Kabanata 29

"Starting today," sabi ng professor habang nasa loob kami ng TCM clinic laboratory, "you'll begin your actual patient interaction training."

Biglang naging seryoso buong room. Unlike usual lectures mas professional atmosphere ngayon. Naka-white clinical coats kami lahat habang nasa loob ng university TCM clinic.

May real volunteer patients, may assessment tables, may herbal stations. At may supervising doctors sa paligid, medyo kinakabahan ako.

"Relax," bulong ni Carmela sakin habang nagaayos clipboard. "Mas kabado ka pa sa patients." Napatawa ako nang mahina.

Sa kabilang side naman si Kaelis busy sa pink niyang clipboard at glitter pen na parang hindi clinical training.

Nakakainis.

"Why are you staring?" tanong niya nang hindi tumitingin sakin. "Ang OA ng ballpen mo."

"Professional princess ako." Napairap nalang ako.

Maya-maya nagsimula na mag-assign ng mock patients.

At unfortunately babae napunta kay Kaelis.

Halatang ayaw niya agad. As in kitang-kita sa mukha niya.

"Why always me?" reklamo niya habang nakakunot noo. "Professionalism please," sabi agad nung professor.

Meanwhile sa table ko naman may umupo na lalaki.

Tall, mestizo, calm yung aura pero medyo mukhang pagod.

"Hello," bati ko habang ngumiti nang polite. "I'm Aveline." Ngumiti rin siya nang mahina.

"Aeron Villarel."

Gwapo, pero very gentle yung dating.

Nagstart na ako magtanong regarding symptoms habang nagsusulat notes.

"So what are you experiencing lately?"

"Insomnia," sagot niya agad. "And frequent migraines." Tumango ako habang nakikinig.

"Anything else?"

"Palpitations minsan," dagdag niya habang tumatawa nang mahina. "And stress."

"College?"

"Business."

"Ah," sabi ko habang tumatango. "Makes sense." Napatawa siya nang mahina.

Nagsimula na ako mag-check pulse niya the way tinuro samin. Tahimik lang siya habang nakatingin sakin.

Then dahan-dahan akong nagsalita.

"I think your body heat is too high because of stress accumulation," sabi ko habang nagsusulat. "You also lack proper sleep cycle." Tumango siya habang nakikinig.

Ipinayo ko:

- calming herbal tea blends

- less caffeine

- sleep routine

- breathing exercises

- mugwort compress therapy

At surprisingly sobrang attentive niya. Parang interesado talaga.

"Wow," sabi niya pagkatapos. "You explain really well." Napangiti ako nang konti.

"Thank you."

"I find you interesting, Aveline." tumingin siya sa name tag ko sa white gown.

Natigilan ako saglit. "oh?"

"You're calm," sabi niya habang nakasandal sa chair. "And comforting." Hindi ko alam isasagot ko. Kaya awkward akong napatawa nalang.

Sakto namang narinig iyon ni Kaelis mula kabilang table.

Paglingon ko nakatingin siya samin. At halatang naka-kunot noo. Meanwhile yung babaeng patient niya sobrang daldal.

"Kaelis right? Ang gwapo mo pala up close-"

"Thank you," putol niya agad habang walang emotion. Then tumayo siya bigla.

Nanlaki mata nung professor. "Mr. Rhune?"

Very calmly tinuro niya table ko. "Can we switch patients?"

"...what?" tanong nung prof.

"Magpapalit kami ni Aveline."

Nanlaki mata ko. "HA?"

Tumingin siya sakin. "I can handle him better." Natulala ako.

Meanwhile si Aeron napangiti nang bahagya na parang aliw na aliw sa nangyayari.

"Mr. Rhune," sabi agad ng professor habang naka-cross arms, "this is patient interaction training, Stay in your assigned tables."

May nagtawanan sa clinic. Lalong sumimangot si Kaelis.

"But-"

"No." Halatang hindi sanay nasasabihan ng no. At mas lalo pa siyang nainis nung nagsalita si Aeron.

"I prefer staying with Aveline," sabi nito nang kalmado habang nakangiti sakin. "She explains really well."

Sa kabilang table halos mag-igting ang jaw ni Kaelis. At sakto namang sumingit si Rhysand mula sa likod habang may hawak clipboard.

"Kaekae," sabi niya nang chill. "You can switch with me." Napalingon lahat sakanya.

"Yung patient ko tahimik lang. Baka mas kayanin mo."

"No." Diretsahang sagot ni Kaelis. As in walang isip-isip. Napaangat kilay ni Rhysand.

"...that fast?"

"Yes." Napairap nalang ako habang pilit nagtitimpi tumawa.

Ang obvious niya. Meanwhile yung babae sa table ni Kaelis parang kinikilig pa.

"Kaelis, okay lang ba pulse ko?" tanong nito habang naka-smile.

"Yes."

"...yun lang?"

"Yes." Napatawa tuloy si PJ sa kabilang table.

Samantalang ako pinipilit nalang maging professional.

"Okay," sabi ko kay Aeron habang inaayos notes ko. "Let's try stress relief methods."

Tumango agad siya.

Tinuruan ko siya ng:

- breathing techniques

- wrist pressure points

- calming hand acupressure

- herbal aroma relaxation

Then kumuha ako nung maliit na herbal oil blend sa table.

"Close your eyes muna," sabi ko.

Tahimik agad sumunod si Aeron. Dahan-dahan kong minassage pressure point niya sa wrist habang ineexplain benefits.

"This helps reduce tension and improves circulation," sabi ko habang focused.

Sobrang cooperative ni Aeron. Parang ang dali niya kausap. Ramdam ko nang may tumititig.Pag-angat ko ng tingin si Kaelis.

Naka-upo sa kabilang table habang hawak clipboard niya. Pero hindi na siya nakikinig sa patient niya. Diretso lang tingin niya sakin. At halatang iritable. As in obvious sa mukha.

"Mr. Rhune," tawag nung professor. "Focus on your patient." Tumango lang siya nang mabagal.

Pero after ilang seconds nakatingin nanaman siya samin. Napabuntong-hininga nalang ako.

Meanwhile si Aeron natawa nang mahina.

"Your friend looks scary."

"...friend?" Tumango siya nang konti.

"He's been glaring at me for ten minutes."

"Ay hindi-"

"He likes you?" Muntik akong mabulunan.

"NO!" Napalingon agad si Kaelis samin nung napalakas sagot ko. At mas lalo siyang sumimangot.

Pagkatapos ng training session, isa-isang nagsialisan yung volunteer patients.

Habang nag-aayos ako ng notes at herbal materials sa table lumapit ulit si Aeron.

Ngumiti siya nang magaan.

"I'll come back next time," sabi niya habang inaayos sleeves niya. "If possible... kay Aveline ulit." Nanlaki mata ko nang bahagya.

"Ay-"

"She's really good," dagdag niya habang tumatawa nang mahina. "Comforting."

Hindi ko alam isasagot ko kaya awkward akong ngumiti. "Thank you." Tumango siya bago tuluyang umalis.

Narinig na naman ng buong paligid.

"Ano ba 'yon."

"Ang swerte ni Aveline."

"Gwapo nung Aeron."

"Hindi ba model 'yon?"

"OO OMG."

Napatingin agad ako kila PJ. Nanlaki mata nila pareho. "TEH," sabi ni Carmela. "Si Aeron Villarel literally model."

"Luxury brand model pa," dagdag ni PJ. "Nakikita ko 'yan sa magazines!"

"...Talaga?" At mas lalo pang lumakas bulungan sa paligid.

"Swerte naman."

"Ang gwapo pa."

"Parang interested talaga."

Tahimik lang ako habang pilit inaayos clipboard ko.

Pero maya-maya may humila bigla sa sleeves ng coat ko.

Si Kaelis, naka-busangot. As in obvious na obvious.

"Come here." Bago pa ako makareact, hinila niya na ako palayo sa ibang students hanggang makarating kami sa gilid ng herbal storage room.

"Kaelis-"

"The professor is pissing me off."

"I literally asked to switch," reklamo niya habang naka-cross arms. "Hindi niya alam kaya kong sabihin 'to sa parents ko."

Nanlaki mata ko. "Kaelis!"

"My family are shareholders here." Napahawak ako noo.

"Don't do that," sabi ko agad. "Let's be professional." Tumaas kilay niya.

"Professional?"

"Yes."

"Okay." Dahan-dahan siyang lumapit sakin.

"So..." Napaatras ako nang konti. "...ano?"

"Edi hilutin mo rin ako." Natulala ako.

"HA?" Naka-simangot pa rin siya.

"Kanina mo pa siyang hinahawakan."

"PATIENT KO YON!"

"I'm stressed too." Napatawa ako nang malakas.

"Baliw ka talaga." Pero imbes na matawa rin mas lalo lang siyang lumapit.

Dahan-dahan niyang inilapag baba niya sa shoulder ko.

"Kaelis!"

"I need therapy."

"OA."

"Stress ako."

"Dahil?"

"May lalaking interested sayo." Nanlaki mata ko. Napatingin ako agad sa kanya.

Mukha talaga siyang... iritable. Parang batang inaagawan.

"Kae.."

"Don't call me Kae."

Natigilan ako. "...pero si Rhysand tinatawag kang Kae." Then dire-diretso niyang sinabi.

"You sound better saying my full name"

Biglang uminit mukha ko.

Samantalang siya nakasandal pa rin sakin na parang wala siyang balak umalis.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.