CHAPTER 22 CELESTINE KNOWS
? CELESTINE KNOWS ABOUT MATT ?
Kakatapos ko lang mag patulog kay Baby, nakaramdam na rin ako ng antok pero nilabanan ko lang kasi gusto ko ring e-exercise ang katawan ko at gawa2 na rin ng mga gawaing bahay, kahit may mga maids kami tumutulong pa rin ako dahil nasanay na ako sa amin noon, kapagod rin kasi ang walang ginagawa.
My husband is in his company na, kahit gusto ko man na palagi lang siyang nasa tabi ko pero anong magagawa ko kung para lang rin naman saamin ang ginagawa nya.
Limang araw na rin simula nong nangyari ang pagnanakaw ng Kompanya nya kaya siya gumagawa ng paraan upang mahuli at malaman kong sino ba talaga ang may kagagawan pero wala paring mahanap dahil planado talaga ang lahat.
Patuloy parin ang pag-iimbestiga pero hanggang ngayon ay wala pa ring mahanap na impormasyon kung sino nga ba talaga ang Tao sa likod ng mga pangyayari.
Plano kong mag dilig ng halaman ngayon kaya pagkatapos kong inilagay sa crib si Baby ay lumabas na ako ng kwarto para kumuha ng mga gagamitin rin sa pagtatanim, naisipan ko ring magtanim ng mga halaman e.
Bumaba ako ng hagdan at kinuha ang mga bagay na dapat gamitin, sa pagbaba ako I wonder if bakit sobrang tahimik naman at tanging tunog lamang ng tsinelas ko ang maririnig na yapak.
Gague! Nakalimutan ko. It's Saturday kaya pina day-off ko lahat ng mga yaya's and Maids para rin naman makapag bonding sila sa mga families nila.
Kainis ka talaga Celes, nagtaka ka pa kung bakit sobrang tahimik ng Mansion eh kasalanan mo rin naman.
Lalabas na sana ako ng Pinto ng may narinig akong boses, at sa palagay ko ay boses yun ni Matt na may kinakausap sa phone. Wala naman kasing ibang tao dito maliban kay Matt at ako.
Napa ka seryoso ng kanyang boses sa Pamamagitan ng pananalita kaya kusa ko nalang inihakbang ang aking mga paa tungo sa pinanggalingan ng kanyang boses.
Sa kanyang kwarto.
Ewan ko pero may sariling mundo yung paa ko at kusang lumapit pa at makinig sa kung ano ang mga sinasabi niya.
Hindi ko kasi maiwasan mag duda at base sa Curiosity ko na rin ay lumapit pa ako ng kunti sa pinto.
hindi naman siguro masama tong ginagawa ko noh? — Chimosa rin ako eh.
Nang makalapit ako sa linto ay Inilapit ko ang aking taenga sa pinto pero hindi ko na marinig ang kanyang boses dahil mahina na ito kaya pinihit ko ng mahina ang doorknob para mabuksan ko ito ng kunti. Nagtagumpay naman ako ng hindi nya napapansin.
Base kasi sa mga kinikilos nya nung nandito na siya sa Mansion ay parang may kakaiba sa kanya. I mean, yung parang mapapansin kong lagi syang nakatingin sa'ming Dalawa ni Jayden.
Yung tingin na may binabalak na masama, pero agad rin naman siyang iiwas ng tingin kapag mapansin nyang nakatingin ako sa kanya.
Pero naisip ko rin na bakit naman siya may babalakin na masama? Eh magkapatid naman sila ni Jayden.
Pero possible ba?
Dahil sa naisip ko ay balak ko sanang magpatuloy na lamang sa pagtatanim kaya aalis na sana ako at isasarado ang pinto ngunit narinig ko ulit at seryoso nyang boses na halatang masaya sa kausap nya.
" Good to hear then" rinig kong sabi nya at muli itong nagsalita na ikinagulat ko at ikinanginig ko.
"Nagsisimula pa lang ako sa plano ko, since andito naman ako sa Mansion. Madali ko lang magawa ang plano ko "
"Na received ko na rin ang money last day. 800,000 pesos. Thankyou for that"
800,000? Dba yun rin ang halagang nawala sa Bank ng asawa ko?
Sino ba ang gumawa nun!?
Sino ang tumulong sa kanya!?
tumawa siya na parang demonyo. " Uto-uto ang magaling kong kapatid. Napaikot ko siya sa Sarili ko lang ring mga kamay " sambit nya at muling humalakhak.
Anong ibig nyang sabihin?
Siya ba ang nagnakaw sa Kompanya ng Kapatid nya!?
Pero bakit......
"Oh yeah. My plan?"
"It's just a simple plan. "
"Kapag maubos ko na ang pera ng magaling na Jayden ay aagawin ko sa kanya si Celestine na nag iisang akin. " Nanginginig ang kamay ko at nangagatal rin ang tuhod ko.
Hindi ako makapaniwala.
So ibig sabihin niloloko nya lang kami!?
Pinapaikot nya kami ng unti !?
paano nya nagawa lahat ng yun?
"Ipaparamdam ko rin sa kanya kung anong nararamdaman ko nung inagawan nya rin ako"
"Shoul I kill him or —
"Okay, hindi ka naman madaan sa joke"
"Don't worry about that, nothing will happened to your beloved Jayden. Basta't mapapasakin lang si Celestine"
Sino ba kasi ang kausap nya!?
Naiiyak ako at natatakot sa kanya.
"The baby?" Lumakas ang tibok ng puso ko ng binanggit nya si Baby.
" Kasamang mawawala " sambit nya at humalakhak ng tawa.
Hindi!
Sasabihin ko ito kay Jayden!
Akala ko mabait siya, pero yun pala may masamang binabalak !
Napaupo ako sa sahig dahilan napadaing ako, hindi ko na rin narinig siyang nagsalita pa.
Katangahan mo talaga Celes!
Kahit sobrang sakit ng pwetan ko ay bumangon ako at dali-daling nagtago kung saan may malapit na matataguan.
bakit ba ito nangyari?
"Who's that? " Rinig kong sabi nya habang tinitingnan ang paligid. Madilim rin dito sa tinataguan ko. — Sa ilalim ng hagdan.
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay o hikbi. Gusto kong umalis dito sa Mansion na kasama si Baby dahil hindi ko alam kong ano ang kaya nyang gawin saamin.
Lalo na't wala akong sapat na lakas upang labanan siya dahil lalaki siya.
Pero para sa anak ko, lalaban ako.
Hindi pwedeng damayin nya ang walang kamuwang-muwang na Sanggol at sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay sa pinaplano nya at mas lalong hindi nya ako makukuha.
Ramdam na ramdam ko ang pawis na namumuo sa aking noo, kinakaban ako at natatakot dahil baka mahuli nya ako pero napasigaw ako ng may dumaan na daga sa gilid ko.
Tangina!
"Celestine?". Gulat nyang tanong kaya wala akong magawa kundi ang lumabas sa kinatataguan ko
"Y-yes matt?" Kinakabahan ako pero I acting like nothing happened, para hindi siya maghihinala.
kakaiba ang awra nya ngayon, nakakatakot at seryoso.
"What are you doing here? Kanina ka pa ba dyan? "
"H-hindi, naghahanap lang ako ng shovel balak ko kasing magtanim " palusot ko at nilato-laroan ang aking nanginginig na kamay.
"You sure?" Panigurado nya, tumango ako..
Akmang aalis na sana ako sa harapan nya para tawagan at sasabihin ang lahat kay Jayden ngunit may sinabi pa ito.
"Wait, may narinig ka bang dumaing kanina?"
"Dumaing? Wala eh. Wala akong narinig ". Pagsisinungaling ko, muli kong hinakbang ang aking mga nanginginig na paa paakyat sa hagdan ngunit napansin nya ito.
"Bakit parang namumutla ka?"
" Antok lang sguro to " sabi ko.
"Sinungaling! " Biglay nyang galit na sigaw kaya napabilis ang akyat ko sa hagdan.
lagot!
Sinundan nya ako.
Umiiyak ako habang paakyat at binilisan pero ganoon rin siya.
Bigla nya akong hinawakan sa pulsuhan at tyka siya nagsalita. "Alam ko kapag nagsisinungaling ang tao " sabi nya at hinigpitan ang paghawak nya sa pulsuhan ko, nag deny ako na hindi ako nagsisinungaling.
"Ahh bitawan mo ako matt! Nasasaktan ako " anas ko.
" Alam kong narinig mo ang mga sinabi ko kanina" he said at dinilaan ang aking leeg.
"Wala, wala akong narinig" sabi ko at sinipa siya dahilan nabitawan nya ako.
Rinig ko ang paulit ulit na pagmura nya at mabilis na biglaang paghila nya ng aking buhok at sinuntok nya ang aking sikmura.
Tang?na! ang sakit.
ramdam ko ang dugo na lumabas sa bibig ko, pilit kong kumawala ngunit nanghina na ako, naramdaman ko na lamang na kinarga nya ako pero agad rin siyang huminto.
"how about your Baby? Idada—
"huwag mo siyang idamay pa rito! kung balak mo akong kunin then kunin mo ako, nakikiusap ako. huwag mong idamay ang anak namin ni Jayden. " I Cried.
"okay, kung yan ang gusto mo. " wala akong magawa ng kinarga nya ako pababa ng hagdan, nanghihina na rin kasi ako.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko sana sila pina day-off para may makakatulong saakin, pero huli na!
Dahil sa curiosity ko ito ang napala ko, pero hindi ko 'yun pinagsisisihan.
hindi ko pinagsisisihan. dahil, sa curiosity ko nalaman ko lahat ng baho nya! ang madilim nyang plano!
"I'm sorry but you broke my planed.. Kaya ngayong alam mo na ang plano ko, wala ka ng kawala saakin. " He said bago ako nawalan ng malay.
─────────────