Kabanata 17

Changed Preference

Normal lecture lang ngayong araw.

Tahimik yung classroom, nagsusulat yung iba habang si professor tuloy-tuloy lang sa discussion tungkol sa meridian pathways at herbal interactions.

Ako, sinusubukan ko talagang makinig.

Sinusubukan lang.

Kasi yung katabi ko abala. As in sobrang abala. Napalingon ako kay Kaelis na mukhang walang balak seryosohin yung lecture.

Nakabukas notebook niya pero hindi nagsusulat. Sa halip inaayos niya yung collection ng pink niyang ballpen sa table.

Apat, iba-iba pa shade. May pastel pink, rose gold, baby pink, tapos yung isa may glittery na stars sa loob.

"Kaelis," bulong ko, "makinig ka kaya no?."

Hindi siya tumingin sakin. Busy pa rin siya kakapindot nung glitter pen na umiilaw pa yata sa sobrang arte.

"I know."

"Eh bakit parang school supplies haul ginagawa mo?" Umirap siya agad.

"These are limited edition."

Tapos parang wala lang, kumuha siya ng dalawa saka nilapag sa notebook ko.

"Here." Napatingin ako sa pens.

Then sa kanya. "...para saan?"

"Obviously para gamitin mo."

"Bakit pink?" Doon na siya tumingin sakin.

"Bagay sayo." Napailing ako habang natatawa. "Hindi ka ba nakikinig?"

"Kaya ko makinig at maging stylish at the same time." Napatawa talaga ako doon.

Kasi sobrang siya nung sagot. Habang si professor tuloy-tuloy sa lecture, si Kaelis naman kung anu-anong ginagawa. Minsan inaayos niya buhok niya gamit front camera ng phone niya, minsan nagdo-doodle ng kung ano sa notebook niya.

"Ang kulit mo naman," bulong ko. "Pretty people get bored easily."

Napairap ako. "Yabang."

"True naman." Hindi ko na pinatulan.

Honestly natutuwa nalang akong panoorin minsan yung kaartehan niya.

Pagdating ng lunch break, nagsitayuan agad yung mga tao. Magsasalita pa sana si Kaelis nang biglang may humila sa kanya.

Yung group of friends niya.

"Hoy," sabi nung isa. "Hindi ka na sumasabay samin simula dumating si Aveline."

"Totoo," dagdag nung isa. "Akala ko ba enemy kayo?" Umirap si Kaelis habang inaayos yung bag niya.

"Ang ingay niyo." Napatawa yung friends niya. Hindi ko na pinansin.

Nag-aayos na lang ako ng gamit ko nang may lumapit sakin.

Si Carmela. "Kain?" tanong niya. Napangiti ako. "Sure." At least normal.

Pagdating namin sa canteen, halos magkatabi lang yung tables namin nila Kaelis. Magkaibang group.

Pero malapit enough para marinig ko pa rin yung boses niya minsan.

Tahimik lang ako habang kumakain kasama nina Carmela at PJ nang may biglang lumapit sa table nila.

Lalaki. Mukhang upper year. At mukhang... bothered.

"Kaelis," sabi nito agad. "Why are you ignoring my calls?" Napatingin yung iba.

Pati ako. "I thought type mo ako?" Napairap agad si Kaelis.

Then sumandal siya sa chair niya bago tumingin doon sa lalaki.

"I changed my preference," sabi niya, diretso lang. Pati ata hangin huminto.

Then tinuro niya palayo gamit chopsticks niya.

"Shoo." Nanlaki mata nung lalaki. Halatang napahiya. "At least say it properly," sabi nito bago umalis, halatang badtrip.it.

Then bumalik ulit yung usapan sa paligid.

Pero ako nagulat lang. Anong trip nanaman ng baklang 'to?

"At bakit mo kailangan mang-shoo ng tao?" tanong nung isa niyang friend habang tumatawa.

"Because he's annoying," sagot ni Kaelis habang umiinom ng drink niya.

"Mas annoying ka," singit ni PJ mula sa table namin. "Thank you," sagot ni Kaelis agad.

Kasi honestly wala na talagang normal kay Kaelis.

Tahimik na ulit yung canteen pagkatapos nung drama ni Kaelis.

Well, as in tahimik as possible sa school namin.

Ako naman, kalmado lang na kumakain habang si Carmela at PJ busy magkwentuhan tungkol sa kung sino daw pinaka-terror sa Section A.

"Obviously si Kaelis," sabi ni PJ.

"Hindi," sagot ni Carmela. "Mas terror pa si Professor Han."

Napatawa ako nang mahina habang umiinom ng drink ko.

Sa kabilang table, rinig ko pa rin minsan yung boses ni Kaelis kasi ang lakas niyang tumawa kapag kasama friends niya.

Arte talaga.

Pero bago pa ako makabalik sa pagkain may huminto sa harap namin.

Napalingon ako. Si Jarren. Yung taga-Section C. As in hinanap niya talaga ako sa canteen.

"Hi," sabi niya, medyo awkward pero nakangiti pa rin.

"Oh, hi." May hawak siyang maliit na paper bag na kulay pink.

Cute. Mukhang gift shop packaging.

"Uh..." sabi niya habang nilalapag yun sa table ko. "Simple gift lang."

Nanlaki mata ko. "Ha?" Napatawa si Carmela agad. "Wow," bulong niya.

"Aveline sikat," dagdag ni PJ. Napailing ako.

"Hindi mo naman kailangan-"

Magbubukas pa lang sana ako nung bag nang may biglang tumayo mula sa kabilang table.

Si Kaelis. Diretso siyang lumapit, walang hiya, walang paalam. Kinuha niya agad yung paper bag sa harap ko.

"Kaelis-" sabi ko. Pero binuksan na niya.

Pagkakita niya sa loob umirap siya agad.

"Fuchsia pink?" Napakurap ako.

Kasi totoo nga. Bright fuchsia pink yung laman. Cute naman. Pero very loud yung color.

Then walang warning sinabi niya: "Akin na lang 'to." Tahimik yung table namin. Pati si Jarren mukhang nalito.

Napatingin ako kay Kaelis. "...ha?" Kalma lang siya habang hawak yung gift na plushie.

"Aveline is more into pastel," sabi niya habang tinitingnan yung laman, "but her favorite is purple pastel."

As in literal na napatulala ako. Pati sila Carmela at PJ.

"Bakit mo alam?" tanong ko bago ko napigilan sarili ko. Doon lang siya napahinto saglit.

Then umirap. "Obvious naman." Napakurap ako. Hindi ko alam irereact ko.

Kasi... tama siya. Yun talaga gusto kong shades. At hindi ko maalala na sinabi ko 'yon directly sa kanya.

"Akin 'yan," sabi ko habang inaabot yung gift pabalik. Hindi niya agad binitawan.

"I'll buy you nineteen of this," sabi niya habang naka-irap pa rin. Napatawa si PJ nang malakas.

"Labas mo wallet mo kung may nineteen."

"Shut up," sagot ni Kaelis bago niya tuluyang binitawan yung gift at bumalik sa table nila na parang walang nangyari.

As in bumalik lang siya sa upuan niya.

Parang normal behavior yung mang-agaw ng regalo ng ibang tao. Napailing ako habang hawak yung paper bag.

"Sorry," sabi ko kay Jarren, medyo nahihiya na. "Baka type ka kasi." Napatawa si Carmela agad.

"Ay wow."

"Protective si bakla," dagdag ni PJ.

"Hindi protective," sagot ko agad. "Baliw lang."

Pagkatapos ng lunch break, akala ko tapos na yung kalokohan ni Kaelis.

Hindi pala. Kasi dala-dala niya pa rin yung gift. Hawak niya habang naglalakad kami pabalik ng building na parang kanya talaga.

"Kaelis," sabi ko habang sinusundan siya sa hallway. "Akin 'yan." Hindi siya lumingon.

"Hindi bagay sayo yung fuchsia." Napairap ako. "Pakialam mo ba?"

"Meron."

"Bakit?"

"Masakit sa mata." Napabuntong-hininga ako.

"Kaelis," sabi ko ulit habang sinusubukan abutin yung paper bag, "ibigay mo na."

Bigla niyang tinaas yung kamay niya.

As in mataas. Nanlaki mata ko. "Excuse me?!"

"Talon," sagot niya habang nakangisi.

"Ang immature mo."

"Thank you."

Tumalon ako nang konti para abutin yung gift pero mas matangkad siya. At mas lalo pa niyang tinaas.

"Kaelis!" Naririnig ko na yung tawa nina PJ at Carmela sa likod.

"Ang cute niyo," sabi ni Carmela.

"Hindi cute 'to!" sagot ko agad habang pilit inaabot yung bag. "Talon pa," dagdag ni Kaelis. "Kaya mo 'yan."

"Bwisit ka." Tumayo pa siya nang mas diretso. Mas tinaas yung kamay.

As in nang-aasar talaga. Kaya lumapit pa ako. Mas malapit. Halos dikit na kami.

"Akin na kasi-" Bigla akong natulak mula sa likod. "Asarin mo pa!" tawang-tawa na sabi ni Carmela.

Nanlaki mata ko.

"Asan-" Pero huli na. Nawalan ako ng balance. Diretso akong bumags akokay Kaelis.

Napahawak siya agad sa bewang ko reflexively habang pareho kaming natumba paatras sa wall.

Tahimik. As in literal na tumigil mundo ko.

Nanlaki mata ko. Nasa ibabaw ako ni Kaelis.

At nahalikan ko siya. Saglit lang .Pero sapat.

Sapat para matulala kaming pareho. May mga naglabas ng phone.

As in walang gumalaw. Walang nagsalita.

Pati sila PJ natahimik. Then biglang bumalik utak ko. Tumayo agad ako.

"Bakit ba kasi!" sabi ko agad kay Kaelis kahit lutang na lutang ako. "Akin 'yan!"

Hindi ko na alam pinagsasabi ko.

Basta gusto ko na lang mawala.

Pero si Kaelis nakatulala pa rin.

Then dahan-dahan siyang napahawak sa labi niya.

"Omg," sabi niya, mukhang traumatized nanaman. "My lips." Nanlaki ulit mata ko.

"Kaelis-"

"My lips!" ulit niya habang nakatitig sakin. "Again?!" Mas lalo akong nahiya.

Ramdam ko init ng mukha ko hanggang leeg.

Hindi ko na alam saan titingin.

"Omg," bulong ko sa sarili ko. Ano nanaman 'tong katangahan na ginawa ko?!

"Sana binigay mo na lang!" sabi ko agad habang paatras na naglalakad.

Then bago pa may magsalita tumakbo na ako. Iniwan ko silang lahat sa hallway.

Habang tumatakbo ako, napahawak ako sa noo ko. "Baliw ka talaga, Aveline," bulong ko sa sarili ko. Kasi pangalawang beses na 'yon.

At somehow mas nakakahiya ngayon.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.