Kabanata 1
Hindi ako lumingon. Not because I didn't want to pero dahil alam ko na yung makikita ko.
Mga mata, marami at lahat curious.
Kaya tinuloy ko lang yung lakad ko palabas ng courtyard, hands tucked loosely sa bag strap ko, parang wala lang nangyari. Parang hindi ako yung kakagaling lang sa pinaka-usap-usapan na moment ng araw.
Which, technically...
I was.
"You're not my type." Napangiti ako ng kaunti habang naglalakad.
Hindi dahil proud ako. Pero dahil honestly?
Medyo satisfying. I've seen it happen too many times.
Same place,same setup, same ending.
May lalapit,may aamin. Tapos..
"Thank you. But no." Tapos tapos na.
Walang follow-up. Walang reconsideration. Walang kahit anong sign na tao yung kausap niya.
And people still try. I never understood that.
Hindi ko gets kung bakit may lalapit pa sa taong halatang hindi naman nagbibigay ng chance.
Hindi ko gets kung bakit okay lang sa kanila na maging part ng... rotation.
Kasi yun yung itsura nun eh. Parang may listahan siya. And you either pass or you don't exist.
So today napagod lang siguro ako.
Napagod manuod. Napagod makakita ng parehong eksena. Kaya ginawa ko. Not because I liked him. Definitely not.
Pero dahil nakaka-irita na.
Pagpasok ko sa building, mas ramdam ko na yung shift. Mas obvious yung tingin ng tao.
"Siya yun..."
"Yung transferee..."
"Grabe siya..."
"Kay Kae pa..."
"The audacity ng babaeng yan"
I almost laughed. Hindi ko na pinigilan. Mahina lang, pero enough para mapatingin yung dalawang nadaanan ko.
Ano? Hindi ba pwedeng may gumawa nun?
By the time I reached our classroom. Section B, nagsisimula na talaga.
Yung bulungan na hindi na tinatago. Yung tingin na direkta na.
"Uy, siya yun oh—"
"Grabe ka, girl—"
"Hindi ka natakot??"
I smiled,not fake and absolutely not forced.
Just... amused.
"Dapat ba?" sagot ko, sabay upo ko sa pwesto ko. Natahimik siya saglit.
"Hindi ko alam kung matapang ka or... ano eh."
"Or?" tanong ko, medyo nakataas ang kilay.
"Or hindi mo lang alam kung sino siya." Napangiti ako ulit.
"Alam ko," sabi ko, casual lang. "Kaya nga ginawa ko." Hindi na siya sumagot.
Binuksan ko yung notebook ko, inayos yung papers ko, at kinuha yung ballpen ko na parang normal lang ang lahat.
Which, for me t is.
Nag-transfer ako dito para mag-aral.
Hindi para makisabay sa drama ng iba.
Hanseo University of Traditional Medicine.
One of the best, one of the most demanding.
At kung may pipiliin man akong pagtuunan ng energy it won't be him.
So I went back to what I was doing.
Tracing meridian lines. Lung meridian.
From the chestndown the arm ending at the thumb.
Heart meridian.
Inner arm.
Steady.
Controlled.
Pericardium.
Protection.
Containment.
I like this part, yung may flow,yung may logic,yung may explanation.
Hindi tulad ng tao. Mas madaling intindihin ang katawan, mas predictable, mas honest.
Kaya nung may naramdaman akong kakaiba automatic na yung ginawa ko.
I checked my pulse. Dalawang daliri sa wrist. Light pressure.
Cun. Guan. Chi.
Steady.
"Uy." Napatingin ako sa katabi ko ulit. Mas malapit na siya ngayon. Mas invested.
"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong niya.
"Dapat ba?" sagot ko ulit, same tone.
"Girl, si Kaelis Rhune yun." Napahinto ako.
Then I tilted my head a little. "Exactly."
Mas lalo siyang natahimik.
Sa paligid namin, mas lumalakas na yung usapan.
"First time yun—"
"Hindi siya nakapagsalita—"
"Siya yung naunahan—"
"Anong gagawin niya ngayon—"
I rested my chin lightly on my hand, listening without really listening.
Interesting. Hindi dahil sa kanya kundi dahil sa reaction ng lahat.
Ganito pala kapag nasira yung routine nila. Ganito pala kapag may nangyaring hindi nila inaasahan.
Parang... nawala sila sa balance. Which is ironic. Given where we are.
"Class, open your books," sabi ng professor, medyo mabilis ang tono, halatang gusto nang tapusin yung distraction.
Finally.
I straightened, flipped the page, and focused again.
Hindi agad natapos ang usapan.bOf course not.
Kung akala ko titigil yung bulung-bulungan after a few minutes, I underestimated people.
"Girl... ikaw na talaga." Napalingon ako sa katabi ko ngayon at late na si Naila, nakatingin sa'kin na parang may halong hanga at takot.
Siya lang yung unang naging maayos sa'kin simula nung pumasok ako dito. Hindi intrusive. Hindi judgmental. Saktong curious lang.
Which I appreciate. "Ano na naman?" tanong ko, medyo nakangiti.
"Hindi ka ba talaga kinakabahan? Gaya ng sabi nila" she whispered, leaning closer. "Like... at all?"
Napaisip ako saglit.
"Hmm," sabi ko, sabay ikot ng ballpen sa pagitan ng daliri ko. "Siguro mga... one percent?"
Napapikit siya saglit. "Grabe ka."
"Bakit?" I tilted my head slightly. "Dapat ba fifty percent agad?"
"Girl," halos matawa na siya, pinipigilan lang, "si Kae yun."
There it is again, his name.
Parang kahit saan ako pumunta today susunod.
"Alam ko," sagot ko, casual lang, habang binabalik ko yung tingin ko sa notes ko.
"Hindi naman siya invisible."
"Hindi yun yung point," sabi ni Naila, medyo napaangat ang boses bago niya ulit binaba. "I mean kilala mo ba talaga siya?"
Napahinto ako, then I smiled. "Enough," sagot ko. At totoo naman.
Hindi ko kailangan makilala ng buo ang isang tao para makita yung pattern niya.
Lalo na kung paulit-ulit na niyang pinapakita.
Kaelis Rhune. Hindi naman mahirap pansinin.
Even before today napansin ko na siya.
Mahihirapan ka namang hindi. Maputi, makinis, matangkad, may mukha na parang pinag-isipan ng maigi yung ilong, straight.
yung labi, defined, halos perfect.
At yung aura intentional. Hindi siya yung gwapo na accidental. He knows, alam niya yung effect niya sa tao, at ginagamit niya.
Yung subtle na makeup, hindi obvious sa unang tingin, pero enough para ma-enhance yung features niya.
At yung hair clips small, clean, placed like it belongs there.
Hindi weird,hindi out of place, bagay sa kanya, everything about him feels curated.
Which, honestly? Impressive.
Hindi ko kinakaila. Gwapo siya na maganda.
Both.
Pero hindi ibig sabihin nun gusto ko siya.
Magkaibang bagay yun.
"Hindi mo man lang naisip..." ulit ni Naila, medyo hesitant na ngayon, "na baka... mapag-initan ka?" Napangiti ako.
"Kung ganun siya kadaling mainis," sabi ko, habang sinusulat ko ulit yung notes ko, "then that's more of a him problem, don't you think?" Napatahimik siya.
Sa harap, tuloy ang lecture, pulse diagnosis.
"Remember," sabi ng professor, "hindi lang bilis ang tinitingnan niyo. Depth, strength, rhythm."
I glanced at my wrist again.
Interesting, kasi kahit steady yung pulse ko kanina may hindi pa rin bumabalik sa normal.
"Break muna," sabi ng professor after a while. Perfect.
"Samahan kita?" tanong ni Naila.
"CR lang ako," sagot ko. "Balik din ako agad."
Tumango siya.
Paglabas ko ng classroom mas malakas na yung ingay.
Hindi na bulong, usapan na.
"Yun yun—"
"Siya yung transferee—"
"Kay Kaelis—"
"Ang tapang—"
"Bawal contact lense sa TCM diba"
I walked past them like I didn't hear anything.
Pero habang naglalakad ako sa hallway may isang bagay na nagbago. Parang may space na biglang lumuwag. Parang may mga taong kusang umiwas.
And then I saw why. Sa dulo ng hallway nakatayo siya.
Kaelis.
Hindi siya nagsasalita, hindi rin siya gumagalaw. Just standing there like the entire hallway adjusted around him.
Same presence,same control. Pero may bago. Hindi ko ma-explain. Parang mas... focused sa akin, nanlilisik ang mata ni bakla.
Hindi ako tumigil. Diretso lang ang lakad ko.
As if wala siyang epekto. As if hindi siya yung dahilan kung bakit nagbago ang buong araw ko.
Paglapit ko ramdam ko yung tingin niya.
Mas malinaw, mas mabigat, pero hindi ako nag-react, hindi ako ngumiti.
Nothing, just steady. Then I walked past him.
Close enough to notice he didn't move.
Hindi siya umatras, hindi siya lumapit.
At hindi siya nagsalita. Pero ramdam ko hindi pa siya tapos sa loob loob niya for sure gusto niya akong itorture.