Kabanata 28

Hindi ko alam bakit pero hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kahapon. Yung first love ni Kaelis. Yung guy na supposedly nagpaiyak sa kanya.

Kahit anong pilit kong i-deny, affected talaga ako. Pagpasok ko classroom, tahimik pa. Nandoon na agad si Kaelis sa usual seat niya.

At paglapit ko napansin kong unusually good mood siya. Naka-headphones habang nags-scroll sa phone at may maliit pang smile.

"Good morning," bati niya agad pag-upo ko.

"Good morning." Napatingin siya sakin.

"You look grumpy."

"Hindi."

"Liar." Hindi ko siya pinansin.

Kinuha ko notebook ko habang pilit hindi iniisip yung kahapon. Maya-maya dumating na rin mga kaklase namin.

At sakto namang pumasok professor namin.

"Good morning class."

"Good morning po."

"We have a transferee." Biglang nag-ingay yung room.

"Again?"

"Pogi ba?"

"Tahimik!" sabi nung prof.

Then bumukas pinto.bAt pagpasok nung lalaki..

Gwapo. As in nakakainis na gwapo, soft, elegant. Feminine din dating niya tulad ni Kaelis pero mas calm aura. Mahaba nang konti buhok niya, maputi, matangkad, tapos parang effortless lahat.

Tahimik lang siya habang nakatayo sa harap.

"This is Rhysand Yoo," sabi ng professor. "Transfer student." Nanlaki mata nila PJ.

Pati si Carmela napatakip bibig.

At sa tabi ko narinig kong bumuntong-hininga si Kaelis.

Pagtingin ko sa kanya nakatingin lang siya kay Rhysand.

Then biglang napangiti nang konti.

Parang automatic. At doon ko na-confirm.

Siya nga. First love niya.

"Rhysand," sabi nung prof, "you can sit beside Kaelis."

Alam ng karamihan history nila. At mas lalong lumala nung bago umupo si Rhysandbigla itong kumindat kay Kaelis.

"Omg," bulong ni Carmela.

At si Kaelis? Napangiti pa. Nanlaki mata ko nang bahagya, umupo si Rhysand sa kabilang side ni Kaelis.

Bali gitna ngayon si Kaelis.

Ako sa kaliwa at si Rhysand sa kanan.

Perfect. Napabuntong-hininga nalang ako habang pilit nakatingin sa notebook ko.

"So ikaw si Aveline." Napalingon ako agad.

Nakatingin siya sakin habang nakasmile nang magaan.

"yea?"

"I've heard about you." automatic akong napatingin kay Kaelis. Pero napansin kong may maliit na smirk sa labi niya.

"Really?" tanong ko. Tumango si Rhysand.

"Mhm," sabi niya habang sumasandal sa chair. "Mukhang interesting ka nga talaga."

Hindi ko alam bakit pero biglang naging uncomfortable buong paligid.

Halos buong umaga madaldal si Rhysand.

As in sobrang daldal, hindi naman annoying.

Actually calm nga boses niya.

Pero obvious na obvious na close talaga sila ni Kaelis before. May mga inside jokes sila.

May random memories.

At minsan natatawa si Kaelis nang totoo.

"Remember nung naglayas ka dahil nagalit mom mo?" tanong ni Rhysand habang natatawa.

"Shut up," sagot agad ni Kaelis pero tumatawa rin. "Tatlong araw ka sa condo ko."

"You're dramatic."

"You cried."

"RHYSAND."

Napangiti ako nang konti, pero weird. Parang may mabigat pa rin sa dibdib ko habang pinapanood sila.

Nag-ring na for lunch break. Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita si Rhysand.

"Kae." Napalingon agad si Kaelis.

"Let's eat outside." Tumango naman agad si Kaelis.

Pero bago pa sila tuluyang tumayo sumingit pa si Rhysand nang medyo malakas boses.

"Tayong dalawa lang ha," sabi niya habang nakangiti. "Ayoko may kasamang iba."

Pati sila PJ napatingin sakin.

At si Kaelis? Wala siyang sinabi. Ngumiti lang nang konti habang inaayos gamit niya.

Parang automatic na sasama. May kung anong kumirot nanaman sa dibdib ko.

Pero mabilis akong ngumiti saka nagsenyas.

"Go," sabi ko casually habang tumatayo rin. "Enjoy."

Saglit akong tinignan ni Kaelis. Parang may hinihintay siyang reaction. Pero wala akong pinakita. Kalmado lang ako.

At dahil ayoko magmukhang affected sumabay nalang ako kila PJ at Carmela palabas.

Tahimik muna kami habang naglalakad papuntang canteen.

Hanggang sa si Carmela na unang nagsalita.

"...okay ka lang?" Napakurap ako.

"Yea?"

"You look weird," sabi ni PJ.

Napatawa ako nang pilit. "Ano ba kayo."

Halatang hindi naniniwala. Kaya napabuntong-hininga nalang ako.

"Friends lang kami ni Kaelis," sabi ko habang umiinom tubig ko. "At binilin lang talaga ako ng kakambal ko."

"Walang kami," dagdag ko habang umiwas tingin. At habang sinasabi ko 'yon hindi ko alam bakit parang ako mismo hindi convinced.

Pagdating namin sa canteen, maingay gaya ng usual. Punong-puno ng students.

May nagchi-chikahan tungkol sa latest issue sa campus, kasama doon yung tungkol kay Kaelis at Rhysand.

Habang kumukuha kami ng pagkain nila PJ, may narinig akong usapan sa kabilang table.

"Uy," sabi nung isang girl. "Yung first love ni Kaelis nag-transfer ulit."

"Akalain mo 'yon," sagot nung isa. "After all these years?" Napahinto kamay ko saglit habang kumukuha ng tray.

Hindi ko alam bakit automatic akong napakinig.

"Ang gwapo ni Rhysand," dagdag nung isa. "At ang ganda rin. Bagay sila sobra."

"True. Pareho silang parang hindi tao."

"Nakakakilig pa history nila."

"Sabi nga heartbreak daw ni Kaelis 'yon before."

"Eh obvious namang hindi pa nakaka-move on si Kaelis." Parang biglang naging mabigat yung paligid.

Hindi ko maintindihan bakit parang may kumikirot sa dibdib ko kada may maririnig akong ganon, wala naman akong karapatan masaktan.

"Aveline?" Napakurap ako, si Carmela. Nakatingin sakin habang hawak tray niya.

"oh?"

"You okay?" Mabilis akong tumango.

"Yeah." Sinungaling nanaman.

Umupo kami sa usual table namin pero mas tahimik ako ngayon. Busy kunwari sa pagkain.

Pero honestly wala akong gana. Hanggang sa biglang nagsalita si PJ habang nakatingin sa phone.

"Omg." Napatingin kami ni Carmela.

"May nag-post agad." Nanlaki mata ko.

"Ano nanaman?" Pinakita niya phone niya.

Campus freedom wall ulit. At halos gusto kong maglaho.

RHYSAND YOO AND KAELIS RHUNE REUNION IS SO CINEMATIC ??

FIRST LOVE NEVER DIES!!!

May blurry picture pa nilang dalawa habang magkatabi kanina sa room.

Hindi ko alam bakit pero parang ang sakit makita. Kahit wala naman dapat akong pake. Bigla akong napabuntong-hininga saka tumayo.

"CR lang ako."

"Aveline-" tawag ni Carmela.

"Okay lang ako," mabilis kong sagot..

Bago pa nila mapansin na parang naiiyak na ako sa hindi ko maintindihang dahilan.

Habang naglalakad ako sa hallway isa lang paulit-ulit sa isip ko. Kung first love niya si Rhysand... ano lang ako kay Kaelis? Matapos lahat ng pinakita niya?

Pagbalik ko sa classroom pagkatapos magpahangin saglit medyo kumalma na ako.

Pinilit ko talaga. Kasi nakakahiya naman kung maaapektuhan ako nang ganito eh wala naman talaga kami ni Kaelis.

Pagpasok ko ng room, maingay na ulit.

At sa usual seat namin nandoon na sila Kaelis at Rhysand. May pinag-uusapan nanaman habang natatawa si Rhysand.

Automatic umiwas ako ng tingin. Pero paglapit ko sa desk ko natigilan ako.

May pink na cookie box, may ribbon pa.

Nanlaki mata ko nang bahagya.

"...ano 'to?" Biglang napalingon sakin si Kaelis.

"For you, Aveline," sabi niya habang naka-sandal sa chair niya. "Baka hindi ka pa nagde-dessert." Natigilan ako.

Napatingin ako sa cookie box.

Then sa kanya. Then kay Rhysand. Hindi ko na talaga maintindihan tong lalaking 'to.

Kung may first love siyang bumalik bakit parang wala pa ring nagbabago sa trato niya sakin?

"Uy," sabi ko habang pilit casual lang boses ko, "thank you ha." Tumango lang siya.

"Chill." Napakurap ako.

"Ha?"

"Chill ka lang," sabi niya habang nakatingin sakin. "You look stressed today."

Nanlaki mata ko nang bahagya.

Napansin niya? Mabilis akong napailing.

"Hindi ah."

"Liar," singit agad niya.

Biglang nagsalita si Rhysand habang nakatingin sa cookie box.

"You still buy sweets for people?"

Very casually sumagot si Kaelis. "Not for everyone." parang ako lang nakarinig ng bigat nung sinabi niya.

Dahan-dahan kong binuksan cookie box.

At pagtingin ko sa loob favorite flavors ko lahat.

Strawberry cream.

White chocolate raspberry.

Ube cheesecake cookies.

Nanlaki mata ko. "...how?" bulong ko.

"You think hindi ko kabisado favorite mo?"

Narinig niya pala. Biglang umiinit nanaman mukha ko.

Samantalang sa gilid napansin kong tahimik lang si Rhysand habang nakatingin samin.

Parang may nare-realize din siya.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.