CHAPTER 29 PROVEN GUILTY
? PROVEN GUILTY ?
★★ CELESTINE'S POV ;
Nagising ako ng naramdamang may humahaplos-haplos ng aking pisnge, dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at sa pagmulat ko ay nakita ko ang aking asawa sa tabi ko.
Ang kanyang ulo ay nasa Kama habang nakaupo siya sa maliit na bangko, napangiti ako ng ligtas na ako.
Iniligtas nya ako.
Pero lumandas ang aking mga luha, kusa itong nagsibagsakan ng maalala ang mga pinagdadaanan ko sa Kamay ni Mattew.
Napatingin siya saakin at hinagkan ako sa labi bago pinunasan ang aking luha " why are you crying? " Pag-alala nyang tanong at sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago ko paulit-ulit na narinig ang kanyang pagpapasalamat dahil gising na ako.
" Ang sama nya! " I said and cry.
I cried for too much pain!
"Yeah, I know. He is now in jail " pagpapatahan nya saakin at niyakap nya ako, ramdam ko Talaga ang pag-alala at saya sa mukha nya " don't worry okay? Hindi na siya makakalabas " dugtong nyang sambit at pinahiran ang aking mga luha gamit ang kanyang hintuturo.
Tumango ako, ang sakit lang sa dib-dib.
Sobrang sakit, kahit na alam kong ligtas na ako sa dèmonyong kàmay ni Mattew pero pakiramdam ko ay nakatali pa rin ako.
How can I forget what he did to me? Binàboy nya ako!
Binàboy nya ako ng paulit-ulit, hindi lang isa dalawa o tatlong beses na ginalaw nya ako kundi Maraming beses!
Ang d?mi ko na!
Ang d?mi d?mi ko ng babae!
Paano kapag malaman to ni Jayden? Kapag malaman nyang ginalaw ako ng kapatid nya? Ipagtatabuyan nya ba ako?
" P?napàhirapan nya ako, Jayden " bigla ko na lang sambit sa kawalan at umiyak na naman. "Shshhs, everything will be fine okay? Sisiguraduhin nating hindi siya makakalabas ng presinto " naramdaman kong hinaplos haplos nya ang likod ko bago nya paulit-ulit na hinalikan ang aking noo.
"Are you okay now? " He asked.
Umiling ako, sino ba kasing magiging okay pagkatapos ng nangyari saakin?
Pakiramdam ko magkakasakit ako, ramdam ko pa rin ang kirot ng paa ko at sakit ng ulo ko.
"Just take a rest, Mm-hmm? " Tumango ako.
"H—hubby? " Napiyok pa ako ng sambitin yun.
"Dàmn! Yes, wifey? "
" S— si Mattew ang dahilan ng lahat ng mga pangyayari.
Lahat lahat " kahit hindi ko pa sinabi ng buo ay alam kong naguguluhan siya, naghihintay lang siya sa susunod kong sasabihin.
Seryoso siyang nakatingin saakin "Siya ang dahilan kung bakit muntik ka ng mamatay " I said at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha.
"What do you mean? "
"Siya ang dahilan namatay ang Pinsan kong si Liyah at siya rin ang dahilan kong bakit sumabog ang sinakyan nyong eroplano, nilagyan n-nya ng Bomba.
May inutusan siya " sambit ko at niyakap siya.
" At siya rin ang kapakanan ng pagkawala ng pera sa Banko, kaya nya ako kinidnap dahil nalaman ko, nalaman ko " umiiyak na sambit ko sa kanya.
" He will pay for this! " Mahina nyang sabi pero alam kong galit siya, galit na galit.
Nakita ko pa ang pagkuyom ng kanyang kamao at aalis sana siya pero pinigilan ko.
"Saan ka pupunta ? "
" Pàpàtayin ko lang ang Gàgóng 'yun! " Umiling ako at pinigilan siya.
"Ayokong mabahiran ng dugo ang kamay mo Mm-hmm? So please stay ka lang sa tabi ko. Ayaw ko ng mawalay pa sa'yo. Natatakot ako. Natatakot ako na baka maulit na naman to " dahil sa sinabi ko ay natigilan siya ng kaunti bago umupo ulit sa tabi ko.
Yes, takot ako. Takot na takot.
Ito na ata ang Pangyayaring daladalhin ko sa buong buhay ko.
Mattew gaved me Trauma.
He raped me at sinasaktan.
He don't deserve to be love.
Galit ako pero mas nanaig yung Takot ko sa kanya. He is look like a monster in my eyes.
Hindi lang Basta-basta na halimaw but He is also a D3MON!
" May guto ka bang kainin ? " Tanong nya saakin at hinaplos haplos ang buhok ko.
" Wala, gusto ko lang makita ang Anak natin " Sambit ko, miss na miss ko na kasi ang Anak ko, gusto ko siyang mayakap at mahagkan muli.
" Don't worry, Pupunta sila Tita and Tito here mamaya kasama ang Anak natin. " He said bago nya ako pinahiga hanggang sa dinalaw ako ng antok.
_?_?_?_?_?_?_?_?___
" How is my Wife, Doc? " Rinig kong sambit ni Jayden sa Doctor, nakikinig lamang ako sa kanila habang nakapikit pero gising na gising ang aking diwa, at doon ko nalaman na dalawang araw akong tulog.
dalawang araw?
Possible naman yun!
" Good thing that your wife is already awake earlier. she's still weak, but she's on the road to recovery. It's important that she takes it easy and focuses on getting better."
"She needs plenty of rest and should follow a strict regimen of medications to aid her recovery. Here’s a list of what she needs: pain relievers to manage any discomfort, anti-inflammatory drugs to reduce swelling, and vitamins to support her overall health.
Make sure she stays hydrated and eats nutritious meals.
Regular check-ups are also essential to monitor her progress. " Rinig kong dugtong ng Doctor.
"Thanks Doc, I'll make sure she gets everything she needs." napangiti ako sa kaloob-looban ko, batid ko kasi sa boses ni Jayden ang pag-alala at maalaga.
" Yeah and dapat with proper care and time, she should make a full recovery. Just be patient and supportive." Sagot ng Doctor bago ko narinig ang marahan na pagsara ng pinto.
Umalis na siguro.
Manonosebleed na man ata ako sa mga pinagsasabi nila pero mabuti nalng may naiintindihan ako.
Naramdaman kong may malambot na bagay ang dumapi sa labi ko, " wifey, I'm so sorry if natagalan kitang iligtas " sambit nya, kinuha nya ang palad ko at pinagtiklop yun sa palad nya.
" I blame myself why ka humantong sa ganito " I don't know, pero bakit nya sinisisi ang sarili nya ? Hindi naman nya kasalanan.
Kundi ang Kapatid nya ang may kagagawan.
Si Mattew!
At halos pigain ang puso ko ng marinig ang paghikbi nya, umiiyak ba siya? Ayaw kong maririnig na umiiyak o humihikbi siya.
Ang sakit lang kasi pag yung taong mahal mo umiiyak sa harapan mo.
"I'll promise, hindi na muling mangyari to sa'yo, I'll Always by your side na. Hindi Kita iiwan at hindi ko hahayaang mahawakan ka ng kapatid ko ". he said, dahan dahan kong iminulat ang aking mata.
"Hubby, don't blame your self sa nangyari dahil wala kang kasalanan, okay? " Bahagya pa siyang nagulat at pinunasan ang kanyang luha tiyaka ngumiti saakin.
Maya maya pa lamang ay dumating sina Mama and Papa kasama ang anak ko.
Niyakap ko muna sila ni Mama pagkatapos ay kinarga sa bisig ko ang anak ko.
Ang laki na nya!
Ang bilis lang nyang lumaki,nakangiti siya ng makita nya ako.
"Baby Michael, na miss ka ni Mommy. Aren't you miss me ? " Pa bebe kong tanong kay Baby ngunit sumaya ang aking mukha sa tuwa dahil nakapag salita ito pero hindi tuwid.
Binigkas ba nya ang ???? " Me-me " Yan ang unang bigkas ni Baby kaya hinalikan ko siya.
Ang saya ko! Tapos nagkatuwaan kami sa pangalawang bigkas nya.
"Da-da "
_?_?_?_?_?_?_?_?_
Nandito kaming lahat sa loob ng Courtroom, tahimik na naghihintay ang lahat. Ang mga mata ng mga tao ay nakatuon sa hukom na si Judge Santos, na seryosong binabasa ang kanyang mga dokumento. Sa harap ng hukom, naroon ang dèmonyong si Mattew na galit nakatingin saamin.
Gustuhin mang suntukin ng paulit-ulit ni Jayden ang mukha ni Mattew ay pinipigilan ko siya dahil nasa Korte kami ngayon at
baka siya ang makulong.
Since magaling na ako, para ipagpatuloy ang kaso. Nandito ako sa loob ng Korte para mapatunayan ang lahat at makulong ng hangganan si Mattew.
Kahit takot man ay nilabanan ko lang dahil kung magpapadala ako sa takot ko ay walang mangyayari.
Binaling ko ang tingin kay Mattew pero nakayuko na ito.
Matapos ang ilang minutong paghihintay, tumayo si Judge Santos at nagsalita.
Nakatuon ang aming mga attention sa kanya bago magsalita ang Judge.
"Mattew Villamonte , ikaw ay nilitis sa mga kasong kidnapping, pagnanakaw ng pera, physical abuse, rape at pàgpàtay lalong lalo na na ikaw ang dahilan ng pagsabog ng eroplanong sinakyan ng Kapatid mo.
Ang mga ebidensya na iniharap sa korte ay malinaw at hindi matitinag.
Sa bawat krimen na iyong ginawa, maraming buhay ang naapektuhan, lalo na si Celestine na nagdusa ng labis sa iyong mga kamay. "
Huminga ng malalim si Judge Santos bago ipagpatuloy ang kanyang pagsasalita.
"Sa kasong kidnapping, napatunayang ikaw ay may sala darhil malinaw ang kuhang ebidensya at makikita sa Cctv, kung paano mo sinaktan at sinaksak ang binti nito ang walang kalaban laban na si Celestine.
Sa kasong pagnanakaw ng pera, ikaw rin ay napatunayang guilty.
Ang mga dokumentong nagpapatunay ng pagkawala ng malaking halaga ng pera mula sa banko ni Jayden ay matibay na ebidensya laban sa iyo"
" WALA KAYONG EBEDINSYA! " galit na anas ni Jayden.
"This is your first Warning Mr. Mattew " Sambit ng ikinatataas.
Nagpatuloy ang hukom.
"Sa kasong physical abuse, malinaw na may mga sugat at pinsala si Celestine na nagtutugma sa mga salaysay niya at ng mga medical expert.
At sa kaso ng rape, ang DNA evidence at ang testimonya ni Celestine ay napatunayang totoo at tumpak.
Dahil dito, ikaw ay napatunayang guilty sa lahat ng kasong ito. " Dugtong ng Judge.
Sinabi ko kay Jayden na ginalaw ako ni Matt, ang akala ko ay hiwalayan nya ako o magagalit pero hindi pala dahil alam nya.
Alam na nya dahil sa mga litratong pinapadala niya!
Hindi ko maiwasan na mapaiyak habang niyayakap ako ng aking mga pamilya. Nagtagumpay kami!
Panalo kami sa korte!
"Sa kadahilanang ito, Mattew Villamonte ikaw ay hinahatulan ng korte ng parusang pagkakakulong ng habang buhay para sa kaso ng kidnapping at rape.
Sa kaso ng pagnanakaw ng pera, ikaw ay hinahatulan ng karagdagang sampung taon ng pagkakakulong.
Sa kaso ng physical abuse, ikaw ay hinahatulan ng limang taon pa.
Ang lahat ng parusang ito ay pagsasabay-sabayin sa pagdalo ng hustisya. "
Napangiti ako habang si Mattew ay nagwawala at galit na galit dahil sa natalo siya!
Hindi lang ako ang tumestigo kundi pati si Rachel dahil siya ang saksi sa pagkamatay ni Anne at sa pagkawala ng pera ay ang tumistego ay si Samantha.
So siya pala ang kausap ni Mattew sa phone bago na may nangyari saakin.
Wala talagang hindi mabubunyag kapag ang katotohanan na ang hahanapin.
Pero hindi namin siya pinakulong at doon ko nalaman na Step brother nya si Mattew, dahil pareho sila ng Ina.
Subalit hindi namin sinabi Kay Mattew na magkapatid sila ni Samantha.
Galit na galit rin siya Kay Samantha dahil sa pang tatraydor ngunit konsensya na ang lumapit kay Samantha.
Pagkatapos ng hatol, bumaling ng tingin saakin ang Judge bago nagsalita. "Sa biktima, nais kong ipahayag ang simpatiya ng korte sa iyong pinagdaanan. Ang hustisya ay naipataw na, at sana'y makatulong ito sa iyong paghilom. Nawa'y magkaroon ka ng kapayapaan at kalakasan sa mga susunod na araw."
Tumayo na ang lahat habang may saya sa mukha.
Nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Thaliyah lalong lalo na saakin.
Nakita ko kung paano pinusaaan ang Kamay ni Mattew, nang dumaan siya sa harap namin ay gustong gusto nyang patayin kami.
Niyakap ko ng mahigpit si Jayden.
" MGA PUTàNG?NA NYO! HINDING HINDI PA TAYO TAPOS! SISIGURADUHIN KONG PAG AKO NAKALABAS RITO, WALANG NIISANG MATITIRA SA INYO! " Bumaling siya ng tingin kay Samantha at dinuwalan ito.
Iyak ng iyak si Samantha kaya hindi ko mapigilan ang hindi siya lapitan, kahit alam kong may malaki siyang kasalanan saakin, saamin ay gumawa pa rin siya kung ano ang tama.