CHAPTER 63 #4

"Makapangyarihan ang mga perlas na iyon. Tanging ang mga nasa kontinente ng Oseanus lamang ang tunay na nakaaalam sa kapangyarihan at sa mga bagay na kaya nitong gawin. Marami pa ring sikreto ang mga perlas na iyon na hindi alam ng ibang kontinente."

Bahagya siyang napangisi. "Speaking of mermaids... Lucius is really busy in that continent, huh?" he murmured.

Drakkon stared deeply at Rassia. As a Dark Mage, he could see beyond what others could perceive. His gaze shifted toward the darkness within her soul, where Lucy Pearl silently watched him with her completely black eyes.

That demon is calm now. Iba ang presensya niya noong unang pagpunta rito ni Rassia. Back then, it felt as though this demon despised her...

But now... she's different.

She isn't causing any trouble for Rassia. She isn't provoking her or feeding her anger, even while Rassia's emotions are this unstable.

So she really managed to tame that demon...

"Little Red, your demon... who is she?" tanong ni Drakkon.

"She is not really a demon. She is a fallen angel who later became a demon," agad na tugon ni Rassia.

Tila nagulat ang lahat sa narinig. Nagpalitan sila ng tinginan, halatang hindi inaasahan ang sagot.

Samantala, kumunot ang noo ni Drakkon. Bigla siyang tumayo mula sa kanyang trono at, gamit ang bilis ng isang bampira ay nakalapit agad siya sa harapan ni Rassia.

"So she's a fallen angel..." bulong niya, tila may malalim na iniisip. "I want to talk to her personally, Little Red. But privately."

Saglit siyang tumingin kay Rassia. "But it seems you can't summon her..."

Nagtaka ang mga anak ni Drakkon kung bakit bigla itong naging interesado sa nilalang na nasa loob ni Rassia.

Sinubukan ni Morticia na basahin ang isip ng kanyang ama, ngunit tila may humaharang sa kanya.

Why does father want to speak to that demon?

"I can't summon Lucy Pearl, she's my life force. It would be suicide if I tried to summon her." Rassia raised her eyebrow.

"Right, but there is another way, Little Red. You must have an Animal Spirit or a Sovereign Spirit capable of holding your life core. The spirit can contain and stabilize the life force of your demon, allowing you to separate her from your body temporarily without putting your own life at risk."

"If you can find a spirit powerful enough to carry that demon's life force, you may finally be able to communicate with her directly... without risking your own life." ani Vladimir.

Napaawang ang labi ni Rassia. Tila hindi siya makapaniwala na may paraan pala upang makita at makausap nang personal si Lucy Pearl nang hindi isinasakripisyo ang sarili niyang buhay.

"Then, train me, King Drakkon."

Unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Ang dating lungkot sa kanyang mga mata ay napalitan ng determinasyon.

"I want to summon a Sovereign Spirit. And for that, I shall offer you my loyalty."

Tumayo siya nang tuwid at buong tapang na hinarap si Drakkon.

"I, Rassia Saint Quentin, will become your greatest sword. Teach me how to control my Eternal Flame, how to summon a Sovereign Spirit, and how to wield the power I was given."

Bahagya siyang ngumiti.

"And in return, I will fight alongside the Erenhals."

Drakkon smiled. Bahagya siyang lumapit kay Rassia at maingat na itinaas ang kanyang baba upang salubungin ang kanyang tingin.

"I sense the fire in your heart, Little Red."

Matalim ngunit may bahid ng paghanga ang kanyang mga mata.

"You have made your choice, and I shall grant you your wish."

"Oh my! R-Rassia, i-is that you?!"

Napalingon si Rassia sa kanilang likuran nang marinig ang pamilyar na boses. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang piguryang papalapit sa kanila.

"C-Cayena?" gulat na sambit ni Rassia.

Hindi na nagdalawang-isip si Cayena. Mabilis siyang tumakbo palapit kay Rassia at mahigpit siyang niyakap. Bakas sa mukha nito ang matinding saya at ginhawa nang makita siyang ligtas.

"I'm glad you're alive..."

Napangiti si Rassia sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata. Mahigpit din niyang niyakap pabalik si Cayena.

"I'm glad to see you too, Cayena," mahina niyang sambit.

Nang kumalas sila sa yakap, magsasalita sana muli si Rassia nang bigla siyang napahawak sa kanyang bibig. Nanlaki ang kanyang mga mata habang tila may biglang umakyat na pagkahilo sa kanya.

Bahagya siyang yumuko, pilit na pinapakalma ang sarili.

"Rassia?" agad na tanong ni Cayena, nag-aalalang lumapit sa kanya.

Napantingin at nag-alala ang mga Erenhal kay Rassia nang mapansin ang bigla nitong pagkahilo. Ilang segundo silang na tahimik bago biglang nanlaki ang mga mata ni Thaddeus.

"W-Wait..."

Napatingin siya sa iba, tila hindi makapaniwala sa sarili niyang hinala.

"S-She's pregnant?!"

Muling napasuka si Rassia, dahilan upang mabilis siyang alalayan ni Drakkon bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse.

"Easy, Little Red."

Napatigil si Drakkon nang mapatingin siya sa sahig. Naroon ang isang patay na usa na dala ni Cayena, at tila may napansin siyang kakaiba sa reaksyon ni Rassia.

"Little Red, you're pregnant..."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.