Chapter 5

Raindrops pattered against the school windows, making everything look gray in the afternoon.

Kairi stared out, feeling a sense of unease that she couldn't shake.

Pagkatapos mag-usap nila Kairi at Miss Herrera, nag-iba na ang pakiramdam ni Kairi tungkol sa kanilang dalawa.

Things felt more complicated, more uncertain.

Pagkatapos ng klase nila Kairi, lumabas na agad siya. She was hoping na makauwi bago pa tuluyang lumakas ang ulan. Sina Zoe at Maya, nagpaiwan pa dahil may mga kailangan pang tapusing projects. Habang naglalakad sa hallway, inilabas na niya ang payong.

Turning a corner, Kairi caught a glimpse of Miss Herrera standing near the school entrance. Mukhang naghihintay siyang huminto ang ulan. Napansin din ni Kairi na walang dalang payong si Miss Herrera. Without thinking, binilisan ni Kairi ang paglalakad.

Pero bago pa man siya makalapit kay Miss Herrera, may humintong itim na sasakyan sa harap ng entrance. Isang lalaki ang lumabas mula rito at pinayungan si Miss Herrera.

Napahinto sa paglalakad si Kairi, her heart sinking as she watched them exchange a few words. The man smiled warmly at Miss Herrera before she nodded gratefully and stepped under his umbrella. He guided her towards the car until they disappeared into the rain.

Habang naglalakad pauwi sa gitna ng ulan, hindi maalis sa isip ni Kairi ang nakita kanina. Hindi niya maipalawanag ang nararamdamang pagseselos. Was it because she liked Miss Herrera more than she realized?

Huh. May gusto si Kairi kay Miss Herrera. Ngayon niya lang nasabi o naamin sa sarili na may gusto talaga siya sa kaniyang teacher. Pero hindi na niya ito masyadong inisip pa dahil may iba pang bumabagabag sa isip niya.

Nang makauwi si Kairi, nag-ayos lang siya at humilata na sa kama. Habang nakatingin sa ceiling, inuulit ulit niya sa isip ang mga nakita kanina. Sinusubukan din niyang intindihin ang kung anong nararamdaman niya.

Maraming nagbago kay Kairi sa maikling panahon lang na nakasama niya si Miss Herrera. At marami pang magbabago habang patuloy silang nagkakaroon ng interactions sa loob ng klase at sa labas nito. Alam niya sa sariling ayaw niya sa mga teacher pero bakit kay Miss Herrera, iba ang nararamdaman niya?

Kinabukasan sa school, iniiwasan na ni Kairi si Miss Herrera.

Hindi na rin siya sumasama sa mga kaibigan sa cafeteria dahil alam niyang makikita niya doon si Miss Herrera.

During Literature class, nakatuon lang ang pansin niya sa notebook, balik sa pag-do-doodle para lang hindi sila magkasalubong ng tingin ni Miss Herrera.

"Kairi, is everything alright?" pagsingit ni Miss Herrera sa parang nasa sariling mundong si Kairi. Tiningnan naman ni Kairi ang guro.

"Yeah, everything's fine," maikling sagot ni Kairi pagsabay ng pag-iwas ng tingin. Doon na lang niya napansin na palabas na pala ang mga kaklase. Dali-dali siyang nagligpit ng gamit.

Miss Herrera took a step closer. "I've been worried about you."

Tumayo si Kairi mula sa upuan para makalayo sa babaeng nasa harapan. "I'm fine, Miss."

Miss Herrera studied her for a moment, sensing something was different. "If you ever want to talk, you know I'm here for you."

Tumango lang si Kairi. Hindi niya alam kung ano pang sasabihin. Without another glance, she turned and walked away.

Days passed and Kairi continued to avoid Miss Herrera.

Hindi na siya sumasama sa mga kaibigan tuwing nag-i-stay sila sa school after classes at lagi na siyang gumagawa ng excuses para lang makaalis nang maaga.

Napansin ng mga kaibigan niya ang pagbabago sa behaviors niya pero hinayaan na lang muna nila ito.

Baka kailangan lang ni Kairi ng oras to figure things out on her own.

Ilang linggo na ang nakalilipas at patuloy pa rin si Kairi sa pag-iwas kay Miss Herrera. Hindi niya kayang harapin ang kung ano mang nararamdaman niya, lalo na para sa teacher niya.

Naglalakad na si Kairi sa hallway, habang inilalabas ang payong para gamitin dahil maulan sa labas, bumalik na naman sa alaala ang nakita dati. The scenery and the atmosphere were giving her the same feelings she felt as she watched Miss Herrera happily with a guy.

Parang isinasadya ng panahon na maulit ang nakita dati dahil sa nakita sa entrance.

Nakatayo si Miss Herrera sa entrance, pinapanood ang matinding pagpatak ng ulan.

At dahil ayaw ng makita pa ni Kairi ang masasayang ngiti nito kasama ang lalaking nakita dati, ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa entrance.

As she walked besides Miss Herrera, their eyes met briefly.

Kairi felt guilty and longing from all the avoidance she had been doing.

Magsasalita na sana si Miss Herrera pero bigla ng inialis ni Kairi ang tingin.

Without a word, Kairi walked past Miss Herrera.

Kairi could feel Miss Herrera's gaze on her back, but she didn't turn around.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.