CHAPTER 74 #8
"Rest in peace, Demonio Venticinco. Thank you. Nawa'y maging payapa ang paglalakbay mo sa kabilang buhay," ani Rassia habang nakapikit.
Sandaling tumingin si Anastacio kay Rassia bago marahan ding yumuko. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Valroth na gumagalaw pa rin, habang unti-unti nang nagiging abo ang ibang piraso ng katawan nito.
"I will lend your soul some of my Eternal Flame, Demonio Venticinco. Upang ang apoy na sasamahan ka sa iyong paglalakbay ay hindi maging masyadong mabigat para sa iyo."
Bumuntong-hininga si Lucy Pearl nang tuluyan nang maging abo ang kamay ni Valroth, kasama ang pamaypay na hawak nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang mga abong unti-unting tinatangay ng hangin.
"What a pity... Isa na siyang demonyo, at marami na rin siyang nabiktima. Ang kaniyang kaluluwa ay maaaring masunog magpakailanman kapag nakatawid na siya sa Infernov..."
Infernov is hell. Naroon naninirahan ang mga demonyo, pati na rin ang mga kaluluwang nagkasala sa mundo ng Arcadeya. Ngunit hindi ibig sabihin na lahat ng kaluluwang nagkasala ay napupunta roon.
Maaaring pahintulutan si Valroth ng Dakilang Diyosa na magkaroon ng pangalawang pagkakataon dahil siya ay isang biktima lamang.
Dahil ang apoy na sumusunog sa kaluluwang nagkasala ay hindi para parusahan ito. The fire is meant to cleanse the soul, to remove the darkness that has remained within it.
Ngunit kung ang kaluluwa ng nagkasala ay purong kadiliman lamang, doon lamang ito makakatawid sa Infernov at masusunog magpakailanman.
There is darkness and light when a being dies. If you are surrounded by the darkness, that means your soul is destined to cross into Infernov, where it will be cleansed by the flames. But if you are surrounded by the light, then your soul will travel to Gadesea.
Ngunit purong kadiliman at apoy lamang ang makikita ng isang kaluluwang patungo sa Infernov, kung saan ito ay susunugin at lilinisin.
Magkakaroon lamang ng liwanag kung may mahal sa buhay na naghihintay sa kabilang panig at hindi pa tumatawid patungo sa Gadesea. Sa ganitong pagkakataon, maaaring makausap ng kaluluwang naghihintay ang isang nilalang na malapit nang mamatay bago tuluyang maghiwalay ang kanilang mga landas.
Maaaring kinausap si Valroth ng kaniyang mahal sa buhay bago niya inilantad ang kakayahan ni Erishkigal.
It's indeed a pity... mukhang ang kaluluwang kumausap kay Valroth ay nakatakdang maglakbay patungong Gadesea. Ngunit pinili nitong hintayin si Valroth at samahan siya sa paglalakbay sa banal na apoy...
Tumayo na si Rassia at tumingin sa paligid. Lahat ng naroroon ay nakatingin na lamang sa kaniya. Wala na rin ang mga Lower Demons, at tahimik na ang buong paligid matapos ang kaguluhan.
Ang lahat ay tila hindi pa rin makapaniwala na nakalaban nila ang mga demonyo. Marami sa kanila ang naguguluhan kung saan biglaang nagsilabasan ang mga ito. Ang iba naman ay doon lamang napagtanto na ang mga demonyo pala ang nasa likod ng pagkawala ng ilang mga mamamayan.
Rassia gritted her teeth. Binitawan niya ang kaniyang scythe, at agad itong naglaho sa kaniyang kamay.
"That Erishkigal..." mahinang sambit niya habang muling sinusuri ang paligid. "Naririto lamang siya... but where? tila ni isa sa atin ay hindi man lang maramdaman ang kaniyang presensiya..."
"She... she's capable of turning someone into a demon... with a fucking rank."
His expression darkened.
"She's able to turn Valroth into an Upper Demon... worse, a fucking Demonio."
Erishkigal is really... that powerful.
No wonder even the gods themselves couldn't defeat her.
Then how could I possibly defeat her? If even the gods failed... what chance do I have?
But I can't let that stop me.
I have to find a way. I will find a way.
Tahimik na tumingin si Rassia sa paligid, ngunit wala siyang maramdaman na kahit anong bakas ng mana na maaaring kay Erishkigal. She was certain that the demon was nearby. Ang tanong na lamang ay kung saan ito nagtatago at kung paano nito nagawang itago nang lubusan ang kaniyang presensiya.
"It's still night. Maaari pang may mga demonyong umatake. She... she might attack right now. Fuck it. Hindi pa maayos ang pag-uusap namin ni Lurtheron... this empire is not ready for what's coming."
Kararating ko lamang dito at ito agad ang nangyari.
Hindi ko pa hawak ang imperyo, at hindi pa nasasailalim sa mas malalang training ang mga kawal ng Vermeleyon.
Hindi lamang malalakas na mages ang dapat pagtuunan ng pansin ni Lurtheron.
He keeps focusing on those who already possess great power, as if having a few powerful mages would be enough to protect the entire empire.
Ngunit tama nga ang hinala ko. They will come unexpectedly.
But why are the demons attacking exactly when I arrived here? Is it really just a coincidence?
Nagkatinginan sina Anastacio at Lucy Pearl.
"Master, earlier-"
Hindi na natapos ni Anastacio ang kaniyang sasabihin nang bigla niyang maramdaman ang mga paparating na presensiya. Maging si Lucy Pearl ay naramdaman din ito.
"Another demons!"
"Another bunch of Lower Demons! Damn it!"
"Humanda kayo!"
"Huwag panghinaan ng loob! Paslangin ang mga demonyo!"
Muling umalingawngaw ang mga sigaw sa buong paligid.
Agad na naghanda ang lahat para sa panibagong pag-atake, ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay napansin nilang hindi sila ang pinupuntirya ng mga demonyo.
Nagtaka ang lahat nang makita nila ang libo-libong demonyong mabilis na tumatakbo, ngunit hindi papunta sa direksyon ng mga kawal.
Sa halip, diretso silang kumikilos patungo kina Rassia, Lucy Pearl, at Anastacio.
"They're not attacking us!"
"Then what are they after?!"
Lalong naguluhan ang mga kawal habang pinagmamasdan ang napakaraming demonyong papalapit sa tatlo.
Samantala, nanatiling kalmado si Rassia habang nakatingin sa libo-libong nilalang na mabilis na lumalapit sa kanilang direksyon. Her eyes narrowed as she realized that this was not a random attack.
They were targeting her.
"I see... Erishkigal wanted to see my power." mahinang bulong ni Rassia habang nakatingin sa libo-libong Lower Demons na patuloy na papalapit sa kanila.
"Then I will give it to her."
Bahagya siyang tumingin kina Anastacio at Lucy Pearl.
"Anastacio... Lucy Pearl, go back to my dimension."
Yumuko si Anastacio at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib bilang tanda ng pagsunod. Tumango naman si Lucy Pearl bago pareho silang tuluyang nawala sa paningin ng lahat.
Samantala, patuloy na dumagsa ang libo-libong Lower Demons patungo sa direksyon ni Rassia.
Marami sa mga kawal ang napilitang umatras upang hindi sila matamaan ng mga nilalang na mabilis na dumaraan sa kanilang hanay.
Sina Caspian, Dazro, at ang iba pang squads ay agad na lumayo sa dinaraanan ng mga demonyo at sinubukang harangan ang ilan sa kanila.
Tinarget nila ang mga leeg ng mga demonyo, hoping to stop them before they could reach Rassia. Ngunit kahit ilang beses nila itong subukan, tila walang katapusan ang kanilang bilang. Sa bawat demonyong kanilang napipigilan, mas marami pa ang sumusulpot mula sa likuran.
Ngunit kahit anong gawin nila, patuloy lamang ang pagdagsa ng mga demonyo.
Lahat ng demonyo ay may iisang direksyon. Kay Rassia.
Rassia summoned her scythe again. Her eyes turned completely black, allowing her to sense all the demons coming for her. Mabilis ang kilos ng kaniyang mga mata habang isa-isa niyang sinusundan ang presensiya ng bawat demonyo at binibilang kung ilan ang papalapit sa kaniya.
Almost eight thousand demons were coming after her.
She was surrounded by the approaching demons, while the knights and the empire's squads remained outside, fighting off the countless groups of demons rushing toward her.
Inangat ni Rassia ang kaniyang scythe. The red details along the black blade began to glow, and the light became so intense that everyone around her was forced to close their eyes. The demons were the only ones who seemed unaffected, continuing to rush toward her without slowing down.
Biglang nagsimulang humangin sa paligid ni Rassia dahil sa lakas ng enerhiya na kaniyang inilalabas. Her hair turned burgundy red again, while her eyes returned to their natural color and began to glow with a deep burgundy light. Her red cape danced behind her as the wind grew stronger around her.
The phoenix-wing tattoo on Rassia's lower back suddenly began to glow. In an instant, a pair of massive phoenix wings formed behind her, radiating an orange-red light. Mabilis siyang umangat sa kalangitan, leaving the ground below as she looked down at the thousands of demons surrounding her.
Napanganga ang lahat habang pinagmamasdan si Rassia sa kalangitan.
Behind her was the full moon, perfectly framing her figure in the night sky, while her glowing orange-red phoenix wings spread wide behind her.
Binitawan ni Rassia ang kaniyang scythe at agad itong naglaho. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay, and a red magic circle appeared above her palm. Lalong lumiwanag ang kaniyang mga mata habang patuloy na humahampas ang hangin sa kaniyang buhok at pulang kapa.
Bahagyang yumanig ang buong paligid. Sa una, tila isang mahinang lindol lamang iyon, ngunit ilang sandali lamang ay mas lumakas ang pagyanig.
Hindi lamang ang lugar kung saan naroon si Rassia ang yumanig. The entire capital city of Sartores began to tremble.
Nagsimulang manginig ang mga gusali at nagkagulo ang mga taong nasa loob ng lungsod. Ang mga kawal na nakikipaglaban sa mga demonyo ay napatingin sa paligid, hindi alam kung ano ang nangyayari.
Meanwhile, Rassia remained in the sky, her raised hand still surrounded by the glowing red magic circle.
The stronger her mana became, the stronger the shaking grew.
The full moon behind Rassia began to glow brighter, as if greeting her as the reincarnation of the Goddess of the Moon.