CHAPTER 12 - Her Memory
Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto. Kanina pa ako pikit nang pikit pero ayaw talaga dalawin ng antok.
Bumuntong-hininga ako bago bumangon at nag-inat. Suot ko ang isang white long-sleeved dress na hanggang tuhod. Napatingin ako sa salamin, hanggang ngayon hindi ko parin mapigilang humanga. Ang ganda talaga ni Hestia, mula sa maamong mukha hanggang sa hubog ng katawan, perfect.
Kaya hindi ko talaga ma-gets si Adelion. Sabagay, sino nga ba naman ang magmamahal sa babaeng sumira ng buhay nya, 'di ba?
Dahil hindi rin naman ako makatulog, lumabas muna ako para magpahangin.
Sobrang tahimik ng hallway at wala ka nang makikitang tao dahil hatinggabi na.
Kaibahan sa mundo ng mga tao, walang bituin dito sa gabi.
Pero sapat na ang liwanag mula sa dalawang dambuhalang buwan para hindi ako madilimang maglakad.
Tuloy-tuloy ako sa labas ng kastilyo hanggang sa makarating ako sa isang malaking fountain. Doon, pinanood ko ang mga isdang nagliliwanag habang lumalangoy sa tubig.
Nakaupo ako sa gilid ng fountain. Pinaglalaruan ang tubig. Nakakaaliw ang mga isda. Mukha itong koi fish na nailaw at may iba't ibang disenyo. Habang nagtatampisaw sa tubig may pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ko.
Nanigas ang buong sistema ko.
Alam ko ang boses na 'yon.
Nanlalamig akong napalingon kay Xenon. Ang Crown Prince ng Dark Castle. My half brother. No... Hestia's Half Brother.
Umupo siya sa tabi ko at marahang itinabingi ang ulo upang titigan ang mga mata ko. "Are you prepared?" tanong niya habang may tipid na ngisi. Hindi muna ako sumagot at tinitigan sya.
Bakit siya nandito? Alam kong hindi malayo ang kastilyo niya pero nakakapagtaka na nilapitan niya ako sa ganitong oras.. Alam ko ang mga ngiti niyang 'yan senyales na may hindi magandang mangyayari.
He was wearing a simple white long sleeve, black jeans, and brown boots. Mukha siyang ordinaryong tao, pero ang aura niya? Punong-puno ng panganib.
Itinago ko ang takot ko at nagmaang-maangan.
Nawala ang ngiti niya. Parang hindi niya inaasahan ang sagot ko.
Ito na ang kinatatakutan ko.
Wala akong alam sa powers ni Hestia, p-paano ako manghuhuli ng demonyo?
Nang makabalik sa aking silid.
Mas lalo akong hindi pinatulog ng sinabi ni Xenon sa akin.
Napabagsak ako sa unan at frustrated na ginulo ang buhok ko. Mamamatay ako pag hindi ko napalabas ang kapangyarihan ni Hestia. "Kailangan kong subukan," bulong ko sa hangin. Hindi pwedeng humarap ako sa tradisyong 'yon nang dilat lang ang mga mata at hintayin ang kamatayan ko.
Bumangon ako at nag-angel sit sa gitna ng kama. Ibinuka ko ang aking dalawang palad at ipinikit ang mga mata ko nang mariin. Naghintay ako. Naghintay ng kahit anong kuryente, init, o enerhiya na lalabas sa kamay ko.
Ilang segundo.
Ilang minuto.
Pero wala.
The competition is going to be a suicide mission.Nilalamon ako ng takot, Oo. Pero wala akong magagawa. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan dito kung hindi ang sarili ko. Kailangan kong makabalik ng ligtas sa mundo ko.
Sa gitna ng matinding pag-iisip, tila napagod na rin ang diwa ko. Sa bawat buntong-hininga, unti-unting bumigat ang aking mga talukap.
Huminga ako nang malalim at muling humiga, hinayaan ang katawan na lumubog sa malambot na kama."Tss... Bahala na. Kapalaran ko na lang ang mag papasya."huling bulong ko bago ako tuluyang nilamon ng antok.
Nagising ako dahil sa silay ng liwanag na tumatama sa mukha ko.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata at sandaling nalito kung nasaan ako, hindi pamilyar na lugar.
Isang lalaki. Teka...
Nasa gitna ako ng isang malawak na kapatagan.
Puno ng bangkay. Bangkay ng mga kawal. Parang may nag-gera sa lagay ng sitwasyon.
Sa harap ko, nakaluhod ang isang lalaking nakasuot ng pulang armas.
Sugatan, humihingal, at tila upos na ang lakas.
Dumudugo ang sentido nito at putok ang labi. Labis din ang kanyang pamamawis.
Si Adelion..?
Wala na ang kanyang hukbo.
Ang mga kawal niyang nakasuot din ng pulang armor ay nakahandusay na lamang sa paligid, dilat ang mata at wala nang buhay. Sa likuran niya, ang kuta na mukhang itinayo ng ilang dekada ay nilalamon na ng nagngangalit na apoy.
Ang mukha niya, ang bawat kurba ng kanyang ilong at labi, ay salamin ng sarili kong mukha.
Tumingala si Adelion. Sa kabila ng bugbog na mukha at ubos na lakas, may bakas pa rin ng pait sa kanyang mga mata. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, isang babaeng kamukha ko. Pero iba ang aura, malakas at nakakatakot.
si Hestia?
She's Hestia.
Nawala ang tingin ko kay Hestia nang marinig ang boses ni Adelion.
Isang madugong ubo ang kumawala sa kanyang dibdib bago siya muling sumigaw,"Anong ginawa ko sa'yo para saksakin mo ako nang ganito?!"
It's no doubt.
It's Hestia.
The original owner of this body.
Nanood ako. Dahil kahit ano namang gawin ko. Memorya lamang ito. Walang mababago. Kinuha ni Hestia ang isang mabigat na bakal na collar mula sa kanyang gilid. Isinuot niya ito sa leeg ni Adelion.
Clank.
Nagising ako dahil sa silaw ng liwanag na tumatama sa mukha ko. Marahas akong napabangon habang mabilis ang tibok ng puso. Basang-basa ng pawis ang noo ko at may kung anong mainit na likido ang dumadaloy sa pisngi ko. Hinawakan ko ang mukha ko.
May tumutulong luha.
Panaginip lang iyon.
Why? Why does my chest hurt so much?
Mukhang parte iyon ng memorya ni Hestia.
Pero bakit parang nasasaktan si Hestia kung sya naman pala ang rason sa lahat ng ito?