CHAPTER 2 Not Alone

Seraphine’s POV:

Nasa bahay ako at nakaupo sa couch. Gabi na rin, nakatingin lang sa ceiling parang may invisible projector ng drama ng buhay ko. Halos isang linggo na rin simula nung interview pero wala pa rin yung tawag na inaasahan ko.

“Grabe ang mundo sayo, Amor,” Sabi ko sa sarili sabay buntong-hininga.

Biglang pumasok si Lara sa sala dala ang dalawang bote ng soft drink at snacks.

“Uy, look who’s sulking sa couch like a tragic hero,” Naka ngisi nyang sabi sabay lagay ng snack sa harap ko.

“Tragic? Mas okay pa si Linda Walker kaysa sa akin ngayon,” Sagot ko habang nakatitig pa rin sa ceiling.

“Sino ba kasi yang Linda Walker na yan? Pati sa office naririnig ko pangalan niya,” Naiirita niyang sabi. Napatawa ako.

Sa isip-isip ko, may kalokohan na naman akong naiisip isipin, alam nyo yun adik siya sa TikTok pero hindi niya alam.

“Ah si Linda? Pinakamatalino sa lahat. Nakakuha lang naman siya ng 719 sa mock exam,” Casual kong sabi.

“719? Hanggang ilan ba? Kung 1 to 1000, mababa payan,” Sagot niya tila gusto pang makipagpataasan kay Linda Walker.

“Ah basta, sabi nila mas matalino pa raw kay Einstein,” Natatawa kong dagdag.

“Okay,” Sabi niya sabay irap. Hindi ko mapigilang hindi matawa.

“Ehh? bat ka tumatawa?” Tanong niya.

“Ah wala cute mo kasi,” Sagot ko.

“Alam ko. Pero alam mo feeling ko talaga kailangan mo ng cheer up session ngayon at ako ang trainer mo,” Sabi niya.

“Ano na naman yan?” Tanong ko. Linagay lang nya ang kamay sa baba nya at tila nag iisip.

“O di naman kaya kailangan ulit nating pumunta sa simbahan. Busy ata si Lord nung pumunta tayo,” Biro niya sabay tawa.

Napatawa na lang din ako. Pero sa loob-loob ko iniisip ko na baka kailangan ko nang sumubok sa ibang company. Baka hindi talaga para sa akin to.

“Baka kasi kasama kita kaya ganun. Nakalimutan ko na bawal pala ang demonyo doon,” Biro ko. Agad siyang sumimangot.

“Hoy,” Sabi niya pero bigla siyang naging seryoso.

“Pero seryoso alam mo tiyaga lang. Malay mo maraming applicants kaya dini-double check nila. Isa pa, goods kaya academic record mo. Sure ako isa ka sa mga pinagpipilian. Pero kung hindi ka man matanggap, maybe hindi lang talaga para sayo yun,” Mahaba nyang sabi habang kumakain.

Okay na sana eh. Na-motivate na ako.

Anyways, sa iisang bahay lang kami nakatira.

A not too small, not too big house na may two bedrooms at two guest rooms. And kami ni Lara, we’ve been friends for about 2 years na and we just got the house 6 months ago.

Nag-decide kami na mag live in na. Haha, kala mo naman mag jowa.

Hati kami sa lahat. Pero ngayon sabi niya siya muna habang wala pa akong work.

Actually may pera naman ako sa bank pero for some reason ayoko pa galawin. Alam niya yun at naiintindihan niya.

Kinabukasan habang nagbe-breakfast kami, itlog, pandesal at konting kape, biglang tumunog ang phone ko agad kinuha ni Lara.

“Tawag? From HR?” Tanong ko sabay kuha ng phone sakanya.

“OMG baka tawag na yan ng universe,” Sigaw ni Lara sabay tuktok sa akin.

“Hello?” Sagot ko nervously. Si Lara naka tingin lang habang kumakain.

“Good day Miss Reyes. We’re excited to tell you, you’ll be starting tomorrow, Monday.” Propesyonal na sabi ng babae sa kabilang linya

Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko at parang may fireworks sa ulo ko kung ano ano ang iniisip. Pero teka.

“WHAT? TOMORROW?” Sigaw ko, halos tumalon sa upuan.

Napatayo rin si Lara at natapon pa ang kape sa mesa sa sobrang excitement.

“I told you. Sabi ko na sayo may miracle,” Bulong ng gaga ako naman natulala.

“Miss Reyes, still there?” Tanong ng babae sa linya.

“Ah yes ma’am. Tomorrow noted po,” Sagot ko.

“Don’t be late,” Sabi niya.

“Copy ma’am, bye,” Sabi ko bago patayin ang call.

Naglakad kami ni Lara sa sala dala dala ang kape at tinapay sabay sayaw sa parang mini dance floor namin okay na sana nang nagsalita nanaman sya.

“Pero kung maglalaro ka pa mamaya at di ka magising bukas, bahala ka. Di kita gigisingin,” Pagbabanta niya. Nagkibit balikat lang ako.

“Eh kung late ka rin magising bukas bubuhusan kita ng kape,” Sagot ko sabay tawa.

Nag patuloy kami ni Lara may konting practice para sa gagawin ko bukas, sabay kulitan, sabay tawanan at tulog kinahapunan. Yung isang linggo na stress at drama nawala dahil sa konting good news at si Lara na laging handang saluhin ako at magpakabida sa sarili niyang paraan.

Andito ako ngayon sa kwarto, Kakatapos lang ng dinner namin ni Lara di makatulog. nakatingin lang sa kisame parang kanina pa ako nakikipag staring contest dito. Iniisip ko ang mga mangyayari bukas.

What if pumalpak ako

What if hindi ako mag fit in

What if masungit yung boss

What if hindi pala talaga ako ready

Kung kanina sobrang saya ko, ngayon parang may halong kaba na kumakain sa dibdib ko. Ganito pala no. Yung masaya ka pero may kasamang takot.

Habang nasa ganyang pag iisip ako biglang tumunog ang phone ko.

Unknown number.

Sandali akong natigilan. Balak ko sanang i-decline gabi na rin kasi. Pero baka importante.

“Hello sino to?” Sagot ko.

“How are you?” Tanong ng kung sino.

Natigilan ako nang marinig ang boses sa kabilang linya. Si Aunt Tere pala.

“I’m okay po. How about you, Tita?” Tanong ko. It’s been 1 months simula nung huli ko siyang makausap.

“I’m good. I’m thinking about you kaya napatawag ako,” Sabi niya.

“Bakit po kayo nagpalit ng number, Tita?” Tanong ko.

“Long story. Anyways how are you feeling? May problema ba or anything?” She asked. She sounded concerned as always.

“I’m feeling good, Tita. Also natanggap ako sa work and tomorrow na ako mag uumpisa,” Sabi ko smiling kahit di niya nakikita.

“I see. Bat kasi di ka na lang umuwi dito at dito mag work so I can keep my eyes on you,” Sabi niya. May lungkot sa boses niya.

“I don’t know, Tita. Masaya na ako dito tahimik ang buhay.” Sagot ko.

“I see. Pero pag may problema or masakit sayo sabihan mo lang ako. Also don’t forget to drink your vitamins and stuff.” Sabi nya. Tita is a doctor and she keep on monitoring me meron rin kasi akong allergy.

“Sure, Tita. Lahat po yan noted,” Sabi ko, pero honestly nakakalimutan ko.

“Also I checked your bank. Di mo pa rin ginagalaw pera mo,” Sabi niya.

“Nahihiya kasi ako, Tita. Besides it’s yours.” Sabi ko sabay buntong hininga.

“What do you mean? Iyo yan, Amor. Naiwan yan ng parents mo para sa’yo.” Tita’s voice came through the phone, slightly sharp.

Napaupo ako nang tuwid sa kama.

“Hindi ko po alam, Tita I mean, wala po talaga akong idea tungkol diyan,” Sagot ko, confused.

There was a short silence on the other line. I could hear faint background noise maybe the TV, maybe something else.

“What do you mean you didn’t know? Sinabi ko na yan sayo dati. Hindi mo naaalala?” She asked again, this time slower.

Napakagat ako sa labi ko. I tried to think. Pinilit kong balikan sa isip ko kung kailan niya nabanggit yon.

“I… I don’t remember po,” Mahina kong sagot.

Another pause.

Then she let out a soft breath. Parang may naalala siya.

“Oh yeah… right.”

“Bakit po? May mali po ba?” Tanong ko agad.

“Nothing. Wala naman. I just thought nasabi ko na sa’yo,” She said quickly.

Tahimik siya saglit.

“I really didn’t tell you?” She asked again softer now.

“Hindi po. Kung may sinabi po kayo dati, hindi ko na maalala,” Sagot ko.

I could almost imagine her nodding slowly on the other side.

“Okay. Then just don’t hesitate to use it,” She said after a moment.

I looked at the ATM card on my nightstand.

“Sigurado po kayo?” Tanong ko.

“Sayo yan. Your parents made sure of that,” She replied firmly.

“Okay po,” Sabi ko.

“Some things were not meant for you to carry too early,” She said, her voice lower.

My heartbeat picked up slightly.

“Ano pong ibig sabihin nun?”

“Nothing complicated. Basta keep it. And when the time comes maiintindihan mo rin,” She said quickly, almost dismissing it.

“Time for what po?” I asked.

Another silence.

Then

“Amor, trust me,” She said gently.

The call suddenly felt heavier than when it started.

“Opo,” I murmured, even though my mind was full of questions.

“Good. And amor,” She said.

“Yes, Tita?”

“Take care of it.”

The way she said it didn’t sound like she was talking about an object.

It sounded like she was talking about a memory.

Or a secret.

“Okay po,” I answered quietly.

“Also, use it whenever you want,” She added, her tone lighter now.

Napangiti na lang ako kahit nalilito.

She’s Aunt Tere. Tumayong magulang ko nang mamatay sa accident si Mommy and Daddy. She’s the only family I have. Nasa Spain siya ngayon at doon na namamalagi. Sometimes tumatawag siya just to check on me.

“Thank you, Tita, for being here. As of now wala pa po akong paggagamitan and I’ll keep it for emergency,” Sabi ko. She giggled.

“You’re just like your dad. Sa dami nun kahit bumili ka pa ng hospital,” Biro niya.

“Tita naman nang aasar pa eh. Pero seryoso po, we can’t tell ano mangyayari sa future diba.”

“You really grew up,” Mahina niyang sabi.

Sandali kaming natahimik. Pero hindi awkward. Yung katahimikan na komportable.

“I miss you, Tita.” Sabi ko habang naka ngiti.

“I miss you too. No time for drama. Go to sleep. You’ll be early tomorrow. Always remember I’m here okay. I love you.”

“I love you too, Tita. Always take care and stay beautiful,” Biro ko.

“Goodnight, anak.”

“Goodnight, Tita.”

Pinatay ko ang tawag. Tahimik ulit ang kwarto pero iba na yung pakiramdam. Hindi na ganun kabigat.

Hanggang sa

Rumble.

Napakunot ang noo ako sumunod ang isa pa, mas malakas.

Boom.

Napatingin ako sa bintana. Madilim ang langit Ilang segundo lang, biglang bumuhos ang ulan malakas. Yung tipong parang may nagbuhos ng isang drum ng tubig mula sa taas.

“Wow dramatic naman,” Bulong ko.

Kidlat.

Isang puting liwanag ang tumama sa buong kwarto, sinundan ng malakas na kulog na parang may sumabog malapit samin.

BOOOOOM.

Napapikit ako.

“Okay medyo OA na to,” Sabi ko sa sarili ko.

Mas lumakas ang ulan. Ramdam ko ang hampas ng hangin sa bintana. Parang may eksena sa pelikula kaya isinara ko ito ng kaunti para hindi mabasa ang gamit ko sa loob.

Tapos

Pak.

Namatay ang ilaw buong bahay tahimik.

Madilim.

“Great,” Nulong ko. Sa sala may narinig akong kalabog.

Isang segundo.

Dalawa.

Tatlo-

“LOVVVVVVEEE!”Napatalon ako sa gulat. may kasunod pang mabilis na yabag sa hallway.

BANG! BANG! BANG!

“LOVE! BUKSAN MO TO!”sigaw ni Lara at hindi lang knock. Parang gigibain na ang pinto ko. Tumayo ako agad at naglakad papunta sa pinto.

“Lara, sandali lang-”Sigaw ko

BANG BANG BANG BANG

“LOVE PLEASE!” Pagmamakaawa nya kaya binuksan ko ang pinto. At bago pa ako makapag-react tumalon siya. Literal.

Kumapit siya sa akin parang baby na takot sa multo, yakap sa leeg ko, nakabaon ang mukha sa balikat ko.

“HOY!” Halos mawalan ako ng balanse.

“May kidlat! Baka tamaan tayo!” Nanginginig niyang sabi hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis o maaawa.

“Lara nasa loob tayo ng bahay,” Sabi ko habang pilit siyang inaalis sa pagkakayakap.

“Eh paano kung tamaan yung bubong?!” Sagot niya, mas humigpit pa ang pagkakayakap sakin.

“Hindi ka ba kanina nagbibida na busy si Lord?” Biro ko.

“Wag mo kong i-quote sa sarili kong joke!” Napatawa ako. Sa sobrang kapit niya, halos nakadikit na siya sa akin kulang nalang maging iisa kami.

“Anong ginagawa mo? Bumaba ka nga,” sabi ko.

“Ayaw ko! Madilim!” Sagot niya.

“Eh may phone ka.”

“Nasa kwarto ko!”

“Eh bakit ka lumabas?”

“Hindi ko naisip okay?!” Napailing ako.

“Ang tapang mo kanina, may miracle-miracle ka pa. Ngayon nanginginig ka.” Paninirmon ko

“Shut up,” Sabi niya, pero mas lalo siyang yumakap. Isang malakas na kulog ulit.

BOOOOOM!

“AAAH!” Napasigaw siya at mas lalo pang dumagan sa akin.

“Lara, hindi ka na baby.” Sabi ko

“Hindi ko kasalanan kung dramatic ang panahon!” Sabi nya Tinatawanan ko na siya.

“Alam mo ba, kung may multo man dito, baka ikaw ang katakutan niya.” Sabi ko at umiling

“love!”

“Oo na, oo na,” Sabi ko habang buhat buhat ko sya Isinara ko ang pinto.

Madilim pa rin, pero may konting ilaw mula sa kidlat sa labas.

“Dito ka na muna,” Sabi ko.

“Dito saan?” Tanong niya.

“Sa sahig,” Sagot ko agad.

“Ano?!” Napatingin siya sa akin kahit madilim.

“Joke.”

“Hindi nakakatuwa.”

“Para sa akin, oo.” Umupo kami sa kama ko. Ramdam ko pa rin ang panginginig niya.

“Grabe ka naman, Akala mo naman kung may apocalypse na.” Sabi ko.

“Hindi mo naiintindihan,Takot ako sa kulog simula bata.” Sabi niya. I don't actually know about that kasi naman strong, mataray, funny at positibong side nya nakikita ko ka medyo natahimik ako.

“Ah,” sabi ko, mas mahina na.

Isang kidlat ulit ang nagliwanag sa kwarto kaya naman mas lumapit siya.

“Lara,” Sabi ko.

“Hmm?”

“Kung may magnanakaw man, baka isipin niya mag-jowa tayo.” Biro ko para hindi nya isipin ang kidlat

“Shut up ka nga!” Sabi nya natawa na naman ako. Ilang segundo pa, biglang

Click.

Bumalik ang ilaw Pareho kaming napapikit sa liwanag tahimik tumingin siya sa paligid. Tapos sa akin Tapos sa pagkakayakap niya sa akin Dahan-dahan siyang bumitaw.

“Okay, Hindi naman pala ganun kalala.”Sabi niya sabay tumikhim.

“Talaga?” Taas kilay ko.

“Hindi mo na kailangang ikwento to ha.” Sabi nya sabay irap

“Too late. I will treasure this memory forever.” Pangaasar ko naman

“Love.”

“Hmm?”

“Pwede ba-” Tumingin sya sakin na parang nagmamakaawa

“Ano?”tas kilay kong tanong

“Pwede ba akong dito na lang matulog?”

Napatingin ako sakanya.

“Ha? Bakit?”

“Baka bumalik ulit yung brownout.”

“Lara.”

“Please.”

“May sarili kang kwarto.”

“Alam ko.”

“May sarili kang kama.”

“Alam ko.”

“May sarili kang ilaw.”

“Alam ko!”

“Eh bakit dito?” Tahimik siya sandali.

“Mas safe lang.” Tinitigan ko siya

Hindi na siya nagbibiro ngayon

Napabuntong-hininga ako.

“Fine. Pero wag kang kumapit sa leeg ko na parang koala.”

“Promise.” Sabi nya

“Promise?” Tanong ko

“Promise.” Humiga siya sa kabilang side ng kama ko. May space pa sa gitna. Tahimik ulit naririnig pa rin ang ulan sa labas, pero hindi na ganun kalakas kaya tumayo ako at sumilip sa bintana at binuksan ito mas gusto ko kasi ang sariwang hangin sa mga ganitong panahon.

After a few seconds napaisip ako

Maybe bukas may bagong simula.

Maybe hindi ko kontrolado lahat.

Pero hindi pala ganun ka brutal mangyayari. Stop overthinking self.

Unti-unting pumikit ang mga mata ko, dala ang halo-halong kaba, excitement, at konting lakas ng loob na galing sa mga taong naniniwala sakin At sa wakas, nakatulog din ako

AFTER SOME TIME

Ang sarap ng tulog ko the kind of deep, heavy sleep na parang wala nang problema sa mundo.

Hanggang… bwak! Bwak!

“Ugh ano to?” Gising ko, medyo napapikit pa. May tunog ng kumakalog sa bintana.

“Bakit parang may ibon sa loob ng kwarto?!” Sigaw ni Lara mula sa kabilang side ng kama.

Bukas ang bintana namin hindi ko maalala kung bakit pero doon na pumasok.

A freaking chicken. Yes. A live, full-grown, slightly flapping, very confused chicken.

Lumipad-lipad siya sa paligid ng kwarto, tumatawid sa kama namin, kumakain ng unan, at nag-iiwan ng well, hindi maganda.

“ANO BA TO?!” Sigaw ko, tumalon sa kama. Si Lara, parang batang nakakita ng alien, hawak-hawak ang mga kamay niya sa mukha.

“Parang gusto ko na lang umiyak!” Sabi niya, sabay takbo palapit sa wardrobe.

“Chicken! Out! OUT NA!” Sigaw ko, habang sinusubukang hulihin ang ibon. Pero wala pa ata sa kanya ang sense of personal space, flaps siya sa paligid parang may sariling plano.

“Amor, HALA! Ang unan ko!” Nag-roll si Lara sa floor para iwas sa manok na ginagawang laruan ang bed namin.

“Okay. Okay. Focus. Focus,” Sabi ko sa sarili. Humakbang ako sa bathroom side, pero ang chicken… dumiretso sa mesa, nagulat ko, at may kumain ng mga sticky notes ko.

“ANG IBON, GRABE!” Sigaw ni Lara habang sinusubukang itulak palabas si feathered intruder. Biglang may ideya akong naisip.

“Wait… towel! Baka mahuli natin siya sa towel!” Agad kong hinila yung beach towel na ginagamit namin sa pagligo.

“Do it carefully!” Utos ko kay Lara, parang may operation kami laban sa animal invasion.

May konting struggle, pero nahuli rin namin si chicken. Tapos? Natulala ako sa subrang kalat ng room mo nagkalat ang mga gamit sa floor.

“Amor… ang messy ng kwarto mo. Pati unan mo, napunta sa floor!” Sabi ni Lara, medyo napapailing. Napatingin ako sa orasan.

“Tara na! Late na ako sa first day ko! Wag na nating masyadong ayusin, focus sa trabaho!” Sabi ko, habang nag madaling pumuntang bathroom. Pero si Lara, nakangiti lang, hawak ang chicken, parang trophy.

“Parang first day mo lang, pero may battle ka agad sa life,” Sabi niya, sabay tawa.

“Exactly. Chicken edition. Walang warm-up,” Sagot ko, habang nag huhubad mamaya ko nalang aayusin mga gamit ko pagka-uwi.

Nang okay na ang lahat nagmadali kami palabas ng kwarto pero hindi ko alam kung dapat iwan na lang namin yung chicken o hindi. Si Lara, parang happy battle partner nya, parang gusto pa nya gawing alaga.

“Amor… promise, this is gonna be a story to tell,” Sabi ni Lara.

“Story? Oo. Pero first day ko sa trabaho, hindi sa chicken farm, teka bat di kapa nag bihis?” Tanong ko nagkibit-balikat sya sabay roll eyes.

"Wala akong work" Sabi nya habang hawak ang manok na kanina kinakatakutan niya.

Lumabas kami ng bahay dala dala parin si chicken, parang saksi sa chaos na ginawa namin.

“Good luck sa unang araw mo, Love. At sana di ka ma-stress sa boss mo, kasi dito sa bahay, na-try mo na lahat ng stress,” Sabi ni Lara, sabay tawa.

Habang naglalakad papunta sa kotse liningon ko sya at ayun kinakausap ang manok.

“Next time, don’t do that, ah. Baka gawin ka niyang adobong paksiw o di kaya sinigang na kaldereta,” Sabi niya sabay lingon sa’kin at ngiti. Nag-wave na lang ako at pinaandar ang sasakyan. Too much stress para sa first day.

Just wanna know:

Have you ever felt like you’re not ready even when everyone else believes you are?

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.