CHAPTER 47

Rassia

Sa nalalapit naming kasal ni Vincenzo, abala ang buong imperyo sa paghahanda. Mula sa mga maharlika hanggang sa mga katulong ng palasyo, walang ibang laman ng usapan kundi ang engrandeng seremonyang magaganap sa loob ng ilang linggo.

Ngunit habang ang lahat ay nakatuon sa kasalan, lihim naman akong lumalaban sa mga halimaw na patuloy na sumusulpot sa bawat sulok ng kontinente.

Araw-araw ay parami nang parami ang mga nilalang na sumasalakay sa iba’t ibang nayon at bawat ulat na dumarating ay mas lumalala kaysa sa nauna.

Marami nang pasan si Vincenzo. Bilang crown prince, nasa kaniya ang bigat ng imperyo at ng kaniyang pamilya. Kaya kahit paano, nais kong mabawasan ang kaniyang iniisip. Ayokong madagdagan pa ang mga problemang kailangan niyang harapin.

Kung kaya kong akuin kahit kaunti lamang ng sakit at responsibilidad na dinadala niya…

Gagawin ko.

May narinig akong marahang katok bago bumukas ang pintuan ng aking silid at pumasok si Elena na may bakas ng pananabik sa mukha.

"My Lady! Your gown is already prepared!" masigla niyang sabi habang halos hindi maitago ang excitement sa kaniyang boses. "Nakita ko ang gown na iyon, sobrang ganda! Hindi ako makapaniwalang kayo mismo ang nag-sketch no'n!"

Napangiti ako nang bahagya habang pinagmamasdan ang kaniyang reaksiyon.

"Talaga bang gano'n kaganda?" mahinahon kong tanong.

Hindi pa man siya nakakasagot nang may isa na namang panauhing pumasok sa aking silid.

The woman gracefully bowed before me out of respect.

Sinenyasan ko si Elena na lumabas muna. Tahimik naman siyang yumuko bago isinara ang pintuan sa kaniyang paglabas.

Nang tuluyan kaming maiwang dalawa, saka ako tumayo at sinindihan ang aking tobacco.

Yes… secretly, naging bisyo ko na ito.

Nakuha ko ang ugaling ito mula sa mga mamamayang nagdiriwang matapos kong iligtas ang kanilang bayan mula sa mga halimaw na sumasalakay sa kanila.

Dahan-dahang kumawala ang usok mula sa aking labi habang tahimik kong tinitigan ang babaeng nasa harapan ko.

"What's your report, Katarina?" malamig kong tanong.

"In Forland, My Lady," seryoso niyang sagot habang hindi itinataas ang tingin. "There is a group of kidnappers targeting noble ladies and selling them as prostitutes in the underground market."

Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay.

"And Lady Hyacinth Anarov has been kidnapped," dagdag niya.

"The Anarovs are currently staying in Forland for their family reunion.

And suddenly, Lady Hyacinth Anarov has been kidnapped.

The House of Anarov is currently searching for her.

The news is already spreading across the empire. "

Binuga ko ang makapal na usok ng aking tobacco bago marahan akong umiling.

"Those fools…" malamig kong bulong habang dahan-dahang pinapatay ang abo ng sigarilyo sa crystal tray sa aking mesa. "They really dared to lay a hand on Lady Hyacinth…"

How dare they touch my first ever friend?

I'll make sure they regret the moment they even thought of laying their filthy hands on her.

Bahagya kong pinitik ang aking daliri at maya-maya lamang ay agad nagpakita sa aking harapan si Agarus mula sa nagkukulay puti na usok.

Tahimik siyang lumuhod sa aking harapan habang nakayuko ang ulo.

"My Lady."

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking upuan habang isinusuot ang aking cloak.

"Agarus. Katarina," malamig kong tawag.

"It's time to hunt again."

Gamit ang aking susi ng lagusan, mabilis kaming nakarating sa Forland. Madilim at magulo ang lungsod kahit dis-oras na ng gabi. Sa bawat sulok ay may mga taong nagtatago ng krimen sa ilalim ng marangyang ilaw at mamahaling musika.

Nagdisguise kami bilang mga mamimili ng prostitutes upang makapasok sa illegal bidding.

Ginamit ko si Agarus bilang pangunahing bidder habang si Katarina naman ay tahimik na nagmamasid sa paligid.

Samantala, binago ko ang aking anyo. I turned my hair black and my eyes into full black eyes. Ngunit natatakpan naman iyon ng malalim kong cloak kaya walang makakita sa aking mukha.

Tahimik akong nakaupo sa pinakadulong bahagi ng silid katabi ni Agarus at Katarina habang pinagmamasdan ang mga taong naroroon.

Mga corrupt nobles. Mga merchants.

Mga kriminal na nagpapanggap na kagalang-galang. At marahil… ilang opisyal ng imperyo.

Disgusting.

"Gentlemen," malawak na ngumiti ang lalaking nasa entablado habang itinataas ang kaniyang mga kamay.

"I know you are all looking at one of the finest products brought into Forland this month."

Tahimik na umugong ang buong bidding hall.

Lahat ng naroroon ay nakasuot ng mamahaling maskara upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan. Maging kami ay mayroon ding suot.

Sa mundong ito, mas madaling gumawa ng kasalanan kapag walang nakakakita ng tunay mong mukha.

"Tonight, we present a truly rare jewel from the bloodlines of the East."

Maya-maya'y bumukas ang gintong kurtina at lumitaw ang isang babae na nakaupo sa marangyang upuan, may gintong chain na nakapulupot sa kaniyang leeg.

"Lady Taraja Kali zan Elordi!"

Agad umugong ang buong bidding hall.

"She is a pure-blooded noble from the prestigious House of Elordi," pagpapatuloy ng lalaki habang tila ipinagmamalaki ang kaniyang binebenta. "Gifted with beauty and grace."

Dahan-dahan niyang hinawakan ang gintong kadena sa leeg ng babae.

"And of course… restrained for everyone's safety."

Nagkaroon ng mababang tawanan mula sa mga nakamaskarang bidders.

"This lovely lady was prepared for our honored guests tonight."

Bahagya siyang yumuko habang iniunat ang kaniyang kamay patungo kay Lady Taraja.

"So then…"

Malawak siyang ngumiti.

"Who wishes to own Lady Taraja Kali zan Elordi?"

"100 thousand golds!" agad na sigaw ng isang noble mula sa kaliwang bahagi ng silid.

Umugong ang buong bidding hall habang nagsimulang magtaasan ang presyo.

"120 thousand golds!"

"160 thousand golds!"

"200 thousand golds!"

"300 thousand golds!"

"How disgusting," mahina kong bulong habang pinagmamasdan ang mga lalaking halos magpatayan sa pagtataas ng presyo para lamang makuha ang isang babae. "Men really are greedy fools."

Para bang hindi tao ang nasa harapan nila. Para bang isa lamang itong laruan na maaaring bilhin, angkinin, at sirain anumang oras na gustuhin nila.

Ang iba'y nakatawa.

Ang iba nama'y abalang tumataas ang bid habang tila ipinagmamalaki ang kanilang kayamanan.

Pathetic.

Women are worth far more than the gold these idiots throw around so proudly.

Hindi kami laruan na maaaring bilhin kapag nais nila. Hindi kami tropeong maaaring ipagyabang sa harap ng ibang lalaki upang palakihin ang kanilang ego.

At lalong hindi umiikot ang aming halaga sa kung gaano kami kaganda sa kanilang mga mata.

We can create life. We are the ones who carry generations within our bodies. And yet men like them still believe women exist only to be owned.

Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng dugo ni Lucy Pearl sa loob ng aking katawan.

Tila may apoy na dahan-dahang kumakalat sa aking mga ugat habang lumalakas ang pagnanais kong patayin ang bawat lalaking naroroon.

Narinig ko ang kaniyang malamig na boses sa aking isipan.

"Kill them already, Rassia. My patience is running out."

Pinakalma ko ang aking sarili bago dahan-dahan akong lumingon kay Agarus.

"Agarus," malamig kong tawag habang hindi inaalis ang tingin sa entablado.

"Bid five million golds for that lady."

Halatang nagulat si Agarus at bahagyang lumingon sa akin dahil sa laki ng halagang sinabi ko. Ngunit wala siyang sinabi.

"As you command, My Lady."

Naramdaman ko naman ang biglaang paglingon ni Katarina mula sa aking peripheral vision.

"What?!" halos pabulong ngunit gulat na sambit niya. "My Lady, saan mo nakuha ang ganiyang kayaman?!"

Bahagya akong ngumiti habang tahimik na pinagmamasdan ang bidding hall.

"Sapat na ang halaga na iyan upang bumili ng isang palasyo!" dagdag pa niya habang halatang hindi makapaniwala.

Marahan akong sumandal sa aking upuan bago muling humithit ng tobacco.

"I kill monsters for a living, Katarina. I am also a Quentin, the daughter of the Archduke and I have my own business," mahinahon kong sagot habang unti-unting kumakalat ang usok sa paligid ko.

"Of course, I'm hella rich."

Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga bidder na abalang nagtataasan ng presyo.

"Marami na akong nailigtas na mga nayon at siyudad mula sa mga halimaw," pagpapatuloy ko. "At bilang pasasalamat, binigyan nila ako ng halos dalawang daang milyong ginto bawat isa."

The gold I have in my account as Madame Riche is so vast that I can no longer count it. And of course, the amount stored under my real name is triple the gold in my Riche account.

Tahimik na napalunok si Katarina habang tila hindi pa rin makapaniwala.

Ngunit para sa akin…

Ang perang iyon ay walang halaga kumpara sa mga buhay na nailigtas ko.

"Don't worry, Agarus. Katarina," mahinahon kong sambit habang malamig na pinagmamasdan ang bidding hall. "I would never give that amount of gold to people like them."

Bahagya akong ngumiti habang dahan-dahang pinapatay ang tobacco sa pagitan ng aking mga daliri.

"We're not here to buy noble ladies."

Unti-unting lumamig ang aking tingin.

"We're here to save every single woman trapped in this place, not just Lady Hyacinth."

Naging mabigat ang katahimikan sa pagitan naming tatlo habang nagpapatuloy ang maingay na bidding sa paligid.

"And once we get them out, we'll burn this goddamn place.”

"Five hundred million golds!" malakas na sigaw ni Agarus ang umalingawngaw sa buong bidding hall.

At sa isang iglap, natahimik ang buong lugar.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagsinghap ng mga tao habang halos sabay-sabay silang napalingon sa direksyon namin. Maging ang ibang bidders ay tila hindi makapaniwala sa laki ng halagang ibinato.

"Five hundred million golds…?"

"Is he insane?"

"Who the hell are they?"

Nag-umpisang umugong ang bulungan sa paligid habang mahigpit kong hinatak pababa ang hood ng aking cloak upang manatiling nakatago ang aking mukha.

Samantala, ang host sa entablado ay tila mas lalo lamang natuwa.

"Oh my!" malawak niyang sambit habang natatawa sa excitement. "That's an enormous amount for the lady!"

Halos kumislap ang kaniyang mga mata sa kasakiman.

"It seems one of our honored guests has truly taken interest in Lady Taraja Kali zan Elordi!"

Muli niyang tinaas ang kaniyang kamay.

"Five hundred million golds!" sigaw niya. "Do we have a higher bid?!"

Natahimik ang lahat matapos ang bid ni Agarus. Wala nang nagtangkang magtaas pa ng halaga.

Maging ang mga kanina lamang ay abalang nag-uunahan sa pag-bid ay nanatiling tahimik habang pinagmamasdan ang direksyon namin na tila sinusubukang hulaan kung sino ang nagmamay-ari ng numerong dalawampu't apat.

Malawak namang ngumiti ang host nang mapagtantong wala nang lalaban pa.

"I see…" nakangisi niyang sambit habang iniikot ang tingin sa buong hall. "It seems Lady Taraja is now owned by bidder number twenty-four!"

Nagpalakpakan ang ilan habang ang iba nama'y napailing na lamang dahil sa laki ng ginastos.

Mabilis na inaalis si Lady Taraja mula sa entablado. Ngunit bago pa man tuluyang mawala ang katahimikan, muling bumukas ang gintong kurtina.

"And now…" mas lalong lumawak ang ngiti ng host habang tila ipinagmamalaki ang susunod na ‘produkto’.

"The next lady is…"

Bahagya siyang huminto upang dagdagan ang tensyon sa buong silid.

"Lady Hyacinth Jayselle Awra Anarov from the prestigious House of Anarov!"

Agad umugong ang buong bidding hall.

"From Oskandor!" malakas niyang dagdag

Mas naging magulo ang buong bidding hall kaysa kanina.

Mas malalakas na sigawan at palakpakan ang umalingawngaw sa buong paligid nang unti-unting bumukas ang gintong kurtina.

At doon… lumitaw si Lady Hyacinth.

Nakatali siya sa isang marangyang upuan habang mahigpit na nakapulupot ang gintong chain sa kaniyang leeg upang pigilan ang kaniyang mahika.

May tela ring nakagapos sa kaniyang bibig upang hindi siya makapagsalita.

Ngunit kahit ganoon ang kaniyang kalagayan, hindi pa rin nawawala ang dignidad at likas na karangyaan ng isang tunay na Anarov.

Mas lalo lamang nag-ingay ang mga bidders.

"The Anarov jewel…"

"She's even more beautiful than the rumors…"

"Damn…"

Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ko sa armrest ng aking upuan habang pinagmamasdan si Hyacinth.

Disgusting bastards.

Samantala, halos hindi maitago ng host ang kaniyang excitement.

"Since she is from one of the highest noble houses in the empire…" nakangisi niyang sambit habang itinataas ang kamay.

"Let's start the bidding at six hundred thousand golds!"

Agad na umugong ang buong bidding hall matapos ibigay ng host ang panimulang presyo.

"Eight hundred thousand golds!"

"Thirteen million golds!"

"Fifty million golds!"

"Sixty-five million golds!"

"One hundred million golds!" mayabang na sigaw ng isang noble habang itinataas ang hawak niyang wine glass.

Lumakas ang tawanan at palakpakan sa paligid habang mabilis na tumataas ang halaga ni Hyacinth na para bang isa lamang siyang mamahaling laruan.

Unti-unti akong napailing habang pilit kinokontrol ang galit na kumukulo sa loob ko.

Muli kong sinenyasan si Agarus nang hindi nagsasalita.

Agad naman niya akong naintindihan at bahagyang yumuko bago muling tumingin sa entablado.

"One billion golds!"

Tila biglang huminto ang oras sa buong bidding hall.

Natahimik ang lahat.

Maging ang host ay napanganga habang tila hindi makapaniwala sa halagang kaniyang narinig.

“W-What…?"

“Did he just say one billion?!"

"Who the hell is bidder twenty-four?!"

Sunod-sunod ang bulungan at pagsinghap ng mga tao habang ang iba nama'y tila nawalan ng kulay sa mukha.

Samantala, tahimik lamang akong nakaupo sa ilalim ng aking cloak habang malamig na pinagmamasdan ang buong kaguluhan.

Wala nang nagtangkang sumabay pa.

Kahit ang mga mayayabang na noble kanina ay nanatiling tahimik, tila ba hindi nila kayang tapatan ang ganoong kalaking halaga.

Samantala, halos hindi maitago ng host ang kaniyang pananabik.

"Bidder number twenty-four once again!" malakas niyang sigaw habang malawak ang ngiti sa labi. "It seems this is where the bidding ends!"

Nagpalakpakan ang ilan habang puno ng kuryosidad na nakatingin sa direksyon namin.

"Can bidder twenty-four come here and give his speech?" dagdag pa niya habang iniunat ang kamay patungo sa entablado.

Bahagya akong ngumiti sa ilalim ng aking cloak.

"Finally.... Agarus, Katarina." senyas ko sa dalawa.

Tumayo sina Agarus at Katarina mula sa kanilang kinauupuan.

Ngunit sa halip na magtungo sa entablado, nanatili si Agarus sa likod ni Katarina, tila handang protektahan siya sa anumang mangyayari.

Bahagyang nagsimulang umugong ang buong bidding hall dahil sa pagkalito ng mga tao.

"What the...?"

"What are they doing?"

Ngunit bago pa man sila tuluyang makapagreklamo, biglang umawit si Katarina.

"Rashna marna aragor lurken agales oreyanhal..."

Ang kaniyang boses ay naging napakatalim at nakakabingi na tila ba mismong hangin ang napunit sa paligid. Agad na napahawak sa kanilang mga tainga ang ilang bidders habang ang iba nama’y napasigaw sa sakit.

At sa loob lamang ng ilang segundo, Isang napakalawak na invisible barrier ang nabuo sa buong bidding hall.

Biglang nagsimulang kumislap ang hangin na tila gawa sa transparent na salamin. Nagpanic ang mga tao nang mapagtanto nilang hindi na nila mabuksan ang mga pintuan.

"A barrier?!"

"What the hell is happening?!"

"We can't get out!"

Sunod-sunod na sigawan ang umalingawngaw sa buong lugar habang mabilis na bumigat ang atmospera.

Napansin kong pilit na sumisigaw si Hyacinth mula sa kaniyang kinatatayuan, ngunit natatabunan lamang iyon ng telang mahigpit na nakagapos sa kaniyang bibig.

Halatang takot na takot siya.

At sa sandaling iyon, mas lalo lamang nagliyab ang dugo sa loob ng aking katawan.

Biglang nagsilabasan ang kani-kanilang magic circles sa buong bidding hall.

"Kill them!"

"Don't let them escape!"

"Who the hell are these people?!"

Nagkagulo ang buong lugar habang nagsimulang lumiwanag ang iba't ibang mahika sa paligid.

Ngunit nanatili akong kalmado.

Mabagal akong tumayo mula sa aking upuan bago dahan-dahang itinaas ang aking kamay.

I cast an Anti-Magic Field across the entire area.

I smirked. Walang nilalang ang maaaring gumamit ng mahika laban sa akin.

Nagsimulang mawala ang lahat ng magic circles sa paligid na tila hinangin. Agad na nanlaki ang mga mata ng lahat.

"My magic—!"

"What?!"

"I can't use my mana!"

Mabilis akong lumapit sa entablado at walang pag-aalinlangang hinawakan ang leeg ng host bago siya marahas na iangat gamit lamang ang isang kamay.

Kasabay nito ay mas lalo kong pinakawalan ang aking mana aura dahilan upang biglang bumigat ang buong bidding hall.

Isa-isang napaluhod ang ilang bidders habang ang iba nama'y napasuka sa tindi ng pressure mula sa aking presensya.

Ang mga kanina lamang ay mayayabang at malalakas ang loob ay ngayon ay hindi man lang makapagsalita.

Dahan-dahan kong itinaas ang isa ko pang kamay at agad kong nilikha ang isang zone kung saan hindi makakalakbay ang tunog.

Kapag may nagtangkang magsalita, lumalabas ang mga salita mula sa kanilang lalamunan ngunit agad itong nawawala bago pa makarating sa hangin, tila ba nilalamon mismo ng aking balat at kadiliman ang bawat tunog sa paligid.

Sa loob ng ilang segundo, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar.

That's one of my demon abilities.

A power close to anti-magic itself.

And for the first time tonight, the people inside this hall finally realized they were trapped with something far more terrifying than monsters.

Mabilis kong binalibag ang lalaking host sa sahig.

Malakas ang naging tunog ng kaniyang pagbagsak habang desperado siyang humihingal at humahawak sa leeg na namamantsahan na ng kulay ube dahil sa pagkakasakal ko.

Tahimik akong naglakad sa gitna ng entablado kung nasaan si Hyacinth, habang unti-unting nag-eecho ang tunog ng aking takong sa loob ng nakabibinging katahimikan.

Pagkatapos ay marahan kong inalis ang hood ng aking cloak.

Agad na nanlaki ang mga mata ng lahat nang makita nila ang aking mukha.

They finally saw my long jet-black hair and my completely black eyes beneath the cloak.

At sa sandaling iyon, tila mas lalo lamang lumamig ang buong bidding hall.

"You people disgust the hell out of me," malamig kong sambit habang dahan-dahang iniikot ang tingin ko sa kanilang lahat. "Buying women like animals… stripping away their dignity… and calling it entertainment."

Mabigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad sa gitna nila.

"Tell me… If your daughters were the ones standing on that stage… If your mothers were the ones being sold… would you still clap and laugh the same way?"

Nakita kong isa-isang nag-iwas ng tingin ang mga lalaki sa harapan ko. Ang ilan ay nanginginig.

Ang ilan nama'y hindi man lang makatingin nang diretso sa akin.

Bahagya akong natawa.

A cold, mocking laugh.

"Oh," mahina kong sambit habang bahagyang ikiniling ang ulo ko. "I forgot…"

"You can't even speak right now."

I have enough. Kahit anong sabihin ko sakanila ay hindi sila magbabago.

Itinaas ko ang aking kamay at nilabas ang aking scythe. Sa isang kisapmata, mabilis ko itong ibinato sa kanila, isang malinis na hiwa ang tumama sa kanilang pagkalalaki. Napaluhod sila sa tindi ng sakit, subalit walang tunog na lumabas sa kanilang mga bibig.

?Tumingala ako sa gawing itaas kung saan alam kong naroon ang mga miyembro ng organisasyon. Gamit ang aking isip, kinontrol ko ang scythe sa hangin, winasak nito ang screen na nagsisilbing harang sa limang kalalakihan bago mabilis na tinanggal ang kanilang pag-aari.

?Bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan ang kanilang paghihirap. Ang bawat panginginig ng kanilang katawan ay tila musika sa aking pandinig.

?"I am satisfied now. I will not kill you, you fools. Living in humiliation is a far crueler punishment for men like you," panimula ko.

?"Death is a mercy I choose not to grant today.

Death is an escape, an end to the pain. But you?

You will wake up every morning and be reminded of your impotence.

You will look in the mirror and see a shell of the man you thought you were.

I didn't just take your dignity, I erased your future. "

Ang mga bidders at maging ang mga miyembro ng organisasyon ay nahimatay dahil sa sakit at kawalan nila ng dugo sahil sa pagkawala ng kanilang mga pagkalalaki.

Maya-maya pa ay mabilis na bumalik sina Katarina at Agarus kasama ang lahat ng noble ladies na nakakulong sa loob ng lugar. Mahigit 30 noble ladies ang naririto.

Isa-isa silang lumabas mula sa madilim na pasilyo habang nanginginig, sugatan, at halatang takot na takot pa rin sa kanilang pinagdaanan.

Ang ilan ay halos hindi na makalakad nang maayos.

Agad silang napaluhod sa tabi ni Hyacinth.

"My Lady," mahina ngunit mabigat na sambit ni Katarina habang yumuyuko sa harapan ko. "Natagpuan namin sila sa isang malamig na kulungan."

Unti-unting lumamig ang aking ekspresyon habang pinagmamasdan ang kalagayan ng mga babae.

"Tanging maruruming kama lamang ang naroon… at maputik ang buong kulungan," ani Agarus. "Some of them were injured. Others haven't eaten properly for days."

Tahimik na napahigpit ang aking kamao.

Maging si Agarus ay tila hirap pigilan ang galit sa kaniyang mukha habang nakatingin sa mga kriminal na nakaluhod sa sahig.

Samantala, ang ilang noble ladies ay tahimik nang umiiyak habang pilit tinatakpan ang kanilang mga sugat at punit na kasuotan.

"Ladies," mahinahon kong sambit.

"I will not harm you. We are here to rescue you." Nakita kong bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nanginginig silang nakatingin sa aking anyo, kaya marahan akong huminga bago muling nagsalita.

"I know you're scared. I know what these people did to all of you was unforgivable, but you no longer have to fear them. Any moment now, the knights from your respective houses will arrive here. Your families are searching for you. They never abandoned you."

Bahagya akong ngumiti, "So please… stay together and rest for now. No one in this hall will ever touch any of you again while I'm standing here."

Inangat ko ang aking kamay at agad nagsimulang kumislap ang mga gintong chain na nakapulupot sa kanilang mga leeg.

Sa loob lamang ng ilang segundo, isa-isa iyong naputol at bumagsak sa sahig na may malalakas na tunog ng bakal.

Agad kong naramdaman ang pagbabalik ng kanilang mana habang ang ilan sa kanila ay napaiyak sa ginhawang muli nilang naramdaman ang sariling kapangyarihan.

Samantala, mabilis namang kumilos sina Katarina at Agarus upang tanggalin ang mga tali sa kanilang mga bibig at kamay.

Isa-isang napahikbi ang mga kababaihan habang desperadong humihinga at yakap ang isa’t isa, tila ba ngayon lamang nila tunay na napagtantong ligtas na sila mula sa impiyernong pinagdaanan nila.

Marahan akong lumapit kay Lady Hyacinth habang tahimik na pinagmamasdan ang nanginginig niyang katawan.

"Lady Hyacinth," mahina kong sambit habang pilit pinapakalma ang aking boses, "don't worry… you are safe now."

Nanatili siyang nakatitig sa akin, nanginginig, at tila hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

Bakas pa rin ang takot sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang aking mahabang itim na buhok at ang ganap kong itim na mga mata.

Pagkatapos ay bahagya siyang napalunok.

"I-is that you…" nanginginig niyang bulong.

"Lady Rassia Saint Quentin...?"

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Paano niya nalaman ang aking katauhan?

Sigurado akong walang sinuman ang makakakilala sa akin sa ganitong anyo. Binago ko ang aking buhok, ang aking mga mata, maging ang aura ko ay tinakpan ko rin.

Ngunit bakit…

Bakit ako nakilala ni Hyacinth?

Sandali akong natahimik bago marahang ngumiti.

Isang mas malumanay na ngiti kaysa sa ipinakita ko sa lahat ng taong naroon.

"Hush, Lady Hyacinth," mahina kong sambit habang dahan-dahang inilapat ang daliri ko sa aking labi.

"Let's keep it a secret, okay?"

Bahagya akong yumuko upang magpantay ang aming tingin.

"Don't let anyone know that it was me."

Mabilis niya akong niyakap nang mahigpit bago tuluyang napaiyak nang malakas sa aking balikat.

Halos manginig ang kaniyang katawan habang paulit-ulit siyang humihikbi, tila ba ngayon lamang tuluyang bumuhos ang lahat ng takot at sakit na pilit niyang kinimkim.

Tahimik ko rin siyang niyakap pabalik habang marahan kong hinahaplos ang kaniyang likod upang pakalmahin siya.

"It's alright…" mahina kong bulong. "You're safe now."

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang paparating na presensya ng mga knights mula sa iba't ibang noble houses.

Mukhang mabilis nilang natunton ang lugar.

Dahan-dahan akong kumalas sa yakap ni Hyacinth bago marahang hinawakan ang kaniyang mga balikat.

"Lady Hyacinth, we have to go now," mahinahon kong sambit.

Bahagya akong ngumiti sa kaniya.

"Just say… a black-haired woman with demon eyes saved you ladies."

When the knights finally rescued the noble ladies and captured the bidders, Agarus burned the entire place to the ground. Dark flames swallowed the underground hall, turning the filthy auction into ashes within minutes.

After that night, I focused on preparing for my wedding day. As if the bloodshed in Forland had never happened.

The palace became busy once more with gowns, jewels, invitations, and endless preparations for the royal wedding.

Yet beneath the peaceful atmosphere surrounding the empire…

I could still feel the storm slowly drawing closer. I don’t know why, but I couldn’t shake away the uneasy feeling inside my chest.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.