CHAPTER 65 #4
Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Lurtheron habang nakikinig sa kanyang ina. Bahagyang napahigpit lamang ang kanyang hawak sa kopita, ngunit nanatiling kalmado ang kanyang mukha.
"She's not suitable for the throne," dagdag niya. "You need someone who can stand beside you without becoming a weakness."
Megan watched him carefully. Hindi man aminin ni Lurtheron, alam niyang may espesyal na lugar si Hera sa puso nito.
"There are more important matters I want to focus on, Mother. And don't worry, I will fulfill my duty as the Great Goddess has intended."
Natahimik naman si Megan at napangiti.
"Good... so, how's the search for those filthy blood?" tanong ni Megan.
"I requested the other continents to search for them as well. Hindi lang Vermeleyon ang naghahanap sa mga Erenhal."
Bahagyang kumunot ang noo ni Lurtheron.
"I'm also troubled by the reports coming from Nervales."
Saglit na natahimik si Lurtheron habang nakatingin sa ulan sa labas ng bintana.
"It means... they are everywhere."
Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Megan. Bahagyang umigting ang kanyang panga, ngunit bumuntong-hininga lamang siya bago nagsalin ng kape mula sa R Atelier Café sa kanyang tasa.
"Their existence is a threat, Lurtheron. Don't stop until you find them. The Holy Cathedral backs you up."
Napasandal si Lurtheron sa kanyang upuan at nanatiling nakatingin sa bintana, pinagmamasdan ang ulan na patuloy na bumabagsak sa Sartores.
"They are the highest form of royal blood... the Erenhals. They are conquerors..."
Saglit siyang natahimik.
"The first emperor, Drakkon Vykar de Erenhal was no ordinary being."
Bahagyang bumigat ang kanyang tinig.
"The myths say that his power was close to that of the gods."
Tumaas ang kilay ni Megan.
"They are nothing compared to the power of the Holy Cathedral. The holy power will defeat them again."
Bahagya siyang ngumiti, tila kampante sa sarili niyang mga salita.
"Don't let their bloodline frighten you, Lurtheron. Continue the search. Find every Erenhal that remains. Let the Holy Cathedral protect you. As long as you have the blessing of the Great Goddess, you have nothing to fear."
Sumimsip muli si Megan sa kanyang tasa at pasimpleng ngumisi.
Keep searching, Lurtheron.
You are doing exactly what I need you to do.
Napatingin ang dalawa sa narinig mula sa terrace.
Agad na tumayo si Lurtheron upang tingnan kung ano ang naroon, samantalang nanatili lamang si Megan sa kanyang kinauupuan. Tila mas napapakalma siya ng halimuyak ng lavender habang patuloy lamang siyang humihigop ng kanyang kape.
Mula sa labas ay rinig na rinig ang malalim na dagundong ng isang nilalang. Isang napakalaking anino ang dumaan sa labas ng bintana bago muling marinig ang mababang ungol nito.
Paglabas ni Lurtheron sa terrace, nakita niya ang isang dambuhalang asul na dragon na lumilipad ilang dipa lamang ang layo mula sa palasyo.
Nanatili itong nakalutang sa ere habang nakatingin diretso kay Lurtheron, tila hinihintay lamang ang kanyang atensyon.
"That dragon of yours is clingy. I still can't believe you managed to tame a dragon."
Bahagyang ngumiti si Lurtheron bago lumapit sa gilid ng terrace.
"I didn't tame it." inilahad niya ang kanyang kamay at agad na lumapit ang dragon at marahang ibinaba ang ulo nito hanggang sa maabot ni Lurtheron ang mga kaliskis nito.
"Drazhul chose me."
In Vlymir
Kinakarga ni Rassia ang kanyang anak habang marahan niya itong hinihimigan. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ito na masayang nakangiti sa kanya.
Ever since Vincentius Raquim was born, unti-unti nang bumalik ang buhok ni Rassia sa natural nitong pulang kulay. Humaba na rin ito, halos humahalik na sa sahig sa bawat hakbang niya.
Her appearance had changed as well. She looked healthy again, no longer carrying the exhaustion that had once been so visible on her.
She had also started wearing makeup again, something she had stopped doing for a long time. It was subtle, just enough to bring out her natural features and restore the familiar elegance she had once carried so effortlessly.
She was finally beginning to look like herself again.
And to the Erenhals, it wasn't merely a change in her appearance. It was a quiet sign that Rassia was slowly finding herself again.
Hinawakan ni Rassia ang ilong ng kanyang anak habang hindi pa rin nawawala ang malambing niyang ngiti.
Raquim looks like a copy-paste of his father... he has silver hair and those ruby eyes, pati ang matangos niyang ilong, nakuha rin niya sa kanya. Wala man lang kahit kaunti sa akin...
"Raquim... I want you to grow up to be a good man someday. And be a good, obedient child whenever I'm away, okay?"
Marahang hinaplos ni Rassia ang maliit na noo ng kanyang anak habang nakangiti.
"I'll have to go far away soon. I need to summon a Sovereign Spirit that can protect you too."
Sandali siyang natahimik bago bahagyang ngumiti.
"So while I'm gone, you have to listen to your great-great-great-great aunts and uncles, huh?"
Bahagya niyang tinapik ang ilong ni Raquim. Natawa naman si Rassia sa kanyang huli sinabi.
"Be a good boy for Mommy, Raquim."
Naramdaman ni Rassia ang pag-ihip ng hangin at ang bahagyang paggalaw ng mga kagamitan sa paligid niya. Gumalaw ang mga kurtina dahil sa malakas na ihip ng hangin na tila dala ng presensyang biglang dumating.
Sanay na si Rassia sa ganoong presensya kaya tila wala na lamang itong reaksyon.
"Rassia, King Drakkon said that it's time for your training again..."
"Yeah, yeah, I know. Can he wait? he's disturbing my beauty rest..." ani Rassia habang bahagyang napapangiwi.
Marahan niyang ibinaba si Raquim sa kanyang higaan at inayos ang maliit na kumot nito.
Napatawa nang mahina si Morticia habang pinagmamasdan si Rassia.
She's back to being a brat again. Good thing...
Napangiti siya nang bahagya habang nakatingin kay Rassia na abala sa pag-aayos ng kanyang sarili.
Ever since Raquim came, Rassia told us that she wants to focus on Raquim for now. After her training and once she finally summons a Sovereign Spirit, she said she'll ask what really happened hundreds of years ago.
I guess it's the proper thing to do. Kakagaling pa lang niya sa isang mahirap na panahon, and it's probably not good for her to overwhelm herself with everything at once.
She deserves some time to breathe and simply be a mother.
Nang maiwan nina Rassia at Morticia si Raquim sa silid, mabilis namang lumipad ang uwak palapit sa kanyang crib. Marahan nitong ginalaw ang crib upang tuluyang makatulog si Raquim.
Samantala, nanatili si Candela sa may kalayuan upang hindi aksidenteng mapalapit kay Raquim at mapahamak.
Si Tick Tocky naman ay palaging nasa tabi ng crib, tahimik na nagbabantay sa kanya.
Kampante si Rassia na iwan ang kanyang anak sa silid dahil alam niyang hindi ito basta-basta mapapahamak.
With the three of them watching over Raquim, she knew her son was safe.
At higit sa lahat, alam niyang kahit wala siya sa silid, may mga nilalang na hindi hahayaang may mangyaring masama sa kanyang anak.
Ilang sandali ang lumipas bago marahang bumukas ang pinto ng silid ni Raquim. Muli na namang naramdaman ang ilang mabibigat na presensya sa silid.
"Tama na siguro yung mga laruan ni Raquim, Lapileon. Halos mapuno na yung kwarto sa mga bigay mo..."
"Shut up, Lucius," sagot ni Lapileon habang maingat na inilalapag ang isang malaking kahon ng mga laruan mula sa mundo ng Holmeia.
Napatingin si Lucius sa paligid. Halos lahat ng sulok ng silid ay may bagong laruan, plushies, maliliit na stuffed animals, at iba't ibang bagay na hindi pa man lang nagagamit at nagagalaw ni Raquim.
"I'm just saying. At this point, parang hindi na nursery ang silid na ito... toy shop na."
Tinaasan lang siya ng kilay ni Lapileon dahil may alam nanaman itong salita galing sa mundo ng Holmeia kahit lagi naman itong na sa Arcadeya, sa kontinente ng Oseanus.
Hindi na siya pinansin ni Lapileon. Sa halip, marahan niyang hinawakan ang maliit na tiyan ni Raquim habang natutulog ito.
Lumapit naman ang uwak at dumapo sa balikat ni Lapileon, tahimik na nakamasid sa sanggol. Bahagyang gumalaw ang Adam's apple ni Lapileon bago siya nagsalita.
"He really looks like an Erenhal..." he mumbled.
"Yeah. He has your features too. Parehas na parehas kayo ni Vincarion, lalo na sa tindig niyo..." ani Lucius.
"Of course. Silver hair or black hair and ruby eyes are one of the most recognizable signs of the Erenhal bloodline."
Ngunit sa mundo ng Holmeia, ibang-iba ang tingin ng mga tao sa mga katangiang iyon.
Ang natural na pilak na buhok at pulang mga mata ay tinagurian nilang isang uri ng disease. Marami sa mga ordinaryong tao ang hindi nakakaalam ng tunay na pinagmulan nito at iniisip lamang nilang kakaiba o may sakit ang mga taong ipinanganak na may ganoong features.
Dahil sa angking kagwapuhan ni Lapileon, pinabayaan na lamang niya ang kanyang pinak na buhok at pulang mata kapag nasa Holmeia siya. Sa halip na itago ang kanyang hitsura, hinahayaan niya lamang ang mga tao na isipin kung ano man ang gusto nilang isipin.
Ilang sandali pa ay naroon na rin si Thaddeus at tumabi kay Lapileon. Bahagya siyang yumuko upang tingnan si Raquim na mahimbing pa ring natutulog sa kanyang crib.
"Hmm... do you think what I'm thinking, Lappy?"
"What the fuck? call me that again and I will punch your face."
Si Lucius naman ay umiling na lamang at nagkrus ng mga braso. "I definitely know what you're thinking, Thad."
Hindi na pinansin ni Thaddeus ang masamang tingin ni Lapileon at sa halip ay pinagmasdan na lamang si Raquim. "Since you already broke up with your model girlfriend... and since King Drakkon forbids us from seeing our mates, you're the only one who's not in trouble..."
Bahagyang umangat ang kilay ni Lapileon.
"You can still travel to that world. You can even bring Raquim with you and show everyone that you have a child." Thaddeus slowly looked at Raquim.
"But don't confirm that he's your child. Just let your model see him and make her wonder."