Chapter 12
I arrived at the beach we talked about. The moon was already high in the sky—it was 7:30 PM, and the breeze carried that familiar scent of saltwater and bonfire smoke. The sky was a beautiful dark blue, speckled with stars, and the waves kissed the shore gently.
From afar, I saw my friends waving at me like mga batang excited sa free snacks. I smiled, feeling a little giddy.
“Did you bring the drinks?” agad na bungad ni Kinsley as soon as I got close.
“Yeah,” I said, lifting the plastic bag in my hand.
“Tara at mag-inuman na!” she grinned, parang wala nang bukas.
Natawa nalang ako.
“Wala pa ngang alak, parang may tama ka na,” sabat ni Cecilia, rolling her eyes but smiling.
We began laying everything out on a big blanket sa buhangin. May portable speaker na may pa-soft background music, and the vibe was just right. I placed the drinks down while the others took out the chips, barbecue, and hotdogs na mukhang pinagkaguluhan pa kanina sa grocery.
The sound of the waves, the music, our laughter, and the cool breeze—this was the kind of night I’d write about in my diary, if I had one.
“The view is beautiful,” I whispered, mostly to myself.
"You're right, it's incredibly peaceful," Eliana replied, a contented sigh escaping her lips.
“Sana ganito nalang palagi,” sabi ni Kinsley habang nakatitig sa bituin.
“Edi dito ka nalang tumira,” sabat ni Cecilia, smirking.
“Inamo,” sagot ni Kinsley, sabay irap.
"Nandoon sa bahay," seryosong sagot ni Cecilia.
“Manahimik nga kayo. Panira kayo sa moments,” Eliana muttered, smiling despite her words.
Tumahimik kami sandali, just listening to the waves. The stars above were so bright, parang pinilit nilang magpakitang-gilas tonight. Everything felt soft, safe, and slow.
“Wait,” Kinsley said, squinting toward the far side of the beach. “Ate mo ‘yon, Syl, diba?” She pointed in the direction of a small group by another blanket near a bonfire.
I looked.
But the first thing I noticed wasn’t my Ate—it was Ms. Sanchez.
She stood beside my sister, her hair loose and gently blowing in the wind. She wore a simple yet she looked... cool. Hot. Relaxed. Radiant.
“Look, oh—kumakaway si Ms. Martinez,” Eliana said.
“Let’s go there,” I said agad-agad, stepping forward before I could stop myself.
“Luh, shy type ako,” sabi ni Kinsley, hiding behind Cecilia like a five-year-old.
“Tangina?” sagot ni Cecilia, half-laughing.
“Ako nalang kung ayaw niyo,” I offered, trying not to sound too eager.
"Tara," sabi nila.
“Dalhin mo nga ‘yan, Kins, para may ambag ka naman sa mundo,” utos ni Cecilia habang inaabot kay Kinsley yung isa sa mga bag ng pagkain.
“Excuse me, may ambag naman ako sa lipunan no,” depensa ni Kinsley, clutching the bag like it was her only dignity.
"Ay, pabigat ka nga pala. Nakakatulong ka rin pala pag may bagyo— pabigat sa bubong."
"“Tanginamo talaga. ‘Pag ako umiyak, kasalanan mo ‘to!” sigaw ni Kinsley, pretending to wipe a tear.
Gosh, mga kaibigan ko parang hindi nag-mature mula elementary.
I just rolled my eyes and started walking ahead, letting them bicker behind me. Their voices faded into the wind as I approached Ate.
“Hi, Ate.” bati ko agad when I got close. I gave her a quick hug.
“Hi my baby Gomez!” sagot ni Ms. Martinez, and before I could react, she pulled me in for a tight hug too.
“Hello po,” I said, trying not to look directly at her for too long.
“You didn’t tell me you were coming here,” Ate said, raising an eyebrow.
“I didn’t know dito ka rin pala pupunta, Ate,” sagot ko.
“You’re right,” she nodded. Then she looked over my shoulder. “Btw, dito na kayo umupo. Tell your friends to join us.”
My gaze started focusing on Ms. Sanchez. She is wearing a white, long-sleeved, button-down top with a V-neckline. The top is cropped and has a ribbed texture. The skirt is short, hitting just above the knee.
"May dala kayong inumin?" tanong ni Ms. Martinez sa amin habang inaayos ang buhok niyang bahagyang tinangay ng hangin.
"Opo," mabilis na sagot ni Cecilia habang inaabot ang isang eco bag na may lamang wine at ilang soda.
"Let's have a drink!" masayang sambit ni Ms. Martinez, sabay ngiti. Pero agad ding nag-iba ang mood nang simangutan siya ni Ate.
"Luh, ngayon lang naman. Celebration lang, because Samantha is back!" pagtatanggol ni Ms. Martinez sa sarili niya habang tumaas ang kilay ni Ate at tumiklop ang mga braso.
Napakunot-noo ako. Samantha? Sino 'yon?
"Samantha?" nagtatakang tanong ko habang iniikot ang paningin, sinubukang alalahanin kung may nakasalamuha ba kaming gano’n dati.
"Yes, honey. One of our co-professor," sagot ni Ms. Dizon, mahinahon at may kasamang ngiti, na para bang ang sweet niya magsalita kahit hindi siya tumatawa.
"Siya ba si Miss Flores?" tanong ni Cecilia habang nakasandig sa lamesa, halatang interesado.
"Yes," tugon ni Ms. Dizon na ngayon ay nagbubukas na ng bote ng wine gamit ang opener na hiniram niya kay Ate.
"I heard na ilang years din siyang nawala… Bakit po, Ms. Dizon?" chismosa na namang tanong ni Kinsley, na akala mo ay nasa Marites Convention.
Pansin ko ang kunot sa noo ni Ms. Dizon at ang bahagyang pagbuntong-hininga bago siya sumagot, "Personal reasons."
Walang nagtanong ulit. Tumango na lang kami, pero halatang bitin ang curiosity ng iba. Si Kinsley napakagat pa sa straw ng kanyang soda, parang gustong tanungin ulit pero nagpigil.
I noticed na tahimik si Eliana sa tabi ko at namumutla ito.
"Okay ka lang?" tanong ko, sabay tingin sa mukha niyang parang wala sa sarili.
"O-oo," sagot niya, pero sa boses pa lang halatang hindi siya okay. Namumutla siya, at ang kamay niyang nakapatong sa hita ay bahagyang nanginginig.
Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay. Mainit ang palad ko, pero sa kanya malamig. Nagulat siya sa ginawa ko, napatingin agad sa akin na para bang gusto niyang hilahin ang kamay niya palayo. Pero hindi ko siya binitiwan.
Nginitian ko lang siya nang bahagya, sinubukan kong ipakita sa kanya na nando’n ako—kahit hindi ko pa alam kung bakit siya gano’n ka-tense. Hinimas ko nang marahan ang likod ng kamay niya gamit ang hinlalaki ko.
"Okay lang ‘yan," bulong ko, bahagyang nakayuko sa kanya para hindi marinig ng iba.
Hindi siya sumagot pero dahan-dahan siyang tumango. Napalunok siya at napikit ng sandali, parang pinipilit na ibalik ang sarili sa kasalukuyan.
"Ayan na siya!" sigaw ni Ms. Martinez na may kasamang excitement sa tinig.
Nagkatinginan kaming lahat bago sabay-sabay na napalingon sa direksyong tinuturo niya. Halos sabay ang pag-ikot ng aming mga leeg.
At doon namin siya nakita.
She was flawlessly beautiful, that's all I could say. But she didn't attract me the way Ms. Sanchez did. Everyone was looking at Ms. Flores, but my gaze was fixed on Ms. Sanchez. Our eyes met, but she quickly looked away. I smiled.
Tumayo si Ms. Dizon at sinalubong ito, niyakap siya sandali at sabay sabing, “We missed you so much, Sam.”
“Likewise,” maikli pero matatag ang sagot ng babae.
"Siya si Miss Flores," sabi ni Ms. Martinez habang nakaturo sa bagong dating.
“Goddess energy,” bulong ni Cecilia sa tabi ko habang humihigop ng juice.
"Hi everyone," bati ni Miss Flores sa aming lahat, at kahit 'yon lang ang sinabi niya, parang tumahimik ang paligid.
Napatingin ako kay Eliana, at doon ko lalong napansin na mas namumutla na siya ngayon.
"Hi, honey. We missed you," masayang bati ni Ms. Dizon habang nakangiti nang malambing, sabay yakap kay Miss Flores na para bang matagal na magkaibigan.
Well, I mean, they are.
"I miss you very much, Sammy!" sigaw naman ni Ms. Martinez habang sumali sa yakapan nila Ms. Dizon. Umakbay pa ito habang parang hindi alintana na sobrang clingy na niya.
"I miss you, Sam," bati ni Ate habang lumapit at niyakap rin ito ng mahigpit. Rare ko lang makita si Ate na gano’n ka-warm—so this woman must be someone special.
"You don't miss me, Cynthia?" tanong ni Miss Flores kay Ms. Sanchez na may kasamang ngiting parang may kasamang tampo.
"I miss you so bad, my Sam," sagot ni Ms. Sanchez na may lambing sa boses at agad na yumakap sa kanya. Kitang-kita sa paraan ng pagkakayakap nila na may malalim na pinagsamahan. Halos hindi nga sila agad nagbitaw sa isa’t isa.
"You're still very cute, Cyn," sabi pa ni Sam habang pinipisil ang pisngi ni Ms. Sanchez na parang bata. Halos matawa ako sa ginawa niya pero sa loob-loob ko—may ganon?!
Diwow.
Mas intense pa ‘to kaysa sa mga teleserye ng hapon. Wala bang popcorn dito?
Pagkatapos ng emosyonal nilang batian, tumingin sa direksyon ko si Miss Flores. Tumama ang tingin niya sa akin at tila na-curious.
"Is she your little sister, Athena?" tanong niya kay Ate habang nakatitig sa akin, para bang binabasa niya 'yung pagkatao ko gamit lang ang mga mata niya.
“Yes,” sagot ni Ate na may ngiti sa labi.
"Oh, are they her friends?" tanong niya ulit, this time medyo neutral na ang tono ng boses niya, pero may bahagyang paghinto na parang nag-observe siya ng kung anong hindi niya nagustuhan.
"Opo, they are my friends," mabilis kong sagot. Ayoko namang mukhang suplada.
"Oh."
Tanging sagot niya, pero ang gulat ko nang biglang parang nagbago ang aura niya nung tumama ang tingin niya kay Eliana. Kanina masaya, warm, approachable—pero ngayon parang may biglang lamig sa paligid. Subtle, pero ramdam.
"Are you sure you’re okay? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ko ulit kay Eliana habang bahagya akong yumuko para mapantayan ang tingin niya. Kahit may ingay sa paligid, tahimik kaming dalawa. Kita ko ‘yung nanginginig niyang kamay habang hawak ang baso, parang may gustong itago.
"I'm okay, Syl. Stop worrying," sagot niya, pero halata sa tono ng boses niya na hindi niya ‘to sinasabi para paniwalaan ko. Parang sinasabi niya ‘yun para lokohin ang sarili niya.
"Do you want to go home? I can take you home," dagdag ko pa, mas malambing na ang tono ko ngayon. Napansin ko rin na parang pawis na pawis siya kahit malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid.
"Promise, I'm okay. I want to stay, okay?" ulit niya habang nakangiti pero pilit.
Napabuntong-hininga na lang ako. I don’t want to pressure her, but I also don’t want to pretend everything is fine. Napatingin ako sa shot glass sa harap ko.
"Ang ganda talaga ni Ms. Dizon. Kinikilig ako," bulong ni Kinsley sa kabilang side ko habang halos dilat na dilat ang mata’t naka-smile hanggang tenga. Mukha siyang batang nakakita ng celebrity crush sa personal.
"Do you like her?" tanong ko habang pinipilit kong ibalik ang focus sa mga kaibigan ko kahit na panay sulyap ko pa rin kay Eliana sa gilid ng paningin ko.
"Of course! Noon pa. If she would only give me a chance, I would take it seriously," sagot nito na may kasamang buntong-hininga at dreamy eyes na para bang nagsusulat ng wattpad sa utak niya.
"Huwag mo kaming lokohin dito. Noon nga yung Ate ni Sylvia gusto mo tapos ngayon si Ms. Dizon naman." bulong namam ni Cecilia na nasa tabi ni Kinsley.
"Biro lang naman 'yun, pero itong nararamdaman ko ngayon ay hindi na biro," sagot ni Kinsley.
"Asus, maniwala tanga."
"Hindi ka makakarelate, puro kasi katarantaduhan inaatupag mo." sagot ni Kinsley dito at umirap pa.
"Oo, dahil sa’yo. Inamo,"
"Pake ko," sabay irap ulit ni Cecilia. Halos tumili ako sa loob ko—kung pwede lang silang iparada sa Barangay Hall para pakalmahin. Pero honestly, they make everything less boring.
I think they are worse than a crazy person. Pero sila rin ‘yung dahilan kung bakit ako natatawa kahit may mga bagay akong hindi maintindihan.
"Attention everyone!" sigaw ni Ms. Martinez na parang game show host habang nakatayo’t may hawak na bote. Napalingon kami lahat sa kanya, kahit ‘yung iba abala pa sa sariling kwentuhan.
"What?" iritang tanong ni Ate habang halatang naistorbo sa pag-uusap nila ni Ms. Flores. Ang sungit ng boses niya, pero halata ring hindi totoo—sanay na siya kay Ms. Martinez.
"Let’s play a game!" sagot ni Ms. Martinez, nakangiti na parang may balak na kalokohan.
"Play on your own," sagot ni Ate.
"Huwag kang KJ. Madali lang ‘to!" sagot ni Ms. Martinez habang nilalapag sa gitna ng mesa ang bote’t ilang card.
"What is it, honey?" tanong ni Ms. Dizon habang nakangiti, curious. Napanganga si Kinsley.
"Sana matawag ding honey," bulong ni Kinsley na halos ikalunod ko ng tubig. Nagkatinginan pa kami ni Cecilia at sabay kaming napailing.
"So first, dapat uminom muna kayo ng 5 shots!" masiglang utos ni Ms. Martinez habang parang may sparkles pa sa mata niya.
"Then what?" tanong ni Ate na medyo deadpan ang tono.
"After that, I have this card na may mga tanong. May tatlo sa atin na bubunot ng card, tapos sila lang ang sasagot. Parang mini truth game," paliwanag niya habang iniikot ang deck sa daliri niya.
“Dami mong alam,” reklamo ni Ate habang umiling pero hindi naman talaga tumatanggi.
“So… G?” tanong ni Ms. Martinez habang nagtaas ng shot glass. Napatingin kaming lahat sa isa’t isa—at siyempre, game naman lahat.
“G!” sabay-sabay naming sagot.
Hanggang sa nakaapat na kami. May ilan na halatang medyo namumula na, lalo na si Kinsley na para bang lalong naging animated ang gestures niya. Si Ms. Sanchez naman? Kalma lang, at sinabi niya agad:
“I’ll pass. I don’t drink.”
“Oh no fun,” biro ni Ms. Martinez pero ngumiti rin.
“Last shot!” sigaw niya ulit at sabay-sabay kaming uminom.
“Ang pait!” reklamo ni Ms. Martinez habang umiikot ang dila at tinatapik ang bibig. Ironically, siya ang nag-propose ng laro.
“Magsimula na tayo,” sabi ni Ms. Martinez, hawak pa rin ang bote na nakapatong sa gitna ng mesa. “Mag-spin the bottle ako tapos kung kanino ta-tama siya, ‘yun ang bubunot ng card,” paliwanag niya, habang nakangiti na parang may lihim na sorpresa.
Tumingin kami sa kanya, sabay-sabay na tumango. Ang excitement at konting kaba ay halatang nararamdaman sa bawat isa—lalo na kay Eliana na palihim kong pinagmamasdan.
Sinimulan niyang paikutin ang bote nang mabagal, unti-unting bumilis habang pinagmamasdan ng bawat isa ang umiikot na bote. Ang paligid ay naging tahimik. Isang malambing na hangin ang dumaan, parang naghintay sa kung sino ang mapipili.
Biglang tumigil ang bote kay… Ms. Flores.
Napailing si Ms. Flores ngunit agad na kinuha ang mga card na inabot sa kanya ni Ms. Martinez.
“Okay, bunot ka na,” sabi ni Ms. Martinez, sabay kindat.
Kinuha ni Ms. Flores ang unang card at binasa nang may malumanay na boses:
“When was the last time you felt happy?”
Napatingin kami lahat sa kanya, na para bang isang sandali lang na tinanggal ang maskara ng matatag niyang personalidad.
Tahimik ang paligid, ang bawat mata ay naka-focus sa kanya, naghihintay ng sagot.
Sumulyap siya saglit sa mesa bago ngumiti ng malambing, medyo may lungkot sa mga mata.
“The last time I felt this happy was when I was with the person I truly loved. They made my life so much brighter, and showed me that the world wasn’t such a bad place after all.”
Parang isang lambing na nagbigay liwanag sa madilim na silid, ang sagot niya ay tumagos sa puso namin—lalo na sa akin.
Biglang may boses na pumutok mula sa tabi, si Ate na palihim na ngumiti pero may halong pagkaseryoso.“Oh, I remember that. You even told us na ipapakilala mo ‘yon, pero hanggang ngayon wala pa rin.”
Napailing si Ms. Flores at tiningnan ang inumin, halatang nahirapan.
“It’s been a long time since we broke up,” mahinang sagot niya, at doon kami lahat ay natahimik.
“It's okay, don’t mind me,” dagdag niya habang pinipilit ngumiti. Nagbigay na ng senyales si Ms. Martinez na pakanan na ulit ang bote.
Iniikot ulit ni Ms. Martinez ang bote nang mabilis. Unti-unting bumagal ang pagkilos nito habang hinahangad namin na makita kung sino ang susunod na mapipili.
Tumigil ang bote kay Eliana.
Napatingin kami lahat kay Eliana. Ang kanyang mukha ay parang nakapako sa mga inumin, medyo maputla at tila tinatago ang damdamin. Napatingin ako sa kanya nang mas matagal kaysa dati.
“Okay, Ramos ikaw na,” anunsyo ni Ms. Martinez.
Bigla siyang ngumiti at nagtanong, “Btw, pwede bang by name ko na lang kayo tawagin? Wala naman tayo sa University.”
Napatawa kami ng bahagya sa nakakatawang idea, kaya ang sagot ni Eliana ay mabilis, “Opo, Miss. Kahit ano po.”
Tila lumuwag ang kanyang mukha ng bahagya.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga card, inisip ang mga posibleng tanong na maaaring bumunot.
Binasa niya nang malakas ang kanyang nabunot na card, hawak pa rin ng bahagya nanginginig ang mga kamay.
"If today is your last day to live, what is that question you wanna ask that you desperately want to be answered?" basa nito at parang nagdadalawang isip pa kung sasagutin.
"Does leaving me alone make your life better?" sagot nito at halata sa boses nito ang sakit na dinarama.
“Ang sakit naman, tigil na natin ‘tong laro, char,” biro ni Kinsley, sabay tawa na parang ayaw nang magpahaba pa ng tagpo.
“Right, honey,” sagot ni Ms. Dizon, na may halong pag-hanga at tawa sa tono niya.
"Tangina! Honey daw." biglang kinurot ni Kinsley ang hita ko nang may kalokohan, at agad kong inalis ang kamay niya mula doon.
Gosh, kung hindi siya kaibigan ko, aba, tinapakan ko na ‘yan. Pero dahil matagal na kami, kinaya ko na lang ang kakulitan niya.
Habang nagpapatuloy ang laro, inikot uli ni Ms. Martinez ang bote nang may bagong sigla sa mga mata. Unti-unti na itong nagiging mas masaya kahit na may konting hiwaga pa rin sa hangin.
Biglang tumigil ang bote kay Ate. Napatingin kami lahat sa kanya, nag-aabang sa susunod na mangyayari.
Binasa ni Ate ang card nang malinaw, “How do you want to be loved?”
Tahimik kami. Ipinikit ni Ate ang kanyang mga mata saglit na parang nag-iisip nang malalim bago magbigay ng sagot.
“I don’t need to be loved,” mahina pero matibay ang boses niya. “All I want is someone by my side, especially when things are tough. That’s enough for me.”
Napatingin ako sa kanya nang mas matagal, na para bang sinubukang basahin ang mga linyang iyon mula sa puso niya.
Hindi ko naalala kung kailan huling narinig ko siyang magsalita ng ganito.
Napatango nalang ako, at nanatili sa tabi niya habang iniisip ang ibig sabihin ng mga sinabi niya.
“Grabe naman ‘yon,” sabi ni Ms. Martinez, halatang nagulat din.
"Pero baka ako na 'yan." bulong ni Ms. Martinez pero napalakas ito kaya narinig ko.
Pero hindi kona 'yon pinansin.
Inisip ko si Ms.
Sanchez na nakaupo lang, medyo naghahalungkat sa kanyang mga gamit, mukhang hindi komportable sa kanyang maikling palda.
Napansin ko kung paano niya tinanggal ang kaunting kulob ng hangin sa paligid niya gamit ang kamay—malinaw na hindi siya kuntento o komportable sa kanyang kasuotan.
Tumayo ako nang dahan-dahan, at nilapitan siya.
“Use this,” sabi ko habang iniaabot ang jacket ko at maingat kong ipinatong sa kanyang mga hita. Ramdam ko na tumigil sandali ang kanyang paghinga.
Ngunit sa halip na agad tanggapin, “I don’t need it. Get this off me,” sagot niya, na para bang gusto niyang ipakita na matatag siya kahit na kitang-kita kong hindi naman talaga.
Pinilit ko siyang kumbinsihin nang medyo seryoso, “Kahit ngayon, ‘wag ka nang magmatigas. Alam kong hindi ka komportable sa palda mo. Gamitin mo na lang ‘to. Huwag mong isipin na galing sa’kin, basta gamitin mo.”
Hindi na ako tumagal pa roon, bumalik na ako sa upuan ko, pero habang naglalakad, naisip ko, “This girl is really hard to please, gosh.”