Kabanata 32
Only Aveline
"Tonight," sabi ng professor habang nagsusulat sa board, "you'll have your overnight herbal therapy formulation assessment."
Biglang nag-ingay buong classroom.
"OVERNIGHT?!!"
"Ma'am bawal po akong mapuyat masisira kapogian ko."
"PJ tumahimik ka." Napatawa ako nang mahina habang nagsusulat notes.
The activity was about:
- custom calming formulations
- sleep therapy
- herbal oils
- emotional stress treatment
And syempre partner activity ulit. Pagkatapos mag-explain ng professor, nagsimula na agad maghanapan ng partners mga students.
Si Carmela agad sumabit kay PJ. Meanwhile biglang tumayo si Rhysand.
"I'll partner with Kaelis." Napalingon agad lahat sakanila, expected naman.
First love, close ulit, pareho pang magaling.
Perfect pair kumbaga. At sa tabi ko si Kaelis busy lang sa pagsusulat na parang walang narinig.
"Kaekae?" tawag ulit ni Rhysand habang nakangiti. "Partner?" Biglang tumigil si Kaelis.
Then very casually "No." Nanlaki mata ng buong room. Pati ako. Napaangat kilay si Rhysand. "...no?"
Hindi pa rin tumitingin si Kaelis habang nagsusulat. "I wanna be partner with Aveline."
Halos mabulunan si PJ sa likod. "Ano nanamang ginawa mo sakanya?" bulong ni Carmela sakin.
"Malay ko ba!" Natawa nang mahina si Rhysand habang naka-cross arms.
"Wow." Ngayon lang yata may tumanggi sakanya. Meanwhile si professor napailing nalang.
"You two again?"
"Yes," sagot agad ni Kaelis. "Obsessed," bulong ni PJ. Narinig ni Kaelis.
"Yeah."
"Hoy Kaelis" Pero wala na siyang pake.
Kinuha pa niya worksheet ko saka nilagay pangalan niya katabi nung sakin. Parang automatic na.
Kinagabihan, nasa TCM laboratory na kami for overnight assessment. Mas tahimik pag gabi, warm yung ilaw.
Amoy herbs, tea leaves, at essential oils buong paligid. Lahat busy sa kani-kanilang stations.
Habang ako naman nagaayos:
- lavender
- chamomile
- dried rose
- mugwort
- sandalwood oils
Sa tabi ko si Kaelis naka-upo habang nakatingin lang sakin. "...tutulong ka ba?"
"I'm supervising beauty." Napairap ako.
"Worthless."
"Pretty but useless." Napatawa nalang ako habang nagpapatuloy maghalo ng oils.
Maya-maya may lumapit na babae from another section.
"Kaelis," sabi nito habang may hawak tray. "Need help sa pressure therapy demo?"
Bago pa makasagot si Kaelis sumagot agad siya. "No." Natigilan yung girl.
"Aveline only." Nanlaki mata ko.
Umirap siya sakin. "You're my assigned therapist tonight."
Napaubo si PJ sa kabilang table.
"THERAPIST AMP-"
"Tumahimik ka." Namumula na naman mukha ko habang pilit inaayos herbs.
Pero mas lalong nakakainis kasi halatang seryoso siya. Maya-maya, kailangan na namin i-test calming oil blends.
At syempre gusto ni Kaelis sakin gawin.
"Apply mo dito," sabi niya habang tinuturo leeg niya."Bakit sakin mo pinapagawa?"
"Because I trust you." Natigilan ako saglit.
Dahan-dahan akong lumapit dala oil blend.
Pagdampi ng daliri ko sa leeg niya bigla siyang napapikit. Mainit ang balat niya.
At nakakainis kasi sobrang lapit namin.
"You okay?" tanong ko habang inaapply oil sa wrist niya. Dahan-dahan siyang dumilat.
Then diretsong tumitig sakin. "Your hands are dangerous." Napakurap ako.
"Ano nanaman?"
"I stop thinking when you touch me." Biglang bumilis tibok ng puso ko.
At sa kabilang side ng room napansin kong tahimik lang na pinapanood kami ni Rhysand.
Pero this time iba ang muka niya.
Lumalim na gabi habang nagpapatuloy overnight assessment namin sa TCM laboratory.
Yung ibang students, inaantok na, nakahiga sa tables, nagkakape at nagrereklamo na
Samantalang si Kaelis sobrang clingy.
As in nakakainis levels.
"Aveline."
"Aveline."
"Aveline." Napairap ako habang naghahalo ng dried herbs. "Ano nanaman?"
"Pagod na ako."
"Tatlong dahon palang hinahalo mo."
"Emotional support ako." Napatawa nalang ako nang mahina habang inaayos ko yung herbal compress materials.
Maya-maya, lumapit professor namin.
"Partners," sabi nito, "you'll now perform calming pressure therapy and heat compress application."
Biglang naging interesado buong class. Kasi ito yung pinaka hands-on activity.
Need nilang, maglagay warming herbal compres, mag shoulder pressure therapy, pulse relaxation and neck tension treatment.
"At dahil overnight session," dagdag ng professor, "realistic setup tayo."
Narinig ko agad excited na bulungan sa paligid. Patay.
Pagkaalis ng professor biglang humarap sakin si Kaelis. "Asan compress ko?"
Napakurap ako. "Bakla hindi ka naman totoong pasyente."
"I'm stressed."
"Kasalanan mo."
"Exactly." Napailing nalang ako habang naghahanda ng warm herbal compress.
Mugwort, lavender and chamomile.
Then nilagay ko sa small cloth wrap bago painitin nang bahagya.
Pagharap ko ulit si Kaelis naka-upo na sa chair habang nakabukas nang konti collar ng shirt niya.
Nanlaki mata ko. "KAELIS."
"What?"
"Ba't mo binubuksan?"
"I need treatment."
Mainit na agad mukha ko habang papalapit dala warm compress. "Okay," bulong ko habang pilit professional. "Relax your shoulders."
"Can't."
"Bakit?"
"You're too close." Napakurap ako. Bago pa ako makasagot bigla niyang hinawakan bewang ko para hilahin ako palapit.
"Hoy!"
"Careful," bulong niya habang nakatingala sakin. "Mahuhulog compress." Nanlaki mata ko.
At mas lalong lumala kasi ngayon sobrang lapit namin. Ramdam ko init ng katawan niya. Yung kamay niya nasa bewang ko pa rin.
At yung tingin niya sobrang distracting.
Dahan-dahan kong nilagay warm compress sa leeg niya.
Napapikit agad siya.
"Shit."
"Kaelis?"
"That feels too good." Namula lalo mukha ko.
At habang inaadjust ko compress sa shoulder niya bigla niyang hinawakan wrist ko, mahigpit, pero gentle.
"Aveline," bulong niya habang nakapikit pa rin.
"Hm?"
"If you keep touching me like this..." Bumilis tibok ng puso ko. "...what?"
Dahan-dahan siyang dumilat. Diretsong tingin sakin.
"...I might forget this is a school activity."
Literal na nawalan ako ng sasabihin.
At mas lalong nakakabaliw kasi hindi na talaga siya mukhang nang-aasar ngayon.
Bago pa ako makalayo bigla siyang yumuko nang bahagya. At naramdaman ko labi niya dumampi sa tiyan ko sa ibabaw ng uniform ko. As in sobrang bilis lang.
Pero sapat para manginig ako. "KAELIS!"
Napalingon agad sila PJ. "ANO NANAMAN YAN?!" napaka chismoso!
Samantalang si Kaelis nakatingin lang sakin habang nakangisi nang konti.
"Relaxation therapy."
"BALIW KA TALAGA!"
Pero imbes umiwas mas lalo lang akong nahirapang huminga habang hawak pa rin niya bewang ko na parang ayaw niya akong pakawalan.
Lumalim pa gabi habang nagpapatuloy overnight assessment.
Yung iba sa room, tulog na sa tables, nakahiga sa folded jackets, nagkakape habang lutang at nagrereview pa kunwari pero tulog na mata
Tahimik na rin sila PJ at Carmela sa kabilang side. Meanwhile ako inaayos ko pa yung natitirang herbs at oil bottles sa station namin.
Hindi ako mapakali. Kasalanan nung baklang yon. Everytime naaalala ko yung:
hawak niya sa bewang ko, bulong niya at yung nakakabaliw niyang tingin
umiinit nanaman mukha ko.
"Baliw talaga..." bulong ko habang nagaayos lavender jars.
Pagkatapos ko, napabuntong-hininga ako saka napalingon sa pwesto ni Kaelis.
Nakatulog na siya. Naka-upo lang sa chair pero nakasandal ulo niya sa likod habang bahagyang magulo buhok niya.
Nakabukas pa konti collar ng polo niya.
mukhang pagod talaga sobra.
Dahan-dahan akong lumapit. Hindi ko alam bakit. Parang automatic lang.
Paglapit ko napansin kong may redness wrist niya. Siguro dahil kanina pa siya restless at kung ano-anong ginagawa.
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
"Kulit mo kasi..." bulong ko.
Dahan-dahan kong hinawakan wrist niya para icheck. Mainit pa rin ang balat niya.
Pero pagdampi palang ng daliri ko gumalaw agad siya. Napasinghap pa ako nang konti.
Hindi siya fully gising, half asleep lang. Pero hinigpitan niya hawak sa kamay ko.
"Kaelis?" bulong ko. Dahan-dahan siyang dumilat. Antok na antok pa mata niya habang nakatingin sakin.
"...don't touch me gently if you don't plan on staying." Biglang bumilis tibok ng puso ko.
Natulala ako, kasi sobrang hina ng boses niya. Sobrang vulnerable.
Parang hindi yung usual na Kaelis na maangas at puro kalokohan.
At bago pa ako makarecover bigla siyang gumalaw palapit, dahan-dahan niyang hinila ang kamay ko papunta sa buhok niya.
"Play with my hair..." bulong niya habang nakapikit ulit.
Napakurap ako. "...ha?"
"makakatulog ako ng maayos" Literal na natulala ako habang nakatingin sakanya.
Pero after few seconds dahan-dahan kong hinaplos buhok niya, soft at mabango.
Hanggang sa ulo niya nasa kandungan ko na. Nanlaki mata ko.
"Kaelis-" Pero tulog na siya ulit.
As in mahimbing. At habang tahimik kong sinusuklay gamit daliri buhok niya.