Kabanata 26
Pagkaalis ni Kaelis kagabi, literal na tumayo agad ako para i-lock pinto ko.
Click. "As if hahalikan talaga kita," bulong ko sa sarili ko habang napapailing.
Baliw talaga. Dumeretso ako sa kama saka sinuot headset ko. Bahala kang bakla ka kung anong trip mo. Hindi ko na iniisip mga pinagsasabi mo. Hindi ko na iniisip bakit parang seryoso ka minsan.
At lalong hindi ko iisipin bakit bumibilis tibok ng puso ko kapag ganon ka tumingin.
Kaya pinikit ko nalang mata ko at pilit natulog.
Kinabukasan, hindi ako sumabay mag-breakfast. Ayoko muna makita si Kaelis.
Feeling ko kung ano nanaman sasabihin nun.
Kaya nagtagal nalang ako sa room.
Naligo ulit.
Nag-ayos.
At sinigurado kong ready na ako bago lumabas. Pagdating ko sa meeting area, naghahanda na lahat para umuwi.
May mga students na inaantok pa. May maingay na agad. At dahil ayoko nga makita si Kaelis dumiretso agad ako sa bus.
Pinili ko pa yung medyo dulo para tahimik.
Napabuntong-hininga ako habang nagsusuot earphones.
Peace, finally. Pero syempre hindi pwede maging peaceful buhay ko.
Kasi maya-maya may umupo sa tabi ko.
Hindi ko pa kailangan lumingon para malaman kung sino.
"Ano ba naman," bulong ko. Napangisi agad si Kaelis habang inaayos seatbelt niya.
"Good morning." Hindi ko siya pinansin.
Tinignan ko lang bintana. "Tinatakbuhan mo ko?" tanong niya. "Hindi."
"Liar." Napairap ako. "Tulog ka kasi kagabi," sabi niya maya-maya.
Napalingon ako agad. "...ha?"
"Tinulugan mo ko, Aveline." Nanlaki mata ko.
"Pagod na ako, Kaelis," sabi ko habang umiiling. "Tsaka ang lakas talaga ng trip mo."
Dahan-dahan siyang sumandal sa upuan.
"Hindi malakas trip ko," sabi niya habang nakatingin sakin. "Nagsasabi lang ako ng totoo."
"I don't lie." Hindi ko alam bakit parang bumibigat pakiramdam ko tuwing seryoso siya. Kaya umiwas nalang ulit ako ng tingin.
Habang tumatagal byahe, unti-unting natahimik buong bus.
Yung iba tulog na. Yung iba naka-headphones.
At sa tabi ko napansin kong antok na antok si Kaelis. Nakahilig ulo niya sa gilid habang pinipilit dumilat. Napabuntong-hininga ako.
Mukhang kulang talaga sa tulog. Naalala ko tuloy yung insomnia products na binili ko para sa kanya. At yung buong gabi niya akong hinahanap sa forest.
Tahimik ko siyang pinagmasdan saglit bago ako dahan-dahang gumalaw.
"Kaelis."
"yes..."
"Dito." Napakurap siya nang bahagya. Then dahan-dahan kong hinila ulo niya papunta sa shoulder ko.
Nanlaki mata niya nang konti.
"Aveline..."
"Matulog ka nalang." Tahimik siya saglit.
Hindi siya gumalaw. Parang hindi niya expected, hinawakan ulo niya para mas comfortable. Tinapik-tapik ko pa nang mahina buhok niya.
"Kulang ka ata sa tulog," bulong ko.
Mahina siyang natawa. "Aveline," sabi niya habang nakapikit. "If you keep doing this..."
"...baka mahulog ako lalo." Biglang bumilis tibok ng puso ko. Pero pinilit kong maging chill.
"Matulog ka nalang, Kaelis." Tahimik siya ulit pagkatapos nun.
At surprisingly mahimbing agad tulog niya.
As in sobrang himbing. Parang ngayon lang siya nakapagpahinga nang maayos.
Habang ako naman tahimik lang na nakatingin sa labas ng bus habang hawak pa rin ulo niya.
Dahan-dahan kong tinapik balikat ni Kaelis.
"Hoy." Mahina lang ungol niya. "Kaelis."
Napakurap siya nang mabagal bago tuluyang dumilat.Mukhang lutang pa.
"Nasa drop off point na tayo." Tahimik lang siya saglit habang nakatingin lang sakin.
Bigla siyang napangiti. As in soft na smile.
"Omg," sabi niya habang inaayos buhok niya. "Aveline, I always have the best sleep when I'm with you." Nanlaki mata ko nang konti.
"Ano ba," sabi ko habang umiwas tingin. "Halika na." Tumayo na ako saka inayos bag ko.
"Pagod ka pa," dagdag ko habang bumababa kami ng bus. "Need mo muna magpahinga sainyo."
"No." Napalingon ako agad.
"I wanna eat with you," sabi niya habang sumusunod sakin. "Wala ka sa breakfast kaya hindi rin ako nag-breakfast."
Natigilan ako. "...ha?"
"My car is nearby the drop off point, inaantay ako"
"Okay fine," sabi ko habang umiiling. "Let's eat." Napatawa siya agad as in genuine.
"What do you wanna eat?" tanong niya habang magkatabi kaming naglalakad.
Napaisip ako saglit. "Hmmm..."
Napatingin ako sa kanya.
"I think..." sabi ko habang nakangiti nang konti, "Filipino food naman."
Tumango agad siya. "Okay." At nakakainis kasi wala man lang reklamo.
Pagdating namin sa parking area, nandoon yung kotse niya. Yung itim na kotse na mukhang mahal na naman.
Paglapit namin, automatic bumaba yung driver niya para buksan pinto. Pero si Kaelis na mismo gumawa. Nagulat ako, gentlemen ba ang mga bakla talaga?
"Princess service nanaman?" tanong ko habang sumasakay.
Umirap siya. "Be thankful." Napatawa ako nang mahina.
Actually comfortable yung silence ng byahe namjn. Paminsan-minsan lang siya tumitingin sakin na parang chinecheck kung aantukin ako.
At maya-maya nakarating kami sa isang sobrang sosyal na Filipino restaurant.
As in luxury Filipino dining.
Warm lights.
Wood interiors.
May live acoustic music pa.
"Kaelis..." sabi ko habang tumitingin paligid. "Hindi ba pwedeng simpleng tapsihan lang?"
"No."
"Arte."
"Expensive taste." Pagkaupo namin, agad niyang kinuha menu.
At gaya ng usual kung umorder akala mo may sampung tao.
"Excuse me," sabi niya sa waiter habang relaxed nakasandal.
"One crispy pata." Nanlaki mata ko.
"Kaelis-"
"Bulalo."
"Bakla-"
"Garlic rice platter." Napahawak nalang ako noo ko. "Chicken inasal."
"Kaelis!"
"Calamari." Napatawa yung waiter habang sinusulat lahat.
Then very casually "Sisig."
Tahimik ako habang nakatingin sa kanya.
"Madami tayo?" tanong ko. Hindi niya ako pinansin.
"Fresh mango shake for her," dagdag niya habang nakatingin sakin.
Natigilan ako. "...how did you know?" Si Aviel to.
Nakatingin lang siya sakin na parang normal lang na kabisado niya mga gusto ko.
Then binalik niya tingin sa waiter.
"And iced americano for me." Pagkaalis ng waiter, napabuntong-hininga ako.
"Kaelis."
"Yep?"
"Ang dami."
"Gutóm ako."
"Parang pang reunion nanaman 'yan."
Napangisi siya. "At least hindi pancake."
Napatawa ako nang malakas.
"Baliw." Habang tumatawa ako tahimik ko siyang pinagmasdan. Mukha pa rin siyang pagod. Medyo sleepy pa mata niya.
Pero mas relaxed siya ngayon. At habang busy sa phone njya dahil tumawag mom niya.
This time... ako naman magbabayad. Kasi unfair naman lagi nalang siya.
Pagkatapos naming kumain, literal na napasandal nalang ako sa upuan.
"Sobrang busog ko," reklamo ko habang hawak tiyan ko.
Si Kaelis naman kalma lang na umiinom ng americano niya. Parang walang inubos na pang-pamilyang pagkain.
"May tira pa," sabi ko habang tinitingnan mesa. "Don't take it out." Napalingon ako agad sa kanya. "Bakit?"
"Hindi na masarap mamaya." Napairap ako.
"Ang arte mo."
"Standards."
At dahil alam kong ito nanaman magbabayad mabilis akong kumilos.
Tinawag ko agad waiter.
"Sir," sabi ko habang nilalabas wallet ko, "here's my card po. Mag-bill out na kami."
Pero bago pa makuha nung waiter biglang may tumapik sa kamay ko.
Si Kaelis, napalingon ako sa kanya.
Naka-kunot noo siya.
"Aveline."
"...ano?"
"I told you," sabi niya habang kinukuha card ko palayo sa waiter, "kahit bakla ako, I wouldn't dare a girl pay for me." Natigilan ako.
Then very calmly nilabas niya sarili niyang card saka iniabot sa waiter.
"Kaelis," sabi ko habang naka-simangot, "you always pay."
"So?"
"So unfair." Tumaas kilay niya.
"That's how it should be done, Aveline."
Tahimik siya saglit habang sumasandal sa chair. Then diretso siyang tumingin sakin.
"I'm not an ordinary guy." Napatingin ako.
"Bakla man ako," dagdag niya habang inaayos sleeves niya, "I have standards."
Again natulala nanaman ako. Kasi sobrang confident niya sabihin. Parang wala siyang pake sa iisipin ng tao.
Napatawa nalang ako nang mahina.
"Ang yabang mo talaga."
"True." Napailing ako habang pinagmamasdan siya.
Sobrang gentleman niya. Hindi yung pilit.
Parang natural lang talaga sakanya.
Maya-maya dumating na ulit waiter dala receipt. Tinanggap ni Kaelis agad without even checking total.
Rich behavior nanaman. Pagkatayo namin, medyo nahilo pa ako sa sobrang busog.
Napansin niya agad.
"Careful." Bigla niyang hinawakan braso ko para alalayan ako.
"Kaelis okay lang ako-"
"You said that before ka mawala sa forest."
Napatahimik ako.
Napangisi siya nang konti habang ginagabayan ako palabas.
At habang naglalakad kami palabas ng restaurant bigla kong narealize.
Hindi na talaga normal yung ginagawa niya sakin.