CHAPTER 4 - Zayair & Adelion
Ipinalipat ko si Curtis sa ibang kwarto.
Kami ng mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang maliit na kastilyo.
Magkatabi ang mini castle namin ni Xenon, at tapos sumunod yung kay Fiona at Akira.
Ang pinakamalaking kastilyo ay ang Dark Castle, kung saan nakatira ang Dark Lord.
Ang mga kastilyo naming apat ay nakapalibot sa Dark Castle.
Ah.
Nabanggit ni Akira.
Yung yellow hair at red eyes na gwapong lalaki.
Yung isa sa dalawang lalaking nakasama ko sa isang kama. "Hindi na." Napa-hikab ako. "Tutulog na ako. Papatay na lang ng ilaw ha." Utos ko sa kaniya bago pabagsak na humiga sa kama. "Sige po." Sagot niya kasapabay sa pagdilim ng paligid at pagsarado ng pinto.
Hay kapagod.
Tumingin ako sa transparent na ceiling. Maraming bituin, at ang madilim na kalangitan ay parang milky waves.
Malawak ang kwarto ni Hestia. May mga eleganteng kurtina na gawa sa pinong tela.
Ang kama niya ay napapalibutan ng malambot na mga unan at kumot na may gintong burda.
Ang sahig ay may makapal na alpombra, at may mga antique na muwebles.
Inilagay ko ang magkabila kong kamay sa ulunan, huminga ako ng malalim. Ang hirap din pala ng buhay prinsesa. Pumikit na ako para matulog.
Lalamunin na sana ako ng antok nang maramdaman kong may nagbukas ng pinto. "Wesley?" tawag ko habang bumabangon mula sa pagkakahiga. Madilim ang paligid kaya't hindi ko makita ang ginagawa niya, pero alam kong papalapit siya sa akin. Rinig ko ang kanyang mga yabag.
Tatlong oras pa lang na nasa poder ko, ang dami nang problemang dala. Picky sa pagkain at laging naninigaw ng mga katulong kaya't walang makalapit sa kanya. In the end, ako mismo ang bumibisita. Limang kwarto lang naman ang agwat ng kwarto niya sa akin.
Binuhay ko ang lampshade na cresent moon ang hugis. Neutral White ang color niya nang mabuhay. Haharap pa sana ako sa una ng maramdaman kong may nagsandal sakin sa headboard. Hindi naman ganon kalakasan pero masakit parin dahil nabigla.
Nasa pagitan ako ng kanyang mga hita, ang katawan ko'y nakakulong sa pagitan ng kanyang mga binti habang ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa headboard, ang kanyang mga mata ay nagliliyab na nakatingin saking mata at sa bawat paghinga at tibok ng puso rinig ko, mabilis at malakas.
Napapigil ako sa aking hininga ng bigla siyang lumapit. "You didn't visit me" Bulong niya ng makaabot siya sa tainga ko. Agad akong napalunok.
Lasing siya.
Ang tapang ng alcohol, ang sakit sa ilong.
Nagulat ako ng iginapang niya ang mga kamay niya papunta sa magkabilang braso ko.
"You're cruel aren't you?" tanong niya na may malambot na tawa, habang lalo siyang lumalapit sa akin.
"Zayair!" Inis na sigaw ko habang inilalayo ang kaniyang dibdib.
Nakasuot siya ng white polo sleeves. Nakataas ang manggas, bukas ang tatlong batones.
Ang tanda ko, Your Highness ang tawag nya sakin ah.
Yuck. Sounds like a boy name!
Itinulak ko siya kaya't pagpalit ang pwesto namin. Nangungot ang makapal niyang kilay habang ang mga mata niyang red orb ay mapupungay at nakatingin sa akin. "Ahh you want to be top? Sure. I'm ready!"Excited at parang batang sabi niya habang malaki ang grin sa labi.
Agad akong napangiwi.
Sumama ang timpla ng kaniyang mukha, "Childish. Sound girlish." I tilted my head slightly. Nagalit bigla.
Siya 'tong nang aakyat ng kama.
Atsaka childish?! Parang di siya childish ah.
Nagkunwari akong kalmado at dahan-dahang umalis mula sa posisyon ko sa ibabaw niya. "Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko habang nagsusuot ng robe na may long sleeve at hanggang paa. Ang suot ko kasi ay isang silk sando dress na masyadong revealing.
Nakita ko siyang gumulong sa kama, itinukod ang magkabilang braso sa kama habang nakatingala sa akin. "No one's serving you, Your Highness" sabi niya na tila hindi ko na kailangan pang itanong.
Namumula ang matambok at maputi niyang pisngi, halatang lasing pa rin. "So?" Taas kilay kong sabi. "I'll serve you tonight." Agad akong napalunok dahil kahit nakangisi, nahahalata kong seryoso siya.
Seryoso ang kaniyang pagkakasabi. Astang lalapit sya upang ako'y halikan pero agad kong itinulak ang kanyang dibdib.
Ohmygod, Hestia.
You're really a... sighs.
Nasa backyard kami ng mini castle ni Hestia.
May isang malaking puno, mukhang matanda na dahil kulubot ang balat at ubos na ang mga dahon, pero matibay pa rin.
Sa paligid ng puno, maraming bulaklak, karamihan ay kulay puti kaya't tila plain tingnan.
Sa di kalayuan, may isang malaking lawa na mukhang malalim.
Asul na asul ang kulay ng tubig, tanda ng kalinisan nito, at kitang-kita ang mga isdang lumalangoy sa ilalim.
Wala akong magawa kaya pinaglaruan ko na lang ang mga petals mukha sa bulaklak na pinitas ko. "Ang boring din pala maging prinsesa" Bulong ko sa hangin. Nakasuot ako ngayon ng puting bestida. May long sleeve, off shoulder at hanggang paa ang haba.
May suot rin akong gintong korona. Gintong belt at purselas, tapos high knee boots na brown. Mahirap din ang buhay prinsesa, ang bibigat ng ginto sa katawan!
Lahat ng petals na binibitawan ko sa tubig ay kinakain ng maliliit na isda.
Naaaliw naman ako kasi iba't iba ang kaniyang kulay at talagang kakaiba ang itsura ng isda rito sa mundo ko dati.
Tumalikod ako para pumitas ng panibagong bulaklak na ipapakain pero ganon na lang ang aking gulat ng may babaeng bumangga sakin.
Ang malamig na tubig ay agad na kumalat sa aking damit ng matapon ito. Nangunot ang aking noo. Hindi naman sa nambibintang pero... Parang sinadya niya.
Like... Nasa tabing tubig ako.
Anong dadaanan niya don? Hindi ko alam kung intensyon niyang itapon yung tubig o intensyon niya na mahulog ako sa lawa.
Malalim kase, kahit maalam ako lumangoy hindi kaagad ako makakaahod dahil sa mga mabibigat na gintong alahas na nakakabit sa katawan ko.
Napataas ang aking dalawang kilay ng bigla siyang lumuhod. "Your Highness, the third princess! So-Sorry po! H-Hindi ko po sinasadya! Please po wag nyo kong patayin!" Nangingiyak niyang sabi.
Brown hair, silver eyes.
Yung lalaking unang nakita ko ng nagmulat ako sa mundong 'to.
Kung tama ang pagkakatanda ko... Adelion ang pangalan niya.
Nakasuot siya ng armor. Nakataas rin ang kaniyang brown na buhok tapos may dalawang hibla ng mga buhok na nakalawit na nagpadagdag ng angas. Yun na naman ang nakamamatay niyang mga tingin sakin.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod bago inilagay ang kamao sa dibidib, simbolo ng paggalang. "Please don't blame her. I'm willing to accept her punishment." Napatitig ako sa isa pang kamay ni Adelion. Nakahawak dun sa kamay ng babaeng nakaluhod na umiiyak na kasama niya.
Hindi ko alam kung bakit pero nagecho bigla sa tainga ko yung sinabi ni Zayair.
"You ruined his nobility. He was publicly humiliated when you forced him to sleep with us... Are you really just going to throw him away like trash?"
Ano ba talagang nangyari? Bakit ang laki ng galit ni Adelion kay Hestia? Natauhan ako ng muli siyang nagsalita habang nayuko ang ulo.
Natigilan ako. Ramdam ko ang paglamig ng sistema ko. Parang pinipiga rin ang puso ko pinapanood lang siya. What's this.... Hestia's emotions?
Third Princess. Ngayon ko lang narealize, never niya akong tinawag na Your Highness. He doesn't respect me as a Princess... As part of royalty, alam ko sa sarili ko yun. He hates me a lot.
Tumalikod na ako bago humarap sa malawak na lawa. I cross my arms and sighed. Kahit hindi ako ang babaeng kinasusuklaman niya, naiilang ako.
Nang maramdaman kong wala na sila. Niyakap ko ang makabilang tuhod ko habang nakatingin parin sa lawa. Sunset na. Red. Orange. Purple. Yun ang kulay ng langit habang papalubog ang araw. Ang ganda.
But no matter how beautiful it is, no one with me can appreciate the beauty of the lake.
Nakasuot siya ng overshirt na itim na t-shirt, isang silver na kwintas, itim na belt, brown cargo pants, at itim na medium boots. Ang suot niyang mga damit ay mukhang galing sa mortal world!
Napatitig ako sa kaniyang leeg.
Suot parin niya ang collar.
Sinubukan kong tanggalin yun gamit nung susing binigay sakin ni Xenon nung ginagamot ko ang mga sugat niya pero ang weird. Hindi sya matagtag.
Nagbuntong hininga siya bago inilagay ang magkabilang palad sa likod ng ulo. "Tsk. You could say this world is just a parallel universe of Earth where people and magic coexists." Kaniyang maikling sagot gamit ang malamig at walang pakialam na tono. Agad akong tumayo.
Never mind. Wala syang tiwala sa akin. He won't tell me anything.
Aalis na ako ng biglang sumulpot siya saking harap! Tinalon niya yung sanga?! Sa taas nun?! Napasandal ako sa puno ng kinorner niya ako habang nakatitig sakin ng blanko.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Napalunok ako ng ilang beses ng mas lalo niyang ilapit ang kaniyang mukha sakin. Eto ba yung wall slam na nasa mga libro? (o////o" )
Bakit parang iba ang epekto sakin.
Parang hihimatayin na ako sa takot sa lalaking 'to! (?-?-)