EPILOUGE
KAELIS RHUNE
"Actually... never mind." Napakunot noo ako.
"What?" Akala ko may sasabihin siya.Pero ngumiti lang siya, then she shrugged.
"You're not my type." At pagkatapos noon?
Tumalikod siya. Naglakad palayo, at iniwan akong nakatayo doon na parang tanga. As in ilang segundo akong hindi gumalaw.
Hindi dahil nasaktan ako. At lalong hindi dahil gusto ko siya. No, absolutely not. One hundred percent sure!
Kaya nang maramdaman kong may humampas sa balikat ko, napalingon ako agad.
"Kaelis" Napatingin ako sa kaibigan ko.
"Oh?"
"Okay ka lang?" Kumunot noo ko.
"Bakit?" Tumitig lang siya sakin. At sa direksyon na nilakaran ni Aveline na yon. At bumalik ulit sakin, at doon ko na-realize.
Narinig nilang lahat, putangina.
"Don't." Seryoso kong sabi, pero huli na, kasi bigla siyang natawa. Tapos isa pa, tapos dalawa pa. Hanggang sa parang buong tropa na yata namin tumatawa.
"Kaelis got rejected."
"Hindi ako na-reject."
"Bro got rejected."
"Hindi nga."
"Bro got humbled."
"Shut up." Mas lalo silang tumawa.
At ang mas nakakainis? Hindi ko sila masuntok dahil bakla ako! Sabunutan ko nalang kaya?
"Alam mo pinakanakakatawa?" sabi nung isa. "Ano?"
"Baklang-bakla ka tapos babae pa unang nag-reject sayo." Napatigil ako, mas lalo silang nagtawanan.
"Asan pride mo bro?"
"Patay na."
"Buried."
"Condolence."
"Shut up." Literal na nanginginig sila kakatawa habang ako gusto ko na silang iwan at sampalin, nakakaiyak!
At habang naglalakad kami palabas ng building, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabi niya.
You're not my type. Nakakainis. Sobrang nakakainis. Lalo na dahil hindi ko maintindihan kung bakit iniisip ko pa rin.
Dapat wala akong pakialam, dapat tapos na.
Dapat nakalimutan ko na. Pero habang tumatagal... mas lalo kong naaalala yung mukha niya. Yung confidence niya. Yung paraan ng pag-alis niya na parang wala lang nangyari.
Kasi sa dami ng taong nagkagusto sakin...
sa dami ng taong pilit kumukuha ng attention ko... isa lang ang hindi ko maalis sa isip ko. Yung bwisit na babaeng yun na nagsabing hindi niya ako type.
At habang tumatagal... mas lalo akong naiinis. Hindi dahil nireject niya ako. Hindi, wala akong pakialam doon. Ang nakakainis ay yung confidence niya.
Yung paraan ng pagsabi niya na parang siya pa ang may karapatang umalis pagkatapos manggulo. Parang siya pa ang agrabyado.
At sa buong gabi, nakakainis mang aminin, paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang mukha niya. Kaya kinabukasan... inabangan ko siya.
Hindi ko rin alam kung bakit. Basta ginawa ko. At nang makita ko siyang naglalakad sa hallway, dire-diretso akong lumapit. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong tumakas.
"Did you just..." I paused, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Slow and deliberate.
"Reject me?" Napangiti siya, yung nakakainis niyang ngiti. "Ay, hindi mo narinig?" sabi niya. "Sayang, akala ko clear."
Natahimik ako, putangina, talagang may lakas pa siyang mang-asar.
"How..." I exhaled softly before tilting my head, my eyes narrowed slightly.
"How dare you." Mukhang lalo pa siyang natuwa. "You walk up to me," sabi ko, "say something like that and then what? You just... leave?"
"I mean..." Nagkibit-balikat siya.
"That was the plan." At doon ko unang naisip na may problema yata sa babaeng ito.
Normal ba siyang tao? Kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya, matatakot ako.
Maiilang ako. Pero siya? Parang nage-enjoy pa. Parang wala siyang pakialam kung gaano ka-insulto ang ginawa niya. Parang wala siyang pakialam kung sino ako.
The audacity, the absolute audacity. At imbes na matawa ako... mas lalo akong nainis. Sobrang nainis.
Simula noon, parang naging personal mission ko na ang mapansin lahat ng nakakairita tungkol kay Aveline.
Yung sobrang ingay niyang tawa. Yung pagiging komportable niya kahit saan.
Yung ugali niyang parang wala siyang kinatatakutan. At higit sa lahat... yung contact lenses niya.
Putangina, sobrang asul, as in sobrang asul.
Parang hindi mata parang flashlight. Parang anime character na naligaw sa medical university.
Jejemon sobrang jejemon. Hindi ko maintindihan bakit walang nagsasabi sa kanya.
Habang mas lalo kong pinupuna yung contact lenses niya... mas lalo ko rin siyang napapansin.
Napapansin ko kung kailan siya pumapasok.
Napapansin ko kung sino mga kasama niya.
Napapansin ko kahit mga bagay na wala naman akong pakialam dapat.
At doon ko unang narealize na may mas malaking problema. Hindi si Aveline.
Ako, dahil sa dami ng taong dumadaan araw-araw sa harapan ko... siya lang ang hindi ko maalis sa isip ko.
Unfortunately for me... iyon pa lang ang simula.
Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ng collaboration project ang Section A at Section B.
Normally, wala akong pakialam sa mga ganon. Basta tapusin ang project. Makakuha ng mataas na grade.
Move on. At higit sa lahat, thankfully...
hindi ko siya kagrupo. Nang makita ko ang listahan, halos gumaan ang pakiramdam ko.
Good. At least hindi ko kailangang makipag-usap sa kanya. At least hindi ko kailangang marinig yung nakakairita niyang boses.
At least hindi ko kailangang makita yung sobrang asul niyang contact lenses buong araw.
Perfect. Or so I thought. Dahil kahit hindi kami magkagrupo... nasa iisang room pa rin kami.
At doon ko unang nakita kung gaano siya kagaling. Nakakainis. Kasi gusto ko siyang maliitin. Gusto kong isipin na puro confidence lang siya. Na puro yabang, na puro lakas ng loob.
Pero habang nagpapatuloy ang project...
unti-unti akong nawawalan ng dahilan para mainis. Kasi magaling siya, talagang magaling.
At mas lalo akong nainis nang mapansin kong natural sa kanya ang mag-lead.
Hindi siya yung tipong sumisigaw. Hindi siya yung tipong nag-uutos. Pero somehow...
nakikinig lahat sa kanya. Maging mga kaklase niya. Maging mga partner niya.
Bwisit. Ang galing mag-lead.
Habang abala ang grupo ko sa sarili naming output, ilang beses kong nahuli ang sarili kong napapatingin sa direksyon niya.
Bawat tingin ko, may ginagawa siyang tama.
May inaayos,may sinosolve. At parang wala siyang kahirap-hirap gawin lahat.
"Ang galing talaga ni Aveline."
"Oo nga."
"Gets ko bakit siya class representative dati."
"Kahit Section B siya, ang lakas ng presence niya."
"Honestly, mas organized pa siya sa karamihan dito." Napatingin ako sa direksyon ng mga nagsasalita.
Mga taga-Section A, mga sarili kong kaklase.
At parang lalo akong nainis. Hindi dahil mali sila. Nakakabwisit talagang magaling siya.
Hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko.
Not one bit.
Kaya pagkatapos ng collaboration projects.
Kailangan ko ng break, kailangan ko ng pagkain. At higit sa lahat, kailangan kong hindi makita si Aveline kahit isang araw lang.
Nakakainis na kasi, sobrang nakakainis.
Kaya nauwi ako sa isang sushi restaurant.
Maayos. At walang Aveline, perfect. Habang hinihintay ko order ko, wala naman akong balak makipag-usap sa kahit sino, at napahiya pa ako na akala ko contact lense
Hanggang sa may napansin akong lalaki sa kabilang table. Napatingin ako, napakunot noo ako.
Gwapo. As in objectively gwapo, maputi.
matangos ilong, maganda yung features.
At higit sa lahat... lalaki with blue eyes. Finally, normal. Mukhang bumabalik na yata ako sa tamang landas. Napangisi pa ako sa sarili ko.
Kasi pagkatapos ng ilang linggong puro Aveline ang nasa utak ko, may nakita rin akong taong type ko.
Nilapitan ko, nagkaroon ng konting usapan, konting biruan. At habang tumatagal, mas lalo kong naisip na okay siya.
Actually... sobrang okay. Mas okay kaysa kay Aveline. Hindi annoying, hindi makulit. Perfect. Hanggang sa biglang may pamilyar na boses mula sa likod. Nanigas ako.
No. No. No way.
Dahan-dahan akong lumingon. At halos mapamura ako. Si Aveline.
Nanlaki naman mata niya nang makita ako.
Nagkatinginan kami nang ilang segundo. Parehong mukhang hindi masaya.
Hanggang sa biglang ngumiti yung lalaking kausap ko, kay Aveline.
Putangina. Ngumiti siya kay Aveline.
At mas lalo akong nainis nang ngumiti rin si Aveline pabalik. Parang magkakilala.
Sinabing magkakambal sila.
Isa.
Dalawa.
Tatlo. Tapos dahan-dahang napatingin ako sa lalaki. Pagkatapos kay Aveline, pagkatapos ulit sa lalaki.
Pareho.
Putangina, parehong-pareho, parehong mata, parehong ilong, parehong bibig at parehong blue eyes.
"Wait." Napatayo ako. "Wait." Mas lalo akong napatitig, at doon ko tuluyang narealize.
Napangiti yung lalaki. Hindi siya mukhang nagsisisi. At lalong hindi mukhang naaawa.
Sa lahat ng lalaki sa buong siyudad. Sa lahat ng posibleng maging type ko. Sa kakambal niya pa. Sa putanginang kakambal niya pa.
Unbelievable, absolutely unbelievable.
At habang tawang-tawa silang dalawa sa mukha ko... unang beses sa buong buhay ko naisip na baka sinusubukan talaga ako ng universe.
Parang may mali na nameet ko si Aviel.
Hindi dahil sa kanya. Kundi dahil kakambal siya ni Aveline. At kahit anong gawin ko, hindi ko na mapigilang ikumpara silang dalawa.
Nakakainis, sobrang nakakainis. Lalo na nang mapansin kong mas madali kausap si Aviel.
Mas kalmado. Hindi katulad ng kakambal niya na parang nabubuhay para lang inisin ako.
Kaya nang magsimula akong pumunta sa condo nila, kumbinsido akong dahil iyon kay Aviel. At iyon ang sinabi ko sa sarili ko.
Paulit-ulit. Hanggang sa halos maniwala na ako, pero may isang problema.
Hindi si Aviel ang pinunta ko, kundi si Aveline. At lalong hindi si Aviel ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong bumabalik.
Dahil sa kasamaang-palad... sobrang sarap magluto ni Aveline.
Kasi hindi ako basta kumakain ng pagkain ng ibang tao. Lumaki akong mapili. Kapag hindi ko alam kung saan galing ang pagkain, madalas hindi ko kinakain.
Pero si Aveline? Ewan ko. Parang lahat ng luto niya gusto kong tikman. Lalo na kapag nakikita kong busy siyang naghahalo ng kung ano sa kusina habang nakatali ang buhok niya.
Lalo na kapag nakakunot noo siya habang nagluluto. At lalong lalo na kapag siya mismo ang naglalapag ng pagkain sa harap ko.
Unti-unti kong napansin na mas madalas na akong nasa condo nila. At mas madalas kong nahuhuli ang sarili kong nakatingin sa kanya.
Nakakainis.
Dahil habang tumatagal... mas lalo ko siyang napapansin. Yung tawa niya, yung pagiging maingay niya. Yung ugali niyang hindi marunong matakot.
Yung paraan niyang tumingin diretso sa mata ng tao kapag may gusto siyang sabihin.
At ang pinakanakakainis? Hindi ko na siya nakikitang annoying. At doon ako nagsimulang kabahan.
Dahil sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon... may nararamdaman akong hindi ko maintindihan.
Hanggang sa dumating yung gabing nag-inuman kami, hindi ko na maalala kung ilan ang nainom ko.
Ang naaalala ko lang... sasabunutan niya ako, kaya lumuhod ako sa harap niya, hindi ko din alam nangyayari sakin baklang bakla ako!
At bawat segundo, mas lalo akong nagiging aware sa presensya niya. Aware sa tawa niya, aware sa amoy niya, aware sa bawat galaw niya.
Kinabukasan, masama ang gising ko. Hindi dahil may hangover ako. Hindi dahil masakit ulo ko. Kundi dahil buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.
At ang dahilan? Si Aveline. Putangina talaga!
Pagmulat ko pa lang ng mata, siya agad naalala ko. Yung mukha niya. Yung paraan ng paglapit niya kagabi.
At higit sa lahat... yung halik.
Nanigas ako sa kama, hindi dapat ako nakakaramdam ng init sa katawan pati sa baba ko. Napamura ako nang mahina, hindi ayokong isipin. Pero habang pilit kong iniiwas ang utak ko... mas lalo ko lang naaalala.
Lalo na dahil first time iyon. First time na may babae na humalik sa akin. At sa lahat ng posibleng babae sa mundo... si Aveline pa, napahawak ako sa mukha ko.
At mas lalo akong nainis nang maalala kong parang wala lang sakanya kagabi.
Parang joke lang, parang trip lang, samantalang ako? Hindi makatulog, hindi makakain, hindi makapag-isip nang maayos.
At nang makita ko siya sa campus mamayang umaga... lalo lang uminit ulo ko.
Kasi mukhang wala talaga siyang maalala.
Masaya normal at parang walang nangyari.
Parang hindi niya ginulo buong buhay ko kagabi.
Habang ako naman nakatingin lang sa kanya mula sa kabilang side ng hallway.
At habang tumatagal... mas lalo akong naiinis. Kasi kahit anong gawin ko...
bumabalik pa rin sa isip ko.
Dahil hindi na ako naiinis kay Aveline.
Hindi na iyon yung problema. Ang problema... gusto ko na siyang makita araw-araw.
Unti-unti, nagsimula na akong maging maalaga sa kanya.
Hindi halata, at least sa tingin ko. Hindi ako yung tipong magtatanong kung kumain na ba siya.
Hindi rin ako yung tipong magmemessage ng "ingat."
Pero kapag nakikita kong hindi siya kumakain, napapansin ko. Kapag nakikita kong pagod siya, napapansin ko. Kapag wala siya sa mood, napapansin ko.
Lalo na pagkatapos ng pangalawang beses na nahalikan niya ako.
Shit... Hanggang ngayon naaalala ko pa rin.
Nagkunwari akong nandidiri,nagkunwari akong walang epekto,nagkunwari akong hindi ko gusto.
Samantalang buong gabi ko na naman iyong inisip. Kaya simula noon, medyo umiwas ako, mas lalo kong tinago, mas lalo kong tinago na wala akong pakialam.
Hanggang sa dumating ang overnight trip.
May activity ang buong department sa may forest camp. At sa kasamaang palad... kasama ko si Aveline. Pagdating pa lang namin, magulo na.
May mga bonfire, may activities, may games nung gabi.
Pero habang tumatagal ang gabi lahat nasa cabin na, kumatok ako sa cabin niya wala, Noong una, wala akong pakialam.
At least iyon ang sinabi ko sa sarili ko. Pero makalipas ang tatlumpung minuto... napansin ko pa rin.
Makalipas ang isang oras... napansin ko pa rin. At nang tuluyan na akong mainis, hinanap ko sina PJ at Carmela.
"Nakita niyo si Aveline?" Pareho silang napatingin sa akin. Then nagkatinginan.
Bad sign. "Hindi." Naningkit mata ko.
"Hindi?"
"Hindi nga."
"Kanina pa?" Nagkibit-balikat si PJ.
"Siguro one hour?" Parang may bumagsak sa tiyan ko. One hour? one fucking hour?
"Ano ibig sabihin ng one hour?"
"One hour?"
"PJ."
"Bakit parang ikaw pa kinakabahan?"
Tahimik akong napamura. Hindi ko alam.
Hindi ko rin maintindihan. Ang alam ko lang... masyadong madilim ang paligid.
Masikip ang forest trails. At mag-isa siya.
"Relax." sabi ni Carmela.
"Hindi siya bata." Hindi ako sumagot.
Dahil habang tumatagal... mas lalo akong kinakabahan. At unang beses yata sa buong buhay ko, hindi ko naisip kung nakakahiya ba. Hindi ko naisip kung ano sasabihin ng iba.Ang nasa isip ko lang ay nasaan siya?
Kaya ako mismo ang naghanap.
Isa.
Dalawa.
Tatlong trail.
Hanggang sa tuluyan na akong nainis sa sarili ko. Dahil bawat minuto na hindi ko siya makita... mas lalo akong kinakabahan.
At doon ko narealize kung gaano kalala ang sitwasyon. Takot ako, shit.
Pero thankfully... nahanap ko rin siya.
Nakahinga ako ng sobrang luwag. Parang ngayon lang bumalik hangin sa baga ko.
Hindi ko alam kung gusto ko siyang sigawan o yakapin.
Binuhat ko nalang siya, at dahil malamig na rin, napagdesisyunan kong doon na lang siya matulog sa cabin ko.
Mas safe, mas malapit, mas madali kong mababantayan. Hindi ko lang sinabi ang huling part na gusto ko.
Kaya lumabas ako sa cabin para kunin gamit ni Aveline, bigla akong may naramdamang humawak sa braso ko.
Napalingon ako. At bago pa ako makapagreact may biglang lumapit.
Nanlaki mata ko. At sa sobrang gulat ko, literal akong natigilan.
Dahil hindi ko iyon inaasahan, not even close. At sa loob ng ilang segundo... isang tao lang ang pumasok sa isip ko.
Aveline.
Nanlaki mata ko sa lalaking nasa harap ko.
At halos kasabay ng gulat ay agad ko siyang naitulak palayo.
"What the hell are you doing?" Napaatras siya ng isang hakbang. Mukhang siya pa ang nagulat sa reaction ko. At mas lalo akong nainis, sobrang nainis.
"Yuck." Lumabas iyon sa bibig ko bago ko pa napigilan sarili ko. Naningkit mata niya.
"Yuck?"
"Oo, yuck."
"Ano bang problema mo?"
"Ano problema ko?" ulit ko habang hindi makapaniwala. "Anong ginagawa mo?"
Tahimik siyang nakatingin sakin. Then napatawa nang incredulous. "Diba bakla ka?"
Natahimik ako.
Putangina. "Diba bakla ka?" ulit niya.
"Bakit ganyan ka makapagreact?"
At doon ako tuluyang nainis. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Hindi ko maintindihan bakit parang may mali.
Hindi ko maintindihan bakit pakiramdam ko may nilabag siyang hindi ko maipaliwanag.
Ang alam ko lang ayoko, ayokong kahit sino.
At lalong ayokong... Napamura ako nang mahina.
"Tomboy na yata ako." Naningkit mata niya.
"Ano?"
"Wala." Inirapan ko siya, pagkatapos ay tinalikuran ko na. Wala akong balak ipaliwanag sarili ko.
Dahil kahit ako hindi ko maintindihan. Kaya dire-diretso akong bumalik sa cabin. Badtrip, sobrang badtrip.
At mas lalo akong nabadtrip nang maalala kung gaano kabilis kong itinulak yung lalaki.
Parang automatic. Parang reflex.
Parang... Hindi ako? Ayoko isipin. Pagkabukas ko ng cabin, agad kong hinanap si Aveline.
Pero wala siya, napakunot noo ako. Tumingin ako sa kama wala, sa may table.
Wala, sa veranda, wala rin.
May kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.
Parang may mali. Parang may hindi tama.
At simula noong gabing iyon, mas lalo lang lumala ang sitwasyon ko. At ayoko nang magsinungaling. Hindi na iyon simpleng curiosity.
Hindi na rin simpleng inis. At lalong hindi simpleng attraction, mas malalim na, mas delikado na. Kasi kahit anong gawin ko, si Aveline pa rin ang hinahanap ng mga mata ko.
Kapag pumapasok ako sa classroom.
Kapag nasa cafeteria, kapag may projects.
Punyeta, siya na naman.
At habang sinusubukan kong tanggapin iyon... biglang bumalik si Rhysand.
The worst timing possible.
Parehong mukha, parehong ngiti, parehong confident. Parang walang ilang taon ang lumipas.
Parang walang nangyari. Parang hindi niya ako iniwan noon. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakainis.
Ang makita siya. O ang marealize na wala na akong nararamdaman.
"Aren't you happy that I'm here?" Napatingin lang ako sa kanya, bumuntong-hininga ako.
"Bakit ka bumalik?" Saglit siyang natahimik.
"To see you." Dati siguro kikiligin ako, dati siguro matutuwa ako. Pero ngayon?
Wala. As in wala. Kaya nagkibit-balikat lang ako. "We can just be friends, Rhysand." Kitang-kita ko ang pagkurap niya.
Parang hindi niya inaasahan. "Friends?"
"Nothing more, nothing less." Tahimik siyang nakatitig sakin. At bahagyang ngumiti.
"Why?" Hindi ako sumagot agad.
At doon yata niya unang napansin, may iba na. "You like someone?"
Napabuntong-hininga ako. "Bumalik ako para sayo." Napatawa ako.
Then tumango. "Yes." Natigilan siya.
"And who is it?" Hindi ko alam bakit.
Pero unang beses yata sa buhay ko na hindi ako nahiyang sabihin.
"Aveline." Nanigas siya.
Literal at napatawa siya, hindi siya makapaniwala. "You're kidding."
"No."
"Kaelis."
"No." Mas lalo siyang natahimik.
"Babae?"
"Oo." Naningkit mata niya. "Nababaliw ka na ba?" Napaisip ako, at napangisi. "Probably."
At unang beses simula nang bumalik siya, natawa siya nang totoo.
"Wow."
"I know."
"Wow."
"I know." Napailing siya.
"Fine." Napatingin ako sa kanya.
"Just help me here in school..." sabi niya habang nakaangat ang dalawang kamay na parang sumusuko na.
"I'll help you, as a friend." Tinanggap ko na lang.
Dahil sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon... parang wala na kaming unfinished business. Tapos na.
Makalipas ang ilang araw, tinutulungan ko siyang mag-adjust ulit sa school.
Mga normal na bagay. At habang ginagawa ko iyon, akala ko okay na ang lahat.
Hanggang sa isang araw. Napalingon ako sa kabilang hallway. At doon ko sila nakita.
Si Rhysand at si Aveline, magkausap. At mukhang komportable. Mas komportable kaysa sa dapat. Masaya pa si Rhysand.
At bakit parang ang lapit nilang tingnan?
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Habang may kung anong mabigat na pakiramdam na unti-unting umaakyat sa dibdib ko. Hindi ko nagustuhan, not one bit.
At unang beses yata sa buong buhay ko...
naisip ko ang isang bagay na hindi ko dapat iniisip.
Rhysand sa lahat ng tao... ikaw pa talaga?
Hindi ko tinigilan si Aveline pagkatapos noon. Actually, mas lumala pa. Kasi habang tumatagal, mas lalo kong narerealize ang isang bagay.
Gustong gusto ko siya, hindi na simpleng crush, hindi na simpleng attraction at lalong hindi simpleng curiosity.
Kaya habang lahat ng tao sa paligid namin parang unti-unting napapalapit sakanya...
mas lalo akong naiirita. Lalo na kay Aaron.
Si Aaron na naman. At ang mas nakakainis? Gwapo, mabait at successful ang Bruho!
At halatang interesado.
Perfect. Exactly the type of guy na dapat kong ikabahala. Kaya everytime na nakikita ko silang magkausap... umiinit agad ulo ko.
At hindi ko na rin itinago, hindi ko na rin pinigilan. Kapag may lalapit kay Aveline?
Lalapit din ako. Kapag may yayaya sakanya?
Mas mauuna ako. Kapag may magbibigay ng pagkain? Mas maganda ibibigay ko.
At sa kasamaang-palad para sakanya... sobrang competitive ko.
Kung may magsabi sakin noon na mababaliw ako sa isang babae, tatawanan ko lang sila. Actually, baka murahin ko pa.
Pero eto ako ngayon, completely screwed. Lalo nung may nangyari saamin, gusto ko siyang araw arawin. Iba ang pakiramdam lalo pag mahal mo at babae. Oh my gosh.
I really want it everyday. Nakakaadik.
Mas lalo akong nagiging dependent kay Aveline pa, nakakainis.
Ako yung unang nabaliw, ako yung unang hindi makatulog kapag hindi siya nakakausap.
Ang tagal niya rin akong sinagot. Pakiramdam ko nga ilang taon akong nanligaw kahit ilang linggo lang naman talaga.
At habang tumatagal, mas lalo akong nagiging desperado. Lalo na kapag may lumalapit sa kanya. Lalo na kapag may kausap siyang ibang lalaki.
Pero ang pinakamalala? Hindi ko na napapansin sarili ko. Nakakalimutan kong kumain. Nakakalimutan kong matulog. Nakakalimutan kong magpahinga.
Hanggang sa dumating yung araw na sinagot niya ako. At shit, feeling ko nanalo ako sa buhay.
Hindi ko na maalala ano sinabi ng professor namin buong araw. Hindi ko na maalala anong kinain ko. Ang naaalala ko lang ay girlfriend ko na si Aveline.
Girlfriend, mine.
At simula noon, mas lalo akong naging masaya. Mas lalo akong naging clingy.
Mas lalo akong naging excited sa future.
Nakakainis mang aminin pero totoo.
Gusto ko siyang makasama araw-araw. Gusto ko siyang sabayan sa umaga. Gusto ko siyang ihatid. Gusto ko siyang sunduin.
Gusto kong malaman kung kumain na ba siya.
Obsessed?
Absolutely pero may isang problema. Ayaw ni Aveline na nakakalimutan ko sarili ko.
At dahil girlfriend ko na siya... wala akong choice. Kailangan kong sumunod. Kaya kumakain ako sa oras. Natutulog ako nang maayos. Nagpapahinga ako.
At kapag pinapagalitan niya ako tumatahimik ako, which is honestly terrifying.
Kung may magsabi sa mga kaibigan ko noon na may taong kaya akong paamuin...wala ni isa ang maniniwala.
Pero si Aveline? Kaya niya. At mas nakakainis dahil gusto ko kapag siya ang nag-aalaga sakin.
Kaya siguro tama si Mom. Hindi ako nagbago dahil umibig ako. Nagbago ako dahil first time kong maranasan na mahalin pabalik ng inaalagaan ako.
At sa lahat ng bagay na gusto ko sa buhay ko... si Aveline pa rin ang paborito ko.
Kahit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang future, gusto kong mag ka twins kami. Pero graduate na muna kami.
At ngayon hindi ko alam kung bakit sobrang seryoso ng mukha ni Aveline buong umaga.
Mas tahimik kaysa normal. At dahil kilala ko na siya, alam kong may iniisip.
Kaya habang magkatabi kaming nag-aalmusa, hindi ko na napigilang magtanong.
"Aveline."
"Hm?"
"Anong problema?" Hindi siya agad sumagot, sa halip, tinignan niya lang ako.
Huminga siya nang malalim.
"Kaelis..." Bigla akong kinabahan, bakit parang seryoso? "Bakit?"
"I'm pregnant." Napatigil ako, maging hawak kong kutsara nahulog sa plato.
"What?" Napakurap siya.
"I'm pregnant."
"WHAT?" Literal akong napatayo, nanlaki mata ko. Punyeta. Hindi ko alam kung tatalon ako sa tuwa o mahihimatay.
"Aveline."
"Ano?"
"Are you serious?" Inirapan niya ako.
"Ikaw ba naman araw-arawin mo ako, paano hindi mabubuntis?"
"Aveline!"
"Anong Aveline?" Nakasimangot na siya habang ako hindi alam kung anong gagawin sa sarili ko.
At sa loob ng buong araw, pakiramdam ko wala akong matinong naiisip. Hanggang sa nagpunta kami sa ospital.
Kinakabahan ako. Hindi ako handang marinig ang sasabihin ng doktor.
"Ako kinakabahan para sayo," bulong ni Aveline.
"Ako kinakabahan para satin." Pinisil niya kamay ko. At pagkatapos ng ilang minuto...
lumingon ang doktor, ngumiti. At doon tuluyang huminto mundo ko.
"Congratulations." Nanlaki mata ko.
"Twins." Napatakip ako sa bibig ko.
Twins.
TWINS.
PUTA YES.
TWINS. Napatingin ako kay Aveline, napatingin siya sakin. Hanggang sa ako unang nagsalita.
"OH MY GOD." Napatawa ang doktor. Pakiramdam ko mananalo na naman ako sa lotto.
Twins.
Actual twins.
Totoong twins blue eyes please.
"Ano yang mukha mo?" natatawang tanong ni Aveline habang palabas kami ng ospital.
Napalingon ako sa kanya. "Aveline."
"Yes?"
"Twins."
"Narinig ko."
"TWINS." Napahawak siya noo. "Kaelis."
"Hindi ako makapaniwala." Tawang-tawa na siya.
Pero maya-maya, unti-unting lumambot expression niya. "Natatakot ka ba?"
Napatingin ako sa kanya. Then sa ultrasound photo sa kamay ko, then bumalik ulit sa kanya.
Hindi pa kami graduate, marami pa siyang pangarap, marami pa kaming kailangang gawin.
Pero habang nakatingin ako sa kanya...
wala akong naramdamang takot, kundi excitement.
Kaya ngumiti ako at hinawakan ko mukha niya.
"Kaya ko kayong buhayin" Tahimik siyang nakatingin sakin.
"Sure ka?" Tumango ako. "Sobrang sure."
"Kahit hindi pa tayo graduate?"
"Kahit hindi pa."
"Kahit mahirap?"
"Kahit mahirap." Napangiti siya.
At doon ko marahang idinikit noo ko sa noo niya.
"May bahay na tayo." Napatawa siya.
"Kaelis."
"May ipon."
"Kaelis."
Napatawa ako bago ko siya niyakap.
Mahigpit at maingat. Parang gusto kong protektahan silang tatlo. At habang yakap ko siya, hindi ko napigilang ngumiti.
Kasi sa dami ng plano ko noon... sa dami ng pangarap ko para sa future... hindi ko naisip na ganito pala kasaya kapag dumating na.
At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko
hindi ko na hinahabol ang future.
Nandito na siya, kasama ko.
She was never supposed to be my type.
Now she's my home.