Kabanata 40
Still Obsessed
Hindi ko alam kung kailan eksaktong nangyari, siguro unti-unti. Siguro sa mga gabing magkasama kaming nagre-review hanggang madaling araw.
Sa mga umagang sabay kaming nagcocoffee bago pumasok.
Sa mga pagkakataong nauuna siyang dumating sa condo ko dahil gusto niya akong salubungin pag-uwi. Ang alam ko lang, parang naging bahay na rin ni Kaelis ang condo ko.
May sarili na siyang drawer , may sarili na siyang skincare sa banyo ko na mas mahal pa yata kaysa sa buong skincare routine ko.
At nakakainis dahil kahit saan ako tumingin, may gamit siya.
"Aveline."
Napakurap ako at napatingin sa lalaking nakahiga sa sofa habang nakapatong ang ulo sa hita ko.
"Hm?"
"Let's get married." Napapikit ako, again.
Literal na araw-araw niya nang sinasabi iyon. Ibinaba ko ang libro ko at tinignan siya. Nakatitig lang siya sa akin na parang seryoso.
Which was the problem, palagi siyang seryoso.
"Kaelis."
"Yes?"
"Twenty-four pa lang tayo."
"So?"
"So?" ulit ko. "Nag-aaral pa tayo."
"We can study while married." Nanlaki agad ang mga mata ko.
"Kaelis naman!" Napatawa siya nang malakas at sumiksik sa hita ko. "Gusto ko lang naman maging asawa ka."
"Boyfriend ka pa lang."
Pero bago pa ako makapagreklamo ulit, bigla siyang yumuko at marahang hinalikan ang hita ko, agad akong namula.
"Kaelis, stop that"
"Why?"
"Because you're being manyak again." Napangisi siya. "I want babies."
"OH MY GOD."
"I told you, I want twins."
"STOP."
"Blue eyes."
"KAELIS RHUNE!" Tawang-tawa siya habang ako gusto ko nang tumalon palabas ng bintana. Pero habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko napigilang mapangiti.
Kasi kahit ganito pa rin siya ka-obsessed...
nagbago na rin siya. Hindi na siya yung dating Kaelis.
Hindi na siya yung lalaking nakakalimutang kumain kapag hindi kami magkasama. Hindi na siya yung lalaking hindi natutulog dahil gusto niyang hintayin ako. Hindi na siya yung lalaking handang ubusin ang sarili niya para lang mahalin ako.
Mahal niya pa rin ako nang sobra.
Pero ngayon, natutunan na rin niyang mahalin ang sarili niya. At para sa akin, sapat na iyon.
"Bakit ba sobrang excited mo?" tanong ko habang sinusuklay ko ang magulo niyang buhok gamit ang mga daliri ko.
Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan iyon.
"Because you're my future." At ayun na naman. Yung pakiramdam na para bang may humihila sa puso ko.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang sabihin ang mga ganoong bagay nang parang normal lang.
"Ayoko madaliin," sabi ko.
Tumango siya. "Okay."
"Graduate muna tayo?"
"Okay."
"Magtratrabaho."
"Okay."
"Saka kasal." Tahimik siya ng ilang segundo.
Akala ko tapos na, pero syempre hindi.
"Can I buy the house now?" Napabuga ako ng hangin. "Ano?"
"The condo is too small." Nanlaki mata ko.
"Dalawa lang tayo!"
"Not forever."
"KAELIS!" mas lalong hindi ko alam kung paano ko nakalimutang seryoso pala siya.
Dahil makalipas ang ilang araw, may binigay siyang address sa akin. At nang makarating kami doon, tuluyan akong natigilan.
Sobrang gandang bahay, modern, malawak, may malaking garden, may greenhouse para sa herbs, may tea room at may napakalaking kusina. At may balcony na tanaw ang buong paligid.
"Kaelis..." Ngumiti siya. "Nice, right?"
"Kanino 'to?" Hindi siya agad sumagot. "Binili mo?" Tumango siya, parang proud pa
"What?"
"Why?!" Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. "Because I want a future with you."
Bigla akong natahimik, wala akong maisip na isagot.
Tahimik niya akong inikot sa buong bahay.
Pinakita ang greenhouse, ang tea room, ang kitchen. At nang makarating kami sa second floor, napansin ko ang dami ng mga kwarto.
Napahinto ako. "...Ilang rooms meron dito?"
"Six." Nanlaki agad ang mga mata ko. "ANIM?" Tumango siya. "Need."
"Para saan?" Napakalmado ng sagot niya.
"Future children." Sobrang future minded naman nitong baklang to!
Pagkatapos non, umakyat kami sa balcony.
Unti-unti nang lumulubog ang araw. At gaya ng nakasanayan niya, niyakap niya ako mula sa likod.
"Aveline, I'm obsessed with you" Napatawa ako nang mahina. "Alam ko."
"Pero nag bago na ako."
"Alam ko."
"Nakain na ako at natutulog na rin ako."
"Alam ko."
"Hindi ko na rin kinakalimutang alagaan ang sarili ko." Dahan-dahan akong tumango.
Kasi totoo naman at proud ako sa kanya.
Sobrang proud. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko bago siya huminga nang malalim.
"But I still want to marry you immediately."
Napatawa ako. "Konting hintay."
"Fine." mas humigpit ang yakap niya.
"As long as you're the one I end up with and hindi pa rin nawawala ang possibility."
Napasinghap ako. "Possibility ng ano?"
Ngumisi siya.
"Aveline."
"Kaelis."
"Aveline." Paulit ulit kami.
"Sabihin mo." Tinignan niya ako nang diretso. Yung tingin na laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
"Do you think it's normal that we make love everyday?" Agad akong namula.
"What? Honest question?" Dagdag ko.
Pinitik ko agad ang noo niya, tumatawa lang siya. At mas lalo pa nang makita niyang umiinit na naman mukha ko.
"I can make you pregnant" Literal akong natigilan.
"I know!" Napatawa lang siya habang hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa.
Minsan kasi parang walang filter ang bibig niya."Mali ba?" inosente niyang tanong.
"Hindi" Napailing ako bago umiwas ng tingin dahil nararamdaman kong umiinit na naman ang mukha ko.
Maya-maya ay napabuntong-hininga na lang ako. "Well..." bulong ko.
Agad siyang napatingin.
"Well what?"
Napakagat ako sa labi. "Kung mabuntis man ako..." sabi ko habang iniiwas ang tingin, "wala na rin naman akong magagawa."
Nanlaki agad ang mga mata niya, parang nanalo nanaman sa lotto.
"Aveline."
"Anong Aveline?"
"Aveline."
"Kaelis, tumigil ka." Pero lalo lang siyang ngumiti. Yung klase ng ngiti na alam kong may binabalak.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa sinabi mo." Napairap ako. "Excited ka masyado."
"Siyempre."
"Kaelis." Lumapit siya sa harap at marahang hinalikan ang likod ng kamay ko.
"Aalagaan kita." Lumambot agad ang expression niya. "Walang magbabago doon." Tahimik akong napatingin sa kanya.
Kasi sa lahat ng pagiging dramatic niya... Alam kong totoo iyon. Hindi niya ako pababayaan. Hindi siya yung tipo ng taong tatakbo.
Hindi siya yung tipo ng taong iiwan ka kapag mahirap na. Sa katunayan, pakiramdam ko nga mas lalo pa siyang didikit.
Kaya nang makita niya akong nakatingin lang sa kanya, ngumiti siya nang mahina.
"Pero graduate muna." Sabi ko.
"Graduate muna, just in case then kasal" ulit niya. "Kaelis..."
At habang nakasandal ako sa dibdib niya, naramdaman ko ang mahina niyang halik sa tuktok ng ulo ko.
"Don't worry, Aveline, matagal kitang hinintay." Mas humigpit ang yakap niya.
"Hindi ko sasayangin kahit isang araw kasama ka."
"At alam mo ba kung bakit ako nag-ipon nang ganito?" Napatingin ako sa kanya.
"Kasi naisip ko noon..." sabi niya. "Kahit hindi ko pa alam kung sino makakasama ko sa future, gusto kong handa ako." Tahimik lang akong nakinig.
"Gusto kong magkaroon ng bahay. Gusto kong magkaroon ng stable na career. Gusto kong magkaroon ng sapat na ipon para hindi ko kailangang mag-alala sa pera everyday" Napangiti siya nang mahina.
"Hindi ko lang ine-expect na ikaw pala yung magiging dahilan kung bakit gusto kong bilisan." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Aveline..." mahina niyang dagdag habang nakatitig sa akin. "Noong dumating ka, parang lahat ng plano ko nagkaroon ng mukha." Napakurap ako.
"Dati future lang siya. Ngayon ikaw na."
"At alam mo ba favorite part ko?"
"Ano?"
"Yung hindi na kita kailangang ligawan."
Napatawa ako. "Bakit?"
"Because now you're stuck with me."
"Excuse me?"
"You heard me." Pinalo ko ulit siya, natatawa lang siya.
At habang lumulubog ang araw sa likod namin, habang nakatayo kami sa bahay na pinangarap niya noon pa man, habang yakap niya ako na parang wala nang balak bumitaw...
bigla kong narealize na baka tama siya.
Masyado ngang maliit ang condo. Hindi dahil kailangan namin ng anim na kwarto.
Hindi dahil gusto niya ng twins.
Kundi dahil sa dami ng pangarap niyang gustong ibahagi sa akin.
At sa unang pagkakataon, hindi na nakakatakot ang future.
Dahil sa bawat plano ni Kaelis lagi akong kasama. At mukhang wala na talaga akong takas.