CHAPTER 31 WEDDING PROPOSAL
: ? WEDDING PROPOSAL ?
"Mom! Tell me, Hindi yan totoo dba? " Halos pumiyok ang boses ko ng itanong ko 'yun kasabay ng pag patay sa lahat ng ilaw.
Nagbayad naman kami ng kuryente ah!
Wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid, tinawag ko sina Mommy and Daddy pero hindi sila sumagot. Tanging ang yapak at paghikbi ko lang ang tangi kong narinig.
Ano ba talagang nangyari?
Bakit bigla nalang dumilim at tumahimik ang paligid?
"Mom, wag na man gan'to ouh. Asan kayo?"
Pero hindi nila ako sinagot, nanatili lang akong nasa pwesto ko at hindi gumalaw. Baka saan-saan pa ako mapunta at mabangga ko pa ang mga bagay na maaring mabasag.
Mga ilang segundo lamang ay bumalik ang liwanag pero nasa Harap yun.
Tumingin lang ako sa Harap at nakita ko ang isang pamilyar na Lalaki na nakatayo pero nakatalikod siya. May dala siyang bouquet of flowers.
Lumakas lalo ang pintig ng aking puso ng humarap siya at nakangiting nakatitig saakin, yung kaninang luha ko ay nanuyo na sabayan ng malamyos na musika
Tumingin ako sa paligid at hinanap ng mga Mata ko si Mommy pero ayun, nakangising nakatingin saakin at nag flying kiss at nasa tabi nya si Baby.
Anong ibigsabihin nito?
Acting lang pala yun ni Mommy?
Ang sama! Parang hindi nya ako anak e.
Pwede na siyang maging best actress may paiyak-iyak pa.
Nang binalik Ko ang tingin sa harap ay may hawak na na Microphone si Jayden, nagkatitigin kami kahit malayo kami sa isa't- isa.
Kitang kita ko kung paano siya ngumiti saakin, nakatutok lahat sa kanya ang Light and Camera's ng mga photographer(s). Habang sa pwesto ko ay medjo madilim pero sakto lang na makita nila ako dahil sa ibang ilaw na nasa paligid pero agad rin napawi ang dilim ng inilawan ang pwesto ko ngayon.
" Hindi man araw araw na nakangiti
At ilang beses na rin tayong humihindi
Di na mabilang ang ating mga tampuhan
Away bati natin di na namamalayan ?? "
Pagsisimula nya sa kanta, I don't know na marunong pala siyang kumanta dahil ngayon ko lang siya narinig.
Ang ganda at ang lamyos ng kanyang boses, ang sarap pakinggan sa taenga na kahit paulit-ulit nya itong kantahin hindi ka magsasawa.
Woah! Hindi ako makapaniwala!
Pero bakit siya nag ganto? At wow! Pinalabas pa nilang pàtày na siya! Halos mawala ako sa sarili ko kanina tapos prank lang pala 'yun.
Nagsimula na siyang humakbang papunta siguro saakin dahil nakatitig lang siya.
" Heto tayo ,
Ngunit sa huli , Palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli Palagi
Pipiliin kong maging sayo
Ulit ulitin man
Nais kong malaman mong
Iyo ako ?? "
Rinig ko ang mga tili at kilig sa mga taong nakatingin saamin, ako rin ay hindi mapigilang mapangiti at kiligin.
Mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko habang kinakanta nya ang kantang ngayon ko lang narinig.
Ang sarap sa taenga at feelings na kinakantahan ka sa taong mahal mo, ramdam ko talaga ang bawat pagkasabik at pagmamahal sa kantang kinanta nya.
And this time, "palagi " is my new favorite song.
" Palagi
Palagi ?? "
Nang binigkas nya yun kaunting hakbang palang upang tuluyan na siyang makalapit saakin, Pakiramdam ko tumigil ang bawat segundo dahil mukang hindi ako makagalaw at walang kurao-kurap dahil ang tingin ko ay nakatitig lang sa kanya habang nakikinig sa kinanta nya.
" Kung balikan man ang hirap, luha't lahat
Ikaw ang paborito kong desisyon at
Pag napaligiran ng ingay at ng gulo
Di ko pagpapalit ngiti mo sa mundo
Heto tayo ?? "
Hanggang sa nakalapit na siya saakin, binigay nya saakin ang dala nyang bouquet na kaagad kong tinanggap, huminto siya sa harap ko at muling kumanta.
Pigilan nyo ako! Kinikilig ako! HAHAHA
" Sa huli, Palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli
Palagi
Pipiliin kong maging sayo
Ulit ulitin man
Nais kong malaman mong
Iyo ako ?? "
Para akong maiihi sa kilig, Ang lahat ng Camera ay nakatutok na saamin. Paniguradong lalabas ito sa Tv dahil artista pala tong kaharap ko.
Nakatitig siya saakin at nagsimula na namang kumanta.
Pero bakit nya ako ginagan'to? It's Michael's Birthday! Hindi saakin..
" Sa pagdating ng ating pilak at ginto
Diamante may abutin
Ikaw pa rin
Aking bituin
Natatangi kong dalangin
Hanggang sa huling siglo ?? "
Napakagat ako sa aking sariling labi ng nag wink pa siya saakin. Gosh! Hubby !!! Ano ba subra na kinikilig ako ! Tama na ! Baka tatakbo ako nito palabas at gustong magwala ha. Baka sunduin mo na lang ako na nasa Mental na ako! HAHHA
" Sa huli, Palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Mahal sa huli
Palagi
Pipiliin kong maging sayo
Ulit ulitin man
Nais kong malaman mong
Iyo ako ?? "
Oo na! Sa'yong sayo talaga ako Hubby! At dapat lang na babalik ka sa yakap ko dahil asawa mo ako! Kasal tayo.... sa papel.
" Palagi ?? "
At natapos na nga ang kanta, hindi ko napansin na napaiyak pala ako, napansin ko lang ng pinahiran nya ang aking mga luha gamit ang kanyang hintuturo tyaka nya ako niyakap. I hugged him back. A tight hug!
"I'm sorry, it's a prank lang 'yung kanina " bulong nya kaya hinampas ko siya ng mahina.
Tumingin ako sa kanyang mga mata tyaka ko siya biglang hinalikan, nagulat pa siya sa ginawa ko pero masaya lang ako!
Sobrang saya ko sa araw na'to, rinig ko ang mga sigawan at kilig ng mga tao.
Tumingin ako kay Mommy and Daddy at ngumiti sa kanila, kumaway rin ako kay Baby at sinenyasan siya na lumapit saakin pero umiling siya at yumakap sa Lola nya. Napanguso ako sa inasta nya ngayon. Hoyy Mommy mo ako!
Nang muli akong lumingon kay Jayden ay nasurpresa ako ng nakaluhod siya sa harapan ko.
Napalunok ako ng laway at mas lalong nagwala ang puso ko! Hoyyy Hubbby !! Sobra na. Waitt, is he going to propose kaya siy nakaluhod?
" Wifey, I know we are already married. But I don't want na hanggang sa Papel lang.
Gusto kitang makasal sa Simbahan at makita kang nakasuot ng puting bisteda habang nakahawak ng puting magagandang bulaklak patungo sa kinaroroonan ko.
" He said at inilabas ang maliit na kulay pulang Box, wala akong masabi!
" Wifey, Will you be my Wife? Not only in paper but more than that, inshort in Church. "
" Will you marry me ? " I am speechless! At unti-unti na namang pumatak ang aking luha, luha sa saya.
Napatakip ako sa sarili kong bibig at hindi makapaniwala.
" H-hubby, yes! I will marry you " I said, ang saya nya ng isinuot sa aking daliri ang sing-sing.
" I loveyou wifey " hinalikan nya ang mapupula kong labi, nagtagal yun ng ilang minuto bago ko namandaman ang anak namin na niyakap kami.
"Dad, Mom, tama na muna ang halikan andito ako ouh " Michael said kaya napuno ng tawanan ang buong paligid.
Pumantay ako ng tayo sa Anak ko at kinarga siya pero kaagad yung kinuha ni Jayden at siya ang nagkarga " Daddy, pinaiyak mo si Mommy "
"I'm sorry Baby, sinurpresa ko lang ang Mommy mo kaya siya umiyak " at tumawa pa nga.
"Ma'am and Sir, pwede pong kuhanan ko kayong Tatlo ng Litrato? " Sambit ng lalaking photographer kaya ngumiti kaming tatlo pagtingin namin sa Camera.
" Done "
"Thankyou! " May mga nag take pa ng picture saamin at kay Jayden.
Tsssk, nakakaselos. Paano ba kasi nakipag pic sa Kanya ang Babae, maganda rin naman siya pero mas maganda pa ako.
"Happy Birthday my Little son" bati ng kanyang Daddy pagkatapos makipag picture. " Thankyou Daddy "
Lumapit sina Mommy and Daddy saakin.
"Pwede na ba akong maging Artista? " Nakangising tanong ni Mommy saakin kaya inirapan ko siya na ikinatawa nya.
Kung nandito lang sana si Liyah, paniguradong ang saya saya nya ngayon saakin.
Pagkatapos ay nagsisimula na na namang magsalita ang emcee, pina speech si Jayden para sa Anak nya kaya ako ay hindi na muna pumunta sa Harap dahil mukang nahihilo ako..
I don't know what's happening to me, but maybe dala lang sguro 'to sa Pagod.
Tumabi ng upo ko si Lance.
"How's life now? " Tanong nya.
"Okay naman " I said briefly.
" Ang swerte mo sa Asawa mo " napangiti ako at tumingin sa Mag-ama ko na ngayo'y nagkatuwaan habang nasa harap parin.
"Kasi, alam mo ba. Halos hindi siya nagpapahinga para lang mahanap ka.
Halos hindi nga siya kumakain eh. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata ng malaman nyang ang Kapatid nya pala ang dahilan ng pagkawala mo " he said.
" Pero, tiniis nya yun kahit sa kalooban nya ay nadurog siya" dugtong pa ni Lance.
Yeah, masakit naman talaga isipin na Ang kapatid mo pala ang mag tatraydor sa'yo at kaya kang paikutin but it's his choice and decision.
Hindi lang basta swerte, kundi pinakaswerte.
Nag kukuwentohan pa kami ni Lance at kumain na rin.
Naramdaman kong may brasong pumulupot saaking bewang kaya nilingon ko siya at ngumiti.
"Bakit magkasama kayo ni Lance? " Seryoso nyang sabi at tiningnan ng malamig na tingin si Lance.
"Bro, huwag kang mag-alala hindi ko siya aagawin sa'yo " pang-aasar nya kay Jayden.
Tinawanan ko lang sila at napailing-iling.
" Ket kailan ang seloso mo talaga " sambit ko at pinisil ang kanyang pisnge.
"Ofcrss, sinong hindi magseselos na baka maagaw ka sa iba? "
"Sus. I love you na. "