CHAPTER 49 Experiment

Seraphine's POV:

Kung may isang bagay akong ayaw aminin, 'yun ay ang nagseselos

nanaman ako at hindi dahil kay Emery kundi dahil sa dalawang bata.

Oo.

Sa kambal.

"Papa! Papa!"

Tumakbo sina Collie at Callie papunta kay Robert pagkapasok pa lang niya sa sala.

Parang may magnet.

Isipin mo 'yun, self.

Ikaw nagpapakain sa kanila.

Ikaw nagpapatulog sa kanila.

Ikaw bumibili ng ice cream nila.

Pero isang 'Papa' lang, wala na talo na naman ako.

Tahimik akong nakaupo habang pinapanood silang tatlo. Katabi ko sina Lara, Hana, Jasmine, at Linda kanina pa sila dito nakatambay.

Okay na sana eh, ang saya na namin, kaso may bwesita.

"Selos ka?" Bulong ni Lara.

"Hindi." Agad na tanggi ko.

Alam ko kasing pagtatawanan na naman nila ako pag nagkataon.

"Sinungaling," Sabi ni Jasmine

Kaya inirapan ko siya.

"Hindi nga." Tanggi ko.

"Mas convincing pa yung halaman sa labas," Sabi.naman ni Linda sa likod.

Napairap ako.

Samantalang si Robert naman ay masayang nakikipaglaro sa kambal kasama rin niya ang kapatid niyang si Charlotte at ang dalawang kaibigan nito.

At doon nagsimula ang problema.

"Ooh, the kids are really cute." Lingon na sabi ni Robert sa kapatid niya.

Ngumiti naman si Charlotte tapos tumingin sa akin.

"It's really better when the children's real parents are with them."

Sabi niya.

Napatingin agad si Robert sa kapatid niya.

"Charlotte." Warning na sabi niya pero hindi siya tumigil.

"May mga tao kasi na feeling pamilya." Dagdag na sabi ni Charlotte.

'Di ko na sana papansinin pero narinig ni Lara.

Patay.

Nakita ko agad yung ngiti niyang nakakaloko yung ngiting nangangahulugang may

mamamatay emotionally.

"Alam mo, Jasmine," Panimula ni Lara.

"Hmm?" Lingon sa kanya ni Jasmine. Naka-smirk rin.

"May naalala akong insekto." Sabi ni Lara.

"Talaga? Bakit?" Kunwaring curious na tanong ni Jasmine.

"Mahilig kasi dumapo kahit walang may gusto sa kanya."

Napakagat-labi ako. Narinig ko naman ang pigil-tawa ni Hana at Linda. Lumiko agad ang tingin ni Jasmine kay Charlotte.

"Ahhh." Sabi niya.

"Langaw ba?" Dagdag niya habang tumatango.

"Oo." Sagot agad ni Lara.

"Ano nga tawag doon sa actions nun?" Tanong ni Linda.

"PAPANSININ!" Biglang sagot ni Collie.

Tumawa naman ang apat. Ako naman, pilit pinipigilan ang sarili para sa mga bata.

Napalingon ako kay Robert at napakunot-noo ako kasi kahit siya namumula at parang pinipigilan ang tawa.

Akala ko tapos na pero yung nakikinig lang kanina sumali na rin.

"Alam niyo ba yung ipis?" Tanong ni Hana.

"Bakit?" Tanong ni Lara pabalik.

"Kahit anong linis mo sa bahay, bigla-bigla na lang sumusulpot. Nakakatakot at nakakadiri." Sabi niya.

Napapikit naman ako.

"True." Sabay na sabi ni Jasmine at Lara.

"Tapos feeling welcome." Sabi ni Linda.

"Tama." Sabay ulit nila.

"Nakakahiya naman sa may-ari ng bahay." Sabi ni Linda.

Tahimik na si Charlotte at namumula na ang mukha niya.

Samantalang sina Lara at Jasmine parang nasa comedy show.

"Ay, alam ko pa." Sabi ni Jasmine. "Yung lamok."

"Bakit?" Tanong ni Lara.

"Maingay." Sabi niya.

"Tapos walang ambag." Sabat ni Hana.

"Tapos hahanap lang ng atensyon." Sabi ni Linda.

"And blood po," Sabi ni Collie habang nakikipaglaro sa ate Callie niya ng chess.

"HAHAHAHA!"

Tawanan naming lahat. Hindi ko na napigilan, hindi dahil pinaparinggan nila si Charlotte kundi dahil kahit mukhang busy si Collie, nagagawa niya pa ring sumali sa chismis.

Nagulat naman ako dahil biglang natawa si Robert nang malakas. Napatingin lahat sa kanya.

"Sorry," Sabi niya.

Pero hindi siya mukhang sorry para sa kapatid niya. Lalo siyang tumawa.

Napatingin si Hana sa kanya tapos lumapit at bumulong sa akin.

"Para siyang ah..." Nagdadalawang-isip niyang sabihin.

"Ano?" Tanong ko.

"Basta." Sagot niya. Naguluhan naman ako.

"Ano nga?" Tanong ko.

Umiling lang siya.

Napatingin ako kay Robert mukhang natutuwa pa ang loko.

Charlotte was about to speak.

"Charlotte," Mahinang sabi ni Robert.

"Tama na." Dagdag niya.

Pero lalo lang nainis ang kapatid niya.

Kasama pa ang dalawang kaibigan nitong parang alalay ng kontrabida sa pelikula.

"May mga tao kasi talagang nakikisiksik sa pamilya ng iba." Sabi ng isa sa kaibigan niya.

Tahimik ulit tapos ngumiti ulit si Lara.

Delikado girl sumali kapa talaga.

"Alam niyo yung kabute?" Panimula niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tumutubo kahit walang nagtatanim." Sabi niya.

Tumawa agad si Jasmine.

"AY OO!" Sagot ni Linda.

"Tapos feeling bahagi ng garden, lason naman." Sabi ni Jasmine.

"Ito pa. Alam mo talagang standard ka pag binati ka ni Collie o may speech siya for you." Sabi ni Lara.

Napakunot-noo ako kasi for me walang connect.

"Bakit nga ba?" Tanong ni Hana.

Napatingin naman kami kay Collie nang tumikhim siya.

"Because gorgeous, pretty, beautiful, lovely women deserve to be noticed po."

Sabi niya.

Napatawa naman sina Lara, Jasmine, at Linda.

"So pag 'di mo binati, pangit?" Tanong ni Lara.

"Hindi naman po. Sadyang 'di lang umabot sa standards ng mata ko. Also, I should stop it po. Someone is waiting for me."

Sabi ni Collie sabay kindat kay Linda.

Napatawa naman si Lara at Jasmine kasi yung mga mukha ng kaibigan ni Charlotte hindi na maipinta. 'Di kasi sila binati ni Collie kanina, parang wala lang sila.

"Meron pa, parang pusa!" Sabi ni Jasmine.

Tahimik lahat.

"Ano naman yung pusa?" Tanong ni Linda.

"Kumukuha ng pagkain!"

Dagdag niya. Sakto namang susubo sana ng malaki yung kaibigan ni Charlotte. Napatigil siya at lumunok na lang.

"TAMA PO!" Sigaw ni Collie.

Hindi ko alam kung alam nila o hindi nila alam na si Charlotte ang tinutukoy ng mga gaga.

Napaupo ako nang maayos habang pinipigilan tumawa.

Si Charlotte naman mukhang gusto nang maglaho. Pero hindi pa rin talaga siya tumigil.

"Tsk. Nakakatuwa naman." Sabi ni Charlotte.

"Masyadong defensive mga tao sa paligid." Dagdag niya.

At doon tuluyang tumingin si Robert sa kanya.

Hindi na siya tumatawa.

"Charlotte." Medyo seryoso niyang tawag sa kapatid kahit halos pabulong. Rinig ko pa rin.

"Enough." Sabi niya.

"I'm your sister." Sabi ni Charlotte.

"Oo. Pero pareho tayong bisita rito."

Tumingin siya sa akin pagkatapos sa kambal.

"At kung may respeto ka sa akin at sa mga bata..."

Bahagya siyang ngumiti sa akin.

"...Huwag mong iinsultuhin ang taong mahal nila."

Napatigil ako.

Pati sina Lara, Jasmine, Hana, at Linda.

Si Charlotte naman tuluyang namutla.

Samantalang sina Collie at Callie, walang kaalam-alam. O meron, sadyang 'di lang sila umiimik.

"Mama Amor!"

Parehong yakap ng dalawa. Napansin ko naman ang nilalaro nila at tapos na. Sa pagkakataong ito, biglang nawala lahat ng selos ko.

...Konti.

Hindi lahat kasi after five seconds tumakbo ulit sila kay Robert.

Traitors, parang nanay nila. Pinaglalaruan feelings ko. Eme.

Nagpatuloy ang kaguluhan sa sala.

At ako?

"Papa! Look!"

"Papa! Buhatin mo ako!"

"Papa! Ako muna!"

Excuse me?

May feelings din ako.

Napansin agad ni Lara ang mukha ko.

"Ayan."

"Ano?" Tanong ko.

"Yung mukha mo." Sabi niya.

"Anong mukha?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Yung mukhang inaagawan ng candy."

Natawa si Jasmine.

"Hindi candy."

"Atensyon."

"Mas masakit yata 'yun." Sabi ni Lara.

"True." Sabat ni Linda.

Napairap ulit ako.

Habang si Robert naman ay may tig-isang batang nakakapit sa bawat braso niya.

Parang walking playground.

Hindi ko tuloy alam kung naiinggit ako o natatawa.

Sa kabilang side naman ng couch, halatang hindi pa rin makamove on si Charlotte. Tahimik siyang umiinom ng juice pero yung tingin niya kay Lara?

Mukhang gusto niyang ipakulam.

"So, what are you doing now, Amor?" Tanong bigla ni Robert.

Ngumiti naman ako.

"Still planning for the café." Sabi ko. Actually, malapit na matapos pero hindi rin kasi bibihira yun kaya hanggang ngayon inaayos pa.

"Ay, talaga?" Sabat ni Charlotte.

"Oo." Sagot ko.

"I thought you were a full-time babysitter for these kids forever. I wonder how much Celes pays you."

Sabi ni Charlotte.

Celes ang tawag niya kay Emery kasi naging mag-best friend sila. Tinanong ko naman si Emery kung bakit parang may ilangan sa kanilang dalawa. 'Di naman niya sinasabi kung bakit. Ang alam ko lang may ginawang kalokohan daw tong Charlotte.

Napatingin agad si Robert sa kapatid niya.

Napapikit naman ako.

Ayan na naman.

Pero bago pa ako makasagot-

"Alam niyo yung uwak?" Sabi bigla ni Linda.

Napatingin lahat sa kanya.

"Bakit?" Tanong ni Hana.

"Wala lang. Ang ingay kasi nun tapos feeling mysterious pero pag nagsalita, tunog lata."

Sabi ni Linda.

Halos mabulunan si Robert.

Napahawak siya sa dibdib.

Samantalang si Lara naman parang nagkakaroon na ng character development bilang professional hater.

Sa kanilang apat, siya talaga ang maaasahan sa mga ganitong bagay.

"Ako may alam, yung kalapati." Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ni Jasmine.

"Mahilig mang-agaw ng tinapay tapos feeling innocent pag nahuli. Victim."

Natawa ulit silang apat.

Samantalang si Charlotte ay parang unti-unti nang nagiging kamatis sa sobrang pula.

"Ang babastos naman." Sabi ng isa niyang kaibigan.

Napangisi si Jasmine.

"Ay hindi po, tita-I mean ate. Educational discussion po ito. Hindi ba, Linda?"

"Oo. Wildlife documentary."

"HAHAHAHA!" Tawa ni Lara.

Tumayo si Hana.

"Wait."

Lumapit siya sa bookshelf. May kinuha siyang encyclopedia.

"Guys."

"Bakit?" Tanong namin.

"Para mas accurate." Sabi ni Hana.

Natawa agad si Lara.

"Pangalanan natin ang mga species." Dagdag niya.

"HANA!" Saway ko pero huli na.

"Family: Papansinidae."

Sabi ni Hana.

"Habitat: Kahit saang may audience."

"Favorite food: Attention."

"Natural enemy: Hiya."

Tumawa sila Lara kasama ang kambal.

Pati ang mga kasambahay sa gilid hirap nang magpigil.

"Ate Inday." Sabi ni Hana sa isang kasambahay.

"Tama po ba research ko?"

"Tama." Sabi niya habang natatawa.

"Sobrang tama." Sabi pa nung isa na kanina pa naglilinis ng paligid ng TV. Magtatlong oras na siya sa paglilinis, 'di pa rin tapos.

Napaawang naman ang bibig ni Charlotte at doon tuluyang bumagsak ang huling bala niya.

"Robert." Mahinang tawag niya sa kapatid.

"Hindi mo ba ako kakampihan?"

Tahimik sandali tapos sumagot si Robert.

"Sa alin?"

"Sa pambubully nila." Sabi niya.

Napatingin si Robert sa grupo namin pagkatapos sa kanya tapos ngumiti.

"Ako?"

"Oo."

"Charlotte."

"Mm?"

"Sinubukan kitang pigilan kanina maraming beses."

Mas lalong tumahimik ang sala.

"Tapos hindi ka nakinig. Another thing, they didn't mention any names."

Napalunok si Charlotte.

Samantalang sina Lara at Jasmine ay biglang naging mababait kunwari.

Kunwari lang.

Kasi halatang natutuwa sila tumayo si Robert habang buhat si Callie at si Collie naman nakakapit sa likod niya na parang koala.

"Nandito tayo para makita ang mga bata."

Sabi niya.

"Hindi para mang-insulto ng tao."

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang bahagya.

"Especially someone important to them."

Napatingin agad ang kambal sa akin tapos parang may naalala si Collie.

"Mama Amor!"

"Ano?"

Tumakbo siya papunta sa akin kasama si Callie tapos umupo silang pareho sa tabi ko at sabay nagsalita.

"Mas gusto ka namin!" Bulong ni Collie.

"Ha?"

Ngumiti si Callie.

"Papa namin siya." Pabulong niyang sabi.

Sabay turo kay Robert.

"Pero ikaw yung laging nandiyan for us that's why we love you even more."

Parang huminto mundo ko.

MINUTES HAD PASSED.

Biglang bumukas ang front door at pumasok si Emery.

Pagkapasok ni Emery ng mansion, parang nag-iba agad ang atmosphere Nasa sala pa rin kami, kaya kita namin siya.

Agad lumapit sina Collie at Callie sa kanya.

"Mommy!" Sabay nilang bati.

Napangiti naman agad si Emery. Akala ko sa akin siya unang lalapit matapos ang mga bata. Ang kaso, si Robert ang unang nilapitan niya, pati si Charlotte.

At ako?

Nakaupo sa kabilang sofa habang kunwaring nakikinig sa usapan nila Lara.

Pero ang totoo?

Nakatingin lang ako kay Emery. Umaasang lilingon siya. Umaasang hahanapin niya ako.

Nakikipag-usap siya kina Robert at Charlotte.

"What are you two doing here?" Tanong niya sa apat na bwesita.

Kaya tumayo ako. Dahan-dahan walang ingay, walang drama.

At least, ayon ang plano ko.

Pero sigurado akong napansin nila Lara ang mukha ko dahil narinig ko pa si Jasmine na bumulong.

"Ayan na."

"Tampo mode," Sabi ni Lara.

Hindi ko na sila nilingon. Dire-diretso akong umakyat.

Pagdating sa kwarto, isinara ko ang pinto.

Hindi malakas.

Hindi rin mahina.

Sakto lang.

Pagkahiga ko sa kama, nakatitig lang ako sa puting kisame, nakapatong ang isang braso sa noo ko.

Nakakainis. Hindi naman ako selosa noon.

Hindi talaga.

Siguro konti.

Napabuntong-hininga ako, tapos narinig ko ang pagbukas ng pinto hindi ko na kailangang tumingin. Alam ko agad kung sino.

Narinig ko ang mahinang pag-click ng lock.

Sunod ay mga yabag.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Palapit ng palapit.

Pero hindi pa rin ako gumagalaw hanggang sa lumubog ang gilid ng kama.

Umupo siya sa tabi ko.

Tahimik lang siya, parang hinihintay akong magsalita.

Kaya hindi ako nagsalita.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naramdaman ang mga daliri niyang dahan-dahang inaalis ang buhok na nakaharang sa noo ko.

"Baby."

Mahina at malambing niyang tawag sa akin.

"Hm."

"Look at me," Sabi niya.

"No."

Natawa siya. Mahina lang, 'yung tipong pigil.

"Why?" Tanong niya.

"Wala lang," Sagot ko.

"Nothing?"

"Oo."

"Then look at me," Ulit niya.

"Hindi, no. Ayaw ko."

Naramdaman ko ang kamay niyang dumulas papunta sa pisngi ko. Magaan lang, parang takot siyang mawala ako kapag masyadong madiin.

Dahan-dahan niyang pinihit ang mukha ko papunta sa kanya.

Pagkaharap ko sa kanya, agad kong nakita ang ngiti niya-'yung ngiting alam na alam kong may kalokohan.

"Are you jealous of Robert?" Diretsong tanong niya, walang warning.

Napairap ako.

"Hindi," Tanggi ko.

"Really?"

"Really."

"Very convincing." Sabi niya.

"Emery."

"What?"

"Hindi ako selosa," Sabi ko.

Napataas ang isang kilay niya. Hindi siya naniniwala. Kitang-kita ko sa mukha niya.

"Then why did you disappear?"

"Magpapahinga," Sagot ko agad.

"You marched here."

"Hindi ako nag-march," Tanggi ko ulit.

"You absolutely marched here," Pilit niya.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.

Kasi totoo naman.

Tumawa na naman siya.

Pagkatapos ay yumuko nang bahagya hanggang sa halos magkadikit na ang noo namin.

"You're cute."

"Hindi."

"You are."

"Hindi."

"You really are."

Napapikit ako.

Nakakainis dahil mas lalo lang siyang natutuwa.

Ilang sandali kaming magkatitig. Walang nagsasalita, pero parang may sariling usapan ang mga mata namin.

Parang gusto niyang sabihin na alam na alam niya kung ano ang nararamdaman ko.

Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko, pinaglaruan ang mga daliri ko.

Mabagal. Natural.

Parang isang bagay na matagal na niyang ginagawa.

"You know," Sabi niya.

"Hm?"

"I was excited to come home because of you."

"You were here this morning," Sabi ko,

Kasi nagkita kami kanina pero hello dito siya nka tira.

O baka naman excited siya dahil kay Robert. Napairap ako sa sarili kong iniisip.

"I know."

"Then why are you acting like you were gone for a year?" Tanong ko.

Natawa siya-'yung totoong tawa, hindi 'yong mapang-asar.

"I missed you."

Napailing ako.

"That's ridiculous," Sabi ko.

"I missed you."

"Emery."

"I did."

"You saw me this morning."

"Still missed you."

Hindi ko mapigilang mapangiti konti lang, pero nakita niya agad.

"There," Sabi niya.

"Ano?"

"That smile."

"Wala."

"There it is."

"Wala nga."

Mas lalo siyang ngumiti. Pagkatapos ay yumuko at marahang hinalikan ang noo ko.

Sandali lang, pero sapat para mawala nang kaunti ang tampo ko.

"Robert is their dad."

Tahimik akong nakinig.

"The girls adore him in some way."

Tumango ako.

"I know."

"And Charlotte is his sister."

"I know."

"And neither of them are the reason I came home."

Napatingin ako sa kanya.

Mas malambot na ngayon ang tingin niya.

Mas seryoso.

"I came home because of you, and I came upstairs because you left the living room."

"You noticed?" Tanong ko.

"Of course I noticed," Sabi niya.

Parang iyon ang pinaka-obvious na bagay sa mundo.

Parang imposibleng hindi niya ako mapansin.

Dahan-dahan niyang pinisil ang kamay ko.

"You're staring like I'll disappear in a second," Sabi ko.

"I'm admiring you," Sagot niya agad.

Napairap ako.

"Same thing."

"No."

"Yes."

"No."

"Why?"

Ngumiti siya.

"Because staring is creepy," Sabi niya.

Napatawa ako.

"And what you're doing isn't?" Tanong ko.

"No."

"What is it then?"

"Appreciating the beauty that made by God." Sabi niya.

Napailing ako.

"Ang corny mo."

"You love it."

Dahan-dahan siyang humiga sa tabi ko.

Magkaharap kami ngayon.

Nakapatong ang ulo niya sa isang kamay habang nakatingin sa akin.

Para akong artwork na sinusuri niya.

"Stop looking at me like that," Sabi ko.

"Like what?"

"Like I'm the most interesting thing in this room."

"You are."

Napakurap ako.

Dami niyang banat ngayon. Nakakapagtaka. Nabinat ba 'to? Late ata 'yung binat niya after eight years of giving birth?

Pagkatapos ay marahan niyang inayos ang buhok ko.

May ilang hibla nanaman kasing tumatama sa mukha ko.

Napakasimple ng gesture niya pero ewan ko.

May mga tao talagang kayang gawing espesyal kahit ang pinakamaliit na bagay.

"Baka hanapin tayo ng mga bata," Sabi ko.

Napangiti siya agad, parang hinihintay niya ang linyang iyon.

"I locked the door, baby."

Napatingin ako sa kanya.

"You what?"

"I locked the door."

"Emery."

"What?"

"The kids."

"They're downstairs."

"Exactly."

"They're with Robert."

"Still."

"And your chaotic friends."

"That doesn't help."

"It helps a little." Sabi niya. Sabay napatawa siya.

Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit hanggang halos magkadikit ang mga balikat namin.

"I just wanted a few minutes."

Nag-iiba talaga ang boses niya kapag kami lang.

Mas malambing.

"A few minutes?"

"With you."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

"The house is always noisy."

"True."

"The kids are always running around."

"Very true."

"Your friends are chaotic."

"Extremely true."

Tumawa siya.

"So forgive me for stealing a little time with my girlfriend."

Napangiti ako hindi ko na napigilan.

Siyempre, nakita niya agad 'yon lagi naman niyang napapansin.

Huwag na kayong ano diyan. Oo na, marupok talaga ako. May pinagmanahan ang lola niyo.

"There it is."

"Ano?"

"That smile."

"Anong smile?"

"The one that's only for me."

Napailing ako.

"Confident mo naman."

"I have evidence."

"Ha?"

"You smile differently around me."

Natawa ako.

"Delusional."

"I'm right."

"Delusional."

"I'm right."

Paulit-ulit kami parang mga bata hanggang sa pareho na kaming tumatawa.

Pagkatapos ay dahan-dahang tumahimik ulit.

Mas kalmado.

Mas komportable.

Mas magaan sa pakiramdam.

"Long day?" Tanong ko kahit kakatapos pa lang ng lunch.

"Mhm."

"Pagod?"

"A little."

Tumingin siya sa akin.

"But better now because of you."

"Cheesy."

"True."

Napatawa ulit ako.

Pagkatapos ay marahan niyang idinikit ang noo niya sa noo ko.

Tahimik na naman ang kwarto.

Magkadikit ang mga kamay, at halos wala nang pagitan ang mga hininga namin.

MINUTES HAD PASSED AGAIN.

Nakatihaya siya, inaasahan kong sa kanya muna babaling ang mundo ko sa mga sandaling ito.

Pero bago pa man kami tuluyang mahugot sa init ng katawan namin, bigla akong nakarinig ng isang mahinang tunog.

Hindi katok, kundi parang yabag sa sahig mula sa labas ng kwarto.

Napalingon ako kay Emery, at pareho kaming mabilis na umayos. Inayos ko ang damit ko, na parang walang nangyaring nakakatunaw na init sa pagitan namin.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

Mabilis akong tumayo, huminga nang malalim, at lumapit sa pinto.

Bago ko pa man mabuksan, biglang bumukas ito nang maluwag at sunod-sunod silang bumagsak. Una si Lara, sumunod si Jasmine, nakapatong sa kanila sina Linda at Hana. At huli, sila Collie at Callie, nasa likuran nila, parang mga kapitbahay na sumisilip para sa chismis.

"Ano'ng ginagawa n'yo dito?!" Sigaw ko, pero sa tono ko, halatang pigil na pigil ako.

Agad nilang inayos ang sarili nila, parang mga batang nahuli sa isang kahina-hinalang gawain.

Nagkatinginan silang lahat na parang naguguluhan.

"Ah, wala," Mahinang sagot ni Lara. "House tour lang."

Tumingin ako sa kanya, naghintay ng dagdag na paliwanag, pero wala. Itinutulak niya lang si Collie sa harap, parang shield.

"Itong si Collie kasi, nagpapasama," Sabi niya sabay iwas ng tingin.

Napasimangot naman si Collie.

"Bakit po ako? Kayo po," Sabi niya.

Sumabat naman si Jasmine, itinulak rin si Collie.

"Ikaw kasi nagsabi, eh!"

Napatingin ako kay Linda, tapos kay Hana, na tahimik lang pero may tingin na parang may alam.

Napangiti si Hana.

"Sayang 'yung food sa baba, malamig na," Sabi ni Hana at agad na naglakad paalis.

Si Jasmine naman, humawak sa kamay ni Callie.

"Oo nga, wait mo kami, Hana."

Si Lara naman, mabilis na tumakbo.

Naiwan si Linda at Collie. Akala ko aalis na rin sila, pero sumilip si Collie at nagulat ako sa sumunod na sinabi niya.

"Mommy, Mama, where's the machine po on making baby?" Tanong niya.

Bago pa ako makasagot, mabilis na tinakpan ni Linda ang bibig ni Collie. Binuhat niya ito at halos tumakbo na sila paalis, parang may sunog sa likuran.

Napatingin ako kay Emery at bigla akong natawa dahil naka simangot siya.

Hindi natin nagtagal at sumunod na kami sa ibaba.

Pagkababa namin ni Emery, ramdam ko agad 'yung kakaibang katahimikan sa sala.

'Yung tipong... hindi normal.

Walang sigawan.

Walang takbuhan.

Walang Lara na parang laging may energy kahit wala pang kape.

Kaya agad akong napatingin sa paligid.

Wala na sila Robert.

"Asan ang mga bwesita?" Tanong ko agad, diretso.

"Baby."

Mahina na warning na may halong tawa.

Napatingin ako sa kanya.

"I mean, bisita," Agad kong correction, sabay irap.

"Wala na. Umuwi na," Sabi ni Lara.

"Anong nangyari?"

Nagkibit-balikat si Lara.

"Pinaalis ni Collie."

Nanlaki ang mata ko.

"Ha? Collie?" Tawag ko.

At biglang may maliit na boses sa likod.

"Po?"

Si Collie.

Nakatayo, hands behind her back, parang batang magre-report sa principal's office.

Dahan-dahan akong lumapit.

"Anong ginawa mo?"

Tumingin siya kay Callie, tapos kay Jasmine, tapos kay Linda-parang nagre-review ng witnesses.

Tapos tumingin siya sa akin ulit.

"Akala ko po kasi... May experiment."

Natahimik ako.

"Experiment?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"Yes po."

Mas lalo akong napatingin.

Napatingin din si Emery sa kanya, nakataas ang kilay, pero halatang pinipigilan ang tawa.

"Anong experiment, Collie?" Tanong ko.

Huminga siya nang malalim, parang scientist na ready mag-present.

"Sabi po kasi ni Tita Lara..."

Biglang tumikhim si Lara.

"Ako?" Nauutal niyang sabi.

Tumango si Collie.

"Na ang reason daw po bakit kayo umaakyat sa room ni Mommy Emery..." tumigil siya sandali.

Unti-unti kong naramdaman ang init sa mukha ko.

"...is to make a baby."

Tumahimik ang buong sala parang pati hangin nahiyang gumalaw.

Napatingin ako kay Emery.

Si Emery, naka-side glance lang, halatang nagpipigil ng tawa.

Napatingin ulit ako kay Lara.

"Anong-"

Pero hindi pa ako tapos nang sumunod na sinabi niya.

"Dahil po doon," Dagdag ni Collie na seryoso pa rin, "Pinasunod ko po sila para malaman."

Napatingin ako kay Jasmine.

Kay Linda.

Kay Hana.

"Sabi ko rin po kina Daddy, umuwi na po sila kasi baka istorbo."

"COLLIE."

Napahawak ako sa ulo ko.

"Emery..." Tawag ko sa nanay niya for backup sana, pero kahit siya tumatawa sa tabi ko.

Mahina lang.

Parang enjoy na enjoy sa nangyayari.

Lumapit siya sa akin nang konti at bumulong.

"Where do you think I can buy the machine, hmm?"

Napairap naman ako.

"Okay!" Sigaw ni Jasmine habang pumapalakpak.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

Parang siya 'yung host ng isang variety show.

"Guys, change topic tayo," Sabi niya.

Mabilis talaga siyang mag-switch ng energy.

"Baka mamaya ma-stress si Amor, tapos mawalan tayo ng snacks."

"Hoy," Reklamo ko agad.

Pero hindi niya ako pinansin.

Tumayo pa siya sa gitna ng sala, parang nag-a-announce.

"New topic: buhay ng mga tao na hindi marunong magtago ng secrets."

Napasinghap si Linda.

"Uy, interesting."

Si Lara naman, sumandal ulit sa sofa.

"Go lang."

Si Hana, tahimik lang pero nakatingin na parang ready mag-notes.

Si Collie, umupo sa carpet, attentive.

Si Callie, sumunod din.

At si Emery... tumabi sa akin, nakangiti pa rin.

Jasmine cleared her throat dramatically.

"Lesson number one," Sabi niya, nakataas ang daliri.

"Kapag may gustong gawin sa private room-"

"JASMINE," Putol ko agad.

Pero nagpatuloy siya.

"-Mag-lock ng door properly. Huwag masyadong excited."

Napahawak ako sa ulo ko.

"Correction. Mag-double lock," Singit ni Lara.

"Or maglagay ng guard," Dagdag ni Linda.

Natawa naman agad sila.

"O kaya sign na 'Do Not Disturb: Scientific Research Making Baby.'"

Hindi ko alam kung seryoso ba si Hana o ano.

Tumawa naman sila.

"Lesson number two," Sabi ni Jasmine.

"Kapag may bata sa bahay-"

"Hoy, 'yon pa rin naman ang topic n'yo," Saway ko sakanila.

Ngumiti lang siya.

"Let them cook," Bulong ni Emery.

Sa kanya pa talaga nanggaling.

Tiningnan ko siya nang masama.

"Don't encourage them," Sabi ko.

Jasmine continued.

"-Dapat clear ang instructions sa kanila."

Tumango si Lara.

"True."

"Like: bawal pumasok kapag may adult conversation," Dagdag ni Linda.

Medyo tama naman, pero napapailing pa rin ako.

Biglang sumingit si Lara.

"Actually, may lesson three pa."

"Ano na naman?" Tanong ko.

Ngumisi siya.

"Kapag selosa ka..."

Tumingin siya sa akin.

"... Huwag ka umakyat ng kwarto."

Sabay-sabay silang tumawa.

"LARA!"

"HAHAHAHA!" Tawa nila.

Kahit si Emery, tumatawa rin.

Napapikit na lang ako.

"Baby, sabihin mo nga sa kanila, 'di ako nagselos," Sabi ko.

Tumingin siya sa kanila.

Then very calmly said:

"She did."

Lahat tumawa lalo.

"AY GRABE!" Sigaw ni Jasmine.

"Confirmed!" Dagdag ni Linda.

"Case closed," Sabi ni Hana.

Si Collie, tumayo ulit.

"Next experiment po sanma kami-"

"NO MORE EXPERIMENTS!"

Sabay-sabay naming sabi.

At sa gitna ng kaguluhan, si Callie biglang yumakap sa braso ko.

"Mama Amor, you got jealous earlier?"

Napatingin ako sa kanya, tapos kay Emery.

Si Emery, nakangiti lang.

Hinaplos ko ang ulo ni Callie.

"Konti lang," Sagot ko.

"Pero okay na," Dagdag ko.

"Progress report: Amor healing arc," Sabi ni Jasmine.

"SHUT UP," Sabi ko, pero hindi ko na napigilang ngumiti.

At doon na ulit nagulo ang buong sala.

Tawanan.

Sigawan.

Asaran.

Parang walang nangyaring awkward moment kanina.

MINUTES HAD PASSED.

Hindi pa rin humuhupa ang ingay sa sala.

Parang lahat sila sabay-sabay nag-decide na gawing comedy show ang bahay.

Si Jasmine, nakaupo na ulit sa sahig pero parang MC pa rin ng buong kaguluhan.

Si Lara, nakasandal sa armchair, may hawak pang unan na ginagawang mic.

Si Linda at Hana, parang judges sa isang talent show na hindi namin alam kung kailan nagsimula.

At si Collie...

Nakaupo sa gitna, parang siya 'yung main character.

Si Callie naman, yakap parin ang braso ko, parang gusto niya lang sumali sa safe zone ko.

Si Emery, nasa tabi ko pa rin, relaxed na relaxed, parang sanay na sa ganitong ganap.

Ako?

Trying my best not to lose it.

Makalipas ang ilang oras, gabi na.

Dito na namin sila pinatulog dahil nakipaglaro pa ang mga bata sa kanila.

Dumating rin ang tatlo-sina Cassandra, Calista, at Margaret.

Ngayon, kakatapos lang ng dinner namin.

Nasa kani-kanilang guest rooms na rin sila Hana, habang ang mga bata naman ay pagod na pagod matapos ang buong araw na paglalaro.

Katatapos ko lang maligo.

Lumabas ako ng banyo habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya.

Tahimik ang kwarto.

Maliban kay Emery na nakaupo sa gilid ng kama at agad napatingin sa akin nang makita akong lumabas.

Napailing siya.

"Finally."

Napatawa ako.

"Ano'ng finally?"

"We can do the experiment," Sabi niya.

"Yeah, right."

Napairap ako.

Tumayo siya at lumapit sa akin, dahan-dahan, parang may misyon, at dahil kilala ko na siya, alam ko agad ang balak niya.

Nang mas lumapit siya para halikan ako, mabilis kong inilagay ang isang kamay sa noo niya para pigilan siya.

Natigilan siya.

"Baby."

Natawa ako.

"I need to read storybook for Callie."

Para bang may narinig siyang pinakamasamang balita sa buhay niya.

Napabuntong-hininga siya nang sobrang lalim natawa naman ako.

"Emery!"

"What?" Reklamo niya.

"What's with that heavy sigh?" Tanong ko.

"Because I lost."

"Lost what?"

"My girlfriend."

Tumawa ako lalo.

"She's not gone."

"She chose a storybook over me."

Napailing ako.

"Callie asked first."

"Of course she did."

Ngumuso pa siya na parang inaapi.

"You're jealous of a bedtime story or Collie."

"I'm jealous of anything that steals your attention," Sagot niya.

Mas lalo lang akong natawa.

"Ang dramatic mo."

"Thank you."

Napailing na lang ako habang kinukuha ang storybook na binili ko.

Paglabas ko ng kwarto, narinig ko pa ang huling reklamo niya.

"Tell Callie I'm filing a complaint."

Hindi ko na napigilang matawa.

Pagdating ko sa kwarto ni Callie, bahagya kong itinulak ang pinto.

Mahina lang.

Bukas naman agad ito.

Madilim na ang paligid, maliban sa maliit na bedside lamp na nagbibigay ng malambot na liwanag sa buong kwarto.

Nakahiga na si Callie sa kama.

Tahimik.

Yakap ang paborito niyang unan.

Pero nang makita niya ako, agad siyang napangiti.

"Mama Amor."

"Hi, sweetheart."

Umayos ako ng upo sa tabi niya.

Nakita niya agad ang librong na hawak ko.

Napangiti siya lalo.

"You remembered."

"Of course I remembered. Another thing bago 'to," Sabi ko.

Bahagya siyang gumalaw para makalapit sa akin.

Binuksan ko ang libro.

"Ready?"

Tumango siya.

"Ready."

At nagsimula akong magbasa.

Paminsan-minsan ay nagtatanong si Callie tungkol sa mga karakter sa libro.

Paminsan-minsan ay tumatango lang siya.

Hanggang sa unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata niya.

Naging mahina ang mga sagot niya.

At maya-maya...

Tulog na siya.

Napangiti ako.

Dahan-dahan kong isinara ang libro pagkatapos ay inayos ang kumot niya.

Hinaplos ko ang buhok niya nang marahan.

"Good night, sweetheart."

Hindi siya sumagot.

Mahimbing na ang tulog niya.

Tumayo ako nang dahan-dahan at naglakad papunta sa pinto.

Naglakad ako at nadaanan ko ang kwarto ni Collie.

Bahagya itong nakaawang kaya napasilip ako.

Habang papalapit, naririnig ko ang munting hikbi ni Collie at ang nawawalan ng pasensyang boses ni Linda.

"Collie, 'di tayo matatapos sa assignment mo," Sabi ni Linda.

"Sinong mahal mo?" Rinig kong tanong ni Collie habang umiiyak.

Sabay huminga siya nang malalim.

"Huwag kang magtanong kung sinong mahal ko. Isulat mo 'yang letter G," Sagot naman ni Linda.

Huminga ulit nang malalim si Collie.

"Sino ngani mahal mo?!" Umiiyak niyang tanong.

"Eh di kayong lahat!!!" Sabi ni Linda, parang mauubusan na talaga ng pasensya.

"Sino ngani mahal mo ngani eh!" Dabog ni Collie.

"KAYONG LAHAT NGANI!!!" Sagot ulit ni Linda.

"Shdjekdlcsmsnaman ehh..." Iyak ni Collie.

"Ikaw ngani!!!" Sagot ulit ni Linda.

"Mahal kita," Dagdag niya sabay halik sa pisngi ni Collie.

Mwa.

"Sige na, sulat mo na ang letter G."

Rinig ko naman ang pagpipigil ng iyak ni Collie.

Napangiti na lang ako.

Wala na, itong bunso ko. In love na talaga kay Linda.

Actually, nag-usap na kami ni Linda about diyan.

Hindi naman pwedeng iwasan niya ang bata, kaya sinabi ko na lang na sakyan niya na lang si Collie.

Pero huwag naman sanang aabot na mabro-broken ang anak ko.

Pinangako naman niya na sinasakyan niya lang talaga ang trip ni Collie dahil sigurado rin siyang mawawala rin ang pagkaka-crush ni Collie sa kanya in the future.

Pero for now, gagamitin muna daw niya iyon as a power para i-motivate si Collie.

At gumagana naman.

Walang patawag ang guidance sa amin this month, at nagiging interesado na rin siyang gumawa ng assignment kasi minsan nagvi-video call silang dalawa habang gumagawa ng assignment.

Napailing na lang ako at bumalik na sa kwarto.

Pagbalik ko, tulog na si Emery.

Napangiti na lang ako at tinabihan siya.

What a long day.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.