Kabanata 27

Pagkatapos ng fieldtrip, akala ko babalik na sa normal lahat. Wrong. Mas lumala.

Hindi ko alam kung dahil ba nakita kaming magkasama lagi ni Kaelis o dahil may nakakita talagang lumabas siya sa cabin ko madaling araw.

Pero pagpasok palang namin sa campus iba na tingin ng mga tao.

"Silang dalawa 'yon diba?"

"Sabi ko na nga ba."

"Eh bakit daw natulog sa cabin ni Aveline?"

"Akala ko bakla si Kaelis?"

"Baka bisexual?"

Napapikit ako nang madiin habang naglalakad sa hallway.

"Oh my God." Katabi ko lang si Kaelis habang kalmado umiinom ng iced coffee niya.

Parang walang naririnig. Samantalang ako gusto ko nang magtago sa locker.

"Kaelis," sabi ko habang mahina boses. "Naririnig mo ba sila?"

"Yes."

"AT YES LANG?" Tumaas kilay niya.

"What do you want me to do? Suntukin silang lahat?"

"...medyo." Napatawa siya nang mahina.

Nakakainis kasi siya lang calm. Habang ako yung nai-stress.

Pagpasok namin classroom, mas malala pa.

Biglang tumahimik halos lahat.

Tapos maya-maya "AYAN NA."

"Magkatabi nanaman."

"Good morning lovebirds!"

"Tumigil nga kayo!" sabi ko agad habang umiinit mukha ko.

Si Kaelis umupo pa sa tabi ko na parang walang issue. Then very casually nilapag niya iced coffee sa table ko.

"Your favorite." Tahimik buong room.

Nanlaki mata ko. "huy!"

"What?"

"Lalo silang mag-iisip!" Umirap siya.

"Let them." Natulala ako saglit.

Maya-maya dumating sila PJ at Carmela.

Pagkaupo ni PJ sa harap namin agad siyang napangisi.

"So..." sabi niya habang nakatingin samin. "Anything you wanna tell us?"

"Wala!" sagot ko agad. Tumango-tango si Carmela kunwari seryoso.

"Mhm. Gets."

"ANO ANG GETS?" Sumingit si PJ.

"Eh bakit daw nakita si Kaelis galing sa cabin mo madaling araw?"

"Because-" Natigilan ako. Hindi ko ma-explain nang maayos. Hindi pwede sabihin na: naligaw ako sa forest, hinanap niya ako, tapos natakot ako mag-isa.

Kasi mas lalong tunog mag-jowa.

"She was scared." napatingin kami sa kanya.

"As in nanginginig siya," dagdag niya habang binubuksan notebook niya. "So I stayed." Mas lalong lumakas bulungan sa paligid.

"OMG."

"Protective." Napahawak nalang ako noo ko.

"Patay."

Then biglang tumunog phone ni PJ. Pagtingin niya nanlaki mata niya.

"Guys."

"Ano?"

"May post sa campus freedom wall."

Nanlaki mata ko.

"ANO?" Mabilis niyang pinakita phone.

At halos mawalan ako ng kaluluwa.

SECTION A'S PRETTY BOY KAELIS RHUNE FINALLY FELL???

May blurry picture pa ni Kaelis palabas ng cabin ko.

"OH MY GOD!" sigaw ko agad.

Si Carmela tawang-tawa na.

"Kaelis!" sabi ko habang hinihila sleeve niya. "May picture tayo sa freedom wall!"

Tinignan niya lang phone. "Ang pangit ng angle ko." Napatulala ako.

"...yun talaga concern mo?"

"Yes." Napahampas ako sa braso niya, bigla naman siyang yumuko palapit sakin.

Sobrang lapit. Then mahina niyang sinabi "At least bagay tayo sa rumors." Nanlaki mata ko.

Lumipas yung mga araw pero hindi namatay yung issue. Actually mas lumala pa.

Kasi imbes na umiwas si Kaelis mas lalo siyang dumikit sakin. At hindi ko alam kung sinasadya ba niya o hindi.

"Aveline."

"Aveline."

"Aveline."

Parang multo. Pagdating ko classroom nasa tabi ko na.

Lunch?

Kasama siya.

Uwian?

Nakaabang kotse niya.

Library?

Bigla nalang susulpot.

Nakakainis kasi nasasanay na akong nandiyan siya.

One afternoon, late ako nakarating classroom dahil galing ako faculty office.

Pagpasok ko sobrang tahimik. As in weirdly tahimik. Nasa gitna si Kaelis, naka-cross arms habang mukhang iritable.

Katabi niya sila PJ at Carmela.

"What happened?" tanong ko habang umuupo. Biglang napalingon sakin si PJ.

"Omg finally." Kumunot noo ko.

"...bakit?" Sumagot si Carmela.

"Hindi kumain 'yang baklang 'yan." Napalingon ako agad kay Kaelis.

Tumaas lang kilay niya. "So?"

"So?" ulit ni PJ. "Kanina pa namin siya niyayaya mag lunch!"

"Eh bakit hindi ka sumama?"

"Wala ka." Natigilan ako. "...ha?"

"Wala ka," ulit niya habang nagbubukas notebook. "Bakit ako sasama?"

Pati sila PJ natulala.

"Kaelis," sabi ko habang umiinit mukha ko, "hindi ako requirement sa pagkain."

Tumaas kilay niya. "Are you sure?" Napahawak nalang ako noo ko.

Baliw na talaga to. At hindi lang doon natapos. Mas lalo ko napansin habang tumatagal.

Kapag absent ako bad mood siya. Kapag hindi kami sabay mag lunch hindi rin siya kakain maayos.

Kapag hindi ako sumasagot sa messages bigla nalang susulpot sa condo.

One time pa sobrang busy ko gumawa ng notes sa library kaya hindi ko napansin oras.

Pagtingala ko nasa harap ko na si Kaelis.

Naka-upo, nakatingin lang sakin.

Nanlaki mata ko. "GAGO KA bakit ka nandito?!" Umirap siya.

"You ignored me for three hours."

"...nag-aaral ako."

"So?"

"So?!"

Then dahan-dahan niyang itinulak sakin paper bag.

Pagbukas ko favorite cake ko.

At iced mango drink. "Kaelis..."

"You forget to eat when stressed."

Napansin niya na pala 'yon.

"You're becoming unhealthy," dagdag niya.

Napakurap ako habang nakatingin lang sa kanya.

Uwian na rin pagkatapos ng lectures.

Sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng building nila Carmela, PJ, ako, at syempre si Kaelis na parang permanent attachment ko na.

Tahimik lang akong naglalakad habang nakikinig sa kwentuhan nila Carmela tungkol sa bagong issue sa kabilang department.

Si Kaelis naman nasa tabi ko lang, hawak iced coffee niya habang minsan sumisingit sa usapan para mang-asar.

Normal, masiyadong normal. Hanggang sa paglabas namin sa main gate biglang natigilan si Kaelis.

Napatingin agad kami sa kanya. Nakatingin siya sa isang lalaki sa labas ng campus.

Matangkad, soft features sobrang ayos manamit. Hindi ito yung lalaki last time. At nung magtagpo mata nila ibang expression dumaan sa mukha ni Kaelis.

Hindi ko ma-explain, parang gulat, parang tense. Tahimik buong grupo namin.

Bigla siyang nagsalita. "Guys," sabi niya habang inaayos bag niya, "I gotta go."

Bago pa kami makapagsalita dumiretso na siya doon sa lalaki.

Nanlaki mata ni Carmela. "Omg." Napalingon ako sa kanya. "Ano?"

Tahimik sila ni PJ saglit na parang nagkatinginan pa. Then si PJ yung unang nagsalita.

"Yan yung first love ni Kaelis." Natigilan ako. "...ha?"

"Siya yung guy na bumasag puso ni Kaelis before," dagdag ni Carmela habang nakatitig pa rin sa malayo. "Minahal daw niya nang sobra." Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.

Hindi ko maintindihan bakit. Sa malayo, kita kong magkausap sila ni Kaelis. Ibang-iba expression ni Kaelis, mas serious.

Parang may history talaga.

"According sa source," dagdag ni PJ habang mahina boses, "si Kaelis daw first time umiyak dahil dyan." Nanlaki mata ko nang bahagya.

Umiyak?

Si Kaelis?

Parang hindi ko maimagine.

Nakatingin lang ako kanila habang patuloy silang nag-uusap. Hanggang sa biglang natawa yung lalaki. At si Kaelis ngumiti rin.

Maliit lang. Pero enough para may kung anong kumirot sa dibdib ko. Napaiwas agad ako ng tingin.

"Aveline?" tawag ni Carmela. Napakurap ako. "Hm?"

"You okay?" Mabilis akong tumango.

"Yeah." Sinungaling.

Kasi habang nakikita kong magkasama sila.

Hindi lang pala ako nasanay kay Kaelis.

Parang... ayoko na yatang may kahati sa attention niya.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.