Kabanata 25
Pagkaalis ni Kaelis para kunin gamit ko sa cabin ko, naiwan akong mag-isa sa room niya.
At medyo kumalma na rin ako pagkatapos nung nangyari sa forest. Pero gusto ko na talagang maligo. Pakiramdam ko amoy lupa, herbs na ako.
Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa kama niya.
Five minutes.
Ten minutes.
Hanggang sa naging halos thirty minutes na.
Napakunot noo ako habang tinitingnan oras sa phone ko.
"Ang tagal naman," bulong ko.
Naisip ko baka may nakausap lang siya sa labas. Kaya tumayo ako saka lumabas saglit ng cabin para sumilip.
Malamig hangin. May iilang ilaw lang galing sa ibang cabins. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid at doon ako natigilan.
Nanlaki mata ko. Si Kaelis, may kahalikang lalaki.
Nakatalikod nang bahagya yung guy pero halatang taga ibang section. Ngayon ko lang siya nakita.
At si Kaelis nakahawak pa sa bewang nung lalaki habang magkadikit sila. Parang biglang tumigil mundo ko.
Napahawak agad ako sa bibig ko. Bumilis tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan bakit parang may kumurot bigla sa dibdib ko.
Tahimik lang akong nakatayo habang nakatitig sakanila. Hindi nila ako nakita.
At honestly ayoko na rin makita pa.
Kaya mabilis akong umatras bago pa ako mapansin. Diretso akong bumalik sa cabin.
Pero hindi na sa room ni Kaelis. Dumeretso ako sa sarili kong cabin. Mabilis kong isinara pinto saka sumandal doon.
Napabuntong-hininga ako habang pilit pinapakalmado sarili ko.
"Bakit ba ko nagugulat," bulong ko sa sarili ko.
Bakla si Kaelis. Obviously may mga lalaki siyang gusto. Normal lang, normal lang dapat.
Pero bakit parang... ang weird sa pakiramdam makita 'yon?
Napahiga ako sa sahig habang nakatitig sa kisame. Mas okay na sigurong mag-isa muna ako, hindi ko alam bakit parang bigla akong nalungkot.
Naligo na ako pagkatayo ko. Matagal, siguro dahil gusto ko rin pakalmahin sarili ko.
Tahimik lang yung shower habang paulit-ulit umiikot sa utak ko yung nakita ko kanina.
Napapikit ako habang hinahayaan bumuhos tubig sa buhok ko. Dapat wala naman akong maramdaman. Bakla si Kaelis. Matagal ko nang alam 'yon.
At dati naman okay lany saakin nakikita siya sino sino kasama niya. So bakit parang iba ngayon? Siguro kasi nakilala ko siya ng maayos na. Napabuntong-hininga ako.
"Tumigil ka nga, Aveline," bulong ko sa sarili ko. Kailangan chill lang. Kung ano ako dati kay Kaelis ganun pa rin dapat.
Hindi pwede maging weird.
Pagkatapos maligo, nagsuot ako ng fitted black shirt at maikling shorts na pangtulog.
Comfy lang.
Paglabas ko ng bathroom, nagpupunas pa ako ng buhok gamit towel nang may kumatok. Napatingin agad ako sa pinto.
Alam ko na agad kung sino, pag ka bukas ko naka-busangot si Kaelis agad.
"What?" sabi ko habang nakasandal sa pinto. "Why did you leave?" Napairap ako.
At napansin kong bumaba tingin niya.
Mula ulo hanggang paa. At doon ko nakita nag-igting ang panga niya.
Napakunot noo ako. "Kasi gusto ko na talagang maligo," sagot ko casually habang nagpupunas pa rin buhok ko. "Eh paglabas ko may kahalikan ka."
"Ayoko istorbohin ka, baks." Hindi ako galit magsalita. Actually chill lang tone ko.
Piliting chill. Pero somehow mas lalo siyang nagsimangot. Then dire-diretso siyang pumasok sa cabin ko na parang siya may-ari.
"Hoy," sabi ko habang sinusundan siya ng tingin. Hindi niya ako pinansin.
Dumiretso lang siya sa loob habang ako naman pumunta sa vanity para kunin suklay ko.
Maya-maya nagsalita siya mula sa likod ko.
"Nakita mo?" Napatingin ako sa salamin.
"Duh," sagot ko. "Yes." Kumunot noo niya lalo.
Then napangiti ako nang konti para alisin weird tension.
"Thank you pala kanina bakla" sabi ko habang nagsusuklay buhok. "Superhero kita."
Napailing siya.
"I told you not to call me bakla, Aveline," sabi niya habang papalapit. "Kakairita ka."
Napatawa ako nang mahina. "Eh bakla ka naman."
"As if hindi obvious." Tumigil siya sa likod ko, sobrang lapit. Ramdam ko pa init niya kahit malamig yung cabin.
Dahan-dahan niyang kinuha blower sa table.
"Upo." Napalingon ako sa kanya. "...ha?"
"I'll blow dry your hair." Nanlaki mata ko nang bahagya. "Kaelis okay na-"
"Sit down." Dahan-dahan akong umupo.
Hindi ko alam bakit parang biglang naging masikip yung hangin sa cabin. Tahimik lang siya habang sinasaksak yung blower.
Dahan-dahan niyang sinimulang patuyuin buhok ko. Maingat, as in sobrang maingat.
One hand hawak blower. Yung isa inaayos buhok ko gamit daliri niya. Rinig lang yung blower at hangin sa labas.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"You shouldn't have left." Napakurap ako nang bahagya. "Kasi?"
"I was looking for you again " Dahan-dahan niyang sinabi.
Tahimik lang ako habang pinapatuyo niya buhok ko.
Mainit yung hangin galing blower, pero mas distracting yung kamay niya minsan dumadampi sa leeg ko habang inaayos buhok ko paatras.
Nakakakaba. At nakakainis kasi aware na aware ako doon.
"Ano ka ba," sabi ko habang nakatingin sa salamin. "Hindi na ako mawawala. Natakot lang ako, no."
Then dahan-dahan niyang inayos buhok ko sa likod ng tenga ko. Ramdam ko daliri niya sa leeg ko.
"You smell good, Aveline." Natigilan ako.
Napalingon agad ako sa kanya. "...ha?"
Kalma lang siya nakatingin sakin. As in sobrang kalma.
Samantalang ako parang nag-init buong katawan ko.
"Bakla ka," sabi ko agad para itago kaba ko. "Natotomboy ka na ba?" Akala ko tatawa siya. Mang-aasar, pero hindi.
Tahimik lang siyang nakatingin sakin.
"I think yes." Napakurap ako.
"I shouldn't be," dagdag niya nang mahina. "But yes." literal na natulala ako.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o seryoso. At mas nakakainis kasi hindi mukhang joke expression niya.
Bigla akong tumayo saka hinawakan mukha niya gamit dalawang kamay. Friendly way.
Parang ginigising, nagulat siya. Nanlaki mata niya nang konti.
"Hoy," sabi ko habang nakakunot noo. "Kaelis, gising." nakatingin lang siya sakin.
"Kailan ka pa naging bisexual?" Dahan-dahan siyang napangisi.
Dire-diretso niyang sinabi "Since the day you rejected me." Napakurap ako.
"...ha?"
"Aray!" Pinitik ko agad noo niya.
"Baliw ka!" sabi ko habang napaatras. "Lakas mo mang-asar!"
Napatawa siya nang mahina habang hinihimas noo niya.
"Violence nanaman."
"Eh kung anu-ano pinagsasabi mo!"
Tumaas kilay niya. "Eh may kahalikan ka nga kanina," dagdag ko habang naka-cross arms.
"Yes." Natigilan ako. "Yes because naguguluhan ako," sabi niya habang diretso tingin sakin. "Why do you want me to kiss you?"
Nanlaki mata ko. "HOY KAELIS-"
"I'll give my best kiss to you." Napaubo ako agad.
"Hoy!" sabi ko habang napapaatras. "Bakla ka!" Kalma lang siya, parang wala lang.
Samantalang ako halos mawalan na ng utak.
"May laway ka pa nung lalaki tapos hahalikan mo ko?" sabi ko agad habang naka-simangot. "Eww ka!"
Bigla siyang umayos. "Then wait for me."
Kumunot noo ko. "...ha?"
"I'll get my stuff," sabi niya habang kinukuha jacket niyang hinubad niya. "Shower, brush my teeth."
Then dahan-dahan siyang napangisi.
"And kiss you." Nanlaki mata ko.
"KAELIS!" Pero tumawa lang siya nang mahina bago tuluyang lumabas ng cabin.
At naiwan akong nakatayo doon. Nakatunganga. Mainit mukha.
At sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Baliw, baliw baliw" bulong ko sa sarili ko habang napapahawak sa noo.
Hindi ko na talaga maintindihan yang baklang 'yan.