Kabanata 19

Morning Disaster

Pagdilat ko ng mata, unang naramdaman ko

ginaw. As in sobrang ginaw.

Napakunot noo ako habang pilit nagigising, tapos doon ko narealize..wala akong kumot.

Napakurap ako. Then dahan-dahan akong napatingin pababa at halos mapasigaw ako.

"Bakla-" Nasa hita ko yung ulo ni Kaelis.

Yakap pa niya binti ko habang mahimbing na natutulog sa gilid ko na parang unan.

Nanlaki mata ko. "Bakla gumising ka!" sabi ko agad habang tinutulak ulo niya nang konti. "Ang sakit na ng binti ko!"

Umungol lang siya, umungol lang talaga.

Tapos mas lalo pa niyang niyakap binti ko.

"KAELIS!" Napadilat siya ng isang mata.

"What?" reklamo niya agad, paos pa boses. "Ang aga-aga, you're so maingay." Napairap ako nang malala.

"Yung ulo mo nasa binti ko!" sabi ko. "Ang bigat-bigat mo!" Biglang napadilat pareho niyang mata.

Napaupo siya agad. Gulo-gulo buhok niya, halatang bagong gising, pero nakakainis kasi gwapo pa rin. Ang unfair.

"I didn't know," sabi niya habang hinihilot noo niya. Napabuntong-hininga ako habang inuunat yung paa ko.

"Ang likot mo namang matulog," reklamo ko. "Wala na akong kumot, nasa sahig na."

Napalingon siya sa baba. Nandoon nga, halos kalahati pa nakabalot sa paa niya.

"Eh nainitan ako," sagot niya na parang valid excuse 'yon. Napatawa ako nang wala sa oras.

"Nainitan?" ulit ko. "Parang nakipag-away ka ata sa kumot habang tulog."

"Probably." Umirap ako habang inaayos buhok ko.

Pero habang inaabot ko yung kumot sa sahig

bigla kong narealize. Magkalapit kami masyado. As in sobrang lapit. At buong gabi pala nakadikit halos yung katawan niya sakin. Nanlaki mata ko nang konti.

Napatingin ako kay Kaelis. Siya rin pero bigla siyang napangisi.

"Omg." Napakunot noo ako. "Ano?"

"You let me sleep beside you." Napairap ako agad. "Wala akong choice."

"Still counts."

"Hindi."

"Obsessed ka sakin." Napatawa ako nang malakas. "Delusional ka lalo pagkagising."

"Totoo naman."

Kumuha siya ng unan saka humiga ulit na parang walang balak bumangon.

"Kaelis," sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Umaga na."

"So?"

"So umuwi ka na." Umungol siya ulit.

"No."

"Bakit?"

"Masarap higaan kama mo."

"Sinungaling." Dahan-dahan siyang dumilat ulit bago tumingin sakin.

"Fine," sabi niya. "Masarap ka katabi."

Napatulala ako. Then siya napangisi lang.

Halatang nang-aasar.

"BAKLA!" sabi ko sabay hampas ng unan sa mukha niya.

Napatawa siya nang mahina habang ako naman mainit na naman mukha ko, sobrang aga pa lang, binubwisit na niya agad ako.

Tumayo na ako bago pa tuluyang lumala mga pinagsasabi ni Kaelis.

"Bumangon ka na nga," sabi ko habang inaayos buhok ko. "Ang aga-aga mo mangbwisit."

Napangisi lang siya habang nakahiga pa rin sa kama ko na parang siya may-ari ng condo. Grabe talaga.

Pagkalabas ko ng kwarto, agad akong sinalubong ng amoy ng nilulutong breakfast.

Then pagdating ko sa kitchen literal na napatigil ako.

"Wow," sabi ko habang nakatitig. "Aviel? Ikaw? Nagluluto ng breakfast?"

Nakatayo si Aviel sa harap ng stove, naka-hoodie lang habang busy mag-flip ng pancake.

Paglingon niya sakin, ngumisi agad.

"Good morning, lovebirds." Napairap ako agad. "Lovebirds?" ulit ko. "Kung suntukin kaya kita." Napatawa siya.

"Violence agad pagkagising."

Pero honestly nakakagulat talaga. Kasi puno yung counter ng pagkain. May pancakes.

Bacon eggs, hotdog. Pati coffee naka-ready na.

"Himala," sabi ko habang lumalapit sa table. "At nagluto ka."

"Syempre," sagot ni Aviel habang proud na proud. "Para sainyo."

"Ang dramatic mo."

Sakto namang lumabas si Kaelis mula sa kwarto ko. Gulo-gulo pa rin buhok niya pero mukhang fresh pa rin nakakainis.

Pagkakita ni Aviel sa kanya, mas lalo pang lumawak yung ngiti.

"Morning, brother-in-law."

"Tumigil ka," sabi ko. Eh siya nga ang type nito ni bakla. Napatawa si Aviel nang malakas.

Umupo agad si Kaelis sa table na parang regular na siyang nakatira doon.

"Bakla," sabi ko habang inaayos plates, "anong gusto mo?" Tumingin siya sa breakfast spread.

Then very calmly "I want all." Napakurap ako. "All?"

"And the eggs," dagdag niya habang tumataas pa kilay, "make it two."

Napahinto utak ko at bigla akong napatawa.

As in malakas. Napatingin agad silang dalawa sakin.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Kaelis habang nakakunot noo.

Napailing ako habang tumatawa pa rin.

"Wala."

"Obviously meron." Napakagat ako labi ko habang pilit tumitigil tumawa.

Kasi kung saan-saan nanaman napunta utak ko.

"Mahilig ka talaga," sabi ko habang umiiling.

Mas lalo siyang kumunot noo. "What?"

Biglang natawa si Aviel sa realization.

"OHHHHH-"

"Tumahimik ka!" sigaw ko agad.

Pero huli na. Napatingin na sakin si Kaelis.

At dahan-dahang napangisi. As in yung smirk na alam mong may balak manggulo.

"Actually," sabi niya habang nakasandal sa chair, "remove the eggs and hotdog."

Nanlaki mata ko nang konti, ngumisi siya lalo.

"Make it two pancakes then." Literal na naestatwa ako.

Habang si Aviel naman halos mamatay kakatawa sa kitchen.

"At ako pa manyak mag-isip?" dagdag ni Kaelis habang naka-smirk pa rin.

"KAELIS!"

Napatawa siya nang mahina habang ako naman gusto ko na lang ibaon mukha ko sa mesa. Nakakainis talaga 'tong baklang 'to.

Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain.

Well normal kind of tahimik.

Yung may tunog ng utensils, coffee machine, at paminsan-minsang tawa ni Aviel habang may chinecheck sa phone niya.

Ako naman, pilit iniiwasan tumingin kay Kaelis.

Kasi hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa pancake joke niya. At mas nakakainis kasi alam niyang affected ako.

Siya naman, kalma lang na kumakain ng breakfast na parang walang ginawang kaguluhan five minutes ago.

Then bigla siyang nagsalita.

"Hm." Napalingon kami ni Aviel sa kanya.

Nilapag niya yung fork niya saka sumandal sa chair.

"Pancake tastes better than hotdog and eggs."

Tumigil utak ko. Nabulunan ako sa iniinom kong coffee.

"Aveline?" sabi ni Aviel habang natatawa na agad.

Si Kaelis naman nakatingin lang sakin. Inosente kunwari. Pero halatang nang-aasar. Napainom ako agad ng tubig habang inuubo pa rin.

"Baliw ka talaga," bulong ko.

Tumaas kilay niya. "What?" As if wala siyang ginawa. Napairap ako saka binanatan ko rin siya.

"Mas masarap pa rin hotdog and eggs," sabi ko habang nakatingin diretso sa kanya, dahan-dahang tumaas kilay ni Kaelis.

"Why?" tanong niya. "Lagi ka bang nakakain non?" Nanlaki mata ko nang konti.

Then napangisi ako. "Secret." Napakunot noo siya. "Why secret?" tanong niya. "It's just food."

Napatawa ako nang mahina. "Eh secret gusto ko," sagot ko habang umiinom ulit ng coffee. "Bakit ba?"

Nakatitig lang siya sakin. As in diretso.

Parang may iniisip nanaman. At nakakainis kasi ramdam ko agad yung tension.

Yung weird na tension na parang normal lang usapan niyo pero iba na dating ng bawat salita.

Magsasalita pa sana si Kaelis nang biglang sumingit si Aviel.

"Honestly," sabi niya habang busy sa pancakes niya, "both of them are okay." Then tumingin siya samin pareho.

"I think pancake, egg, and hotdog complete package." Napatawa ako nang malakas.

"Thank you!" sabi ko agad.

Kasi honestly buti nalang sumingit siya.

Dahil kung hindi hindi ko alam saan pupunta usapan namin ng baklang 'to.

Si Kaelis naman, umirap lang habang umiinom ng coffee niya.

"Ang babaw niyo."

"Ikaw nagsimula," sabi ko agad.

"Hindi ko kasalanan kung green minded ka."

Nanlaki mata ko. "Excuse me?!" Napangisi siya.

Then kalmado niyang sinubo yung pancake niya habang ako naman gusto ko na ulit siyang hampasin ng unan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.