CHAPTER 73 #10

Tila natigilan si Lurtheron sa mga sinabi ni Rassia. Alam niyang galit si Rassia sa kaniya, ngunit hindi niya tinanggap ang pananaw nito na ang lahat ng kaniyang ginawa ay bunga lamang ng kalupitan.

"Lumaki akong kasama nila, at hindi naging madali para sa akin ang mga desisyong ginawa ko laban sa kanila. But being their brother does not mean I should ignore what I believe is dangerous.

Sinabi mong hinatulan ko sila dahil lamang sa paniniwala kong hindi dapat kabilang ang mga bampira sa mundong ito. Perhaps you are right that my beliefs are different from yours. But I still believe that vampires can become a threat if their power is allowed to grow without control."

Nanatiling kalmado ang kaniyang mukha.

"Hindi ko sila hinatulan dahil kinamumuhian ko sila. I made those decisions because I believed I was protecting the Empire. Kung kailangan kong gumawa ng mahirap na desisyon para maprotektahan ang mas maraming tao, then I will make that decision,

kahit sarili kong pamilya pa ang kailangang kalabanin ko."

Napairap na lamang si Rassia at umiling. Halata sa kaniyang mukha na pagod na siyang makipagtalo kay Lurtheron.

"Kung gayon, kung ganiyan kakitid ang utak mo, Lurtheron, at sa tingin ko ay hindi ka rin naman bababa sa trono... then I will give you one week to surrender. And if you still refuse, I will declare war against you."

Tila nanlaki ang mata ni Lurtheron sa narinig. Hindi na siya nagulat sa sinabi ni Rassia dahil alam niyang iyon talaga ang maaari nitong gawin kapag hindi siya sumuko.

"You give me no choice, Lurtheron. I offered you peace, but you refused it." bahagyang napabuntong-hininga si Rassia.

"I came here willing to settle this without anyone getting hurt. I gave you the chance to step down peacefully, and I even promised that no innocent people would have to suffer because of our conflict."

Bahagya siyang umiling.

"But if you choose to hold on to that throne... then I will have no choice but to take it from you."

Tumayo na si Rassia mula sa kaniyang kinauupuan at inayos ang kaniyang damit. At taas noong tumingin kay Lurtheron.

"One week. That's all the time I'm giving you. Think carefully, Lurtheron. Because after that week ends, I will no longer come here to ask you to surrender."

"I will come here as your enemy."

Umigting ang panga ni Lurtheron. Alam niyang hindi basta-basta kalaban si Rassia. She was a threat to his throne, and he could no longer treat her as the same woman he once knew.

Hindi na rin niya magagawa ang mga ginawa niya noon. She had the Eternal Phoenix, a demon, and enough strength to challenge the empire itself.

Natigilan si Rassia, maging si Lurtheron, nang sabay nilang maramdaman ang ilang kakaibang presensiya sa paligid.

Kapwa nila sinusubukang tukuyin kung saan nanggagaling ang mga iyon.

Hindi ito katulad ng karaniwang mana na nararamdaman nila mula sa mga mages.

There was something different about those presences.

Maya-maya pa ay narinig nila ang malalakas na sigawan mula sa labas ng Imperial Office. Lalong naging alerto si Rassia habang unti-unting lumalakas ang mga ingay mula sa labas ng palasyo.

Dahil sa kapangyarihan ni Lucy Pearl, mas malakas ang pandinig ni Rassia kaysa sa isang ordinaryong mage. Kahit nasa loob sila ng Imperial Office, malinaw niyang naririnig ang mga sigaw ng mga tao at mga kawal sa labas.

Ngunit hindi lamang mga sigaw ang kaniyang naririnig.

She could hear unfamiliar sounds among the chaos.

Biglang nanigas ang katawan ni Rassia nang tuluyan niyang maunawaan kung ano ang mga presensiyang naramdaman nila kanina.

They finally appeared...

Mabilis na bumukas ang pinto ng Imperial Office. Naroon si Desmond at ang Commander ng Imperial Knights na parehong halatang taranta at pinagpapawisan.

"My Queen! kailangan mong makita ang nangyayari sa labas... they... they have finally appeared! sobrang... sobrang dami nila!"

"Your Majesty! Unfamiliar creatures appeared suddenly in the darkness! They seem to be targeting women! Some of them have already taken several women! The 13 Guardians are already fighting them, but they keep regenerating! at ang iba sa kanila, kinakain nang buhay ang mga tao!

they grow stronger every time they devour human flesh!"

Mabilis na sinummon ni Rassia ang kaniyang scythe.

Sa isang iglap, lumitaw sina Anastacio at Lucy Pearl sa kaniyang likuran, parehong handang sumunod sa kaniya.

Walang sinayang na oras si Rassia at agad silang kumilos patungo sa labas ng palasyo.

Maging si Lurtheron ay sinummon na rin ang kaniyang espada at mabilis na sumunod.

Paglabas nila, agad nilang nakita ang kaguluhang nagaganap sa paligid.

Kakaunti na lamang ang mga mamamayang naroroon dahil ang karamihan ay nagsitakbuhan na.

May ilan na pilit tumatakas habang hinahabol ng mga kakaibang nilalang na biglang lumitaw mula sa kadiliman.

Ang iba ay may malalaking sungay, habang ang ilan naman ay may napakaraming mata at mga braso.

Hindi man pare-pareho ang kanilang anyo, iisa ang bagay na kapansin-pansin sa lahat ng mga ito.

Sigawan at takbuhan ang namayani sa buong paligid.

"Help!"

"Get away from them!"

"Run!"

"Protect the people!"

Nagkakagulo ang mga Imperial, Holy at Mysarea Knights habang sinusubukan nilang ilayo ang mga mamamayan sa mga nilalang. Samantala, patuloy na lumalaban ang 13 Guardians, ngunit kahit ilang beses nilang tamaan ang mga nilalang, mabilis na naghihilom ang mga sugat ng mga ito.

Rassia gritted her teeth.

"They are just lower demons... but there are far too many of them." ani Lucy Pearl.

"What was that?" mahinang tanong ni Lurtheron habang nakatingin sa hangin sa di kalayuan.

Unti-unting nagsimulang umikot ang hangin sa di kalayuan. Isang asul na liwanag ang lumitaw sa gitna nito, na para bang may unti-unting nabubuong lagusan. Lalong lumakas ang ikot ng hangin hanggang sa tuluyang mabuo ang isang malaking portal.

Nanlaki ang mga mata ni Rassia sa kaniyang nakita.

Mula sa loob ng portal ay biglang may tumalon palabas na isang lalaki.

Malakas siyang bumagsak sa lupa at agad na napahawak sa kaniyang dibdib.

Hingal na hingal siya at halatang sugatan.

Napayuko siya habang umuubo ng dugo, saka mabilis na itinukod ang kaniyang espada sa lupa upang hindi tuluyang bumagsak.

"R-Russel?"

Agad na lumambot ang tingin ni Rassia nang makilala siya.

Ngunit bago pa man siya makalapit, may isa pang presensiya na lumitaw mula sa portal.

Dahan-dahang lumabas mula sa asul na lagusan ang isang nilalang.

"Magaling... magaling..."

Malamig at malalim ang boses nito habang nakatingin kay Russel.

"Ako ay nagawa mong lokohin, bata."

Bahagya itong ngumiti habang tinitingnan ang kaguluhan sa paligid.

"At dahil sa iyo, marami akong makakain ngayon..."

Nanlamig ang lahat habang pinagmamasdan ang presensiyang iyon.

Kahit ang mga Imperial Knights na sanay humarap sa iba't ibang uri ng kalaban ay hindi makagalaw nang ilang sandali.

Ramdam nila ang napakalakas na presensiya na nagmumula sa nilalang, at sapat na iyon upang iparamdam sa kanila na hindi ordinaryong demonyo ang kanilang kaharap.

"An upper demon!" sigaw ni Anastacio.

Lalong bumigat ang paligid nang tuluyang lumabas ang nilalang mula sa portal.

It was unnaturally tall, almost towering over everyone around it.

Nakangiti ito nang malapad, at makikita ang matatalim nitong mga ngipin na may bahid ng dugo.

Mahahaba ang mga sungay nito at kakaiba ang hugis ng ilong na tila kahawig ng isang bungo.

Mahahaba rin ang mga tainga nito, habang ang itim nitong buhok ay umaabot hanggang sa lupa at marahang gumagalaw kasabay ng hangin.

Ngunit ang pinakanakakakilabot ay ang mga mata nito. Patuloy na tumutulo mula sa mga mata nito ang itim na dugo.

Mabilis na tumayo si Russel at muling hinawakan nang mahigpit ang kaniyang espada. Kahit halatang nahihirapan siyang manatiling nakatayo, hindi siya umatras. Sa halip, mabilis siyang tumakbo patungo kay Valroth.

"Valroth!"

Napalingon ang demonyo sa kaniya.

"Even if I die here, I will make sure you will die with me!"

Muli niyang itinaas ang kaniyang espada habang papalapit kay Valroth.

Samantala, bahagyang lumawak ang ngiti ng demonyo.

"Still trying to fight me? how admirable."

Humigpit ang hawak ni Russel sa kaniyang espada.

"I don't care how powerful you are! I won't let you hurt anyone else!"

Tila natigilan ang lahat sa nasaksihan. Hindi nila inaasahan na ang isang batang tulad ni Russel ay kayang humarap nang mag-isa sa isang upper demon. Kahit halatang pagod at nasugatan na siya, hindi pa rin siya umatras.

"Captain Russel? fighting a demon himself?" ani Lurtheron.

Napatingin ang lahat kay Russel habang patuloy itong humaharap kay Valroth.

"How admirable... he's just a kid, and yet he's willing to stand against an upper demon..." sambit ni Anastacio.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.