Chapter 46
Omniscient point of view
Habang mahimbing na natutulog si Arushi sa kanyang panaginip, nasa gilid niya ang faceless girl.
Pareho silang nasa cabin, na para bang nakahiwalay sa lahat ng ingay at gulo ng mundo.
Tahimik lang ang paligid, naroon ang init ng fireplace, ang bango ng wood sage at sea salt na umaalingasaw sa buong espasyo.
Ang faceless girl ay nakaupo sa gilid ng kama, ang mga daliri niya ay dahan-dahang hinihimas ang buhok ni Arushi.
Sa bawat hagod ay parang inaalis niya ang sakit at takot na naranasan ng dalaga.
Mahinahon siyang humuhuni ng isang matandang lullaby, tila musika ng kalangitan mismo, at sa bawat nota ay lumalalim ang tulog ni Arushi.
Pero sa kabila ng mapayapang eksenang iyon, may bigat sa dibdib ng faceless girl—o mas kilala bilang Professor Haneul.
Sa loob ng panaginip, hindi siya propesora, hindi rin isang nilalang ng dilim.
Isa siyang tagapangalaga. Pero alam niyang hindi ito ang dapat.
Hindi ito ang lugar kung saan dapat manatili si Arushi.
Lumuhod siya sa tabi ni Arushi at idinampi ang kanyang mga labi sa noo nito.
Mainit, parang sinisikap niyang ipadama kay Arushi ang huling sulyap ng panaginip bago bumalik sa realidad.
Malamlam niyang binulong sa tenga ng dalaga, “Arushi, you will wake up soon. You’ll go back to reality.
And I’ll be here… kahit sa dilim lang.”
____
Meanwhile, sa university…
Tanghali na. Nasa lecture hall ang buong klase ng Architecture.
Nasa unahan si Professor Haneul, hawak ang marker habang pinapaliwanag ang structural systems ng isang gothic-inspired building.
Mahigpit pa rin ang aura niya, ngunit may malaking kaibahan.
Hindi ito kasing lamig tulad ng mga nakaraang araw.
Hindi rin ito madilim gaya noong bago mangyari ang insidente kay Arushi.
Nasa gitnang row sina Raegan, Forest, at Citrine. Tahimik silang nakikinig. Kahit si Raegan na laging nagjo-joke ay seryoso ngayon. Pansin nila na parang may bumabalot kay Professor Haneul—isang klase ng kapayapaan pero may bahid ng lungkot.
Forest leaned in a little. “Oo nga, hindi siya scary ngayon. Pero parang… malungkot?”
Raegan nodded. “May aura pa rin siya pero hindi na kasing heavy… para bang, may hinihintay siya.”
Tumingin si Citrine kay Professor Haneul. “Sana okay lang siya… pati si Arushi.”
___
Balik sa bahay ng Baek-Costa family… The other day
Ilang araw na simula nang hindi gumising si Arushi. Nasa bahay lang siya, sa kanyang kwarto, at wala pa ring kamalay-malay. Ang private doctor nila ay dumating na, sinuri si Arushi habang naroon sina Auburn, Primo at Citrine.
Napayuko si Primo at niyakap si Citrine na tahimik na umiiyak sa gilid. “Gisingin mo na ‘yan, please,” bulong ni Citrine habang lumuluhang nakatitig sa kapatid niyang parang isang estatwa sa kama.
Tumango si Auburn, pilit pinipigilan ang luha. “We’ll find a way.”
____
Samantala, sa loob ng panaginip…
Nakatulog si Arushi sa loob ng panaginip. Oo, sa mismong panaginip na iyon, nakatulog siya muli, habang ang faceless girl ay patuloy lang na pinagmamasdan siya. Ang mga mata nitong hindi maaninag, pero ramdam ang pait.
Bumangon si Arushi mula sa kama sa panaginip, medyo nalilito. “Huh? Saan ka galing?”
Tumingin lang sa kanya ang faceless girl at ngumiti ng banayad. Lumapit siya sa dalaga at niyakap ito.
Saglit na natahimik si Arushi. “Pero dito, I’m safe… with you. Hindi ako nasasaktan.”
Tahimik na tumulo ang luha sa mata ni Arushi habang nakatitig sa babaeng kaharap niya.
Ngumiti ang faceless girl, at sa unang pagkakataon, tila may liwanag sa likod ng kanyang anino. “I love you too, Arushi. But now… wake up.”
___
Back to reality…
Nasa tabi pa rin ni Arushi si Auburn, nakahawak sa kamay niya. Tumingin si Primo sa orasan, pasado alas-tres na ng hapon. Tahimik ang buong silid.
Biglang gumalaw ang daliri ni Arushi. Dahan-dahan. Napasinghap si Auburn.
Napatayo si Citrine at lumapit. “troney?! Troney?!”
Pumikit-pikit si Arushi, unti-unting iminulat ang mga mata. Nag-blur ang paningin niya ngunit kalaunan ay luminaw.
Arushi blinked, at ramdam niyang may ibang parte sa kanya ang naiwan sa panaginip. Ngunit sa puso niya, alam niyang oras na para bumalik—sa mundong totoo, kung saan may sakit pero may totoong pagmamahal.
At sa kanyang dibdib, naroon pa rin ang amoy ng wood sage at sea Salt.
__
Arushi POV
Pagmulat ko ng mata, ang una kong nakita ay si Mommy Auburn.
Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang kamay ko, at sa kabilang side naman si Mama Primo, nakasandal habang hawak ang cellphone niya.
Sa dulo ng kama, andun si Citrine—mukha niyang umiiyak.
Medyo nahirapan akong bumangon, ang bigat ng katawan ko, parang ang tagal kong natulog.
I blinked twice, tas napansin kong umiiyak si Citrine. Ang una kong nasabi?
Agad bumangon si Mommy Auburn at binigyan ako ng glass of water. Pinainom niya ako slowly, nakasuporta ang kamay niya sa likod ko habang umiinom ako.
Tahimik lang sila. Ako rin. I didn’t even know how to start. My head was spinning pero hindi dahil sa sakit—more like, ang dami kong narealize, ang dami kong naramdaman, and I was still caught up sa mundo na naiwan ko sa panaginip.
I nodded. "Yes, Mommy. I'm okay." Pero hindi pa rin ako makatingin sa kanila straight. I was still trying to process everything.
Nagkatinginan silang tatlo, tapos nag-start silang magkwento.
About everything. About what happened habang natutulog ako nang tatlong araw straight.
Sabi nila, halos hindi sila makapasok sa kwarto ko dahil sobrang lamig.
Literal daw parang refrigerator ‘yung loob. Mommy Auburn said akala nila I was dead. Sabi ni Citrine, sinubukan niya akong gisingin pero walang reaction from me. That’s when they called our private doctor.
Pero ang pinaka-nakakagulat? They told me... about the three guys.
I didn’t speak. My heart felt heavy, pero not because of guilt.
More like... realization. Because deep inside, I already knew.
I knew who did it. The way their bodies were twisted.
.. the way blood splattered... that wasn’t human.
That wasn’t normal. I was there, in my dream, with her. The faceless girl.
But she’s not faceless anymore. At least, not to me. Sa panaginip, I saw more than just her body and scent. Her voice, her touch... it was so familiar. And now, everything is making sense.
I remembered her kiss. Her humming. Her promise. “I will handle this.” She did. And now, they're gone.
Pero hindi ko sinabi yun sa kanila. I kept it to myself. Hindi pa panahon. I want to confront her. Personally. Kaya I need to see her again. I need to go back to the university.
So I gathered my courage, kahit medyo shaky pa ang boses ko.
Napatingin siya kay Mama Primo. Parang nag-telepathy sila gamit ang mata nila.
Tahimik for a few seconds. Then, Mommy Auburn sighed deeply and nodded.
Tumayo silang tatlo, and binigyan ako ng space. Lumapit si Citrine and hugged me tight.