Kabanata 24

Pagkatapos ng buong araw na field activity, dinala kami ng school sa nearby forest retreat kung saan kami mag-oovernight.

Part daw iyon ng immersion program.

Malamig ang hangin. Puro kahoy yung cabins at napapalibutan ng tall trees at herbal gardens.

Honestly sobrang ganda.

"Parang healing K-drama," bulong ni Carmela habang naglalakad kami papunta sa cabins.

"At least may sariling rooms," dagdag ni PJ. "Ayoko may marinig humihilik."

Napatawa ako nang mahina habang hinihila luggage ko. Thankfully, may sari-sarili kaming room for comfort and privacy.

At dahil buong araw kaming naglakad sa herbal district halos lahat pagod na agad.

Pagkatapos ng dinner at reminders ng professors, kanya-kanya nang pasok yung students sa cabins nila.

Ako rin sana. Pero pagdating ko sa room ko hindi pa ako inaantok.

Napatingin ako sa bintana. Sa labas, kita yung forest trail at ilang herbal gardens na may soft yellow lights sa gilid.

Ang peaceful tingnan. Kaya after magpalit ng hoodie, napagpasyahan kong lumabas muna saglit para magpahangin.

Tahimik yung paligid habang naglalakad ako sa trail. Rinig lang yung tunog ng hangin at mga dahon. Minsan may maririnig kang kuliglig.

At habang naglalakad ako, napansin kong may mga tanim talagang herbs sa gilid ng path.

Lavender.

Mugwort.

Mint.

May labels pa yung iba.

Napangiti ako habang inaamoy yung ibang halaman. Ang calming.

"Okay," bulong ko sa sarili ko. "Worth it lumabas." Nagpatuloy lang ako maglakad.

Hindi ko napansin na palalim na pala nang palalim yung napupuntahan ko.

Mas dumidilim. At unti-unting nawawala yung ilaw galing cabins.

Hanggang sa bigla akong natigilan. Napalingon ako sa paligid.

Walang tao, walang ilaw. Nanlaki mata ko nang bahagya.

"...wait." Dahan-dahan kong kinuha phone ko. No signal. Napakurap ako.

"Teka lang." Sinubukan kong bumalik sa dinaanan ko.

Pero habang naglalakad ako mas lalo akong nalilito. Pare-pareho yung puno. Pare-pareho yung daan. At ngayon madilim na talaga.

Unti-unti akong kinakabahan.

Napahawak ako sa hoodie ko habang mabilis na tumitibok puso ko.

"Ang tanga mo, Aveline," bulong ko sa sarili ko. Sino bang matinong tao lalakad mag-isa sa forest sa gabi? Napabuntong-hininga ako habang pilit kumakalma.

"Okay lang," sabi ko sa sarili ko. "Hindi ka mawawala."

Pero kahit anong sabihin ko ramdam kong naliligaw na talaga ako.

Mas lalo pang dumilim habang tumatagal.

Yung dating calming na forest naging sobrang tahimik.

Nakakatakot na tahimik.

Halos isang oras na yata akong naglalakad kakahanap ng way pabalik pero parang paikot-ikot lang ako.

Yung flashlight ng phone ko nalang yung tanging ilaw ko.

At unti-unti lalo akong kinakabahan.

Actually.. takot talaga ako sa sobrang dilim.

Ayoko lang aminin.

Kaya habang naglalakad ako sa gitna ng forest, ramdam ko na nanginginig na kamay ko habang hawak phone ko.

"Ayos lang," bulong ko sa sarili ko kahit hindi naman talaga. "Makakabalik ka."

Pero habang tumatagal parang mas lalo akong nawawala. Wala nang ilaw.

Napahinto ako bigla nang may marinig akong kaluskos sa malayo. Nanlaki mata ko.

Napaatras ako nang konti habang mabilis na tumitibok puso ko.

"Please..." bulong ko habang pilit kinakalma sarili ko. Pero hindi ko na kinaya.

Unti-unti nang namumuo luha ko. Pagod na ako. Takot na ako. At wala pa ring signal phone ko.

Hanggang sa tuluyan nalang akong napaupo sa lupa. Niyakap ko tuhod ko habang nakayuko.

Then tuluyan akong humagulgol. "Ang tanga mo talaga," umiiyak kong bulong sa sarili ko.

Maya-maya may narinig akong boses sa harap ko.

Galit.

Hingal.

At sobrang pamilyar.

"Why the fuck did you go alone in the forest?" Napatingala ako agad.

Nanlaki mata ko. Si Kaelis.

Nakatayo siya sa harap ko, hingal na hingal, magulo buhok, hawak flashlight niya habang mukhang sobrang stressed.

Pagkakita ko sa kanya mas lalo akong umiyak. Tumayo agad ako saka diretso siyang niyakap.

As in mahigpit. Hindi ko na napigilan.

"Kaelis..." Napayakap agad siya sakin pabalik. One hand nasa likod ko habang hinihimas niya buhok ko.

"Shh," sabi niya agad kahit hingal pa rin. "I'm here."

"Gusto ko lang naman makita yung herbs," iyak kong sabi habang nakakapit pa rin sa hoodie niya.

"Then sana nagpasama ka sakin!" sagot niya agad. Halatang galit.

Pero mas nangingibabaw yung pag-aalala.

"What if hindi kita nahanap?" dagdag niya habang mas hinihigpitan yakap sakin. "Do you know how worried I was?" Umiyak lang ako lalo.

Nahihiya na ako. Natatakot pa. At sobrang relieved na nakita niya ako.

"Sorry..." bulong ko habang nakayuko sa dibdib niya.

Rinig ko mabilis niyang paghinga. Then dahan-dahan siyang napabuntong-hininga.

"God," bulong niya habang hinahawakan pisngi ko para tumingin ako sa kanya. "You're freezing." Napakurap ako habang umiiyak pa rin.

Tapos doon ko napansin may pawis siya kahit malamig. Mukhang kanina pa niya ako hinahanap.

"At least," sabi niya habang pinupunasan luha ko gamit thumb niya, "crying pretty ka pa rin." Napatawa ako nang mahina kahit umiiyak.

"Baliw..." Napangiti siya nang konti. Pero halatang hindi pa rin siya kalmado.

Then dahan-dahan niyang hinawakan kamay ko. Mahigpit.

"Come here," sabi niya nang mahina. "Hindi na kita bibitawan."

Hindi pa rin ako tuluyang kumakalma kahit hawak na niya kamay ko.

Nanginginig pa rin ako. Siguro dahil sa lamig, siguro dahil sa takot.

O dahil bigla ko nalang narealize kung gaano ako ka-relieved na siya yung nakahanap sakin.

Tahimik lang kaming naglalakad sa gitna ng forest hanggang sa bigla siyang huminto.

Napatingin ako sa kanya. "Kaelis?" Wala siyang sinabi.

Sa halip bigla niya akong binuhat. Nanlaki mata ko.

"HOY!" sabi ko agad habang napahawak sa balikat niya. "Ibaba mo ako! Malayo pa!"

Mas hinigpitan niya lang hawak sakin.

"No."

"Kaelis!"

"You're trembling," sabi niya habang tuloy-tuloy lang maglakad. "Kahit bakla ako, malakas ako, Aveline."

Kahit sa ganitong moment may time pa talaga siya magsabi ng ganon.

Napailing ako nang mahina habang nakakapit sa hoodie niya.

Then maya-maya napatingin ako sa kanya.

"...paano mo nalaman na wala ako?"

"Naiwan mong bukas cabin mo." nagulat ako.

"I just wanted to give you some snacks," dagdag niya habang diretso tingin sa daan. "Pero wala ka."

Hindi ako agad nakapagsalita. Kasi... hinanap niya talaga ako.

Mag-isa.

Sa gabi.

Sa forest.

At halatang kanina pa siya paikot-ikot kakahanap. Napabuntong-hininga nalang ako habang mas kumakapit sa kanya nang konti.

Tahimik lang kami hanggang sa unti-unting lumitaw yung lights ng retreat cabins sa malayo.

At doon ko lang narealize gaano ako kalayo napunta.

"Ang tanga ko," bulong ko. "Very," sagot niya agad.

Napairap ako nang mahina. "Comfort me."

"I literally carried you." Napatawa ako nang konti despite everything.

Pagdating namin sa cabins, buti nalang wala masyadong tao sa labas. Mukhang karamihan nasa rooms na.

Diretso niya akong dinala sa cabin niya.

Pagkapasok namin, warm agad yung room dahil naka-on heater. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama.

Napahawak agad ako sa sleeves niya.

"Kaelis..."

"Ye?"

"May room ako." Hindi siya agad sumagot.

Busy siya kakahanap ng towel sa gilid.

Then lumingon siya sakin.

"No." Napakurap ako. "No?"

"You'll stay here."

"Sa takot mong 'yan," dagdag niya habang lumalapit ulit sakin, "you need me, Aveline."

Nanlaki mata ko nang bahagya. Hindi ko alam bakit pero parang mas bumilis tibok ng puso ko. Siguro dahil seryoso siya.

"I'll get your stuff from your room," sabi niya habang kinukuha jacket niya. "Para makapag-ready ka na." Hindi ako nakasagot.

Hanggang ngayon kasi medyo nanginginig pa rin ako.

At honestly... ayoko muna mapag-isa.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.