Kabanata 18

Mahaba yung lecture after activity. As in sobrang haba.

Halos dalawang oras kaming hindi makatayo habang tuloy-tuloy yung discussion tungkol sa body constitution at thermal balance sa Traditional Chinese Medicine.

Tahimik lang ako sa tabi ni Kaelis, sinusubukan magsulat kahit unti-unti nang sumasama pakiramdam ko.

Masakit puson ko. Yung tipong kumikirot hanggang likod. Pero ayoko magsalita.

Ayoko maging dramatic.

Kaya tahimik lang ako, nakasandal nang konti sa upuan habang pilit nakikinig sa lecture.

Hanggang sa bigla akong napahawak sa tiyan ko. Maliit lang na movement.

Pero napansin niya agad.

"Hey." Napalingon ako kay Kaelis.

Naka-kunot noo siya habang nakatingin sakin. "What?"

"You look pale." Umiling agad ako.

"I'm fine." Umirap siya "Liar."

Hindi ko na siya pinansin. Binalik ko na lang tingin ko sa harap. Pero ilang minuto lang sumakit nanaman.

Mas malala. Napapikit ako saglit. At doon na siya nainis. "Stand up."

Napalingon ako agad. "...ha?"

"Clinic," sabi niya habang inaayos na yung gamit niya.

"Kaelis okay lang-"

"No." Diretso. Walang debate.

Bago pa ako makatanggi, tumayo na siya saka kinuha bag ko. Nanlaki mata ko.

"Hoy!"

"Walk properly," sabi niya habang nauuna palabas. Napailing na lang ako habang sumusunod.

Grabe talaga. "Prof I'll accompany to her clinic, masakit tyan niya. Tumango ang prof.

Tahimik yung hallway habang papunta kami sa school clinic. Wala masyadong students dahil ongoing pa classes.

Pagdating namin doon, binuksan ni Kaelis yung pinto saka sumilip.

Walang tao. "Nasaan nurse?" bulong ko.

Umikot tingin niya sa loob. "Probably lunch." Napabuntong-hininga ako.

"Okay lang, babalik nalang ako "Bigla siyang lumingon sakin.

"Sit." Napakurap ako. "Ha?"

"TCM clinic 'to," sabi niya. "We literally know what to do." Hindi ko na alam irereact ko. Pero sumunod na lang ako.

Umupo ako sa examination bed habang si Kaelis naman dumiretso sa cabinet ng clinic.

Parang kabisado niya. Kumuha siya ng maliit na herbal heating pouch saka kung anu-anong herbs.

Amoy mugwort at lavender agad yung paligid. Mainit. at calming. Tahimik lang ako habang pinapanood siya maghanda.

Nakakapanibago kasi seryoso siya.

"Lie back a little," sabi niya. Dahan-dahan akong sumandal. Then lumapit siya.

Mas malapit kaysa usual.

Nanlaki mata ko nang bahagya nang iangat niya konti yung uniform ko sa may tiyan.

"Kaelis-"

"Relax," sabi niya agad. "You're tense."

Mainit yung tenga ko. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Siguro dahil sobrang lapit niya. O dahil first time niyang ganito ka-gentle.

Tahimik lang siya habang inaayos yung warm herbal compress sa lower abdomen ko.

Maingat. As in sobrang maingat.

At doon ko napansin iniiwas niya yung tingin niya.

Hindi siya makatingin diretso sakin.

Minsan pa nga parang pinupunasan niya pawis sa gilid ng noo niya.

Napakunot noo ako. "...pinagpapawisan ka?"

Bigla siyang umirap. "Mainit."

"Airconditioned."

"Shut up." Napatawa ako nang mahina.

Pero hindi na siya sumagot. Busy ulit siya sa pag-aayos nung warm pouch sa tiyan ko.

Mainit yung pakiramdam. Comforting.

Unti-unting nawawala yung sakit.

"You use warming therapy kapag cold tension and cramps," sabi niya habang inaayos yung cloth sa ibabaw nung compress. "Mugwort helps circulation."

Tahimik akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya.

Ang weird.

Kasi si Kaelis na usually puro kaartehan at pang-aasar sobrang calm ngayon. At sobrang careful.

"Too hot?" tanong niya nang mahina.

Umiling ako. "Hindi." Tumango siya.

"Good."

Hanggang sa dahan-dahan akong naparelax.

Napansin niya agad.

"You'll be okay soon," sabi niya habang inaayos yung blanket sa gilid ko.

Napatingin ako sa kanya. Then napangiti nang konti. "Thank you."

Saglit siyang natigil. Parang hindi sanay marinig yun. Then umirap nanaman.

Pero mahina lang this time. "Obviously," sabi niya. Napatawa ako nang mahina habang nakapikit ulit.

Pagkatapos kong magpahinga sa clinic, medyo gumaan na talaga pakiramdam ko.

Hindi na sobrang sakit.

May init pa rin sa tiyan ko dahil sa herbal compress, at surprisingly... effective talaga.

Tahimik lang kami ni Kaelis habang naglalakad palabas ng building nung uwian.

Katabi ko siya.

One hand nasa pocket habang hawak niya bag ko gamit kabilang kamay na parang automatic na lang.

"Kayang maglakad?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. "Oo naman."

"Sure?" Napairap ako.

"Hindi ako mamamatay."

"OA ka."

Hindi ko rin mapigilan mapansin mas tahimik siya ngayon. Hindi yung awkward.

Mas parang... naka-focus lang sakin.

Paminsan-minsan pa sumusulyap siya.

Nakakabaliw honestly.

Pagdating namin sa condo, akala ko ihahatid niya lang ako hanggang lobby gaya ng usual.

Pero hindi. Diretso siyang sumabay sakin papasok ng elevator. Napalingon ako sa kanya.

"...sasama ka?" Hindi siya tumingin sakin.

"Obviously." Napakurap ako.

Sa isip-isip ko ah.

Miss niya siguro si Aviel. Kaya hinayaan ko na. Pagkabukas ng condo, agad kaming sinalubong ni Aviel.

"...wow," sabi niya. "Magkasama nanaman kayo." Napairap ako habang naghuhubad ng shoes.

"Ang ingay mo."

Pero bago pa ako makadagdag biglang nagsalita si Kaelis.

"I'll sleep here." napalingon kaming dalawa ni Aviel sa kanya. "...ha?" sabi ko.

Kalma lang si Kaelis habang nilalapag bag niya sa sofa. "I'll sleep here." Nanlaki mata ko.

"Hoy," sabi ko agad. "Baka hanapin ka sainyo."

"Independent ako."

"Eh di matulog ka kay Aviel," sabi ko habang tinuturo kakambal ko. Pumitik agad tingin ni Kaelis sakin.

"No." Napakurap ako. "No?"

"Sayo ako matutulog," sabi niya diretso. "Let me treat you." Biglang napa-"wooooh" si Aviel mula sa sofa.

"Asan camera ko-"

"Tumahimik ka nga!" sigaw ko agad. Mainit na naman mukha ko. Napalingon ulit ako kay Kaelis.

"Bakla ka," sabi ko. "Bakit sakin?"

Tumaas kilay niya. "Kasi bakla ako?" sagot niya. "Mas okay kung bakla may malisya sayo?" Napahinto ako. ...may point naman.

Nakakainis. Tahimik akong napaisip saglit habang si Aviel naman tawang-tawa sa gilid.

At honestly inalagaan naman niya ako buong araw. Dinala sa clinic. Ginawan ng warming therapy.

Pinauwi. So... okay lang siguro. Konti.

"Fine," sabi ko sa wakas. Napangisi agad si Aviel.

"OMG."

"Tumahimik ka," sabi ko. "Wala akong damit," sabi ni Kaelis maya-maya habang nakatayo sa sala.

Tumayo si Aviel. "Ako na bahala."

Pagbalik niya, may dala siyang extra shirt at pajama shorts. Very lalaki.

As in oversized dark shirt saka black pajama. May bago pang toothbrush.

Inabot niya kay Kaelis. Pagkakita pa lang nito umirap agad siya.

"Ew." Napakurap si Aviel. "Ano?"

"Too manly." Napatawa ako nang malakas.

"Kaelis!" sabi ko habang tumatawa. "Pantulog lang 'yan!"

"Exactly," sagot niya na parang offended talaga. Pero wala siyang choice.

After ilang minuto, lumabas din siya galing bathroom suot yung hiniram na damit.

At nakakainis kasi bagay sa kanya.

As in sobra.

Nawala yung usual niyang sosyal rich guy aura tapos naging... boyfriend material?

Nanlaki mata ko sa sariling thought ko.

"Ano ba pinag-iisip mo, Aveline," bulong ko agad sa sarili ko.

"Hmm?" tanong ni Kaelis habang nagpupunas buhok.

"Wala!" Napataas kilay niya pero hindi na siya nagtanong.

Habang nagpapahinga ako sa sofa, naamoy ko bigla yung niluluto. Napalingon ako sa kitchen.

Si Kaelis. Busy maghalo ng kung ano sa pot.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko. "Porridge," sagot niya. "Mas okay sa tiyan mo." Napakurap ako. "...marunong ka magluto?"

Napalingon siya sakin na parang insulto yung tanong.

"Obviously, nagkukunwari lang ako last time para pahirapan ka" inirapan ko siya.

Pero nakakainis magaling nga. Mabango.

Warm. Comforting.

Tahimik lang ako habang pinapanood siyang magluto, at for some reason sobrang domestic nung scene. Parang sanay na siya dito. Parang matagal na. At syempre masarqp.

Pagkatapos kumain at magligpit, saka lang kami tuluyang naghanda matulog. At dahil feeling prinsesa si Kaelis nag-agawan kami sa kumot.

"Asan yung kalahati ko?!" sabi ko habang hinihila yung blanket. "Akin 'to," sagot niya habang nakapikit.

"Kaelis!"

"Higa ka kasi nang maayos."

"Sasampalin kita."

"Sabunutan mo nalang ako."

Napairap ako habang hinihila ulit yung kumot. "Sabunutan talaga kita."

Dahan-dahan siyang dumilat, then nag-smirk.

"What kind of sabunot, Aveline?" sabi niya. "There are two types."

As in literal na tumigil utak ko. Nanlaki mata ko. "Kaelis!"

Napatawa siya nang mahina habang ako naman hinampas ko siya ng unan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.