Kabanata 21
Gift
Pagkatapos ng brunch disaster, bumalik rin kami sa school. At thankfully wala nang pancake jokes si Kaelis buong byahe pabalik.
Well... mostly dahil busy siyang ngumisi mag-isa habang ako pilit siyang iniignore.
Nakakainis talaga.
Pagpasok namin sa classroom, nandoon na agad si professor na may dalang boxes ng herbs at stacks ng empty pouches.
"Today," sabi niya habang inaayos gamit sa harap, "you'll prepare ten herbal pouches for insomnia patients."
Nagkatinginan agad yung klase.
"Actual patients?" tanong ni Carmela.
Tumango yung professor. "These will be distributed through the affiliated clinic."
Napangiti ako nang konti. Mas gusto ko talaga activities na ganito. Mas hands-on.
Mas ramdam mo yung TCM.
"You'll work by pair again," dagdag ng prof.
At bago pa siya tuluyang magsalita lumapit na agad si Kaelis sakin.
"Us again," sabi niya habang nilalapag gamit niya sa table ko.
Napairap ako. "May choice ba ako?"
"No." Napatawa si PJ sa likod. "Automatic na kayo." Hindi ko na pinansin.
Kinuha ko nalang yung worksheet habang si Kaelis naman busy na pumili ng fabrics para sa pouches.
"White pouch," sabi niya habang chinecheck yung tela. "Pink ribbon."
Napalingon ako sa kanya. "Pink nanaman?"
"It's calming."
"Or bakla." Tumaas kilay niya.
Napatawa nalang ako nang mahina habang inaayos yung herbs namin sa tray.
Nag-decide kami gumawa ng insomnia blend na may:
- lavender
- chamomile
- dried jasmine
- mugwort
- konting sandalwood
Mabango agad yung paligid habang hinihiwa at hinahalo namin yung herbs.
Tahimik lang kami habang gumagawa.
Well normal kind of tahimik. Yung comfortable.
Paminsan-minsan may comments siya tungkol sa ribbon placement o sa amoy ng herbs.
"Too much jasmine," sabi niya habang ina-adjust yung halo ko. "Masyadong matapang."
Napairap ako. "Control freak."
"Talented." Napailing nalang ako habang tinatahi yung pouch.
Habang gumagawa ako, napansin kong may pinagkakaabalahan si Kaelis sa gilid.
Busy siya kakalikot ng ribbon. Akala ko inaayos lang niya yung pouch niya.
Pero maya-maya bigla siyang humarap sakin.
"Aveline," sabi niya.
Napatingin ako. "Hm?"
"I have something for you."Napatigil ako.
"...ha?"
Then dahan-dahan niyang tinaas kamay niya. At doon ko nakita.
Yung index finger at middle finger niya nakatali together gamit pink ribbon.
Natulala nanaman ako.
"This is my gift for you," sabi niya habang sobrang seryoso ng mukha. Saglit siyang tumigil.
"My fingers." Nanlaki mata ko.
"Ano kaba!" Napatawa agad si Kaelis pero kalmado.
As in nakatingin pa rin sakin habang tinaas-taas pa yung ribboned fingers niya.
Hindi ko na alam irereact ko. Ganito ba talaga siya kamanyak? O trip niya lang talaga ako asarin hanggang mamatay ako sa hiya?
"Baliw ka ba?" sabi ko habang hinahampas siya ng worksheet. Napatawa siya nang mahina.
"Ow."
"Ow ka dyan!" sabi ko habang namumula na naman mukha ko. "Ano ba yang pinapakita mo?!"
"My fingers."
"Exactly!" Napangisi siya lalo.
Then dahan-dahan niyang inalis yung ribbon.
"Manyak," bulong niya. Nanlaki mata ko lalo. "Excuse me?!"
"Your brain is concerning."
Bumuntong hininga ako habang pilit bumabalik sa ginagawa kong pouch.
Pero hindi ko mapigilan. Mainit na naman mukha ko. At sa gilid nakikita kong pinipigilan tumawa ni Kaelis habang kunwari busy ulit sa herbs.
Nakakainis talaga!!
Natapos naman namin yung activity nang maayos.
Actually perfect pa nga.
Pinuri pa kami ng professor dahil pantay daw yung measurements, maayos yung stitching, at calming talaga yung blend ng herbs.
"Expected," bulong ni PJ sa likod. "Mga perfectionist."
"Siya lang," sagot ko habang tinuturo si Kaelis.
Umirap siya. "Tayo."
Pero nakakapagod. Halos buong hapon kami nakayuko kakagawa ng herbal pouches, kakaayos ng ribbons, at kakamix ng herbs.
Amoy lavender na ata buhok ko. Pagkatapos maglinis ng table, sumandal agad ako sa upuan ko.
Pagod na pagod.
Habang ako nagpapahinga, si Kaelis finally bumalik sa tropa niyang mayayaman sa kabilang side ng room.
Naririnig ko pa nga tawa nila minsan.
"Finally bumalik ka rin samin," sabi nung isa. "Busy siya sa enemy niya," dagdag nung isa. Napairap ako mula sa pwesto ko.
Mga baliw.
Kinuha ko phone ko para mag-scroll lang saglit nang may nag-pop up na text galing kay Aviel.
I have to go back, Aveline. Emergency lang.
Napakunot noo ako agad. Mabilis akong nagreply.
When are you going?
Halos wala pang isang minuto, nagreply agad siya.
Today.
But don't worry babalik ako.
Send my regards to Kaelis.
Napabuntong-hininga ako. Biglaan naman.
Tahimik lang akong nakatitig saglit sa screen bago tumayo. Naglakad ako papunta sa table nila Kaelis.
Paglapit ko, napatingin agad siya sakin.
As in agad-agad.
"Aalis ulit si Aviel," sabi ko habang nakatayo sa tabi niya. "May aasikasuhin daw siya. But babalik din."
Tahimik siyang nakatingin sakin habang nakikinig. "Regards daw sayo," dagdag ko.
Tumaas nang konti yung kilay niya.
"Wala ka nang bibisitahin sa condo ko," sabi ko habang naka-cross arms. "Kawawa ka naman." Akala ko maaasar ko siya.
Pero hindi siya affected. As in hindi talaga.
"No," sabi niya habang sumasandal sa chair. "I'll still visit."
"Kahit wala siya," dagdag niya, diretso yung tingin sakin, "babantayan kita."
Napakunot noo ako. "what?" Parang normal lang sinabi niya. Napairap nalang ako pagkatapos ng ilang segundo.
Nevermind. Nang-aasar nanaman 'to.
Obviously. Kaya hindi ko na siya pinansin.
Bumalik nalang ako sa pwesto ko habang siya naman nakatingin pa rin sakin.
Pagkauwian, halos wala na akong energy.
As in mentally at physically drained.
Amoy herbs pa rin uniform ko, sumasakit likod ko kakaupo buong araw, tapos feeling ko lavender na dumadaloy sa dugo ko dahil sa dami ng ginawa naming pouches.
Tahimik lang akong nag-aayos ng gamit habang unti-unting nauubos yung students sa classroom.
Sa kabilang side, si Carmela at PJ nag-aaway pa kung saan kakain bukas habang si Kaelis naman busy magtext sa phone niya.
Hindi ko siya pinansin. Actually simula kanina pa. Ewan. Medyo weird mood ko.
Pagod siguro.
"Aveline," biglang sabi ni Kaelis habang tumatayo. Napalingon ako sa kanya.
Suot na niya bag niya sa isang balikat habang hawak phone.
"Mauna ka na."
"I'll meet my manliligaw," sabi niya casually na parang normal lang.
Automatic akong napairap. "Go," sabi ko habang isinasara bag ko. "I'm tired too. I badly need rest." Tumayo na rin ako.
Then bago ako tuluyang maglakad.
"Good luck sa date mo." Tumaas nang konti yung kilay niya. Parang may gustong sabihin.
Ngumisi lang nang konti. At mas lalo akong nainis doon. Kaya umalis na agad ako.
Tahimik yung hallway habang naglalakad ako palabas ng building.
Medyo malamig na rin hangin sa labas dahil palubog na araw.
At habang naglalakad ako papunta parking
hindi ko mapigilan isipin yung sinabi niya.
Manliligaw. Date.
Napabuntong-hininga ako.
"Bakit ba ko naiirita," bulong ko sa sarili ko habang binubuksan kotse ko.
Wala naman dapat akong pake. Hindi ko naman siya gusto. Tsaka bakla siya. At madami talaga may gusto sa kanya.
So bakit parang medyo nakakainis isipin na may iba siyang kasama ngayon?
Napailing ako agad.
"Pagod lang 'to," sabi ko sa sarili ko habang sinisindi engine ng kotse.
Oo.
Pagod lang.
Siguro nasanay lang ako na ako yung iniinis niya araw-araw.
Kaya ang weird tuloy isipin na may iba siyang kausap.
At habang pauwi ako pilit kong kinokontra sarili ko. Pero nakakainis talaga. Kasi kahit anong deny ko parang medyo badtrip ako.