Chapter 44

omniscient point of view

---

Sa loob ng isang lumang abandonadong gusali, tatlong lalaki ang nagtatago. Sila Ang mga engineering students na umatake kay Arushi Costa ilang araw ang nakalipas.

Samantala, sa kabilang bahagi ng abandonadong gusali, tatlong babae ang nagmamasid sa kanila. Bawat isa ay may hawak na baril, handang kumilos anumang oras.

Sa rooftop naman ng parehong gusali, dalawang babae ang nakapwesto, nakatago sa likod ng mababang pader. Ang isa ay may hawak na sniper rifle, nakatutok sa mga lalaki sa ibaba.

Ngunit bago pa man sila makagalaw, may nangyari na.

Biglang lumutang ang tatlong lalaki sa ere, parang may invisible na pwersang humawak sa kanila. Nagsimula silang magsisigaw, puno ng takot at pagmamakaawa.

Kitang-kita ng mga babae kung paano nag-twist ang mga katawan ng mga lalaki sa hindi natural na paraan. Narinig nila ang pag-crack ng mga buto, kasabay ng pag-sirit ng dugo sa sahig. Sa ilang segundo lang, ang tatlong lalaki ay wala nang buhay, duguan at nakahandusay sa sahig.

Nanlaki ang mga mata ng mga babae sa nasaksihan. Walang sinuman sa kanila ang nakagalaw o nakapagsalita. Ang kanilang mga baril ay nakababa, tila nawalan ng silbi sa harap ng hindi maipaliwanag na pangyayari.

Ramdam nila ang kakaibang enerhiya sa paligid—madilim, malamig, at nakakatakot. Parang may presensya ng isang bagay na hindi nila maipaliwanag.

Isa-isa, tahimik at maingat, lumabas sila ng abandonadong gusali, dala ang takot at pagkalito sa kanilang mga puso. Alam nilang may ibang pwersang naglalaro—isang pwersang mas malakas at mas mapanganib kaysa sa kanila.

---

___

May commotion ngayon sa university. Lahat ng estudyante, faculty, at staff ay tila hindi mapakali. Kumakalat kasi ang balita tungkol sa pagkamatay ng tatlong male engineering students—at hindi ito basta-bastang pagkamatay.

Nagkalat ang mga rumors. Mabilis ang usapan sa forums, sa group chats, at sa bawat sulok ng unibersidad. May iba na agad nagke-claim na multo ang may gawa. May nagsasabi namang demonyo raw ang dumalaw sa university grounds.

Sa cafeteria, parehong scenario. May tensyon sa hangin habang ang ilang estudyante ay nakaupo, tahimik, habang ang iba ay nag-uusap tungkol sa nangyari.

Sa pinakadulong table, apat na babae ang magkakasamang nakaupo. Sina Raegan, Forest, Min-Jae, at Citrine. Tahimik muna silang lahat, nakatitig sa kani-kanilang phones. Hanggang sa nagsalita si Raegan.

Tumango si Forest habang ipinapakita sa kanila ang screenshot mula sa group chat ng mga estudyante. May blurred photo na may bakas ng dugo sa sahig at mga katawan na hindi natural ang posisyon.

Kinilabutan si Min-Jae habang nakatingin sa screen.

Napangiwi si Citrine, at napapikit pa habang dinidiin ang phone palayo sa mukha niya.

Biglang natahimik ang mesa nila. Lahat sila napaisip. Kung may demonyong gumagala o may supernatural na nilalang sa paligid ng university, paano kung sila na ang sunod?

Tumunog ang bell para sa susunod na klase. Lecture ni Professor Haneul ang kasunod. Tumayo silang apat, medyo kinakabahan, pero kailangan pa rin pumasok.

__

Location: Lecture Hall – 10:00 AM

Pagpasok nila sa lecture room, hindi rin mapakali ang mga estudyante. Kakaunti lang ang maingay, at halos lahat ay nakatingin sa harap.

Nasa podium na si Professor Haneul. Nakatayo siya, nakasuot ng itim na slacks at mahigpit ang bun ng buhok. Malamig ang expression niya. Wala siyang emotion habang nag-aayos ng mga gamit niya. Her aura was darker than usual.

Walang kahit sinong nagbiro o nag-ingay. Lahat, tahimik.

Pumasok sina Raegan at Forest, at agad naupo. Si Citrine ay napatingin kay Min-Jae at bumulong.

Tumango lang si Min-Jae. Lahat sila ramdam ‘yung kakaibang lamig sa classroom. At kahit hindi pa nagsasalita si Professor Haneul, parang pinatahimik na niya agad ang buong klase sa presence lang niya.

Wala si Arushi. Pansin nilang wala sa upuan niya, pero hindi na nila nabanggit out loud dahil nga sa tensyon. Ayaw rin nilang makakuha ng attention ni Prof.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagsimulang mag-lecture si Haneul. Straight to the point. Walang kahit anong greetings o pa-casual intro. Deretsahan ang tono niya. Precise. Cold.

Para siyang ibang tao.

__

Location: Baek- Costa Residence – Arushi’s Room – 11:00AM

Samantala, sa kabilang bahagi ng mundo ng university—si Arushi ay hindi pa rin nagigising. Nasa kwarto lang siya, nakahiga sa kama. Payapang natutulog, pero hindi pangkaraniwan ang himbing niya.

Ilang araw na siyang ganun. Hindi pumapasok. Hindi bumabangon.

Sa loob ng kwarto niya, tahimik. Pero may kakaibang presensya. Parang may malamig na hangin na umiikot sa paligid niya. Minsan, parang may aninong dumadaan sa gilid ng kama niya.

Pero walang nakakakita. Wala ring nakapapansin. Busy sina Auburn, Primo, at Citrine. Akala nila nagpapahinga lang si Arushi. Akala nila normal lang na pagod siya.

Pero sa totoo lang... may kung anong bumabalot sa kanya.

Ang mga mata niya ay mapayapa, pero sa ilalim ng consciousness niya, ang faceless girl ay naroon—nagmamasid, nagbabantay. Tahimik lang siya sa sulok ng panaginip ni Arushi.

At habang ang buong university ay nababalot ng takot, sa silid ni Arushi… may tahimik na digmaan sa pagitan ng liwanag at dilim.

__

(Location: Arushi's Room – Dream Sequence in the Cabin)

Arushi POV

Tahimik. Sobrang tahimik.

Parang walang ibang tunog kundi ang mahinang pagkaluskos ng hangin sa labas ng cabin, at ang malambing na huni ng ibon mula sa labas.

Pagdilat ko ng mata, ramdam ko agad ‘yung warm na kumot na nakabalot sa akin.

The wooden ceiling greeted me again—familiar na, parang home.

I slowly sat up sa kama, and when I turned to the side, she was there.

The faceless girl.

But this time, kahit hindi ko pa rin makita ang mukha niya, hindi na ‘yon nakakatakot. I felt… safe. Like I’m exactly where I’m supposed to be.

“Hey,” I whispered, kahit wala siyang sinasabi.

Nasa tabi lang siya ng fireplace, naka-upo sa maliit na armchair habang naglalagay ng bagong kahoy.

Suot niya ‘yung cream-colored na sweater, oversized, hanggang hita.

Barefoot siya. Ang bango ng paligid—faint scent ng wood sage and sea salt… just like her.

Lumapit siya sa akin. Slowly. Maingat.

Para bang ayaw niya akong mabigla or masaktan.

Nang tumayo siya sa harapan ko, she crouched a little, at marahang hinawakan ‘yung pisngi ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita, pero her actions said everything.

“I missed you…” I murmured, habang pinikit ko ang mga mata ko. “Sobrang tagal mong nawala. Akala ko… ayaw mo na sa’kin.”

Narinig ko ‘yung mahinang hinga niya. Then her thumb gently brushed against my lower lip, and she finally moved closer—so close na naramdaman ko ‘yung warm breath niya. And just like that, she kissed me.

Hindi ‘yung halik na mapusok agad.

It was soft, hesitant, pero puno ng meaning.

Parang apology. Parang assurance. I melted into it, hands wrapping around her neck as I leaned closer.

Her lips moved with mine in perfect rhythm.

There was no fear. No pain. Just her and me.

Dahan-dahan niyang hinila ang kumot palayo sa katawan ko, exposing my bare skin.

I didn’t even feel embarrassed. I felt worshiped.

Sa bawat halik niya sa leeg ko, sa collarbone, sa dibdib—parang sinasambit niya ang pangalan ko in silence.

“I feel like… I belong here,” bulong ko habang hinila ko siya sa kama. She followed me gently, carefully resting on top of me. I traced the side of her neck with my fingers, still searching for clues of who she might be. “This… this is my world now, right?”

She didn’t answer. Instead, she kissed me again, deeper this time. Her hips gently pressed against mine, slow but deliberate. I gasped when our bodies aligned—sobrang init, sobrang intense. Para akong masasabog sa sobrang dami ng emotions.

Her hands traveled down my waist, fingers trembling a little. I felt her breath hitch. Ramdam ko rin ang gigil niya, pero she kept holding herself back, making sure na comfortable ako. That made me even more drawn to her.

“You’re healing me,” I whispered, tears slowly falling from my eyes habang niyayakap ko siya. “Bakit ganun… ikaw lang ang nakakapagpatigil ng sakit ko.”

Hinalikan niya ‘yung luha ko. Then she started humming again—that same tune she used to lull me to sleep before. I didn’t know the song, but it felt familiar. It felt like home.

She made love to me with so much care. Every kiss, every touch was like magic. Wala akong naramdamang takot o kaba. Just overwhelming peace. Para akong lumulutang habang magkasama kami.

Hours passed in that dream.

Nakahiga na kami ngayon, magkayakap. Nasa dibdib niya ang ulo ko habang hinihimas niya ang buhok ko. I could feel her heartbeat—steady, calm. My fingers were tracing circles sa gilid ng ribcage niya.

“You’re not gonna leave again, right?” tanong ko softly.

She paused. And then slowly, she lifted my face and kissed my forehead. “I’m always with you… even when you don’t see me.”

My eyes started to feel heavy again. I snuggled closer to her, breathing in her scent. Napakapit ako sa kanya habang unti-unti akong hinihila pabalik sa tulog sa loob ng panaginip ko.

“Don’t wake me up,” I whispered. “Let me stay here with you…”

And before I could hear her answer, the world turned black again.

But this time, it wasn’t terrifying.

It was peace.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.