Kabanata 16

Pagkatapos ng activity, halos lahat busy pa rin kakatingin sa ginawa nilang herbal pouches.

May mga nagpi-picture pa. May nagco-compare ng designs. Si Carmela nga nilapitan pa yung gawa namin.

"Ang unfair," sabi niya habang hawak yung pink pouch na ginawa ni Kaelis para sakin. "Mukhang binebenta sa luxury store."

Napatawa ako. "Arte lang talaga 'yan."

"Excuse me?" singit ni Kaelis mula sa tabi ko. "Taste tawag doon." Umirap ako.

Pero honestly ang cute talaga nung ginawa niya. At mas nakakainis kasi pink din yung ginawa ko para sa kanya. Kasi bading naman siya.

As in soft pink pa talaga yung fabric na napili ko, tapos nilagyan ko ng silver ribbon kasi feeling ko babagay sa maarte niyang aesthetic.

Pagkakita niya kanina umirap lang siya.

Pero hindi niya binitawan. Actually masyado pa nga niyang iningatan.

Habang nag-aayos kami ng gamit, napansin kong maingat niyang nilagay sa bag niya yung herbal pouch na ginawa ko.

Hindi basta tinapon. Hindi rin pinasok nang basta-basta.

"Break time," sabi ng professor. "You can leave for now." Biglang nag-ingay yung room.

Tumayo agad si PJ at lumapit sakin.

"Aveline," sabi niya, nakangiti, "kain tayo?"

Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Kaelis.

"No." Napalingon kami sa kanya. Kalma lang siya habang inaayos yung sleeves niya.

"She's not allowed." Nanlaki mata ko.

"Ha?"

"Baka magalit ang twin niya," dagdag niya. "And her twin knows me. Sakin siya sasama. Baka ma-punch ka non." Napatawa si Daryl.

"Protective." Napalingon ako kay Kaelis.

"Hoy, Kaelis," sabi ko. "Wala namang sinabi si Aviel ha." Inirapan niya lang ako.

Then bago pa ako makareact hinila niya yung dulo ng uniform ko palabas ng room.

"Let's go."

"Excuse me-"

"I'm hungry," sabi niya habang naglalakad. "At ayoko sa canteen."

Napailing na lang ako habang sumusunod.

Grabe talaga 'to.

Nagpunta kami sa isang brunch café malapit sa school.

Amoy kape at bagong bake na pastries.

"Ang sosyal nanaman," sabi ko habang nakatingin sa paligid. "Obviously," sagot niya.

Paglapag pa lang namin ng menu, tumawag na agad siya ng waiter.

As in hindi man lang tumingin. Parang memorize na niya lahat.

"Omelette, truffle pasta, smoked salmon toast..." dire-diretso niyang sabi.

Napakurap ako. "Pang sampung tao nanaman ba 'to?"

"Relax," sagot niya. "Brunch lang."

"Brunch daw." Napailing ako habang tumatawa.

Umorder lang ako ng iced latte at konting pagkain kasi busog pa rin ako from last night.

Pero si Kaelis parang naghahanda ulit para sa gyera. Pagdating ng desserts display sa menu, bigla siyang tumingin sakin.

"Cheesecake?" Napatingin ako agad.

"...ha?"

"Strawberry cheesecake," dagdag niya. "You like that, right?" Napakurap ako.

As in legit na nagtaka ako. "How did you know I like this?" Kalma lang siyang sumandal sa upuan.

"Duh," sabi niya. "Kambal kayo ni Aviel."

Napaisip ako saglit. Then dahan-dahan akong tumango. Makes sense.

Pagdating nung pagkain namin, literal na napatingin ulit ako sa mesa.

Ang dami nanaman. Hindi ko na alam bakit ako nagugulat eh ganito naman talaga si Kaelis. Extra.

"Hindi tayo tatlong tao," sabi ko habang nakatingin sa brunch plates.

"Obviously," sagot niya habang inaayos yung sleeves niya. "Pero gutom ako."

"Feeling ko hindi ka nabubusog emotionally." Napatingin siya sakin.

Then umirap. "Corny."

Napatawa ako habang kinukuha iced latte ko.

Pero habang nagsisimula na kaming kumain, napansin ko nanaman. Yung pagiging gentleman niya. As in nakakainis na. Hindi ko alam bakit ganito siya kapag kami lang.

Kanina pa siya nag-aayos ng plates. Tapos ngayon pinaghihiwa niya pa ako ng pagkain.

Tahimik lang siyang kumuha nung smoked salmon toast, saka maingat na hinati sa maliit na pieces bago nilagay sa plate ko.

"Kaelis," sabi ko habang nakatingin sa kanya. "May kamay ako."

"Good for you." Napairap ako. "Hindi ako bata."

"Hindi rin marunong kumain nang maayos," sagot niya agad.

Napailing na lang ako habang kumukuha nung strawberry cheesecake.

Honestly hindi ko maintindihan minsan.

Kasi sa school, akala mo kinamumuhian ako.

Tapos ngayon parang boyfriend na ewan.

Well... baklang boyfriend. Napatawa ako mag-isa sa isip ko.

"What?" tanong niya. "Wala."

Halatang hindi siya naniwala pero hinayaan niya na lang.

Saglit kaming tahimik habang kumakain, pero hindi awkward.

Parang sanay na kami magkasama. Which is weird. Kasi ilang weeks lang naman.

"Anong hobby mo?" tanong ko bigla habang sinusubo yung cake. Napatingin siya sakin.

"Hobby?" Tumango ako.

"Yeah. Besides mang-away."

Umirap siya agad. "I don't like mang-away."

"Sure." Napasandal siya sa upuan bago sumagot.

"Skin care," sabi niya. "Shopping, pilates minsan." Napigilan ko talaga matawa.

"As expected."

"Excuse me?"

"Ang bakla." Napataas yung kilay niya.

"Tasteful."

"Same thing." Napailing siya habang umiinom ng drink niya.

"And you?" tanong niya pabalik. Napaisip ako saglit.

"Boring hobby ko," sabi ko. "Reading saka cooking."

Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sakin habang umiikot yung straw sa drink niya.

"That's not boring." Napakurap ako.

"Ha?"

"Cooking is useful," sabi niya, casual lang. "And reading is hot." Nanlaki mata ko.

"Asan yung hot doon?" Umirap siya.

"You think too much."

"First time may nagsabing hot ang pagbabasa."

"First time ko rin makakain ng maayos dahil sa isang babae." Napahinto ako.

Napatingin ako sa kanya. Pero si Kaelis wala lang.

As in parang wala lang sinabi niya. Busy pa siya kakahiwa ng cake ko.

"At first time ko rin," dagdag niya habang nilalagay yung strawberry sa plate ko, "na hindi naiirita makipag-usap nang matagal."

Hindi ko alam bakit pero biglang umiinit yung mukha ko. At mas nakakainis parang napansin niya.

Napangisi siya. "Omg," sabi niya. "Namumula ka."

"Mainit."

"Nasa airconditioned café tayo."

"Tumahimik ka nga."

Pagbalik namin sa campus, medyo mabagal na yung lakad ko dahil sa kabusugan.

As in feeling ko kaya ko nang matulog sa library.

"Grabe," sabi ko habang hawak yung bag ko. "Ang dami nating kinain."

"Correction," sagot ni Kaelis habang naglalakad sa tabi ko. "Ang dami kong inorder."

Napatawa ako. "True."

Tahimik kami saglit habang naglalakad pabalik sa building, pero hindi awkward.

Actually nakakapanibago na hindi awkward.

Kasi dati halos gusto namin magsabunutan.

Ngayon nagb-brunch na. Weird.

"Anyway," sabi ko, "thank you."

Napatingin siya sakin. "For what?"

"Sa libre," sagot ko. "Again." Umirap siya agad. "Obviously."

"Hindi ka ba marunong tumanggap ng maayos na thank you?"

"Hindi bagay sakin." baklang to.

Pagpasok namin sa hallway ng building, may mga students na ulit sa paligid. Maingay, magulo, may mga nagmamadaling pumasok sa next class.

Maglalakad na sana ako diretso nang may biglang humarang.

"Hi." Napalingon ako.

Lalaki. Mukhang hindi taga-Section A.

Clean looking, medyo matangkad, mukhang mabait naman.

"Uh, hi?" sagot ko. Ngumiti siya.

"I'm Jarren," sabi niya. "From Section C."

Tumango ako nang konti. "And ang interesting mo," dagdag niya habang nakangiti pa rin. "Can I be friends with you?"

"Sorry, but no." Napalingon ako agad. Si Kaelis. Diretso siyang lumapit saka hinila yung wrist ko palapit sa kanya.

Nanlaki mata ko. "As in ikaw sasagot?" sabi ko. Pero hindi niya ako pinansin.

Sa halip, tumingin siya kay Jarren nang diretso.

"She's my friend's twin," sabi niya nang medyo malakas. "Wag kang mag-dare."

As in pati si Jarren mukhang naguluhan.

"Ano?" sabi ko habang pilit binabawi yung kamay ko. "Baliw ka ba?" Napalingon siya sakin.

Then tumaas yung kilay niya. "Friendly ka ba talaga?" tanong niya.

Napakunot noo ako. "Ha?"

"Kanina lang Section A," sabi niya habang naglalakad ulit na parang wala lang, "ngayon Section C naman." Napatawa ako nang wala sa oras.

"Selos ka ba?" Bigla siyang napahinto..

Then umirap. "Please." Napangisi ako habang sumusunod sa kanya.

"Omg," sabi ko. "Selos nga."

"Delusional ka nanaman."

"Eh bakit mo ko hinihila?"

"Because you walk slow."

"Sinungaling." Napailing siya habang inaayos yung bag niya sa balikat.

Pero kahit anong deny niya hindi ko ma-ignore yung fact na kanina pa niya ako hinihila kung saan-saan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.