Chapter 6
The weekend brought a distraction in the form of her cousin's birthday party. Kairi's cousin, Ella, was celebrating at their family home, and Kairi was looking forward to a night of fun and relaxation. She arrived at Ella's house, greeted by the sound of laughter and music.
Ella hugged her tightly. "Kai! I'm so glad you could make it!"
"When did I ever miss it?" Kai asked sarcastically as she rolled her eyes.
Kairi joined the group of cousins and friends, grabbing a drink and settling into the lively atmosphere.
Nagpatuloy sila sa kwentuhan at inuman kasama si Kairi. As the night wore on, tumunog ang doorbell and Ella went to answer it. Si Kairi na abala sa pakikinig sa mga kwento ng kausap ay napatigil at napatingin sa doorway dahil sa narinig na familiar na boses.
"Hey, Ella! Happy birthday!" the woman greeted Ella with a warm hug.
Kairi froze, her heart skipping a beat. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ngayon. It was Miss Herrera walking towards their table. Ella's face lit up with excitement as she made introductions.
"Everyone, this is Gianna, my friend from college," pagpapakilala ni Ella. Humarap si Ella kay Kairi, "And nagtuturo siya ngayon at the same school as yours. Nakikita mo ba siya, Kai?"
Bago sumagot si Kairi, tumingin muna siya sa kanyang teacher na para bang sinusundan siya kahit saan siya magpunta.
"Yeah, she's my teacher," Kairi answered expressionless. She drank from her glass, acting as if it was nothing. Pero naaapektuhan siya sa nangyayari lalo na at ang taong iniiwasan niya sa school ay makakasama pa rin hanggang sa labas.
"Wow, small world!" one of Ella's friends commented, laughing. "Imagine kasama mo teacher mo sa isang party!"
Umupo si Ella sa pagitan nila Miss Herrera at Kairi.
Halata ang tension na namamagitn sa kanilang dalawa.
Maraming naging tanong si Ella sa dalawang katabi pero tipid lang ang mga sagot.
Nahihirapan din na mag-focus si Kairi dahil ang tanging naiisip lang ay ang awkwardness ng situation.
Dagdag pa rito ang mga nararamdaman niya para kay Miss Herrera na hindi niya maipaliwanag sa sarili o masabi man lang sa iba.
As the night progressed, and drinks continued to flow, someone suggested playing a game – spin the bottle with truth or dare. Natuwa sila sa idea na iyon. Marami na silang nainom at siguradong may kung ano anong mangyayari.
Naglagay sila ng bottle sa gitna ng table.
Si Ella ang unang nagpaikot ng bottle at natapat naman ito sa isa sa mga kaibigan niya.
The dares and truths started innocently enough with embarrassing stories and silly challenges.
Pero habang tumatagal, nagiging personal na ang mga tanong at ang mga dares?
They got daring and somewhat more designed for adults.
For the first time, tumapat ang bottle kay Kairi na nagpakaba nang husto sa kanya. Alam niya kasing walang consideration ang mga kasama niya even with the fact na siya ang pinakabata sa kanila. Pero nasa legal age naman na siya kaya they were treating her na parang kasing edad lang nila si Kairi.
"Truth or dare, Kai?" Ella asked, a mischievous glint in her eye.
Kairi hesitated. "Truth."
Ella grinned. "Alam namin how much you hate teachers, but have you ever had a crush on a teacher?"
Namula si Kairi sa tanong. Napatingin siya kay Miss Herrera pero agad din nitong inalis ang tingin. "Maybe."
Natawa naman ang mga kasama nila. It's a sensitive topic for Kairi as she's known for not liking teachers. Ngumiti naman sa kanya si Miss Herrera, amused sa nalaman.
Nagpatuloy lang sila sa paglalaro hanggang sa matapat ito kay Miss Herrera.
"Truth or dare?" someone asked eagerly.
"I'll take truth," Miss Herrera answered confidently.
Tumahimik ang mga kasama nila habang naghihintay ng magtatanong. "May boyfriend ka ba?"
Miss Herrera paused before answering. "Wala akong boyfriend."
Nakaramdam ng relief si Kairi sa narinig na sagot. Pero naalala na naman niya ang nakita. Dahil na rin sa alcohol sa kanyang sistema, hindi na niya napigilan ang bibig. "What about the guy I saw you with that rainy day?"
Tumingin si Miss Herrera kay Kairi. Hindi niya inaasahan ang tanong mula sa estudyante. "Oh, him? He's just...someone I know."
Kairi couldn't stop the bitterness from creeping into her voice. "Talaga ba? Looked like more than that to me."
Miss Herrera stared right into Kairi's eyes, looking for something. Bakit ba ganon ang mga tanong ni Kairi?
"Really, there's nothing going on," paninigurado ni Miss Herrera.
Magsasalita pa sana si Kairi pero inunahan na siya ni Ella. Nararamdaman niya kasi ang tension sa dalawa. "Alright, let's not get too serious here. Fun fun lang, diba?"
The game went on with more daring dares. Nakailang ikot pa ang bottle bago muling maitapat kay Miss Herrera.
"Okay, Gianna, truth or dare?" Ella asked Miss Herrera.
This time, choosing the other option to avoid further questions especially from Kairi. "Dare."
Nagpalitan ng tingin ang mga kasama nila at may ilang nag-usap usap para pagplanuhan ang ipapagawa. Finally, one of Ella's friends spoke up.
"I dare you to kiss someone in this room," they said with playful smile.
Miss Herrera let out a soft chuckle, "Alright, then."
Habang isa isa niyang tinitingnan ang mga kasama nila, ang mga tingin ni Kairi ay naka-focus lang kay Miss Herrera. Was she hoping na piliin ng teacher niya?
Halos napatigil ang paghinga ni Kairi nang makitang lumapit si Miss Herrera sa isa sa mga kaibigang babae ng pinsan niyang si Ella. Hinalikan nito ang babae sa pisngi.
Kairi clenched her jaw, frustrated sa nakita. Habang nag-chi-cheer ang mga kasama sa ginawa ng teacher niya, tumayo naman siya sa kinauupuan. Umalis muna siya mula sa mga kasama.
Kairi went outside at the back of the house with a bottle of beer in hand.
She leaned against the wall, feeling the weight of her emotions crashing down on her.
Hindi na rin niya maikakaila ang selos at sakit na nararamdaman sa nakita.
Bumalik na naman ang naramdaman nang makita si Miss Herrera kasama ang lalaking sumundo sa kanya.
Nagpatuloy lang ang kasiyahan sa loob. Naririnig ang mga tawanan nila at ang malakas na music hanggang sa labas. Huminga nang malalim si Kairi, pilit na pinapakalma ang sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas at may lumabas mula sa pinto. Madilim sa labas kaya hindi niya napansin si Kairi na nakatayo lang sa gilid. Pinapanood lang din ni Kairi ang bagong dating, hindi niya mamukhaan kung sino dahil na rin sa kawalan ng liwanag.
May inilabas ito mula sa bulsa. Nakarinig si Kairi ng tunog na para bang mula sa lighter. Pagkasindi ng lighter, doon na lang niya naaninag ang kasama. Ayaw nga talaga siya nitong tantanan. Kahit saan siya magpunta, parang hindi ito nawawala.
Lumabas siya para makaiwas pero parang pinagsasama talaga sila ng tadhana. Natigil sa pag-iisip si Kairi dahil sa nalanghap na usok. Hindi na rin niya napigilan ang pag-ubo.
"Oh, gosh!" sa gulat, itinapon ng babae ang sigarilyo at inapakan ito. Lumapit siya kay Kairi, "I'm sorry. Hindi kita napansin."
"It's okay, Miss," Kairi responded. "I didn't know you smoke."
"Kung alam ko lang na nandiyan ka, I shouldn't have lit it up," Miss Herrera felt guilty. Ayaw niyang makita siya ng students niya with her vice. Well, drinking is a no. But smoking is another thing.
Wala ng narinig pa mula kay Kairi. Tumabi naman si Miss Herrera sa kanya. "Kairi, pwede ba tayong mag-usap?"
Silence
"Maybe another time," Kairi answered after. Hindi pa talaga siya ready lalo na at emotional siya ngayon at lasing na rin.
Hindi na niya hinintay pang magsalita pa si Miss Herrera. Iniwan na niya ito sa labas at bumalik na siya sa loob, joining the group again with a forced smile on her face.
Natapos ang gabing iyon nang hindi na muling nag-usap ang dalawa. Nagtatama ang mga tingin nila pero agad na umiiwas si Kairi. She needed more time to figure out what she really wanted to do, especially with her feelings for her teacher.