CHAPTER 39 Sa Puso Kong Ligaw

Seraphine's POV:

"Magandang hapon po, Manong Ramon!" Bati ko habang bumababa ng sasakyan sa harap ng malaking gate nila Cassandra.

Agad naman akong tinawanan ni Manong Guard na matagal ko nang ka-close dahil halos linggo-linggo akong nandito.

Baliw din 'to eh, mana sa amo.

"Ay, Mam Amor!" Sigaw niya habang binubuksan yung maliit na gate. "Aga niyo ngayon ah. Susunduin si Bossing?"

"Bossing?" Tanong ko.

"Si Collie," Sabi niya.

"Ahh, opo. Baka kasi mamaya kung ano-ano na ginagawa nila."

Napailing si Manong Ramon na parang may alam.

"Ay, nako... mukhang may kasiyahan po sa likod."

Huminto ako.

"Anong kasiyahan?"

Bigla siyang umubo. "Wala po. Wala po."

I narrowed my eyes. "Manong..."

"Nagkakantahan lang po sila."

"Sinong sila?"

"Si Bossing... si Jasmine... tsaka si Lara."

Tumawa pa siya.

Napapikit ako at mas lalo akong kinabahan.

"Sige na po, Manong. Papasok na po ako."

"Ahh sige, good luck. Medyo masakit sa tenga," Natatawa niyang sabi. Napailing ako.

Pagkapasok ko sa loob, agad akong sinalubong ni Nanay Bet na may hawak pang tray ng snacks.

"Amor, magandang hapon."

"Hi, Nanay Bet. Magandang hapon po. Nasaan po sila?" Tanong ko kahit alam ko na.

Ngumiti siya. "Nasa garden."

Tumigil siya saglit bago dagdagan-

"Nagkakantahan," Sabi niya.

"...Okay po, Nay."

Habang naglalakad ako papuntang garden, may narinig akong boses maliit at May pagka sintunado. Rinig ko rin na may back music na di malakas kaya siguro di rinig sa labas.

At sobrang emosyonal ng boses, pero may pagka-kanal.

"?? Mula nang ika'y masilayan ko

Di ko alam, di ko alam

Puso ko ay iyong pinana, tumama

Di tama aking hinala ??"

Huminto ako sa paglalakad.

Si Collie.

Kumunot noo ko kasi di ko alam kung anong kanta 'yun.

"Broken ba ang batang 'yon?" Tanong na bulong ko sa sarili kasi parang broken siya.

Paglapit ko pa lalo, mas lumakas yung kanta.

"?? Kung alam mo lang nilalaman ng aking puso Kaso nga lang yung utak ko ang gumugulo Mga naiisip kong gawin ay binubuo ??"

Pagdating ko sa garden-

Halos mapasigaw ako.

Si Jasmine, nakahawak sa tiyan at ang isang kamay sa cellphone, parang nagvi-video habang tumatawa.

Si Lara, pula na yung mukha. Di ko alam kung sa kakatawa rin o sa pag-inom kasi tumatawa siya habang may hawak na wine glass.

At si Collie...

Nakatayo sa upuan na parang nasa concert.

May hawak pang microphone.

At may maliit na wine glass.

Nanlaki mata ko.

"ANONG NANGYAYARI DITO?!"

Biglang tumigil silang tatlo. Lumingon sakin si Collie nang sobrang bagal. Namumungay yung mata.

"Mamaaaa..." Pagkanta niya.

Napakurap ako.

Owgag.

Mukha talaga siyang lasing.

"Bakit niyo pinapainom si Collie?!" Sigaw ko agad habang nakatingin kina Jasmine at Lara.

Si Jasmine, napaiwas ng tingin at tumingin kay Lara, parang nag-uusap sila kung sino ang magsasabi.

"Hindi- pfft- Amor, wait-"

Pero si Collie, biglang tinaas ulit yung mic.

"?? Sa puso kong ligaw (sa puso kong ligaw) Pinili ko ikaw Sa ganda mong kaakit-akit Sa mata mo lang nakatitig... ??"

Tinignan ko siya nang masama.

Agad siyang napatigil.

At literal na napalumunok pa.

Lumapit ako at dahan-dahan kong kinuha yung microphone sa kamay niya.

"Collie Elery Walls-"

"Mama, wag ka po magalit..." Sabi niys. Sabay yakap niya sa legs ko.

Bago pa ako makapagsalita biglang sumigaw si Lara.

"TAGAY, COLLIE!"

Agad niyang inabot yung maliit na wine glass sa bata.

Nanlaki mata ko.

"LARA?!"

Pero bago pa makainom si Collie, mabilis kong inagaw yung baso.

"Hindi mo na-"

At dire-diretso kong ininom.

Napatigil ako at napakurap ng nalasahan ko.

"...C2?"

Tahimik. Then-

Sabay-sabay silang tumawa.

Si Jasmine, literal na nakahiga na sa upuan kakatawa. Si Lara, halos mawalan ng hininga. At si Collie... Nakatingin sakin habang naka-finger heart pa.

"Mama, it's a prank po."

Nanlaki mata ko.

"HA?!"

Tawang-tawa si Lara habang tinaas yung bote ng C2 na nakatago pala sa wine bucket.

"Kanina pa 'yan, C2! Anong akala mo, ganun kami kabaliw!" Sabi ni Jasmine.

"Eh bakit mukhang lasing na lasing 'tong si Collie?!"

Biglang tumayo si Collie sa chair. Tapos sumigaw-

"KASI PO BEST ACTRESS AKO!"

Sabay dramatic pose.

"?? Sa puso kong ligaaawww- ??" Pagkanta niya.

Bigla siyang nadulas sa monoblock.

"AY!"

"COLLIE!" Sigaw ko agad.

Pero bago pa ako makalapit, tumawa lang siya habang nakahiga sa damuhan.

"Mama... feeling ko sikat na ako..."

Napahawak ako sa noo ko.

"Lord... seven years old pa lang 'to pano na pag mas tumanda." Bulong ko

AFTER 1 HOUR

Nandito pa rin kami kasi napilit si Collie.

Tahimik lang kaming lahat sa sala habang nanonood ng movie.

Si Collie, nakadapa sa carpet habang naglalaro ng phone niya. Humingi ng screen time, binigyan ko na kasi di naman siya gumamit kahapon. Si Lara naman, nasa sofa katabi si Jasmine.

Okay na sana ehh... hanggang sa biglang nagsalita si Lara.

"Alam mo, Jas... feeling ko di pa 'to tuli."

Agad na napaangat ulo ni Collie.

"Hoy! Tuli na po ako!"

"Hindi," Sagot ni Lara.

"Opo! Sabi ni Mommy, baby pa lang ako, tuli na ako," Sagot rin ni Collie. Napakunot noo ako.

Napahalakhak naman si Jasmine.

"Tama na kayo. Pareho naman kayong isip-bata," Sabi niya.

"Eh mukha talagang hindi," Dagdag pa ni Lara habang natatawa. "Tsaka ba't defensive masyado?"

"Oo."

"Pakita nga," Sabi ni Lara.

"Tita Lara!" Reklamo ni Collie habang namumula yung tenga niya.

Pero lalo lang silang nagtawanan ni Jasmine. Ako naman, di ko alam pinagsasasabi nila.

"Ano ba pinagsasasabi niyo?" Sita ko habang nakatingin sa kanilang tatlo.

Napangisi si Lara.

"Luh... di mo alam?"

"Ang alin?" Kunot-noo kong tanong.

Tumingin si Lara kay Collie bago ulit bumaling sakin.

"Na katulad ko si Collie."

Napatigil ako.

Katulad... niya?

Hindi agad nag-sink in yung sinabi niya.

Tapos dahan-dahan akong napatingin kay Collie.

"Intersect ka rin kagaya ni Lara?" Tanong ko.

Dahan-dahan naman siyang tumango.

"Oo," Sabay na sabi ni Jasmine at Lara. Napatulala ako.

At parang biglang bumalik lahat sakin.

Kaya pala hindi nagagalit si Emery kapag sinasabi ni Collie dati na gusto niya ng babae.

Kaya pala palagi siyang naka-baggy pants at oversized clothes habang si Callie mahilig sa dresses.

Kaya pala sobrang close niya kay Lara na parang may sarili silang understanding dalawa na hindi ko maintindihan minsan.

Kaya pala sa restroom siya ng boys umiihi sa school nila kahit bawal.

At higit sa lahat...

Naalala ko yung sinabi dati ni Callie.

Na sinabi daw ni Emery kay Margaret na mas kailangan siya nito.

'You said before to Tita Margaret... that Collie needed you more.'

Noon, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin nun, or at least hindi ko gaanong naintindihan kasi para sakin pareho nila siyang kailangan, pero-

Ngayon...

Gets ko na.

Nabalik lang ako sa realidad nang magsalita ulit si Jasmine habang natatawa.

"Di mo alam na may putotoy tong batang 'to?" Tanong niya.

"Ate Jasmine!" Sigaw ni Collie habang nakapout.

Napatingin ako sa kanila.

"Hindi naman kayo nagbibiro, diba?"

"Bakit naman kami magbibiro?" Sagot ni Lara, mas kalmado na ngayon.

Tumango rin si Jasmine.

"Nagulat nga rin ako nung kwinento ni Lara. Sabi pa niya, pwede pang dumami lahi ni Collie."

"Oo, dadami pa katulad namin," Natatawang sabi ni Lara.

"Mas masakit sa ulo 'yun, Amor," Sabi ni Jasmine.

"Hoyyy, ate!" Reklamo ni Collie. "Naririnig ko po kayo ah!"

Tapos dahan-dahan siyang napatingin sakin.

Yung kaninang makulit niyang mukha... naging hesitant.

"Nandidiri ka po ba sakin, Mama?"

Parang may kumurot agad sa dibdib ko.

Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap niya.

"Hindi." Mahina pero diretso kong sabi habang hinahawakan ko ang pisngi niya.

"Na-shock lang ako, anak."

Namumuo na yung luha sa mata niya habang nakatingin sakin.

Ngumiti lang ako saka siya niyakap.

"Kahit ano ka... kahit sino ka..." Bulong ko.

"Mahal pa rin kita."

Tahimik yung buong sala pagkatapos nun.

At naramdaman ko na lang yung mahigpit na yakap ni Collie sakin habang si Lara at Jasmine, tahimik na nakatingin samin.

"Si Tita Lara mo nga, natanggap ko kahit hindi lang putotoy ang meron siya," Sabi ko pampagaan ng atmosphere.

"Ano pa po?" Naka-kunot noong tanong niya.

"Sapak sa ulo," Sabi ko.

Agad naman siyang tumawa.

"Aray ahh," Sabi ni Lara.

MINUTES HAD PASSED.

Nagdesisyon na kaming umuwi.

Mahina akong napabuntong-hininga habang nagmamaneho pauwi.

Mabigat yung ulan na bumabagsak sa windshield habang paulit-ulit na gumagalaw yung wipers sa harap namin. Madilim na rin ang kalangitan kahit hindi pa naman sobrang gabi, at dahil sa lamig ng panahon, halos wala nang sasakyan sa daan.

Kalma do'n lang ang music sa loob ng kotse. Yung tipong pang-background lang talaga.

Napalingon ako saglit kay Collie.

Tahimik siya.

Nakasandal yung ulo niya sa bintana habang pinapanood yung malalaking patak ng ulan na dumudulas pababa sa salamin. Nakapulupot yung seatbelt sa maliit niyang katawan habang seryoso siyang nakatingin sa labas na parang ang dami niyang iniisip.

For once...

Tahimik siya.

At medyo nakakabahala 'yon.

Sanay kasi ako na kahit kakagaling lang namin sa school dahil sa panibagong kalokohan niya, maya't maya pa rin yung bunganga niya.

Either kumakanta, o nagkukwento, o kaya nang-aasar.

Pero ngayon...

Wala.

"Mama..." Mahina niyang tawag

Napalingon ako habang nakahawak sa manibela at bumalik rin ang tingin sa daan.

"Hm?"

"Pwede po ba tayo mag-coffee?"

Napakunot-noo ako.

"Coffee?" Ulit ko habang napatawa ng kunti. "Us why?"

"Opo," Sagot niya. "Promise, hindi po ako oorder ng wine glass."

Napatawa ulit ako at umiling.

"Baliw."

Kita ko naman sa gilid ng mata ko na nakaharap siyang sakin at nakangiti nang sobrang laki na parang proud pa siya sa joke niya.

"Pleaseeee?" Mahaba niyang sabi habang bahagyang yumuyuko sa upuan niya. "Kahit saglit lang po. Inom lang po tayo..."

Tinignan ko yung oras sa dashboard. Tapos yung ulan, medyo ambon na lang.

Honestly, gusto ko na talagang umuwi at humiga na lang. Pero nang makita ko yung mukha niyang halos nakapout na naman

"Fine," Sabi ko habang umiiling. "Saglit lang."

"YES!"

Agad siyang nagtaas ng dalawang kamay na parang nanalo sa lottery.

Napailing na lang ako habang natatawa.

"OA."

"Mana lang po sa inyo."

"Mas OA ka."

"Mas poganda ka naman po."

"Hindi uubra pambobola mo."

"Pero gumagana."

"Collie."

Tumawa lang siya.

Ilang minuto lang, huminto kami sa paborito naming coffee shop.

Warm yung ilaw mula sa loob na tumatama sa amin kahit nasa parking lot pa lang kami. At halos foggy na yung glass windows dahil sa lamig ng panahon habang kita sa loob yung mga taong tahimik lang na nagkakape.

Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, agad nang tumakbo si Collie paloob habang tumatawa.

"Dahan-dahan!" Sigaw ko habang isinasara yung pinto ng kotse.

"Hindi po ako madudulas!"

"'Yan din sabi mo last time!"

Pagkapasok namin sa loob, agad akong sinalubong ng familiar na amoy ng coffee beans, vanilla syrup, at bagong lutong pastries.

Medyo mainit at cozy dito sa loob sobrang layo sa lamig ng ulan sa

labas. May mahinang jazz music

ding tumutugtog habang may

iilang customers na tahimik

lang na nag-uusap.

Lumapit kami sa counter. At gaya ng dati. Biglang umayos ng tayo si Collie.

Napapikit ako agad.

Oh no.

Ito na naman siya.

"Good evening po," Malambing niyang bati sa barista na mukhang nasa early twenties.

Napangiti agad yung barista.

"Good evening din."

At doon ko na naman nakita yung pamilyar na kislap sa mata ni Collie.

Yung tingin niyang akala mo dalaga

na talaga siya.

Bigla siyang sumandal sa counter habang nakaangat konti yung baba niya.

"Miss" Malambing niyang sabi. "Lagi po ba kayong maganda?"

Nanlaki agad mata ko.

"COLLIE."

"Ano po?" Inosente niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Yung barista naman, napatawa.

"Naku," Natatawa niyang sabi. "Ang bata-bata mo pa, marunong ka na mambola."

"Mana po ako kay Mama," Proud na proud niyang sagot sabay turo sa akin.

"Hoy!"

Lalo tuloy tumawa yung babae.

Pati yung isang customer sa likod namin, napangiti rin.

"As usual po ba order niyo?" Tanong nung barista habang pinipigilan tumawa.

Tumango ako.

"One hot cappuccino," Sabi ko. "Tapos isang caramel frappe for this flirt."

"Hindi po ako flirt," Reklamo agad ni Collie.

Tinignan siya nung barista habang nakataas ang kilay.

"Talaga?"

Tumango siya nang seryoso.

"Future gentlewomanman lang po."

Napahawak ako sa noo ko.

"Lord..." Bulong ko.

"Kasalanan niyo po 'to, Mama. May cute kayong anak ni Mommy."

"Kasalanan ko pa pala." Sabi ko.

Pagkatapos naming umorder, lumipat kami sa pwesto malapit sa glass wall.

Favorite spot namin.

Kita doon yung kalsada sa labas, yung ilaw ng mga sasakyan, at yung ulan na medyo parang ambon na lang din.

Tahimik lang si Collie habang hinihintay order namin.

Paminsan-minsan hinihipan niya yung salamin gamit hininga niya, tapos nagsusulat gamit daliri.

Napangiti ako nang makita kong dinrawing niya kaming dalawa.

Stick figures.

Tapos may malaking buhok yung sa akin.

"Ako 'to?" Tanong ko.

"Opo."

"Bakit mukhang lion?"

"Kasi fierce po kayo."

Napatawa ako nang mahina.

Then bigla akong natigilan.

"Shoot."

Napatingin agad si Collie.

"Bakit po?"

"Naiwan ko wallet ko sa kotse."

"Ako na lang po kukuha-"

"No." Agad akong umiling. "Stay here."

"Mama-"

"Collie."

Tumango naman siya kahit halatang gusto niya sumama.

"Okay po"

Agad akong tumakbo palabas. Medyo lumakas na naman ang ulan.

Paglabas ko pa lang, sinalubong na agad ako ng malamig na hangin at malalaking patak ng ulan.

"Grabe naman kasi 'to..." Reklamo ko habang pilit kinakapa yung susi sa bulsa ko.

Dahil basa na kamay ko, lalo tuloy akong nahihirapan.

"Nasaan ba kasi-"

Biglang...

Nawala yung bagsak ng ulan sa katawan ko. Kaya mapakurap ako at dahan dahang tumingala ako.

Payong.

May payong sa ibabaw ko.

Agad akong napalingon sa likod, at doon ko nakita ang isang lalaki.

Mukhang nasa early fifties.

Matangkad. Maayos manamit. Naka-formal dark coat kahit sobrang lakas ng ulan na para bang mafia boss.

Pero hindi yung itsura niya yung unang napansin ko.

Yung presence niya.

Tahimik. Kalmado. Pero sobrang bigat.

Parang may authority na hindi mo maipaliwanag.

At strangely enough...

Parang sobrang pamilyar niya.

"You should take care of yourself, young lady," Kalmado niyang sabi.

Bahagya akong natigilan bago ngumiti.

"Salamat po, sir."

Tumango lang siya.

Then tumingin siya saglit sa paligid bago muling bumaling sa akin.

"You should move fast. Nababasa na tayo."

Napatingin ako sa mata niya.

Warm at 'di ko maipaliwanag, pero parang may lungkot na nakatago doon. Yung tipong matagal nang may dinadala.

Medyo malakas naman ang liwanag sa paligid kaya kita ko.

"Ah... sorry po."

Mabilis kong binuksan ang sasakyan at kinuha yung wallet ko sa passenger seat.

Pagkasara ko ng pinto, sabay kaming naglakad pabalik sa coffee shop.

Tahimik lang siya.

Pero hindi awkward.

Actually...

Nakakagulat kung gaano kagaan yung pakiramdam ko sa tabi niya. Parang matagal ko na siyang kilala kahit ngayon ko lang siya nakita.

At nung medyo lumakas ulit yung ulan, bahagya niyang hinawakan ang shoulder ko para ilapit ako sa ilalim ng payong.

Automatic lang yung kilos niya.

Natural.

Parang sanay siyang protektahan ako.

Hindi ko talaga maintindihan bakit biglang naging komportable yung pakiramdam ko.

Usually, mailap ako sa strangers.

Pero sa kanya-

Hindi.

Pagdating namin sa entrance ng coffee shop, agad akong humarap sa kanya.

"Sir, gusto niyo pong pumasok muna?" Tanong ko. "Para ms libre ko rin po kayo ng kape."

Umiling siya nang bahagya.

"I still need to do some stuff. Maybe next time," Sabi niya.

"Sure po kayo?" Tanong ko.

Tumango siya.

Then ngumiti siya, hindi gaanong malaki pero sapat na para mapangiti rin ako.

"Always take care of yourself."

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko sa simpleng sentence na 'yon. Hindi ko alam kung bakit. Pero biglang may mabigat na feeling na dumaan sa akin.

"Thank you po..." Mahina kong sabi.

Then bigla kong naalala.

"Ah- Seraphine Amor Reyes nga po pala."

Inabot ko kamay ko para makipagkamay.

Tiningnan niya muna ang kamay ko, at parang natigilan siya saglit pero marahan niya iyong tinanggap.

Mainit ang kamay niya.

"Nathan Calloway Harrington the First."

Napakurap ako.

"Ang haba naman po ng pangalan niyo..."

Bahagya siyang natawa.

Halos hindi marinig pero somehow...

Parang ang sarap pakinggan.

"So..." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin. "I'll see you when I see you."

At ewan ko ba.

Bigla ko siyang gustong pigilan.

Bigla ko siyang gustong yayain sa loob.

Bigla kong gustong tanungin kung bakit parang ang familiar niya.

Kasi somehow...

Ang gaan ng pakiramdam ko sa presence niya.

Parang safe ako sa tabi niya. Siguro dahil parang mabait siya, pero at the same time, parang may authority siyang tignan.

At parang may parte sa akin na matagal na siyang kilala.

Napalingon ako sa loob ng coffee shop kung saan kumakaway si Collie sa akin sa kabilang glass wall habang exaggerated na sumesenyas na bilisan ko raw.

Napatawa ako nang mahina, then pagbalik ko ng tingin, wala na yung lalaki.

Napatigil ako.

"Ang bilis naman."

Napalingon ako sa paligid.

Sa parking lot.

Sa sidewalk.

Sa kalsada.

Pero wala na talaga siya.

At first, nalito ako kung saan siya dumaan nang ganun kabilis. Pero maya-maya, umiling na lang ako

habang natatawa nang mahina.

"Ang weird..." Sabi ko.

Pagpasok ko ulit sa loob, agad akong sinalubong ni Collie.

"Mama!" Sigaw niya. "Akala ko po nalunod ka na!"

Napatawa agad ako.

"Huwag kang OA."

"Ang tagal niyo po kasi!"

"Drama mo."

Bigla siyang tumingin sa likod ko.

Then unti-unting nawala yung kulit sa mukha niya.

"Mama..." Mahina niyang tawag.

"Hm?"

"Sino po yung kasama mo kanina? Pogi po ba? Medyo malabo po kasi yung glass."

Napalingon ako sa glass door.

"Ahh..." sabi ko habang papaupo ulit sa tabi niya. "Hindi ko rin kilala eh. Tinulungan lang ako."

Tahimik lang si Collie. Nakatitig siya sa labas parang may iniisip.

"Bakit?" Tanong ko.

Mabagal siyang napalingon sa akin.

Then mahina siyang nagsalita.

"Wala po."

Pero hindi siya mukhang walang iniisip.

At habang hawak ko yung mainit na cappuccino ko, hindi ko maiwasang mapalingon ulit sa labas. Sa lugar kung saan ko huling nakita yung lalaking may payong.

Hindi ko alam bakit.

Pero pakiramdam ko...

Hindi 'yon yung huling beses na magkikita kami.

AFTER 15 MINUTES

Matapos naming ubusin yung drinks namin, tuluyan na kaming lumabas ng coffee shop.

Mahina pa rin yung ulan hindi na kasing lakas kanina. Basang-basa yung kalsada habang nagre-reflect yung ilaw ng mga poste at sasakyan sa tubig.

Tahimik kaming naglalakad ni Collie papunta sa kotse, at ang clingy niya.

Paminsan-minsan, sumasabit siya sa braso ko habang naglalakad.

"Mama..."

"Hm?"

"Pwede po ba tayong dumaan saglit?"

Napalingon ako sa kanya.

"Saan na naman?"

Tinuro niya yung maliit na flower shop sa kabilang side ng parking lot.

Yung tipong cozy lang. Punong-puno ng iba't ibang flowers sa labas kahit gabi na.

Napangiti ako nang bahagya.

"For Mommy?" Tanong ko.

Tumango siya agad.

"Opo!"

Napailing na lang ako habang natatawa.

"Sige. Bilisan lang natin at baka hanapin na tayo nung dalawang kampo ni Elsa."

"YAY!"

Agad siyang tumakbo papunta doon habang halos madulas pa sa sobrang excited.

"COLLIE!"

"Sorry po!"

Paglapit namin sa flower shop, agad kaming sinalubong ng amoy ng fresh flowers.

Roses. Tulips. Lilies.

May maliliit ding fairy lights na nakasabit kaya sobrang warm tingnan nung place kahit maulan.

Lumapit agad si Collie sa roses.

"Mama..." Bulong niya habang nakangiti. "Bagay kay Mommy 'to."

Napatingin ako sa hawak niyang dark red roses.

Simple lang pero elegant parang si Emery.

"Hmm..." Tumango ako. "Maganda nga."

"Parang si Mommy."

"Smooth."

"Mana po sa akin."

Napatawa ako.

Habang inaayos nung florist yung bouquet, biglang may napansin si

Collie sa kabilang side ng stall.

Bigla siyang natahimik. Then dahan-dahan siyang lumapit doon. Napatingin ako sa linapitan niya.

Isang maliit na bouquet. Hindi siya sobrang bongga. Soft pink and white flowers lang maliit cute at halos parang pambata.

"Mama..." Mahina niyang tawag.

"Hm?"

"Pwede ko rin po bang makuha 'to?"

Napangiti ako agad.

"Sure, baby."

Bigla siyang ngumiti nang sobrang laki.

"Thank you po!"

"Okay na po lahat, ma'am," Sabi ng tindera.

Magbabayad na sana ako nang pigilan ako ni Collie.

"Sorry po," Sabi niya.

Nagtatakang napalingon naman ako sa kanya.

"Ba't ka nagso-sorry?" Tanong ko.

"Sabi po kasi ni Tita Lara, pag humingi daw po ng tawad, mas mura daw po," Paliwanag niya.

Di ko na napigilang matawa. Pati si ate na nagbebenta, natawa na rin.

"O sige, pinapatawad na kita," Sabi naman ni ate.

Napa yes naman si Collie na parang di anak ng CEO.

"See, Mama? It works," Sabi niya.

Ginulo ko lang ang buhok niya at nagbayad na.

Pagkatapos naming bumili, sabay kaming bumalik sa sasakyan habang naglalakad. Ipinaliwanag ko na rin ang ibig sabihin ng paghingi ng tawad pag bumibili.

Habang nasa biyahe pauwi, tahimik lang ulit si Collie habang yakap-yakap yung maliit na bouquet niya.

Paminsan-minsan, inaamoy niya pa yung flowers.

Napangiti na lang ako habang nagmamaneho.

Cute.

At bigla kong naisip si Callie. Nakalimutan kong bilhan siya.

Babawi na lang ako bukas ng umaga sa kanya.

Pagdating namin sa bahay, agad kong napansin yung ilaw ng television sa living room.

Pagkabukas ko ng pinto, agad kaming sinalubong ng warmth ng bahay. Naglakad ako habang buhat si Collie papasok sa sala.

At doon namin nakita sina Emery at Callie.

Magkatabi silang nakaupo sa couch na parang may hinihintay.

Naka-casual clothes na si Emery habang tahimik na umiinom ng tubig, at si Callie naman, nakahiga halos sa tabi niya habang nagbabasa ng books niya.

Pagkapasok namin-

"MOMMY!" Sigaw agad ni Collie.

Napatingin agad si Emery sa 'min.

At yung pagod sa mukha niya kanina, bahagyang nawala nang makita kami.

"There you are," Mahina niyang sabi.

"Mama carried me because I'm still

a baby," Proud na announce ni Collie

kahit siya naman yung nagpumilit magpakarga pagkababa namin ng sasakyan.

Napatawa ako.

"Nung isang araw gusto mo independent ka," Sabi ni Emery.

"Tamad po ako today," Sabi naman ni Collie.

Napailing na lang si Emery habang natatawa nang mahina.

Pagkatapos, biglang bumaba si Collie mula sa pagkakakarga ko.

Tumakbo agad siya papunta kay Callie,

at akala ko ibibida niya yung bouquet.

Pero instead-

Iniaabot niya kay Callie.

"ATE!"

Napatingin si Callie sa kanya.

Then dahan-dahang nanlaki yung mata niya nang makita yung hawak ni Collie.

"For you."

Tahimik si Callie habang tinatanggap yung maliit na bouquet.

"M-Me?"

Tumango si Collie.

"Sabi kasi ni Mama, pwede ko raw kunin yung gusto ko..."

Huminto siya saglit bago ngumiti.

"Eh gusto kitang bigyan kahit lagi mong winawasak brain cells. ko kahit ayaw mo sa utot ko. Kahit mas gusto mo pang kausap yung mga halaman sa garden."

Biglang lumambot expression ni Callie.

At ako naman napangiti na lang habang nakatingin sa kanila.

Akala ko talaga para sa sarili niya yung flowers pero para pala kay Callie.

Hays.

Ang lambot talaga ng batang 'to.

"Thank you..." Mahinang sabi ni Callie habang hawak yung bouquet.

"Walang anuman," Proud na proud na sagot ni Collie.

Lumapit naman ako kay Emery.

Then marahan kong inabot yung roses.

"For you."

Bahagyang tumaas yung kilay niya.

"Roses?"

"Bawal?"

Umiling siya nang mahina habang nakangiti.

"Hindi. Nagulat lang ako," Sabi niya.

First time ko siyang bigyan ng ganitong oras. Usually bago siya gumising, kaya rin siguro nagulat siya.

"Deserve mo naman."

Then yumuko ako at marahan siyang hinalikan sa pisngi.

Mwah.

"Yak!" Sigaw agad ni Collie sa gilid namin.

Napatawa agad ako.

"Arte mo."

"Kadiri po kayo minsan."

"Pero cute kami."

"Hindi po."

"Jealous ka lang."

"NO!"

Lalo tuloy natawa si Emery. Si Callie naman, napangiti habang umiiling.

Then tumingin si Emery sa 'ming dalawa.

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa, pero dumaan kami sa coffee shop," Sabi ko.

"Collie, are you still hung-?"

"Yes!" Sagot agad ni Collie habang taas-kamay.

Napatingin ako sa kanya.

"At kailan ka pa hindi gutom?"

"Growing kid po ako, so every minute need po ng food," Sabi niya.

Napailing na lang ako habang natatawa.

Then maya-maya, naramdaman kong may humawak sa damit ko. Pagtingin ko, si Callie pala.

Tahimik siyang nakatingin sa 'kin habang hawak pa rin yung bouquet.

"Mama..."

"Hm?"

"Carry po..."

Agad lumambot expression ko.

Without hesitation, binuhat ko siya.

Kahit medyo malaki na siya para magpakarga katulad ni Collie,

automatic pa rin talaga sa 'kin.

Pagkakarga ko, agad siyang yumakap sa 'kin ng mahigpit.

Napahagod agad ako sa likod niya.

"What's wrong?" Mahinang tanong ko.

Saglit siyang tumingin kay Emery.

Si Emery naman, ngumiti lang sa 'kin

na parang may alam.

Then bumalik ulit tingin ni Callie sa 'kin.

"Nothing po" Mahinang sabi niya habang mas sumiksik sa 'kin. "I just miss you."

Parang may kung anong kumurot agad sa puso ko.

"Aww..."

Hinaplos ko buhok niya habang yakap siya.

"Naglalambing panganay ko ah."

Napatingin siya sa 'kin.

"I miss you po."

Mas lalo akong napangiti.

"I miss you too."

Tahimik lang siya habang nakayakap

sa 'kin. At honestly... hindi ko namalayan kung gaano ko rin pala siya na-miss.

"Come on," Sabi ko habang inaayos ko siya sa pagkakakarga. "Kain na tayo."

Tumango silang lahat.

Habang naglalakad kami papunta sa dining room, napalingon ako kay Callie.

"How was your two days sa bahay ni Tita Margaret mo?"

Napatingin siya kay Collie. Then straight-faced siyang sumagot-

"Peaceful."

Biglang napangisi si Collie.

"But too boring," Dagdag agad ni Callie.

"See?" Proud na sabi ni Collie habang nakaturo sa sarili niya. "You still need me alive."

"Yeah, right," Sagot ni Callie sabay irap.

Tumawa lang si Collie nang malakas.

"Love mo kasi ako."

"Delusional."

"True naman."

Napailing na lang ako habang natatawa.

Pagkaupo namin sa dining table, napatingin naman ako kay Emery.

"How's office?"

Napabuntong-hininga siya agad habang inaayos yung sleeves niya.

"Draining."

"Oof."

"There's a meeting that feels like almost a whole day to finish..." Sabi niya.

"Kaya pala mukhang gusto mo nang manakal," Sabi ko.

Napatawa siya nang mahina.

"Accurate."

"Ganda pa rin though," Sabi ko.

"Please stop talking," Sabi niya pero may ngiti.

"ayiee si mommy, kinikilig," Sabi ni Collie.

Lahat naman kami natawa. At habang kumakain kami, tuloy-tuloy lang yung kwentuhan.

Random stories. Mga reklamo ni Emery sa office. Kalokohan ni Collie. At dry comments ni Callie na minsan mas nakakatawa pa.

Simple lang pero sobrang warm sa pakiramdam.

Ganito pala ang feeling ng tahanan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.