Kabanata 30
School Visit
Tahimik akong nagsusulat notes habang nagtuturo professor namin tungkol sa herbal circulation therapy.
Sa tabi ko si Kaelis busy nanaman sa kung anong kalokohan. Pink highlighter, pink pen, pink sticky notes.
Mukha talagang nag-aaral sa Barbie university.
"Why are you staring?" tanong niya nang hindi tumitingin sakin. "Ang OA mo."
"Luxury student." Napairap nalang ako.
Maya-maya may kumatok sa classroom.
Napalingon lahat. Yung assistant from faculty office.
"Excuse me po," sabi nito habang sumisilip. "Aveline?" Nanlaki mata ko.
"...po?"
"Someone is looking for you downstairs."
Biglang nag-ingay classroom. "Ohoooo."
"Sinong someone?"
"Baka jowa." Napahawak nalang ako noo ko habang tumatayo.
Sa tabi ko biglang tumigil si Kaelis sa pagsusulat. Kumunot noo niya.
"Who?"
"Malay ko," sagot ko.
Pero honestly kinakabahan ako. Paglabas ko building at pagbaba sa lobby natigilan agad ako.
Si Aeron. Nakatayo sa gitna ng lobby habang naka-black coat at baseball cap.
Literal na parang photoshoot. May hawak pa siyang maliit na paper bag. Pagkakita niya sakin ngumiti agad siya.
"Hi." Nanlaki mata ko nang bahagya.
"Aeron? Anong ginagawa mo dito?" "Visiting." Napakurap ako. "...school?"
Tumango siya. "I was nearby."
At unfortunately mga students agad nakakilala sakanya.
"Omg si Aeron Villarel!"
"Model 'yon diba?"
"Hinahanap niya si Aveline?"
"Grabe." Naririnig ko na agad bulungan.
At mas lalo pang lumala nung iniabot niya sakin yung paper bag.
"What's this?"
"Tea," sabi niya. "You looked stressed yesterday."
Natigilan ako.
"Ay-"
"Also," dagdag niya habang tumatawa nang mahina, "I think you forget to take care of yourself minsan." Hindi ko alam isasagot ko.
Kasi ang gentle niya magsalita. At mas nakakahiya kasi dumadami na nanonood.
"Interesting." may familiar na boses sa likod ko. Nanlaki mata ko.
Paglingon ko si Kaelis.
Nakatayo sa likod ko habang naka-cross arms. At halatang... nagseselos? Pero scary calm. Kasunod niya pa sila PJ at Carmela na mukhang invested na invested.
"Kaelis-"
"So this is why you're visiting campus?" putol niya habang diretso tingin kay Aeron.
Kalma lang si Aeron. "Yes."
As in sobrang tense ng paligid. Parang kahit sila Carmela hindi makahinga.
May nagbulong sa gilid. "OMG nagseselos si Kaelis."
"Patay."
"Aaway naba sila?" Samantalang ako gusto ko nalang maglaho. Ngumiti lang si Aeron nang mahina.
"I just wanted to see Aveline." BOOM.
Halos mabitawan ko paper bag, literal na napangiwi si Kaelis. Then dahan-dahan siyang lumapit sakin.
Sobrang lapit. Then very calmly kinuha niya paper bag sa kamay ko.
"Thank you," sabi niya kay Aeron nang walang emotion. "We'll drink this together."
"WE?!" sigaw ko agad. Hindi niya ako pinansin. At mas lalo pang lumakas bulungan sa paligid, patay na talaga social life ko.
Dala-dala ni Kaelis yung paper bag habang dire-diretsong naglalakad pabalik building.
As in hindi man lang lumingon. "Kaelis!" tawag ko agad. Wala, mas bumilis pa lakad.
Napabuntong-hininga nalang ako saka napalingon kay Aeron.
"Sorry about that," sabi ko habang awkward na napapatawa. "Medyo... topak lang talaga siya." Nag-chuckle si Aeron nang mahina.
As in calm lang. Parang hindi affected sa ginawa ni Kaelis.
"It's okay," sabi niya habang nakangiti nang magaan. "Honestly interesting siya."
Napairap ako. "Annoying kamo." Tumawa lang siya.
"Thank you sa tea," dagdag ko habang inaayos bag ko. "Babawi ako next time."
Tumango siya. "No pressure." dahan-dahan siyang umatras. "See you around, Aveline."
"See you." Tinignan ko siya habang palabas ng campus.
Sobrang opposite nila ni Kaelis.
Si Aeron calm, gentle,soft-spoken.
Samantalang si Kaelis... isang walking disaster. Napabuntong-hininga nalang ako bago tuluyang bumalik sa classroom.
Pagpasok ko palang biglang tumahimik buong room, suspicious silence.
Nanlaki mata ko. "...bakit?"
Walang sumagot. Pero halos lahat nakatingin sa pwesto ni Kaelis.
Pagtingin ko nandoon siya, naka-upo, naka-cross arms. At nasa desk niya yung tea bag na binigay ni Aeron. Literal na parang hostage.
"Pfft-" biglang natawa si PJ. "Tumahimik ka," sabi agad ni Kaelis nang hindi tumitingin. Mas lalo tuloy natawa sila Carmela. Dahan-dahan akong lumapit sa seat ko.
"...Kaelis."
"Bakla." Wala pa rin.
Napairap ako. "Topak." Bigla siyang napatingin sakin. At halatang iritable pa rin.
"What."
"Bakit mo kinuha?"
"Because."
"Because?"
"Hindi ko siya gusto." very calmly niya sinabi.
Natigilan ako. "...ang tea?"
"Yung nagbibigay."
Meanwhile si Rhysand nasa kabilang side lang habang tahimik na pinapanood kami.
Parang entertained na entertained, naka cross arms din.
"Kaelis," sabi ko habang pilit kalmado, "gift sakin 'yon."
"So?"
"So ibalik mo."
"No."
"KAELIS!" Biglang tumayo siya, dramatic. Then kinuha niya isa sa tea boxes bago nilapag sa desk ko.
"Fine," sabi niya habang nakabusangot. "Half nalang."
Napatingin ako sa kanya. "...half?"
"Yes."
"Bakla, okay ka lang?"
"I told you stop calling me bakla especially when I'm jealous."
Nanahimik buong roomx nanlaki mata ko.
Pati sila PJ napaubo. Samantalang si Kaelis parang saka lang narealize sinabi niya.
At dahan-dahan... umiwas siya tingin.
Hindi ko na alam irereact ko pagkatapos nung sinabi ni Kaelis. Parang nag-freeze utak ko. At mas nakakainis kasi halatang siya rin nagulat sa sarili niyang sinabi.
Kaya bago pa may magsalita ulit sa room bigla nalang akong tumayo.
"CR lang ako." Hindi na ako naghintay ng sagot.
Dire-diretso akong lumabas classroom habang mainit mukha ko. "Patay," narinig ko pang bulong ni PJ sa likod.
Mas malamig ang hangin kumpara sa loob ng room. Napabuntong-hininga ako habang naglalakad.
"Baliw talaga 'yon," bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko na maintindihan si Kaelis. Hindi ko na maintindihan kung nang-aasar lang ba siya o hindi. At mas lalong hindi ko maintindihan bakit sobrang affected ako.
May footsteps sa likod ko, akala ko si Kaelis.
Pero paglingon ko si Rhysand. Nanlaki mata ko nang konti. "Oh."
Kalma lang siyang naglalakad papalapit habang nakapasok kamay sa bulsa.
"Can we talk?" Napakurap ako. "...sure?"
Tumigil siya sa harap ko. Tahimik muna siya saglit na parang inoobserbahan ako. Then diretso siyang nagsalita.
"Medyo magtataray ako sayo honestly." Natigilan ako. "...ha?"
"I'm trying not to be," dagdag niya habang tumatawa nang mahina, "pero curious kasi ako." Tahimik lang ako nakatingin sa kanya.
Then tumingin siya pabalik sa classroom direction. "Ano ba talaga kayo ni Kaelis?"
"Friends." Tumaas kilay niya. "Friends?"
"Yes." Parang hindi convinced.
Then dire-diretso siyang nagsalita. "Ginawa mo na ba siyang lalaki?" Nanlaki mata ko.
"WHAT?!"
"I mean," sabi niya habang natawa nang konti sa reaction ko, "Kaelis never wanted to be treated like a typical guy."
"He hated expectations," dagdag niya. "Ayaw niya nung pressure maging 'manly.'"
Napakurap ako habang nakikinig.
"Pero sayo..." sabi ni Rhysand habang nakatingin sakin, "parang kusa siyang nagiging gentleman."
Hindi ko alam sasabihin.
"Kusa siyang nagseselos," dagdag niya. "Protective, possessive."
Napabuntong-hininga siya nang mahina.
"You're changing him." napailing ako sakanya. "No," sabi ko nang dahan-dahan. "Hindi ko siya binabago."
Napatingin siya sakin.
"Kaelis is still Kaelis," dagdag ko habang naka-cross arms. "Maarte pa rin, maingay, topak, bakla pa rin." Natawa si Rhysand nang mahina.
"But?" Napatingin ako sa classroom door, dahan-dahan akong napangiti.
"Maybe..." sabi ko nang mahina, "comfortable lang siya sakin."
Kumunot noo ni Rhysand, parang may nare-realize.
"...that's worse." napangiti rin siya nang konti. Kumunot noo ko.
"Ha?"
"Nothing." Bago pa ako makapagtanong biglang bumukas classroom door.
At lumabas si Kaelis. Naka-simangot.
Pagkakita samin mas lalo pa.