Kabanata 31
Comfortable
Base palang sa mukha ni Kaelis halatang hindi siya natuwa.
Naka-cross arms siya habang nakatingin kay Rhysand na parang gusto niya itong palabasin agad ng building.
"Ano nanaman 'to, Rhys?" sabi niya habang dahan-dahang lumalapit samin. "Pati ba ikaw lalandiin si Aveline?" Nanlaki mata ko agad.
"KAELIS." Pero si Rhysand? Kalma lang.
As in sobrang kalma nakakairita."What?" sagot niya habang nakaangat kilay. "I am gay." Huminto siya saglit bago ngumiti nang bahagya.
"And never akong magkakagusto sa babae, Kaelis." Nakatitig lang si Kaelis sa kanya.
Hindi umaalis tingin. Parang may silent war sa pagitan nilang dalawa. Then dahan-dahang nagsalita si Rhysand.
"You know who I want." Biglang naging mabigat yung atmosphere. Napakurap ako habang palipat-lipat tingin ko sakanilang dalawa. Hindi ko alam bakit parang may history na hindi ko kayang abutin.
At mas lalong nakakakaba kasi ibang klase tingin ni Rhysand kay Kaelis.
Hindi playful, hindi teasing, mas malalim, mas matagal. Samantalang si Kaelis hindi rin umiimik agad.
Hanggang sa napabuntong-hininga siya saka umiwas tingin.
"Don't start." Napangiti si Rhysand nang mahina. "Relax." Tumawa pa siya nang konti bago tumingin sakin.
"I was just talking to her."
"Yeah?" sagot agad ni Kaelis. "Mukhang ang seryoso niyong dalawa."
Napairap ako.
"Arte mo." Biglang napalingon sakin si Kaelis. "Excuse me? Ikaw tong biglang close sa model."
"At least calm siya." Muntik ko nang bawiin sinabi ko. Kasi literal na nagbago expression ni Kaelis.
As in nanigas ang jaw niya. Habang si Rhysand naman biglang natawa nang mahina sarcastically.
"Ouch." Napahawak ako noo ko. "Hindi ganon ibig kong sabihin-"
"Sure," putol ni Kaelis habang nakangisi pero halatang pikon. "Calm nga siya."
Bigla siyang lumapit sakin.
"Maybe you like calm guys now?" tanong niya habang diretso tingin sakin.
Bumilis tibok ng puso ko. "Ano bang problema mo?" sabi ko habang pilit composed.
"You."
"Baliw."
"Yes." Napailing nalang si Rhysand habang pinapanood kami. "Grabe," bulong niya. "You're both hopeless."
"Sinong hopeless?" sabay naming tanong ni Kaelis, mas lalo tuloy natawa si Rhysand.
"I'll leave you two alone," sabi niya habang nakangiti pa rin. "Mukhang sasabog na si Kaelis."
"I'm not jealous," sagot agad ni Kaelis.
"Never said you are." At tuluyan nang umalis si Rhysand habang natatawa mag-isa.
Pagkaalis niya naiwan kaming dalawa ni Kaelis sa hallway. Mainit pa rin ulo niya halata sa mukha. Samantalang ako hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa.
"Calm guy?" ulit niya habang nakatingin sakin. Napatawa ako nang mahina.
"Kaelis..."
"Hmm?"
"Selos ka ba talaga?" Natigilan siya.
Isang segundo lang, pero nakita ko, dahan-dahan siyang ngumisi.
"No." Lumapit pa siya nang konti.
"But I hate sharing your attention."
At this point hindi ko na alam kung paano pa ako magiging chill sakanya. Hindi ko alam pero parang may something din kay Rhysand kahit nag act siya ng cool ngayon.
Hanggang sa nag uwian na.bPero hanggang ngayon mainit pa rin ulo ni Kaelis.
Halata naman. Habang naglalakad kami palabas ng campus, sobrang tahimik niya.
Hindi yung normal niyang dramatic silence.
Ito yung klase ng katahimikan na parang may pinipigilan siyang sabihin. Sa tabi ko, pilit ko siyang sinusulyapan.
"Kaelis." Walang sagot. "Bakla." Mas lalo lang bumilis lakad niya.
"Ano bang problema mo?" Huminto siya bigla. Napaatras pa ako nang konti sa bilis.
Paglingon niya sakin grabe yung tingin niya.
Hindi ko maexplain. Parang galit, parang may gusto siyang gawin simula pa kanina.
Bago pa ako makapagsalita bigla niya akong hinila.
"KAELIS-"Napasinghap ako nang madikit likod ko sa pader sa gilid ng campus building.
Nanlaki mata ko. "Anong ginagawa mo?!"
Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sakin habang mabilis paghinga niya.
Dahan-dahan siyang lumapit, sobrang lapit.
"Calm guy ha?" bulong niya.
"Kaelis-"
"Interesting huh?" Napakurap ako.
"Baliw ka ba-" Hindi ko na natapos sasabihin ko. Kasi bigla niya akong hinalikan.
Nanlaki mata ko, as in tuluyang nag-blank utak ko. Mainit, biglaan. At parang lahat ng inis at selos niya nandun sa halik.
Mabilis kong tinulak dibdib niya.
"Kaelis-mmph-" Pero hindi siya umatras.
Mas lalo pa niyang hinawakan braso ko habang mas diniin halik niya.
At this time hindi na siya nang-aasar, hindi playful. Parang matagal niya nang gustong gawin 'to. Napapikit ako nang madiin habang pilit humihinga. Ramdam ko kung gaano siya ka-desperate humalik.
Parang uhaw na uhaw, nakakainis kasi unti-unti akong bumibigay.
Hindi ko na siya natutulak, hindi ko na rin mapigilan sarili kong sumabay.
Maya-maya naramdaman kong ngumisi siya sa gitna ng halik. Parang alam niyang bumigay na ako.
"Kaelis..." hingal kong bulong.
Pero imbes huminto hinila niya pa ako palapit saka niya ako hinalikan ulit.
Mas mabagal, mas malalim, mas nakakakaba. Napahawak ako sa dibdib niya habang mabilis tibok ng puso ko.
At habang magkadikit kami sa gilid ng campus parang wala na akong maalala kundi siya. Yung amoy niya, yung init ng kamay niya sa braso ko.
At yung nakakainis niyang smug smile sa gitna ng kiss. Paglayo niya nang bahagya pareho kaming hingal.
Namumula mukha ko habang nakatitig lang sakanya.
Samantalang siya nakatingin sakin na parang finally nakuha niya gusto niya.
Mahina siyang natawa. "Yeah," bulong niya habang hinahaplos thumb niya sa wrist ko. "Definitely jealous."
"You're coming home with me." Nanlaki mata ko agad pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"...HA?" Hindi na siya sumagot. Hinila niya nalang ako papunta sa kotse niya habang ako namumula pa rin at lutang dahil sa nangyari kanina.
"Kaelis!" sabi ko habang pilit kumakawala. "Baliw ka ba? Pauwiin mo ako!"
"No."
"NO KA DIYAN?" Napangisi siya habang binubuksan pinto ng kotse niya para sakin.
"You started this."
"AKO?!"
"You called another guy calm." Napahawak nalang ako noo ko.
Pagdating namin sa bahay nila literal na natigilan ako, mansion. As in sobrang laki.
Modern black-and-gold interior, floor-to-ceiling windows, sobrang tahimik, tapos amoy mamahalin lahat.
"Kaelis..." bulong ko habang umiikot tingin ko. Kalma lang siyang naglalakad sa unahan.
"No one's home," sabi niya habang tinatanggal shoes niya. "...ang laki."
"Nang alin?" Napairap ako kahit impressed na impressed ako.
Then dire-diretso niya akong dinala sa kwarto niya. At pagpasok ko mas lalo akong natulala. Pink and white lahat, but..
May luxury perfumes, may skincare fridge.
At sobrang bango ng room niya.
"Sit." Napakurap ako."...ha?"
"Sit down, Aveline." Napailing ako nang mahina pero sumunod din. Pagkaupo ko sa kama niya, may kinuha siya sa cabinet.
Then maya-maya may nilapag siyang maliit na luxury box sa kandungan ko.
Nanlaki mata ko. "Kaelis..."
"Open it." Dahan-dahan ko iyong binuksan.
At halos mawalan ako ng hininga,isang luxury bracelet, rose gold, minimalist.
May maliit na pink gemstone, sobrang elegant. At halatang sobrang mahal.
"KAELIS."
"What?"
"Hindi mo naman ako dapat bigyan ng mamahalin!" Kalma lang siyang sumandal sa vanity niya habang nakatingin sakin.
"I don't like losing." Kumunot noo ko.
"...ha?"
"Hindi ako papatalo kahit kanino." Nanlaki mata ko nang bahagya. "Ano bang competition niyo ni Aeron?"
"Ako." Napakurap ako, dahan-dahan siyang napangisi. Yung dangerous na ngisi.
"Why, Aveline?" tanong niya habang papalapit sakin. "Do you want to try the finger gift that I offered you?"
Biglang uminit buong mukha ko.
"KAELIS!" Natawa siya nang mahina habang yumuyuko palapit sakin.
"Asan na yung brave girl kanina?" Napaatras ako nang konti sa kama habang hawak pa rin bracelet box.
"You're insane."
"And you kissed me back." Natigilan ako.
Bigla akong nawalan ng masabi. Samantalang siya sobrang yabang ng mukha, dahan-dahan niyang hinawakan wrist ko, sobrang gentle.
At siya mismo nagsuot nung bracelet sakin.
"There," bulong niya habang tinitingnan kamay ko. "Now everyone knows."
"...ano?"
"That you're mine to spoil."