CHAPTER 69 #5
Iniwasiwas niya ang kaniyang scythe pababa habang mabilis na sumugod kay Aryo.
Kasabay niyon ang pag pula ng kalangitan.
Biglang kumidlat ang kalangitan, at tila sumusunod ang bawat kidlat sa galaw ni Rassia.
Napatingala si Aryo habang nararamdaman ang napakalaking enerhiyang nabubuo sa paligid niya.
Rassia smirked.
"If you're a Water Mage, then I'll use the secondary power of fire."
Bahagya niyang itinaas ang kaniyang scythe.
"The lightning."
Sa isang iglap, isang napakalaking kidlat ang bumagsak mula sa pulang kalangitan. The lightning from the sky suddenly descended into Rassia's scythe.
Mabilis na umatake si Rassia kay Aryo, iniwasiwas ang kaniyang scythe na nababalot ng napakalakas na kidlat.
Mabilis na gumawa si Aryo ng napakalaking water shield sa harapan niya.
Isang napakalakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong labanan, habang nagsalpukan ang lightning ni Rassia at napakalaking water shield ni Aryo.
Napanganga ang lahat nang makita nilang tuluyang naging pula ang kalangitan. Maging ang mga kawal na Fire Mages ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita habang patuloy na kumikidlat sa itaas nila.
I-Impossible... t-tunay nga siyang makapangyarihan...
Isa r-rin akong fire mage, ngunit hindi k-ko kayang gamitin ang secondary power ng apoy. H-Hindi basta-basta nagagawa ng i-isang fire mage ang paggamit ng lightning....
Only those with an enormous amount of fire mana can reach that l-level...
Kailangan magkaroon ng napakalaking mana at sapat na control para mapilit ang apoy na maglabas ng panibagong anyo ng kapangyarihan.
A-at n-nagagawa niya iyon nang ganoon kadali?
Muling kumidlat sa kalangitan, dahilan upang mapaatras ang ilang kawal.
The amount of mana surrounding her... I've never felt anything like it before...
No wonder she was able to defeat the others...
Kung ganito kalakas ang apoy ng binibini, then what else is she capable of?
"Aagh!" sigaw ni Aryo nang makuryente siya dahil sa sarili niyang tubig.
Mabilis siyang napaatras habang pilit na kinokontrol ang tubig sa paligid niya.
"You leave me no choice. I will fight you with my sword! humanda ka!"
Sa isang iglap, lumitaw sa kamay ni Aryo ang kaniyang Manifestation Soul Weapon. Isang mahabang espada ang nabuo mula sa kaniyang palad at mahigpit niya itong hinawakan habang nakatingin kay Rassia.
Mabilis siyang sumugod.
Rassia immediately raised her scythe to block the attack.
Mabilis ang naging kilos ng dalawa. Their movements were so fast that the knights could barely follow them with their eyes.
Muling sumugod si Aryo, mabilis na iwinasiwas ang kaniyang espada mula sa iba't ibang direksyon. Rassia blocked each attack with her scythe, habang patuloy silang gumagalaw sa buong battlefield.
Every clash between their weapons created a powerful shockwave.
"You're so fucking fast," ani Aryo habang muling umatake.
Rassia smirked. "You're not slow either."
Mabilis niyang itinulak palayo ang espada nito gamit ang kaniyang scythe bago siya muling umatake.
Damn it.
Alam ko ang ginagawa ng matandang 'to. The sword is absorbing my Eternal Flame mana. That way, he cannot be poisoned by my power like what happened to Number Two.
Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Rassia habang patuloy na nagbabanggaan ang kanilang mga sandata.
So that's why he switched to his sword...
He's avoiding direct contact with my Eternal Flame...
Muli niyang pinagmasdan ang espada ni Aryo habang may ilang hibla ng kaniyang mana ang unti-unting hinihigop nito.
But if that's the case...
Bahagyang ngumisi si Rassia.
The lightning is his weakness.
Water may be able to suppress my fire, but that sword can't absorb everything.
I just need to find the right moment...
Mabilis na sumugod muli si Aryo.
Ngayon, hindi na nakaiwas si Rassia. Mabilis na tumama ang espada nito sa kaniyang armor, dahilan upang mapaatras siya. May mga sugat na sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan, at may dugo muling dumaloy mula sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
Hindi pa man siya nakakabawi ay muling sumugod si Aryo.
Mabilis na itinaas ni Rassia ang kaniyang scythe upang harangan ang espada nito, ngunit napakalakas ng impact kaya napaatras siya nang ilang hakbang.
Her breathing became heavier.
Pinunasan niya ang dugong dumaloy sa gilid ng kaniyang labi.
Damn it...
My entire body is already full of wounds...
This old man is stronger than I expected...
Muling sumugod si Aryo, forcing Rassia to defend herself again. Ngunit kahit nahihirapan na siya, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mukha.
I just need to endure a little longer...
Muling nagbanggaan sina Rassia at Aryo. Nagliyab ang scythe ni Rassia habang kumikislap naman ang asul na mana sa espada ni Aryo. Mabilis ang kanilang mga galaw, halos hindi na sila makita ng mga kawal. Red and blue mana constantly clashed around them, creating powerful shockwaves with every strike.
Mabilis na iniwas ni Rassia ang espada ni Aryo bago niya iniwasiwas ang kaniyang scythe, ngunit agad itong hinarangan ni Aryo.
Nagbanggaan muli ang kanilang mga sandata, creating another powerful impact that sent them both sliding backward.
Ngunit bago pa man sila tuluyang makalayo, muli silang sumugod sa isa't isa.
The clash became faster and more intense. Rassia attacked from different directions while Aryo blocked and countered every strike. Their weapons continued to collide, habang ang pulang apoy at asul na mana ay patuloy na naglalaban sa buong battlefield.
Aryo and Rassia screamed as their weapons clashed against each other. Ang lupa ay tila yumanig sa sobrang lakas ng mana na inilalabas nilang dalawa.
Palihim na bumuo si Aryo ng water barrier sa paligid ng kaniyang katawan. Habang patuloy silang naglalaban, unti-unti nitong hinihilom ang kaniyang mga sugat.
Ngunit napansin iyon ni Rassia.
Bahagya siyang ngumisi.
"Got you."
Bago pa tuluyang maghilom ang mga sugat ni Aryo, mabilis na sumugod si Rassia at tinamaan siya sa dibdib gamit ang kaniyang kamay na mayroong ligtning.
Isang malakas na kuryente ang kumalat sa katawan ni Aryo.
"Aaagh!"
Napaatras siya nang bahagya, hindi niya inaasahan ang biglaang pag-atake ni Rassia.
Aryo never saw it coming because Rassia never stopped clashing against him with their weapons.
Rassia smirked again.
I keep him focused on our clashes... water mages have the ability to heal themselves, so I already knew he would use it while fighting me.
I just needed to keep his attention on my scythe and make him believe that every attack was coming from my weapon.
I used that chance to prepare my lightning without letting him notice it.
Bago pa man makabwelo si Aryo ay mabilis nang umatake si Rassia. Binitawan niya ang kaniyang scythe at agad na bumuo ng fire spike sa kaniyang kamay.
Sa isang iglap, mabilis niya itong sinaksak diretso sa puso ni Aryo.
"Fuck you, I win..."
Napaubo ng dugo si Aryo habang patuloy din siyang nakukuryente. Gigil siyang nakatingin kay Rassia habang hirap na hirap nang huminga. Nakahawak siya sa kamay ni Rassia, pilit itong pinipigilan ngunit mas lalo lamang diniinan ni Rassia ang kaniyang pagsaksak sa kaniyang puso.
The spike was burning hot, its heat spreading through Aryo's body as the lightning continued to course through him.
"You think I'll let you die just like that? Hell no."
Buong pwersang hinugot ni Rassia ang fire spike, dahilan upang mapaluhod na nang tuluyan si Aryo.
Nakahawak pa rin si Rassia sa kaniyang fire spike habang malamig siyang nakatingin kay Aryo.
"B-Bitch... h-how...? y-you? I-I w-was d-defeated b-by a-a w-woman?" hirap na hirap na sambit ni Aryo habang patuloy na umuubo ng dugo.
Unti-unting kumalat ang kaniyang dugo sa buhanginang lupa. Nanginginig ang kaniyang katawan habang nakatingin siya kay Rassia, tila hindi matanggap na siya, ang pinakamalakas sa Mysarea, ay natalo sa kamay ng isang babae.
"A woman?" bahagya ngumisi si Rassia.
"That's what you chose to be ashamed of? you weren't defeated because I'm a woman, Aryo. You were defeated because you were arrogant enough to believe that power belongs only to men."
Bahagya niyang itinaas ang kaniyang baba habang nakatingin sa kaniya.
"So... you spent this entire fight looking down on me because you thought a woman could never stand above you. And now you're lying there, defeated, still trying to blame the fact that I'm a woman instead of accepting that you simply weren't strong enough to defeat me."
Bahagyang humakbang si Rassia palapit kay Aryo at marahang yumuko. Hinawakan niya ang kaniyang baba at itinaas ang mukha nito upang direktang mapatingin sa kaniya.
"Look at me, Aryo. I want you to remember exactly who defeated you."
Unti-unti nang nawawalan ng hininga ang matanda. His number one symbol slowly faded from his forehead as his vision became blurry. Halos hindi na niya maitaas ang kaniyang ulo habang pilit na nakatingin kay Rassia.
Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Rassia habang unti-unting nanghihina ang katawan nito.
Ngunit ayaw niyang matapos iyon nang ganoon kadali.
"I, Rassia Saint Quentin, the Child of Fire, the Orythea..."
"... sentence you to die."
Rassia summoned her soul scythe back into her grip. In an instant, she chopped the body of Aryo.
Sa isang pikit-mata, humiwalay ang iba't ibang parte ng katawan ni Aryo at tumalsik sa lupa. Dumanak ang dugo nito sa buhanginan habang nakakalat ang pira-piraso niyang laman sa paligid.
?Tila nanlaki ang mga mata ng libo-libong kawal sa kanilang nasaksihan. Napalunok ang lahat ng simulang sunugin ni Rassia ang mga hiwa-hiwang bahagi ng katawan ni Aryo.
Maging ang commander ng Mysarea Knights ay natigilan sa kaniyang nasaksihan. For someone who had served the five Lords for years, seeing Number One fall before Rassia was something he never expected to witness.
The death of Lord Aryo was brutal... It was the most brutal death I have ever witnessed in my entire life...
The battle had lasted for seven long hours.