just great. This is how I die.

Not from the fall, but from pure embarrassment.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.