Kabanata 20
Pagkatapos ng breakfast chaos, umuwi rin si Kaelis para mag-ready sa school.
As in arte pa niyang umalis.
"Ayoko pumasok na mukhang stressed," sabi niya habang nagsusuot ng shoes sa may entrance.
"Too late." Tumaas lang kilay niya.
Then bago siya tuluyang lumabas sumulyap pa siya sakin.
"Don't flirt with random people habang wala ako, baka type ko"
Nanlaki mata ko. "Baliw." Napangisi lang siya bago tuluyang umalis.
Napabuntong-hininga ako habang bumabalik sa kwarto.
Hindi ko maintindihan yung baklang 'yon. Kung anu-ano nalang pinagsasabi. Minsan parang nang-aasar lang. Minsan naman parang hindi.
Napahiga ako saglit sa kama bago mapangiwi. "Aray."
Nangingimay pa rin yung binti ko.
Napahawak ako doon habang nakasimangot. "Kasalanan talaga 'to nung baklang 'yon," bulong ko sa sarili ko.
Sino bang natutulog na parang octopus?Napailing na lang ako bago tuluyang tumayo para mag-ready.
Pagdating ko sa school, usual na maingay na agad yung hallway, dumeretso ako agad ng classroom. Nakita ko agad si Kaelis.
Kalma lang na naka-upo habang chinecheck mga kuko niya na parang beauty influencer.
Pink nanaman yung nails. Of course. Pagkapasok ko, hindi niya agad ako pinansin.
Busy pa rin siya kakatingin sa nails niya sa ilaw. "Ang kapal talaga," bulong ko habang umuupo sa tabi niya.
Pero pag-upo ko napangiwi ulit ako nang bahagya. Napatingin siya agad.
As in agad-agad. Natigilan pa. "What happened to you?" Napalingon ako sa kanya.
"Ha?"
"Kanina ka pa weird maglakad," sabi niya habang nakakunot noo. "What happened?"
Napairap ako. "Edi yang ulo mo," sagot ko. "Ang bigat." Dahan-dahang napangisi si Kaelis, yung nakakainis niyang smirk.
"Anong ulo ba?" tanong niya. Nanlaki mata ko.
"Bakla!" sabi ko agad. "Manyak ka ba talaga?" Napatawa siya nang mahina.
Then sumandal siya sa chair niya habang nakatingin sakin.
"Excuse me?" sabi niya. "Ikaw ang manyak satin." Napakurap ako. "Ako?!"
"Yes."
"How?!"
"Your brain is suspicious." Napatawa nalang ako nang wala sa oras. "Baliw ka talaga."
"And yet," sabi niya habang inaayos ulit buhok niya, "you still like talking to me."
Hindi ko na pinansin si Kaelis pagkatapos nun. Bahala siya sa pink niyang kuko. Kung anu-ano nalang lumalabas sa bibig ng baklang 'yon talaga.
Kinuha ko notebook ko saka kunwari busy magsulat kahit wala pa naman talaga ginagawa.
Sa gilid ko, si Kaelis busy pa rin sa pag-check ng nails niya under the light na parang may photoshoot.
"Aveline." Napalingon ako.
Si PJ.
Lumapit siya sa table namin saka sumandal sa upuan sa harap ko.
"Ano lunch natin maya?" tanong niya. Magsasalita na sana ako nang may sumingit agad.
"Should we try brunch?" Napalingon kami pareho kay Kaelis. Hindi pa rin siya tumitingin samin. Busy pa rin sa kuko niya.
Then casually "Like pancakes." Pati si PJ mukhang nagulat. "As in ikaw sasama samin?" tanong niya.
Dahan-dahang tinaas ni Kaelis tingin niya.
"Why not?" sagot niya. "Bantay-sarado sakin 'yan si Aveline. Bilin ng kakambal niya."
Nanlaki mata ko. "Ha?" Napalingon ako agad sa kanya. "Wala namang sinasabi si Aviel ha," sabi ko. "Ano nanamang pinagsasabi mo?"
Kalma lang siya. "Sayo wala," sagot niya. "Sakin meron." Napairap ako. "Sinungaling."
"Pretty liar." Napatawa si PJ. "Hindi ko na alam sainyo."
"Same," bulong ko.
"Then brunch is it," sabi niya habang tumatayo. "Sa labas tayo. Sama natin sila Carmela." Tumango ako.
Then dahan-dahan akong napalingon kay Kaelis. Masama tingin ko. Very masama.
Napansin niya agad. "What?" tanong niya.
"Pancake nanaman?" sabi ko. "Andami mo nang nakain kanina. Pancake ka ulit?"
Tumaas yung kilay niya.
"I told you," sabi niya, "mas masarap pancake."Nang aasar talaga tong baklang to.
"Ikaw," sabi ko habang nakatingin sa kanya, "sobrang green minded mo." Nanlaki mata niya.
"Excuse me?" sagot niya agad. "Ikaw nag-iisip ng masama."
"Sure."
"Obsessed ka kasi sakin." Pinipilit niya talagang obsessed ako sakanya.
"Delusional ka lang talaga."
"At least pretty." hindi ko na alam kung normal pa ba 'tong pag uusap namin.
Pagdating ng lunch break, usual na nag-ingay ulit yung classroom. May nagkukumpulan na agad sa paligid ni Kaelis.
Of course. Parang celebrity na may sariling fandom.
Habang inaayos ko bag ko, narinig kong nagsasalita siya sa group of friends niyang mukhang lahat mayaman din.
Mga mukhang naka-perfume kahit tanghali.
"Sasama muna ako sa kanila," sabi niya casually habang suot ulit yung bag niya.
Napataas agad kilay nung isa niyang friend.
"Again?"
"Yes."
"Wow," dagdag nung isa. "Pinagpalit mo na kami." Umirap si Kaelis. "Ang dramatic niyo."
Napatawa ako nang mahina habang lumalapit sila PJ at Carmela sakin.
"Ready na?" tanong ni Carmela, tumango ako.
Tapos nagsimula na kaming maglakad palabas ng campus. Mainit sa labas pero mahangin naman nang konti.
Si PJ at Carmela nauuna habang ako at si Kaelis magkatabi lang sa likod.
Tahimik at peaceful naman sana pero impossible pala 'yon kapag kasama ko siya.
"Your walk still weird," sabi niya bigla habang nakapocket pa isang kamay.
Napalingon ako agad. "Kasalanan mo."
Napangisi siya. "Still?" Napatawa siya nang mahina habang umiiling.
Pero bago pa siya makasagot may humarang sa harap namin. Babae, mukhang lower year. At mukhang sobrang kinakabahan.
Huminto kaming lahat.
"Uh..." sabi nung girl habang hawak mahigpit yung maliit na paper bag. "Kaelis..." Tahimik yung paligid.
Pati sila PJ tumigil maglakad.
"I really like you," sabi nung girl. "Since last semester pa."
Napatingin ako kay Kaelis. Expected ko na yung usual niyang:
"Thank you but no."
Pero pagkabukas niya ng bibig "Sorry ha," sabi niya nang mas mahinahon kaysa usual, "but as you can see..."
Saglit siyang napahawak sa dibdib niya dramatically. "I'm gay.".
Then dagdag niya: "Madami pa diyan."
Napakurap ako. Pati yung babae parang nagulat sa softness nung rejection niya.
Tumango nalang ito nang nahihiya bago umalis.
At pagkalayo pa lang biglang naghiyawan sila PJ. "ABA!" sigaw niya. "Nag-sorry??"
"At iniba ang linyahan!" dagdag ni Carmela habang natatawa. Napalingon ako kay Kaelis.
"Baks," sabi ko habang nakangisi, "ang bait mo today ha." Bigla siyang napatingin sakin.
Then dahan-dahan siyang umirap. "Aveline," sabi niya, "can you stop calling me bakla or baks?"
"Ha bakit?"
"I have a name." biglang natawa si PJ sa gilid. "Omg." Napangisi ako habang nakatingin kay Kaelis.
"Ano gusto mo itawag ko?"
"Kaelis," sagot niya agad. "Ang formal."
"That's literally my name." Napatawa ako.
"Eh kasi bakla ka." Nanlaki mata niya. "As if hindi obvious." dagdag ko.
"Excuse me," sabi niya habang naglalakad ulit. "Elegant gay ako."
"May classification pala?"
"Yes."
"Anong difference?" Tumaas yung kilay niya habang sumasabay maglakad sakin.
"Expensive ako." Grabe talaga ang confidence.
Pagdating namin sa brunch place, Maraming students. May mga nagpi-picture ng drinks.
May mga naka-laptop pa sa gilid pretending productive. Kami naman, umupo sa isang mahabang table malapit sa window.
Kinuha agad ni Carmela yung menu.
"Ako waffles," sabi niya agad. "Classic," sagot ni PJ.
Tahimik lang ako habang nagbabrowse ng menu. Sa tabi ko, si Kaelis tahimik din.
Which was suspicious, napalingon ako sa kanya.
At doon ko napansin mukha siyang nauumay. As in literal na nakasimangot siya habang nakatingin sa pancake section.
Napigilan ko matawa. "Ano?" tanong ko.
Umirap siya nang mahina. "Medyo full pa ako," sabi niya habang sinasara kalahati ng menu. "I'll have salad nalang."
Bigla akong napangisi. Oh, so kaya pala. Napalingon ako sa waiter na kakalapit lang.
"I want this breakfast set," sabi ko habang tinuturo menu. Tumango yung waiter.
"With hotdogs and egg," dagdag ko habang very innocent expression. "Mukhang masarap kasi."
Si Carmela busy lang sa menu nagccheck.
Si PJ walang kaalam-alam.
Pero si Kaelis dahan-dahang napalingon sakin. As in diretso yung tingin.
Nanlaki mata ko nang konti. Then tumaas kilay niya.
"Aveline," sabi niya nang mabagal, "do you mind trying the real one?"
Nanlaki mata ko. "KAELIS"
"Ano nanaman?!" Biglang umirap si Kaelis na parang inosente.
"What?" sabi niya. "Real breakfast."
Napainom agad ako ng tubig. Mainit na naman mukha ko halatang aware siya doon.
Kasi nakasmirk siya habang umiinom ng tubig niya. Parang wala siyang ginagawang ikamamatay ko sa hiya everytime.