CHAPTER 69 #2

"Come at me, bitch! I will fucking defeat you and have your body eaten by the beasts lurking here!"

Sa sobrang lakas ng sigaw ni Number Four ay nanindig ang balahibo ng lahat ng mga kawal na nanonood mula sa loob ng barrier ni Lucy Pearl.

Mabilis siyang sumugod kay Rassia, hawak nang mahigpit ang kaniyang espada. Hindi na nagdalawang-isip si Rassia at sinalubong din ang atake nito.

Sa isang iglap, parehong nawala sa paningin ng mga kawal ang dalawa.

Their movements were simply too fast.

Sunod-sunod na umalingawngaw ang mga tunog ng nagbabanggaang sandata sa buong paligid.

Isang iglap ay nasa kaliwa si Rassia, ngunit bago pa siya masundan ng kanilang mga mata ay nasa kabilang bahagi na siya ng battlefield.

Mabilis ding sumusunod si Number Four, ang kaniyang espada ay paulit-ulit na humihiwa sa hangin habang sinusubukan niyang tamaan si Rassia.

"W-Where did they go?!"

"N-Napakabilis nila!"

"K-kamangha-mangha... k-kayang tapatan ng b-binibini ang kaniyang bilis..."

Maging sina Number Two, Number Three, at Number One ay hindi na masundan nang maayos ang kanilang bilis.

Nagbanggaan muli ang kanilang mga sandata.

The sharp edge of Rassia's scythe came dangerously close to number four's eye, ngunit mas lalo nitong diniinan ang kaniyang espada at pilit na itinulak pabalik si Rassia.

Napaatras si Rassia ng ilang hakbang. "Hah! fuck you!"

Binitiwan niya ang scythe gamit ang kaniyang kaliwang kamay at mabilis na bumuo ng fireball sa kaniyang palad. Without hesitation, she hurled it directly at Number Four.

Napaatras silang dalawa dahil sa pagsabog.

Bahagyang umagos ang dugo sa mukha ni Number Four, habang si Rassia naman ay mayroon nang ilang sugat sa kaniyang katawan. Tumutulo na rin ang pawis sa kaniyang noo habang bahagya siyang hinihingal.

Number four wiped the blood from his face. Then he smiled.

"You're fast, girl!"

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang espada habang nakatingin kay Rassia.

"I, Lord Valek, declare you to be the fastest opponent I have ever encountered!"

Rassia slowly straightened herself. Bahagya siyang ngumisi.

"Glad to know I'm making an impression."

Mabilis na muling sumugod si Rassia kay Number Four, hawak ang kaniyang scythe. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit, bigla siyang nawala sa kaniyang paningin.

"Where did she-?!"

Sa halip na si Rassia ang makita niya, isang napakalaking Fire Spike ang biglang sumulpot sa kaniyang harapan at mabilis na dumiretso sa kaniyang direksyon.

"Fuck!"

Hindi siya nakaiwas sa sobrang bilis ng atake. Tinamaan ng Fire Spike ang kaniyang kanang kamay, napaatras siya habang napasigaw sa sakit at nabitawan ang kaniyang espada.

"Aaagh!"

Napalingon sina Number Three, Number Two, at Number One sa paligid, pilit na hinahanap kung saan nagmula ang atake.

"Where the fuck is she?!"

Sa isang iglap, muling sumiklab ang apoy sa paligid. Mabilis na dumapo ang apoy sa espada ni Number Four, at sa tulong ng apoy ay bigla itong umangat mula sa lupa at lumutang sa harapan ni Number Four.

Namimilipit pa rin sa sakit si Number Four, unti-unti nang nanghihina dahil sa daming dugo na nawala sakanya mula sakanyang naputol na braso.

"Valek!" sigaw ni Number Three nang mapansin ang espada.

Ngunit bago pa siya makalapit, mabilis na kumilos ang espada.

Sa isang iglap, umatake ito patungo kay Number Four at tumama sa kaniyang dibdib.

Number Four's own sword killed him with Rassia's fire controlling it.

The sword struck directly at Lord Valek's heart.

"Valek!" sigaw naman ni Number Two.

Nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi nila inaasahan na gagamitin ni Rassia ang sariling espada ni Number Four laban sa kaniya.

Mabilis na napahawak si Number Three sa lupa nang maramdaman niya ang papalapit na atake. Biglang lumitaw ang asul na enerhiya sa paligid ng kaniyang katawan, kumalat sa lupa at nagdulot ng matinding pressure sa buong paligid.

Napahawak si Rassia sa kaniyang scythe upang mapanatili ang kaniyang balanse. She was supposed to attack Number Three, but he managed to sense her presence before she could get close.

Bahagya siyang ngumisi.

"Hah! you managed to feel my presence, huh?"

Muli niyang itinuwid ang kaniyang katawan at mahigpit na hinawakan ang scythe.

"I don't waste my time fighting Number Four."

Tinitigan niya si Number Three. "You can manipulate gravity, so I have to prioritize you."

Tahimik lamang na nakatayo si Number Two habang pinagmamasdan sina Rassia at Number Three na naghahanda para sa kanilang laban. Tila naghihintay lamang ng tamang pagkakataon.

His ability was mana absorption.

He intended to absorb Rassia's Eternal Flame mana little by little, weakening her while strengthening himself with the mana he managed to take.

Bahagya siyang napangisi nang mapansin niyang patuloy lamang na ginagamit ni Rassia ang kaniyang Eternal Flame.

Keep using it.

The more mana you release, the more I can absorb.

Biglang umigting ang panga ni Number Three habang mas lalong kumapal ang asul na enerhiya sa paligid niya. Halatang-halata ang galit sa kaniyang mukha habang nakatitig kay Rassia.

"You arrogant wench! don't think that defeating Number Five and Number Four means you can simply walk over the rest of us! You have no idea who you're standing against! I have controlled gravity for decades, crushed armies beneath its pressure,

and brought countless warriors to their knees without even touching them. Yet you stand there with that ridiculous smile as if this entire battle is nothing but a game!"

Rassia remained completely still.

Bahagya lamang niyang itinaas ang kaniyang scythe at ngumiti.

"Are you done?"

Nanlaki ang mga mata ni Number Three at mas lalong nanlisik sa pula ang kaniyang mga mata.

Rassia tilted her head.

"Because if you're finished bragging about how many people you've defeated, I'd like to remind you of something."

Bahagya niyang pinasadahan ng tingin ang paligid.

"You're still standing here because I haven't decided to defeat you yet."

Mas lalong nagdilim ang mukha ni Number Three.

Rassia's smile widened. "So go ahead. Show me that terrifying gravity you've been bragging about."

Nagpakawala ng mas malakas na enerhiya si Rassia. The Eternal Flame suddenly erupted around her, spreading across the battlefield and surrounding her with countless red flames.

Mabilis na kumalat ang apoy sa bawat sulok ng paligid, creating multiple points where Rassia could appear.

Sinubukan ni Number Three na gamitin ang kaniyang gravity upang ilayo si Rassia sa kaniyang kinaroroonan.

Ngunit sa tuwing binabago niya ang direksyon ni Rassia, mabilis lamang naglalaho ang babae.

Then she appeared from another flame.

Sumigaw si Number Three sa inis at muli niyang sinubukan ang pag control ng gravity.

But Rassia disappeared again. Lumabas siya muli sa ibang apoy, hawak ang kaniyang scythe at nakangising nakatingin sa kaniya.

"You can move me wherever you want."

Bahagya niyang itinaas ang kaniyang scythe.

"But as long as my flames are everywhere, you can't decide where I'll appear next."

Biglang umigting ang asul na enerhiya sa paligid ni Number Three. Hindi na niya hinabol si Rassia habang patuloy itong naglalaho at lumilitaw mula sa kaniyang mga apoy. Sa halip, marahan niyang inilagay ang kaniyang kamay sa lupa.

Sa isang iglap, biglang bumigat ang buong paligid. Napahigpit ang hawak ni Rassia sa kaniyang scythe habang bahagyang napayuko dahil sa biglaang pressure na bumagsak sa kaniyang katawan.

"What the..."

Mabilis na kumalat ang asul na enerhiya mula sa katawan ni Number Three hanggang sa mga apoy na nakapaligid kay Rassia. Isa-isang bumigat ang mga apoy, at tila hinihila ang mga ito pababa sa lupa.

Napatingin si Rassia sa kaniyang paligid.

He's increasing the gravity around my flames...

Ngumisi si Number Three.

"You thought you could keep disappearing into those flames?"

Muli niyang itinaas ang kaniyang kamay.

"Then I'll simply control the gravity around every single one of them."

Mas lalo niyang pinalakas ang kaniyang mana. Lalong bumigat ang paligid ni Rassia, dahilan upang maging mas mahirap para sa kaniya ang paggalaw.

"You can run wherever you want, girl. But as long as your flames remain within my range, none of them can save you."

Tahimik lamang na pinagmasdan ni Rassia ang mga apoy na unti-unting bumababa.

He's not trying to attack me directly.

He's controlling every place I can use to move.

Bahagya lamang ngumisi si Rassia habang pinagmamasdan ang asul na enerhiyang kumakalat sa buong battlefield. Lalong bumibigat ang kaniyang katawan sa ilalim ng gravity ni Number Three, ngunit hindi man lamang nawala ang kumpiyansa sa kaniyang mukha.

"Not bad, Number Three."

Mas lalong sinamantala ni Number Two ang pagkakataon. Habang hindi pa lubusang nakakabawi si Rassia, mas lalo niyang inabsorb ang Eternal Flame at mana na naiwan sa paligid.

Unti-unting nawawala ang mga apoy sa battlefield habang hinihigop ni Number Two ang mga ito patungo sa kaniyang katawan.

Pasimpleng tumingin si Rassia kay Number Two.

Yes, idiot. Keep absorbing my mana.

It was my plan all along.

Hindi ako tanga. Sinadya kong pakawalan ang aking mga apoy upang makontrol iyon ni Number Three. That way, I could make him believe he had already figured out my next move.

Palihim na ngumisi si Rassia.

And now you're doing exactly what I wanted, Number Two.

Napangisi rin ang mga natitirang Lords. Sa kanilang tingin, tuluyan nang nawalan ng paraan si Rassia upang makatakas.

Bahagyang humakbang si Number Three palapit.

"Sa dami ng mana na nawala sa'yo, hindi ka na magtatagal pa! sumuko ka na habang may pagkakataon ka pa!"

"Kung ipagpapatuloy mo pa ito, mas lalo ka lamang mawawalan ng lakas. Ikaw rin ang magiging dahilan ng sarili mong pagkatalo," ani Number Two.

Muling itinaas ni Number Three ang kaniyang kamay. "Gravity Lock."

Biglang kumalat ang asul na enerhiya sa lupa sa ilalim ng kaniyang mga paa. The ground beneath Rassia cracked as the gravitational pressure intensified around her.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.